sk6

Wednesday, May 20, 2009

Chapter 3: The One I Like

Chapter 3: The One I Like

Isang Sabado sinamahan ni Pipoy si Annika upang makipagkita sa girls, ayaw niya sana sumama pagkat may basketball tryouts sa school nila. Sa isang fastfood resto nagulat si Pipoy nang makita si Sarry doon, pero nakita niya si Beverly sa tabi nya kaya nagngitian nalang sila. “Oh Sarry nandito ka? Nagladlad ka na ba?” biro ni Pipoy. “Ah Poy, kami na ni Sarry” sabi ni Beverly at kunwari naman gulat na gulat si Pipoy. “Wow, nice to know” palusot ni Pipoy sabay tapik sa balikat ni Sarry.

“Tara na order na tayo, sagot ko kasi binigyan ako money ng mommy ko. Maiwan kayo dalawa dito kami nalang oorder” sabi ni Annika at apat silang girls pumunta para kumuha ng pagkain habang naiwan si Pipoy at Sarry sa mesa. “Pare di ka parin ba niya pinayagan magbasketball? Try out ngayon sa school ha” sabi ni Sarry. “Hay ewan ko ba, I should give up on basketball na” sabi ni Pipoy.

“Pare wag, alam mo Poy dapat ipaglaban mo talaga din yung mga gusto mo. Oo di mo siya matiis pero wag mo sasamahin ito ha, sayang talaga talent mo pare. Alam mo feeling ko magpakita ka lang doon sa try out kukunin ka na e” sabi ni Sarry. “Hindi rin pare, wala na sila tiwala sa akin, remember first time nakuha ako pero di rin lang ako naglaro kasi alam mo na” sagot ni Pipoy. “Pero gusto mo ba talaga maglaro?” tanong ni Sarry. “Oo naman pero ewan ko, wag nalang” sagot ni Pipoy.

“Hindi kita maintindihan pare, kung girlfriend mo siya okay sige sang ayon ako sa iyo pero hindi naman. Masyado ka nagpapaalipin e alam mo naman na walang mangyayari sa inyo” banat ni Sarry at natawa si Pipoy. “At hindi magbabago ang tibok ng puso koooo” kanta ni Pipoy nang biglang sumulpot si Vem at nakatingin sa kana sa gulat. “Never na sinabi ni Annika na magaling ka kumanta ha” sabi ni Vem. “Madumi lang siguro tenga mo kaya nagtunog maganda, kaya wag kang magllilinis ng tenga para may fan ako” biro ni Pipoy at natawa ng malakas si Sarry.

“Hay naku, ano daw gusto niyo drinks?” tanong ni Vem. “Iced tea sakin” sagot ni Sarry. “Softdrinks sana pero kokontrahin ni Annika, kaya tubig nalang sa akin sabihin mo kasi siya din lang naman mamimili ng iinumin ko in the end” sabi ni Pipoy. “Ewan ko sa inyo para kayong mag asawa” sabi ni Vem. “Sana nga” banat ni Pipoy at tumawa si Sarry. “Ano sabi mo?” tanong ni Vem. “Iced Tea nalang” palusot ni Pipoy.

Bumalik si Vem sa counter at tumabi kay Annika. “Iced tea daw kay Sarry, tubig nalang daw kay Pipoy kasi ikaw din lang naman ang pipili in the end” sabi ni Vem. “Sinabi niya yon?” tanong ni Annika. “Yup” sagot ni Vem at napasimangot si Annika. “Uy sis don’t tell me di mo nanaman siya pinayagan mag try out?” sabi ni Ella. “Last year natin ha, baka gusto mo pagbigyan” sabi ni Beverly.

Napatingin si Annika kay Pipoy saglit at huminga siya ng malalim. “E pano kung nasaktan siya sa laro?” tanong ni Annika. “My God Annika yan ba ang rason kaya ayaw mo siya paglaruin? Have you seen him play?” tanong ni Beverly at napasimangot si Annika at muling napatingin kay Pipoy. “Only sa backyard nila” sagot niya. “Nung second napanood namin siya no, ang galing kaya niya. Bakit di mo ba alam na ang daming naglalait sa kanya, tinatawag siyang selfish” kwento ni Ella at nagulat si Annika.

“Oo no akala nila mafeeling si Pipoy daw at nagpapaimportante” sabi ni Vem. “Shet, di ko alam yon ah. Pero alam ba ni Pipoy yan?” tanong ni Annika. “Di mo alam? My God lagi kayo magkasama at akala ko ba bespren kayo? Alam niya for sure kasi nakiusap yung higher years last year na sumali siya para naman daw may fighting chance sila. Pero di siya sumali, kaya ang tagal din kaya nila stalk si Pipoy at yung guys no” kwento ni Beverly at lalong naawa si Annika para kay Pipoy. Pinagmasdan niya si Pipoy, nakangiti ito, never nagsabi ni minsan ng problema sa kanya kaya akala niya ayos lang siya.

Nakabalik na ang mga girls sa tabile at nagtabi si Pipoy at Annika, “Poy bilisan mo na kumain kasi may try outs ka diba?” sabi ni Annika at napangiti lahat ng girls habang si Pipoy at Sarry nagulat bigla. “Hayaan mo na yon, di na importante sa akin yan” sagot ni Pipoy. “I want you to play this year” sabi ni Annika at eksaktong kakagat si Pipoy pero napatigil siya. “Sino ka ulit? Nasan si Annika?” tanong ni Pipoy at nagtawanan ang mga girls.

“Sige na baunin mo nalang yang sandwich para makahabol ka pa” sabi ni Annika at nalilito talaga si Pipoy. “You want me to play basketball?” tanong ni Pipoy. “Do you want to play basketball?” sumbat ni Annika at napakamot si Pipoy at napangiti. “Sige na punta ka na, oy siguraduhin mong makuha ka” banta ni Annika at napangisi si Pipoy at bigla niya hinalikan sa pisngi si Annika. Mabilis umalis si Pipoy at ang mga girls mabilis na tinukso si Annika pagkat pulang pula ang mukha niya.

“Uy nagblush si bespren o” tukso ni Vem at napangiti si Annika. “Loko talaga yon, pero alam mo never ko siya nakitang ganong kasaya” sabi ni Annika. “E siyempre sinasakal mo boyfriend mo e” biro ni Ella. “Oy di ko siya boyfriend ano” sumbat ni Annika at biglang tumayo si Sarry. “Saan ka pupunta?” tanong ni Beverly.

“Try outs” sagot ni Sarry. “Bakit magaling ka ba maglaro tulad ni Pipoy at Vashty?” tanong ni Beverly. “Hindi pero malay mo” sagot ni Sarry. “Hindi, upo!” utos ni Beverly at agad umupo si Sarry. “Wow, masunurin” banat ni Vem at nagtawanan sila maliban kay Annika na naglalakbay ang isipan niya. Nakatitig lang siya sa bintana, hawak hawak niya ang pisngi nya at nakangiti.


Pagkatapos ng basketball try outs masaya si Vashty at Pipoy pagkat pareho sila nakuha, nandon si Robert nag aantay sa kanila. “Buti naman at pinayagan ka ni Annika” sabi ni Robert. “Ewan ko nga pare eh, di ko inexpect na papayag siya” sagot ni Pipoy. “Baka naman naliwanagan na siya” biro ni Vashty at nagtawanan sila. “Ewan ko pare, pero she made me really happy today. Dream come true na ito sa akin” sabi ni Pipoy at bakas ang tuwa sa kanyang mukha.

“E pare ano susubok ka ba ulit sa kanya?” tanong ni Robert. “Pare we all have our fairy tales, the sad part is we can never live in them. Syempre dream ko magkatuluyan kami ni Annika, yun ang fairy tale ko. Since medyo sablay na ako umpisa palang then why not change the fairy tale to a normal story, at least alam ko na pano mag end, tragic pero she taught me one thing lately, sabi niya focus on the now. Hindi man maging kami pero at least nakaksama ko siya right now. Maganda na ganito kesa naman sa basted ka tapos di mo nakikita o nakakasama. Martyr na kung martyr pero if it makes you happy naman” sabi ni Pipoy.

Tulala lang yung dalawa sa sinabi ni Pipoy, “Wow pare that’s so deep, pero in the end iiyak ka nanaman” sabi ni Vashty at tumawa si Pipoy. “Pare when that day comes, the tears would be worth it, bawat patak will just remind me of the happy days that we had together. So kahit na araw araw pa ako magluksa nagpapakita lang yon kung gano ko siya kamahal pare, take note di ako maglalaslas at korni ang mga emo. Pero siyempe as early as now kailangan ko narin paghandaan ang araw na yon…but habang wala pa I will really enjoy every second na kasama ko siya” sabi ni Pipoy.

Tahimik lang yung dalawa kaya nagtaka si Pipoy, pagtalikod niya nandon si Annika may dalang twalya. Niyakap agad ni Pipoy si Annika at napasigaw siya. “Annika!!!!” sigaw ni Pipoy. “Pipoy!!! Kadiri ka! Basang basa ka ng pawis!!!” bawi ni Annika at sinubsob niya ang twalya sa mukha ni Pipoy. Kinuha ni Pipoy ang twaly pero inagaw ulit ni Annika at siya ang nagpunas ng mukha at buhok nya. Kinuha din ni Robert ang twalya ni Vashty at kunwari pinagpupunasan din ito.

“Ikaw kasi Vashty e kung may girlfriend ka din sana e di sya din sana nagpupunas sa iyo. Hindi ko na dapat ginagawa ito” sabi ni Robert at ineexpect nila magreact si Annika pero tinuloy niya lang ang pagpupunas kay Pipoy na napangisi sa kanila.

“Tara pare inom tayo” alok ni Robert at pinagmamasdan nila si Annika pero wala siyang reaksyon. Napatingin sila kay Pipoy na nagtataka din kaya napatingin siya kay Annika. “Narinig mo yon?” tanong ni Pipoy at ngumiti si Annika. “Oo hindi naman ako bingi” sabi ni Annika. “Okay lang sa iyo na makikipag inuman ako?” tanong ni Pipoy. “Ikaw kung gusto mo uminom okay lang basta wag masyado” sagot ni Annika at talagang hindi na sila makapaniwala sa kanyang pagbabago.

Tiniklop na ni Annika ang twalya at tinignan niya si Pipoy, “Mauna na ako then” sabi nya at napatingin si Pipoy sa dalawang kasama niya. Umalis na si Annika pero di parin makapaniwala si Pipoy sa nangyayari. “Sira sundan mo na, baka test lang yan” sabi ni Robert kaya hinabol ni Pipoy si Annika at sumabay sa paglakad sa kanya.

“Akala ko ba mag iinuman kayo?” tanong ni Annika. “Hindi pagod ako e, akin na pala yan pasok ko na sa bag” sabi ni Pipoy at kinuha niya yung bagong twalya. “Alam mo kung gusto mo makipag inuman okay lang talaga” sabi ni Annika. “Ayaw ko, gusto ko pumunta sa inyo tapos gawan mo ako ulit foods, gutom na ako e” sabi ni Pipoy at nagliwanag ang mukha ni Annika.

Pagkalabas nila ng campus may mga grupo ng babae na tinawag ang pangalan ni Pipoy at nagtilian. Umakbay agad si Annika sa kamay isang kamay ni Pipoy at tinignan ng masama ang mga babae. “Annika baka sabihin nila magsyota tayo” bulong ni Pipoy. “Buti naman para wag na sila mafeeling at ang chaka ng itsura nila” sabi ni Annika at natawa si Pipoy pero tuwang tuwa siya. “Maganda naman sila ha” hirit ni Pipoy. “Ah basta di ko sila type, ako ang mamimili ng magiging girlfriend mo” sabi ni Annika at ang saya na naramdaman niya biglang naglaho sa binitawan niyang salita. Kahit na masama ang loob niya pinilit nalang niya maging masaya tulad ng sinabi niya kina Vashty at Robert, sa sandaling ito nakakapit si Annika sa kanya at unti unti nang napupunaw ang sakit.


Pagdating nila sa bahay nina Annika agad gumawa si Annika ng sandwich habang si Pipoy ay naupo at pinanood siya. “Ikaw pipili ng girlfriend ko?” tanong ni Pipoy at tinignan siya ni Annika. “Oo bakit may reklamo ka?” sagot niya at napangiti si Pipoy. “Wala naman, gusto ko lang malaman anong klaseng babae pipiliin mo para sa akin?” sagot ni Pipoy.

“Di naman sa ako pipili pero kikilatisin ko maigi bago mo ligawan” sabi ni Annika. “So you mean pag may type ako I have to tell you sino siya?” tanong ni Pipoy. “Natural, e pano ko makikilatis kung di ko kilala” sumbat ni Annika at tumawa si Pipoy. “Lets say gusto ko talaga siya pero ayaw mo naman” banat ni Pipoy at napapisip si Annika. “Di ba ako naman ang makikisama sa kanya at di ikaw?” hirit ni Pipoy at napapngiti na siya pagkat talagang napapaisip si Annika.

“Ah basta, alam ko ang tama para sa iyo” sagot ni Annika at natatawa na si Pipoy. “Okay, so tutulungan mo din ako manligaw ganon?” tanong ni Pipoy. “Oo naman, sus babae ako kaya may advantage ka na, ituturo ko sa iyo ano ayaw namin at ano ang gusto” sagot ni Annika. “Ayos, so tell me anong advice ang ibibigay mo if the person I like does not like me?” tanong ni Pipoy at nagkatitigan sila sa mata pero mabilis lumihis ang tingin ni Annika.

“Don’t give up, malay mo nagpapakipot lang yon, usually kaming mga babaae ganon para makita namin kung talagang seryoso yung guy” sagot ni Annika at napangiti si Pipoy. “So you mean for example binasted niya ako susubok ulit ako?” tanong ni Pipoy. “Kaya nga don’t give up e diba, subok ulit” paliwanag ni Annika. “Wag na!” sabi ni Pipoy at nagulat si Annika at napatingin sa kanya. “Ayaw ko makuha sa awa, first try pag fail move on. Pag subok ulit baka sagutin pa ako sa awa, I don’t need pity, waste of time. At kilala mo naman ako diba ayaw ko nagsasayang ng oras” sabi ni Pipoy at napayuko nalang si Annika.

Medyo masaya si Pipoy pagkat parang may napapansin syang kakaiba kay Annika pero hindi siya sigurado. “Pero Poy, pano pag ako…will you choose for me too?” tanong ni Annika sabay tinignan niya si Pipoy. “Nope. Honestly di ko alam ano ang klaseng lalake ang gusto mo, siguro magtitiwala nalang ako sa iyo, kung yun ang napili mo basta masaya ka sa kanya at di ka niya sinasaktan okay na ako don” sagot ni Pipoy at napangiti si Annika.

“Gusto mo ba malaman kung anong klaseng lalake ang like ko?” tanong ni Annika at nairita si Pipoy, tuwing ganito nagbabakla baklahan siya. “Wag na, baka mamaya like ko din siya tapos maging magkaribal pa tayo” sumbat ni Pipoy at natawa si Annika. “Baka sumakit lang loob ko sa kaseselos” pahabol ni Pipoy pero normal niya ito sinabi kaya muling napatingin sa kanya si Annika. Nakasimangot si Pipoy at nakatingin sa malayo, natapos na ni Annika ang sandwich at inabot ito sa kanya.

Umupo si Annika sa tapat ni Pipoy at pinagmasdan siya habang sarap na sarap itong kumakain. “Ang sarap sarap sarap” sabi ni Pipoy. “Poy, mouth is full” paalala ni Annika at nagpacute si Pipoy at binagalang ngumuya at talagang sinariwa ang sarap ng kinakain niya. “Hoy, kailangan mo ako turuan gumawa ng ganito” sabi ni Pipoy. “Bakit naman?” tanong ni Annika.

“Syempre, one of these days you will be with the one you like, e sino nang gagawa ng ganito para sa akin?” sagot ni Pipoy at napatigil saglit si Annika at tinitigan siya pero sadyang hindi siya tinitignan ni Pipoy. “Ako parin” sagot ni Annika at napatingin sa kanya si Pipoy. “Ako parin gagawa nito para sa iyo, wala magbabago, kahit araw araw pa kita gawan nito” sabi ni Annika at napangiti si Pipoy.

“E ikaw Poy, if you are with the one you like one of these days…pano na?” tanong ni Annika. “Araw araw ako mabubusog ng ganito” sabi ni Pipoy at nagkatitigan sila. “Ano?” tanong ni Annika. “Sabi mo nothing will change diba? Tapos ikaw parin gagawin ng ganitong sandwich para sa akin, so araw araw ako mabubusog ng ganitong sandwich” sabi ni Pipoy kahit na iba ang gusto niyang ipahiwatig.

Sumandal nalang si Annika at pinanood si Pipoy kumain, tinulak niya ang plato niya palapit kay Pipoy at game na game naman na kinuha ni Pipoy ang sandwich niya. “Poy sa tingin mo, pagseselosan ba ako ng the one you like?” tanong ni Annika. Mabilis kumagat si Pipoy sa sandwich at pinuno ang bibig niya, “Emot ngaman ag pagseselosam ang samili (engot naman ang pagseselosan ang sarili)” sagot ni Pipoy pero hindi maintindihan ni Annika pagkat puno ang bibig niya. “Poy!” sigaw ni Annika at nilunok ni Pipoy ang pagkain. “Sabi ko hindi” sagot ni Pipoy.

“Pano ka nakakasiguro?” tanong ni Annika at hiniga ni Pipoy ang mukha niya sa mesa. “Ang dami mong tanong napapagod na utak ko Anniiikaaaa…gawa ka paaaaaa” lambing ni Pipoy kaya napangiti nalang si Annika pagkat laging ganito si Pipoy tuwing may iniiwasan siyang sagutin.

(itutuloy)