Chapter 5: Setting Free
Isang araw habang inaantay ni Annika si Pipoy ay may tingin ng tingin kay Annika at napansin ni Vem yon. “Uy annika kanina ka pa tinitignan nung guy don o” bulong ni Vem.Nagtilian ang mga girl kaya napatingin si Annika pero agad siyang tumalikod at tumili. “Shet ang gwapo niya” bulong ni Annika at nagtawanan sila. “Uy lalapit na siya dito” sabi ni Ella. “Ows? Hala, ano okay ba itsura ko, ano nandyan na ba?” tanong ni Annika.
“Hi” sabi nung lalake at humarap yung apat at super smile si Annika. “Hi, ako nga pala si Bobby” sabi ng lalake at nakipagkamay siya kay Annika. “I am Annika, and these are my friends, Ella, Beverly and Vem” sagot ni Annika at pulang pula ang mukha ni Annika at kinikilig sila dahil gwapo at matangkad si Bobby. “Ah oo pala my friends over there is Benjie and Yhayan ay este Ryan pala” sabi ni Bobby at nagtawanan ang mga girls at lumapit naman ang ibang kasama ni Bobby.
Tamang tama palabas na ang apat na boys nang makita nila ang mga girls na may kausap, natulala si Sarry at Pipoy habang pinagmamasdan sila ni Robert at Vashty. Agad hinawakan ni Robert si Sarry, “Pare easy, baka nakikipagkilala lang” sabi ni Robert. Hinawakan ni Vashty si Pipoy pero ngumiti lang siya. “No need pare, its okay baka nga nakikipagkilala lang” sabi ni Pipoy kaya tumambay sila sa sweet spot nila at pinagmasdan ang mga girls.
Busy nagtext si Sarry habang malayo nakatingin si Pipoy, si Robert binabantayan ang dalawa maigi baka bigla sila sumugod. Si Vashty pinanood nalang ang mga girls habang hawak hawak nya ang pantalon ni Pipoy. Nakatanggap ng text si Sarry at nakahinga siya ng maigi, nakibasa si Robert at sabay nila tinignan si Pipoy. “You don’t have to tell me pare, nakikita ko naman from here na masaya si Annika. Uwi nalang tayo” sabi ni Pipoy at nagsimula na syang maglakad kaya mabilis siya tinabihan ni Robert at Vashty.
Malapit na ang grupo nina Pipoy sa lugar ng mga girls, nakatalikod ang kausap nilang lalake pero nagkatitigan si Pipoy at Annika, ang ngiti sa mukha ni Annika biglang nawala nang diniretso na ni Pipoy ang tingin niya at tuluyan na silang nalampasan. Nagkatinginan ang girls at bago pa sila makareact e nakalayo na ang boys.
Pagkauwi ni Annika napatingala siya sa bintana ni Pipoy, nakasara pa ito pero narinig niya na may naglalaro ng bola. Pumunta siya sa likod ng bahay nila at nakita niya si Pipoy doon. “Poy, bakit ka nauna umuwi?” tanong ni Annika at tumigil si Pipoy at tinignan siya. “Busy ka e at gusto ko na umuwi” sagot niya. “E di sana sinabi mo para sabay tayo” sabi ni Annika. “Nakakahiya naman mag interrupt so nauna nalang ako” sabi ni Pipoy at nagtuloy siya sa pagshoot ng bola. Iniwanan na ni Annika si Pipoy, alam niyang galit siya at tuwing ganito ang kaibigan natatakot niya itong kausapin.
Kinabukasan ng dismissal nandon ulit ang grupo nina Bobby kasama ang girls. Nakita ni Annika si Pipoy na sumandal sa pader at tinignan ang relo niya, alam niya maghihintay ang kaibigan niya kaya tinuloy niya ang pakikipagkwentuhan kay Bobby. Trenta minutos ang lumipas di na mahanap ni Annika si Pipoy, “Kaalis lang di mo ba nakita?” bulong ni Vem. “Why is there something wrong?” tanong ni Bobby. “I have to go home now” sabi ni Annika at mabilis siya naglakad para mahabol si Pipoy.
Naabutan ni Annika si Pipoy na naglalakad at agad niya ito tinabihan. Binangga niya ang katawan ni Pipoy pero hindi siya tinignan nito, inabot lang ni Pipoy ang kamay niya at binigay naman ni Annika ang bag niya. First time nila naglakad pauwi na hindi nag usap pero pagdating sa bahay, “Poy gusto mo gawan kita ng meryenda?” tanong ni Annika. Inabot ni Pipoy ang bag niya sabay naglakad na pauwi, “Hindi ako nagugutom, sige madami pa ako gagawin” sabi nalang ni Pipoy. “Are you jealous?” biglang tanong ni Annika at napatigil sa paglakad si Pipoy per di parin siya hinarap. “Why would I be jealous? I am just your bestfriend” sagot niya sabay pumasok na sa loob ng bahay nila.
Friday ng dismissal pagkalabas ng boys wala ang girls sa labas, tinext ni Sarry si Beverly at nalaman nila na maaga sila umuwi. Nagsiuwian narin ang mga boys at pagdating ni Pipoy sa bahay nila eksaktong palabas si Annika. Napansin ni Pipoy ang suot ni Annika, pink dress at maiksi ang skirt nito. “Bakit ganyan ang suot mo?” tanong n Pipoy. “Wala, niyaya kami ng pinsan ni Vem na lumabas, gigimik” sagot ni Annika. “E bakit mo kailangan magsuot ng ganyan, pwede ka naman mag jeans nalang” sabi ni Pipoy. “Ano ba pakialam mo?” sumbat ni Annika.
“Pwede ba wag yan isuot mo?” hiling ni Pipoy. “Gusto ko nga e! Di mo ako pwede diktahan porke bestfriend kita” sagot ni Annika at niyuko ni Pipoy ang ulo niya at naglakad papunta sa pinto nila. “Uy sorry, I didn’t mean to say that” sabi ni Annika nang tabihan niya si Pipoy sa may pinto. May taxi na dumating at sinigaw ng ibang girls ang pangalan ni Annika. “Sige enjoy” sabi ni Pipoy at pumasok na sya sa loob. Guilty si Annika, gusto sana magbihis pa pero nandon na ang mga kaibigan nya kaya sumama na sya sa kanila.
Di nakakain si Pipoy ng dinner, wala siyang gana kaya nahiga lang siya sa kama niya. Dati dati tuwing lalabas ang girl parating nagtetext si Annika sa kanya pero ngayon ni isang text wala syang natanggap kaya kinakabahan siya. Pinagmasdan ni Pipoy ang cellphone niya at ilang beses na niya gusto itext si Annika para kumustahin pero nahiya siya baka sabihin nanaman na nakikialam siya. Hindi mapakali si Pipoy kaya nagbihis siya, gusto niya sumunod sa pinuntahan nila pero hindi niya alam kung saan.
Alas diyes na ng gabi naglalakad lakad siya sa kwarto niya at biglang tumunog ang kanyang phone. Agad niya binasa ang text at galing ito kay Beverly, lasing na daw si Annika at niyayaya na sila mag sleep over sa bahay ng isang kaibigan ng pinsan ni Vem. Sinabi ni Beverly kung nasan sila at kung pwede agad siya pumunta doon para sunduin sila. Mabils lumabas ng bahay si Pipoy at tumakbo, nakahanap siya agad ng taxi at sumugod papunta sa bar.
Pagdating ni Pipoy sa bar tulog na si Annika, wala yung mga nagyaya sa kanila pagkat may pinuntahan daw saglit. Nilabas nila si Annika at agad nagpara ng taxi, sasakay na sana sila lahat pero may biglang humawak kay Pipoy na lalake, “Saan mo dadalhin ang date namin?!” sigaw ng lalake. Biglang sinapak sa mukha si Pipoy at napadapa siya sa semento, nagsigawan na sina Vem, Ella at Beverly pero nagawang isara ni Pipoy ang pinto ng taxi. “Take her home” sabi ni Pipoy at tatlong lalake ang gumulpi sa kanya.
Nagnerbyos ang mga babae pero wala na sila magawa, naihatid nila si Annika sa bahay nila pero nakatikim pa sila ng sermon mula na nanay niya. Kinakabahan ang tatlo at muli sumakay sa taxi at binalikan si Pipoy. Tinawagan nila ang ibang boys upang sabihin ang nangyari.
Dumating ang girls sa bar pero di na nila makita si Pipoy o yung mga nakasama nila gumimik. Inantay nila ang boys at unang dumating si Sarry na nag iinit ang ulo. Ilang minuto pa dumating si Vashty at Robert na dala dala pa nya ang gitara niya. “Asan na si Pipoy?!” tanong ni Robert. “Di nga namin alam e, basta nung sasakay na kami sa taxi last sya. Tapos hinawakan siya tapos pinagsusuntok at pinagsisipa pero mabilis nagpatakbo yung driver kasi natatakot din baka batuhin kami” kwento ni Ella.
“E bakit niyo siya iniwan naman!?” sigaw ni Vashty. “Oo nga bakit niyo siya iniwan, my God pwede niyo naman sana pinigilan yung mga lalakeng yon” biglang sabi ng ibang babae at nagulat sila. Namukhaan nila yung babae, schoolmate nila at kaklase ni Pipoy na si Anne. “Anne? Nandito ka din kanina?” tanong ni Beverly.
“Napadaan lang kami and I saw everything” sabi ni Anne. “O nasan na si Pipoy?” tanong ni Vashty. “Bibilhan ko sana ng tubig o maiinom, dito halikayo” sabi ni Anne at sinundan nila siya papunta sa likod ng bar at doon nila natina si Pipoy nakupo sa semento at nakasandal sa pader. Duguan ang mukha niya at pati mga kamao. Mabilis nila ito nilapitan, “Pipoy okay ka lang pare?” tanong ni Sarry. Napatingin si Pipoy kay Beverly at sa ibang girls. “Nahatid niyo ba?” tanong ni Pipoy at halos maiyak na ang mag girls dahil sa kalagayan niya. “Oo she is safe” sagot ni Ella.
Ngumiti si Pipoy at pinikit ang mga mata niya, nakahinga siya ng maluwag at sabi “If she is fine then I am alright…yun lang naman ang mahalaga” bulong niya. “Dalhin ka na namin sa ospital pare” sabi ni Robert at sinubukan nila siya ibangon pero umayaw si Pipoy. “Im fine…let me rest konti” sabi ni Pipoy at nakabalik si Anne at lumuhod sa tabi nya at pinainom siya. “Oy wala ako mahanap na water, kaya eto Coke in can lang” sabi niAnne. “Hindi pwede magagalit si Annika, ayaw niya ako mag softdrinks” sabi ni Pipoy. “She isn’t here okay! And you need to drink” sabi niya Anne at pinainom niya si Pipoy.
“Oy..dont tell Annika about this…I need you to promise me” sabi ni Pipoy at tinignan niya ang mga kaibigan niya. “Oo di namin sasabihin na uminom ka ng Coke” sabi ni Vashty sabay tawa. “No, about this…etong nangyari…mangako kayo na never niyo sasabihin sa kanya. Not a single word” sabi ni Pipoy at natahimik ang mga kaibigan nya.
“E what if she asks?” tanong ni Vem. “E di sabihin niyo lang na hinatid niyo siya pauwi that’s it” sagot ni Pipoy. “Oo pare di namin sasabihin, diba?” sabi ni Sarry at pagalit niyang tinignan si Beverly. “Pare you don’t have to get mad at her…everything is fine” sabi ni Pipoy at pinikit niya ang mata niya at pinunasan ni Anne ang dugo sa bibig nya.
“Nasan na yung pinsan mo Vem at yung mga kasama niya at patitikman din namin ng konti” tanong ni Vashty. “Di ko alam, kanina ko sinusubukan tawagan e” sagot ni Vem. “Tinakbo sila sa ospital” sabi ni Anne at napatingin ang lahat sa kanya. “Di rin ako makapaniwala sa totoo lang akala ko nanonood ako ng movie…pero kahit ganito itsura ni Paul Francis sana nakita niyo itsura nila” kwento ni Anne at biglang ngumiti si Pipoy. “Mala artista ba ang dating?” tanong ni Pipoy at tumawa si Anne. “Manny Pacquiao na gwapo” sabi ni Anne at tumawa si Pipoy at tinignan niya ang mga kaibigan nya.
“I know kung fu” biro nya at nagtawanan na silang lahat. “Kung fu ka dyan, sinuntok mo yung isa sa balls” banat ni Anne at tinukso ni Robert si Pipoy. “Nandaya ka naman pala pare e” sabi nya. “Tado kung nakatayo ako mukha yon nasuntok ko, nakaluhod ako non e kaya sorry” sabi ni Pipoy at tawa sila ng tawa. “Poy…pati ba yung pinsan ko?” tanong bigla ni Vem pero nginitian siya ni Pipoy.
“No…kilala ko pinsan mo” sabi ni Pipoy. “Siya ba yung naka stripes na blue?” tanong ni Anne at nag oo si Vem. “Yeah siya yung nagtakbo sa kanila sa hospital” sagot ni Anne. Di makapagsalita si Vem at naiyak nalang sa hiya. “Anne is your friend okay? Its getting late na iha uwi na tayo” sabi ng isang matandang babae. “He is fine ma” sagot ni Anne. “Uy Anne sige na, salamat talaga, sorry about your blouse, dalhin mo nalang sa Lunes at labahan ko or palitan ko nalang siya” sabi ni Pipoy. “Hindi na ano ka ba, sige na classmate pero sure ka okay ka lang?” tanong ni Anne. “Yes, thanks to you” sabi ni Pipoy at nagngitian sila.
“Iho are you sure okay ka lang? We can have you get checked up sa hospital” alok ng nanay ni Anne. “I am okay po” sagot ni Pipoy kaya umalis na sina Anne. Umuwi na ang mga girls habang ang boys nagpunta sa bahay ni Vashty para doon matulog.
Kinabukasan nakadungaw si Annika sa bintana niya nang makita niya si Pipoy naglalakad pauwi na nakayuko ang ulo. “Hoy, lumabas ka din pala kagabi e. At least ako umuwi e ikaw ngayon ka lang uuwi! Diyan ka magaling pag wala ako makikipag inuman ka sa mga kaibigan mo tapos umaga ka na uuwi!” sigaw ni Annika. Tinignan siya ni Pipoy at nagulat si Annika nang makita ang mga pasa at bukol sa mukha niya. “Hindi ako uminom, sige” sabi ni Pipoy at naglakad na pauwi sa kanila. “Teka Pipoy! Ano nangyari sa iyo?!” sigaw ni Annika pero tila hindi siya narinig ni Pipoy at sinara na ang pinto.
Mabilis bumamba si Annika at lalabas na sana ng bahay nila pero pinigilan sya ng nanay niya. “Annika, go back to your room now! Grounded ka remember?” sabi ng mommy nya. “Pero ma si Pipoy may pasa pasa sa face” sabi ni Annika. “Annika, go back to your room now” sabi lang ng nanay niya at wala nagawa si Annika at bumalik sa kwarto niya. Pinagmasdan ni Annika ang bintana ni Pipoy, inaantay niya ito magbukas. Sinubukan niya itext at tawagan cellphone ni Pipoy pero ito ay nakapatay. Buong araw siya nag abang sa bintana pero ni anino ng kaibigan niya hindi niya nakita.
Lunes ng umaga maaga pinunathan ni Annika si Pipoy pero nalaman niya na nauna na siya pumasok. Agad pumunta si Annika sa school pero hindi niya mahanap si Pipoy. Pati lunchbreak hindi niya ito nakita kaya hindi na sya nakakain pagkat wala yung bestfriend niya. Dismissal na nung nakita niya si Pipoy at agad niya ito sinugod. “Hoy, nakipag away ka nanaman! Ilang beses ko sasabihin sa iyo na wag na wag kang makikipag away!” sigaw ni Annika at lahat ng estudyante nakatingin sa kanila.
Mabilis na nilayo ni Ella si Annika pero nagpumilit si Annika na sundan si Pipoy. Nagbuo na ang grupo nila sa labas ng campus pero di nagpaawat si Annika. “Ayan tignan mo nangyari sa iyo, ang tigas tigas kasi ng ulo mo. Tapos iiwasan mo pa ako imbes na matulungan kita. Ano napapala mo sa pakikipag away mo ha? Siga ka ganon ba? Ano gusto mo patunayan?” banat ni Annika. “Uy Annika tama na may rason…” sabi ni Vem pero masama ang tingin ni Pipoy sa kanya kaya tumahimik siya.
Isang buong lingo hindi nagsama si Annika at Pipoy, naawa na ang mga girls kay Pipoy at gusto na nila sabihin ang katotohanan kay Annika pero nakiusap muli si Pipoy na wag nila gagawin yon.
Next Monday ng dismissal itinabi ni Sarry si Pipoy at pinauna nang umalis si Vashty at Robert. “Pare I think you have to hear this from the girls and not from me” sabi ni Sarry at sumenyas siya at lumapit na sina Ella, Vem at Beverly. Naupo sila lahat sa bench at tinignan ni Pipoy ang mga girls. “First time kayo uupo dito kay Virgo ha” sabi niya. “Virgo?” tanong ni Ella. ‘Oo itong bench namin binigyan namin ng name, ito ang parang space ship namin, siya si Virgo” sabi ni Pipoy at napangiti lang ang girls at napansin ni Pipoy na parang may gusto na talaga sila sabihin.
“Sabihin niyo na baka maatake pa kayo pag tinago niyo” sabi ni Pipoy. “Poy kasi si Annika, galit na galit sa iyo…while di kayo nagsasama lalo sila naging close ni Bobby” kwento ni Beverly at napangiti lang si Pipoy. “Pipoy balak na niya sagutin ngayon si Bobby, nagpunta na nga sila para kumain e…pero we can still stop this you know” sabi ni Ella.
“Alam ko nagpromise kami sa iyo pero ayaw naman namin ganito mangyari e. Kahit di niyo sabihin obvious naman na you two like each other. So ask kami permission at sasabihin na namin sa kanya ang totoo para ok na ang lahat at din a niya ituloy kay Bobby” sabi ni Vem.
“Di niyo ba napansin si Annika tuwing kausap niya yang Bobby nay an…nakita niyo ba ngiti niya…kakaiba ano? Her smile is sweeter…parang happy siya…I could not even make her smile that way. Unang tingin ko palang e I felt something already. Parang ako yung nagpipigil lang sa kanya talaga to be happy, parang I am pulling down. Alam niyo ba I tried pero tinawanan niya lang ako…na in your face ako that time…pero yung ngiti niya grabe…it makes me want to smile too nung nakita ko yung ngiti niya pero masakit kasi hindi ako yung nagpasmile sa kanya ng ganon”
“Para maging happy siya I gave her a reason to hate me…para maging happy na siya. Kaya please don’t tell her, let her be happy. Hayaan niyo na siya gawin ang gusto niya” sabi ni Pipoy at nalungkot ang girls pati na si Sarry.
“That smile on her face…kahit na gaano kasakit sa akin…ayaw ko yon mawala sa mukha niya”