Chapter 8: Your Turn to Give Way
Sabado, second game at doon naman sa school nina Bobby magaganap ang laro. Nakapwesto na sa bleachers ang grupo at halos di pa nakarecover si Annika sa kanyang nagawa. Nagstart ang game at napansin niya wala sa court si Pipoy, napatingin sya kay Robert agad. “Ah ganyan talaga pag basketball may tinatawag din na pagdisiplina. Siguro mamaya paglalaruin din siya” paliwanag ni Robert at lalo pang sumama ang loob ni Annika.
Close ang laban at nanalo ang school team nila, tabla na sa isang panalo ang bawat koponan pero hindi nila nakitang naglaro si Pipoy. Tumayo si Annika at nakita niya si Pipoy na nakatingin din sa kanya, kinawayan nito ito at kumaway din siya pero bigla siya tumigil at nang sundin niya ang tingin ni Pipoy nakita ni Annika si Bobby. Naipit tuloy si Annika at di niya alam ang gagawin niya pero nakita niya tumalikod si Pipoy at naglakad nalang palayo kasama ang team mates nya.
Alas sais na nakauwi si Annika at nahapan niya si Pipoy sa likod ng bahay nila naglalaro ng bola. “O kumusta ang date niyo?” tanong agad ni Pipoy at inagaw ni Annika ang bola at ginuwardyahan naman siya ni Pipoy. “Di ka nakapaglaro kanina” sabi ni Annika. “Wala yon, ang importante nanalo, sabi ko naman sa iyo team game yan” sagot ni Pipoy. “Pero kahit na, you wanted to play diba?” hirit ni Annika at napaisip si Pipoy.
“I am playing now, with you…mas masaya pa ako pag ganito. Sige tulad ng dati first to ten” sabi ni Pipoy at napangiti si Annika. “One hand ka tapos kahit di ako magdribble?” pacute na sabi ni Annika. “Oo sige, game na” sabi ni Pipoy at naglaro ang magkaibigan, tulad noong bata sila.
The following Saturday sa isang coliseum naganap ang last game ng championship. Punong puno ng tao ang lugar at ang ingay ingay sa loob. Hati ang crowd at sobrang excited ang lahat pagkat malapit na magsimula ang laban. Katabi ni Annika ang parents ni Pipoy at ang mga barkada niya, nalilito siya kung sino ang papanoorin niya sa warm up pagkat nasa isang team ang boyfriend niya at nasa kabila naman ang matalik niyang kaibigan.
Game time na at napansin nila wala ulit si Pipoy sa starting line up at nalungkot si Annika at nagsimula nanaman siyang maging guilty. Kitang kita ang dismaya sa mukha ni Pipoy pero pumapalakpak siya para sa team mates niya. Nagkamayan na ang mga manlalaro at naghanda sa pwesto, “Paglaruin si Pipoy!!!” biglang sigaw ng isang babae at pagtingin nila si Anne yon. “Pipoy! Pipoy! Pipoy!” sigaw nya at tumayo narin ang tatay ni Pipoy at nakisabay kay Anne. Parang kalahati na ng coliseum sinisigaw ang pangalan ni Pipoy, nakayuko lang si Pipoy at tinitignan siya ng coach niya.
Nagulat ang lahat nang pati si Bobby nakisama at inengganyo niya ang mga school mates nya din kaya buong coliseum na ang nagtatawag kay Pipoy para maglaro. Natuliro ang mga refree at biglang tinuro ni Bobby si Pipoy. Lumapit ang dalawang coach sa mga refree at pumayag ang kalaban na paglaruin na siya kahit wala siya sa starting line up. Tumayo na si Pipoy at nagtungo sa gitna at nagkatitigan sila ni Bobby.
“Wala naman kasing kwenta pag tinalo namin kayo at di naglaro ang star player” banat ni Bobby at ngumisi lang si Pipoy. “You know…you will regret saying that” banat ni Pipoy at nagsimula na ang laban.
First possession kina Bobby, nagkaharap sila ni Pipoy at mahigpit ang depensa. Mintis ang tira ni Bobby kaya sa kabila bumaba ang bola at naipasa kay Pipoy sa three point area pero madikit si Bobby. “Alam namin ang laro mo, di ka namin patitirahin sa labas” sabi ni Bobby kaya napilitan si Pipoy na ipasa ang bola. Wala parin nakakashoot pero muling nahawakan ni Pipoy ang bola at nagkatitigan sila ni Bobby. Pumeke na titira si Pipoy at napatalon si Bobby, dribble si Pipoy at lumusot dumiretso ito palapit sa ring at bigla nalang tumalon ng mataas…sumabay ang sentro ng kalaban…pero naunahan na siya ni Pipoy, slam dunk!
Lahat nagsitalunan sa tuwa nang nakapuntos si Pipoy, pati si Annika di niya mapigilan ang pagsisigaw niya pero tulad ng bawat shoot hindi siya ang tinuro ni Pipoy. Sinundan niya ang kamay ni Pipoy at kay Anne sya nakaturo kaya napaupo siya agad at sumama ang loob.
Natapos ang first half at ang laki ng lamang nina Pipoy, lalo pang nalungkot si Annika at napansin ni Beverly ito. “Don’t be selfish Annika” sabi niya sa kaibigan nya. “Masama ang loob ko friend…sakit e” bulong ni Annika at naluluha na siya. “Now you know ano din naramdaman niya nung nakikita niya kayo ni Bobby. Ewan ko ba sa inyong dalawa lalo na ikaw. Obvious naman you like each other di niyo pa maamin sa isat isa” sabi ni Ella.
“Umamin siya” bulong ni Annika at kunwari nalang nagulat ang girls pagkat nakwento na ni Pipoy sa kanila. “He said he likes me pero tinawanan ko lang siya” sabi ni Annika. “Gaga ka pala e bakit mo kasi tinawanan e gusto mo din naman siya diba?” sabi ni Vem. “Nabigla ako e…di ko alam pano magreact…I was so happy hearing it at kinilig ako sobra pero nahihiya ako ipakita sa kanya. Ewan ko basta nalang ako tumawa pero I was really happy…pero when I asked him later kung totoo he said joke lang” kwento ni Annika.
“Syempre tinawanan mo napahiya na siya. Sasabihin nalang niya na joke lang para di mo na ulit tawanan…o ayan. Kung ikaw sana yung sumigaw kanina ng pangalan niya e di ikaw parin sana ang tinuturo niya. Sa tingin ko he was holding on still pero, nakikita ko sila ni Anne they are sweet…pero he was still looking for something…something to let go of you ng tuluyan ang Anne just gave it to him” sermon ni Beverly. “Its your turn to give way, wag kang selfish” hirit ni Vem at tuluyan nang naluha si Annika.
Bago nagsimula ang second half nagkatabi sina Bobby at Pipoy, “Panalo na siguro kayo, pero I know you like Annika and I have her” bulong ni Bobby at ngumiti si Pipoy. “I just realized that I too have a life…oo tapos na itong laro pero I am going to destroy your name” banta ni Pipoy at nangilabot si Bobby pagkat nanlilisik ang mga mata ni Pipoy.
Nagpakitang gilas si Pipoy at talagang pinahiya niya si Bobby pagkat sya ang bantay niya. Ang tinuturing na star player ng kalaban nagmistulang walang alam tuloy sa laro dahil kay Pipoy. Pinaupo si Bobby ng coach niya kaya nagpasub din si Pipoy. Nang ibalik si Bobby pati si Pipoy bumalik para maglaro.
Last two minutes na nagdiriwang na ang kampo nina Pipoy pero hindi pa siya tapos. Binababa niya ang bola at bigla nalang siya tumigil at inabot niya ang bola kay Bobby. “Show me what you got” sabi nya at mabiils naman kinuha ni Bobby ang bola ang nagdribble papunta sa court nila. Hinabol ito ni Pipoy, tumalon si Bobby at akala niya nakalusot na siya ng isang lay up pero ang taas ng talon ni Pipoy at tinapalan siya ng solid. Ang tindi ng kantyawan at sigawan pero ang kampo ni Bobby tahimik. “My turn” sabi ni Pipoy at mabilis niyang binaba ang bola at galit na galit si Bobby at hinabol siya.
Wala magawa si Bobby at nagpakawala agad si Pipoy ng three pointer na di pa niya tinitignan ang ring, nakatingin lang sya kay Bobby…pasok ang bola at tuluyan nang nanghina si Bobby at tuloy ang pagtitig ni Pipoy sa kanya. Hanggang sa tumunog ang last buzzer di umalis sa tabi ni Bobby si Pipoy at nang abutin ni Bobby ang kamay niya tumalikod lang si Pipoy at tinitigan si Annika saglit sabay tinungo ang ulo niya.
“Bakit ganon si Pipoy? Parang ang bastos niya masyado ngayon?” tanong ni Annika. Tumayo si Robert at Sarry upang pumalakpak, “Ganyan ang lalake kasi, at di naman yan namemersonal e, he was trying to send you a message” sabi ni Robert. “Anong message? E bakit di pa niya sabihin ng diretso sa akin?” tanong ni Annika. “Hay Annika, parang di mo kilala si Pipoy. What he did to shame Bobby, ikaw ang kausap niya, isipin mo nalang ano yon pero di pa ba obvious?” banat ni Sarry. Napatingin si Annika kay Bobby at halos di maipinta ang mukha niya, paglipat niya kay Pipoy ay isang napakasayang tao na pinagkakaguluhan ng marami.
Pinuntahan nila si Pipoy at nagulat si Annika pagkat agad siya niyakap ni Pipoy at binuhat. Di alam ni Annika ang gagawin niya, nagustuhan niya ang pagyakap ni Pipoy sa kanya pero deep inside di niya maintindihan ang nararamdaman niya. Yumapak nalang siya kay Pipoy at hinigpitan niya ito, lalo pa siya nagulat nang halikan siya bigla ni Pipoy sa pisngi. Sobrang saya ni Annika at pulang pula ang face nya pero bigla siya binitawan ni Pipoy pagkat lumapit si Bobby.
Ngumiti lang kay Annika si Pipoy at tumalikod na, hati ang puso ni Annika sa sandaling yon pero pinadali nalang ni Pipoy ang lahat at siya ang lumayo. Ngayon naiintindihan ni Annika ang gustong iparating ni Pipoy, na pinili niya ang maling lalake.
Lunes ng hapon, program para sa anniversary ng school. Nakapwesto na ang girls at boys at inaantay nila ang number ni Pipoy. Naiinip na sila pero dumating narin ang oras at pinakilala si Pipoy pero nagtataka sila hindi binanggit ang panglan ni Anne. “Hi, may I request the help of my friend Robert” sabi ni Pipoy at nagulat si Robert at nagkatitigan sila at tinawag sya sa harapan. Tinukso nila si Robert at game na game naman siyang pumunta sa stage. May inabot sa kanya si Pipoy at nagkabulungan sila. May naglabas ng gitara at isang upuan at binasa ni Robert yung papel.
Nagpapatugtog si Robert pero nagsalita si Pipoy, “Ah impromptu po na kanta, I just want to share this…nung first time ko narinig itong kantang ito noon pa ewan ko bakit parang kinakausap ako ng kanta. Inintindi ko ang lyrics at sapol na sapol ako. Bespren para sa iyo to at alam ko hindi ka music lover pero alam ko masasabayan mo tong kanta…trust me…ilang beses mo na ito narinig…ilang beses ko na kinanta ito…” sabi ni Pipoy
“Title ng kanta Ang Aking Awitin” sabi ni Pipoy at nagsimula nang mag gitara si Pipoy.
“Bakit di ko maamin sa iyo..ang tunay na awitin ng loob ko, Di ko nais mabuhay pa kung wala sa piling mo. Ngungit di ko parin maamin sa iyo….” Kumanta si Pipoy at mga girls napatingin kay Annika pagkat naluluha siya pero nasasabayan niya ang kanta. Tulala lang si Annika at parang possessed, nakatingin sa kanya si Pipoy at siya din nakatingin sa kanya.
Parang sabay sila kumakanta sa sandaling yon at tumulo na ang luha ni Annika pagkat ito ang tinig na naririnig niya tuwing natutulog siya noon at kamakailan lang di na niya narinig pa, ngayon nalang ulit.
“At kung ako’y lumipas at limot na, ang awitin kong itoy alaala ka. Awitin ng damdamin ko sa iyo maiiwan. Sa pagbulong ng hangin ng nakaraan. O sa pagbulong ng hangin ng nakaraan…la la la la la” kanta pa ni Pipoy at talagang luhaan na si Annika pagkat tila nagpapaalam na sa kanya si Pipoy. Tumigil sa pagkanta si Annika at napahagulgol nalang habang inaalalayan siya ng mga kaibigan niya.
Napatapos ang kanta at ang daming luhaan pagkat maganda ang pagkanta ni Pipoy at nadama nila ang mensahe ng kanta niya. Tumayo na si Robert at bumalik sa crowd pero di pa umaalis si Pipoy sa stage. Tinawag ang pangalan ni Anne at lalo pang naiyak si Annika nang sabay nila kantahin ang “Ikaw”
Di makayanan ni Annika panoorin ang pagkatitigan ng dalawa stage habang kumakanta sila. Sa isipan niya nagpapatuloy ang unang kanta ni Pipoy, kung sana lang naalala niya yung kanta ng mas maaga…o kaya nahuli niya si Pipoy na kinakantahan siya habang natutulog siya…siguro iba ang mga pangyayari. Siguro kung hindi niya tinawanan si Pipoy noon at umamin narin baka hindi siya lumuluhang ganito.
Di nakayanan ni Annika manood pa kaya umalis na sya at umuwi. Nagkulong siya sa kwarto niya at doon nagsiiyak.
Kinabukasan okay na siya at sabay sila ni Pipoy pumasok, napansin ni Pipoy ang namamagang mata ni Annika pero nagpalusot lang siya na nakagat ito ng lamok. “Annika…may gusto sana ako ipaalam sa iyo e” sabi bigla ni Pipoy. “Ano yon?” tanong ni Annika. “Ah si Anne…balak ko ligawan sana...diba sabi mo noon you like her for me. Well lately I just realized that she isn’t you pero medyo close na…and ewan ko I think I like her” sabi ni Pipoy at muling namuo ang mga luha sa mata ni Annika kaya iniiwasan niya tignan si Pipoy.
“Kaya kung okay lang sana sa iyo…e natotorpe ako e at di ko alam manligaw…ahahah…butterflies sa tyan” hirit ni Pipoy at di parin niya napapansin ang kaibigan niyang umiiyak na. “Sige, tulungan kita” sagot ni Annika at sumaya si Pipoy at naging excited, di tuloy siya mapakali at binabangga niya si Annika na pasimpleng nagpupunas ng mga luha niya.
Pagdating ng school dumiretso si Pipoy kina Vashty habang si Annika dinamayan ng mga girls pagkat napansin nila umiiyak siya. “Sis anong nangyari nag away ba kayo?” tanong ni Vem. “Sis…wala na siya…he is moving on already…di ko matanggap” sabi ni Annika at pinunasan ang mga mata niya. “Gaga ka kasi e kasalanan mo yan. Bakit akala mo ba hindi rin siya umiyak nung tinawanan mo siya?” sermon ni Beverly.
“Oo nga at nung naging kayo ni Bobby…alam mo feeling ko lang he waited for you pero siguro di na niya kaya mag antay pa. Pinakawalan ka niya before willingly so this time its your turn to let him go” sabi ni Ella at humagulgol bigla si Annika.
Napatingin si Pipoy sa kanila pero mabilis nila naitago si Annika at pasimpleng kumaway sa kanya. Kumaway din si Pipoy at hinarap ang mga barkada niya.
“Pare bakit umiiyak si Annika?” tanong ni Robert. Nag iba ang itsura ni Pipoy at naging seryos, “I told her liligawan ko si Anne” sagot ni Pipoy at nagulat sila. “Ano? Seryoso ka ba?” tanong ni Vashty. “Oo pare, she may not make my heart beat like the way Annika makes it beat…pero it beats fast din pare e. At pagod na ako sa kahihintay…ilang beses ko narin napatuyo yung unan ko…mahirap din mag antay ng wala kasi…parang meron pero wala naman…siguro kung mag antay pa ako baka meron…pero pano kung wala?”
“Ayaw ko mag compare sa totoo…I tried my best…pero siguro hanggang best friend nalang ako sa puso ni Annika. Something inside me wants more than that…and maybe si Anne makakagbigay non sa puso ko”
“I still love Annika and forever will…pero ayaw ko na maging martyr…I also have to move on. I told her my plan and she could have stopped me…pare pag sinabi niya lang na wag…di ko itutuloy…siya parin ang Kryptonite ko pare…I don’t know how I am going to keep on loving her ngayon meron nang tinitibok na iba tong puso ko…pero pare
…she will always be my Kryptonite…kahit di na ako ang Superman niya”