sk6

Sunday, May 31, 2009

Chapter 6: Babae sa Batis

TWINKLE TWINKLE
BY PAULITO


Chapter 6: Babae sa Batis


Dumami na sila sa grupo at nasa teritoryo na sila ng kalaban kaya maingat silang naglakbay papunta sa Vampire Town. Upang di mahalata kinailangan nila maglakad at makibagay sa ibang nilalang.

“Pwede naman tayo magshortcut papuntang vampire town bakit pa natin kinakailangan dumaan sa itim na gubat?” tanong ni Virgous. “May susunduin tayo sa gubat” sagot ni Paulito at tumahimik ang lahat. “Look o a giant bird” sabi ni Bobbyno kaya lahat napatingin sa langit at may malaking ibon na lumilipad sa ibabaw nila. Biglang nilabas ni Darwino ang gintong tirador niya at tinira ang ibon. Sapol ang ibon sa ulo at bumagsak ito sa malayo.

“Sayang ang layo ng binagsakan, gusto ko sana makita yung giant egg nya ahahaha…dalawa kaya yon?” landi ng dwende at napatawa sila lahat. Trenta minutos sa paglakbay may humarang sa kanilang malaking oso at galit na galit ito. Aatakehin na sana ni Bobbyno ang oso pero pinigilan siya ni Paulito. “Tignan mo ulo niya…may bukol” sabi ng vampira at biglang nagtawanan ang mga disipulo.

Natakot si Nella kaya nagtago sa likod ni Paulito pero humakbang palapit ang vampira sa oso at yung ibang disipulo ganon din ang ginawa. “Wag mo sabihin yan ang pananghalian natin?” sabi ni Nella kay Paula. “Hindi po, kung di ako nagkakamali ay isa sa mga disipulo yan” sagot ng diwata at nagulat si Nella.

“Mukhang pinagtripan ka nanaman ng isang kaibigan natin ha…kumusta ka na Bashito?” sabi ni Paulito at nilagay nya ang kamay nya sa ulo ng oso at nagliwanag sa paligid. Napasigaw ang oso at napaatras ang mga disipulo, di nila alam ano ang ginagawa ni Paulito pero unti unting nagiging tao na ang oso.
Ilang sandali pa isang pamilyar na mukha ang nakita nila pero agad sila nagtawanan. “Wahahaha may bukol parin sa ulo!” biro ni Darwino at bigla siyang binatukan sa ulo ni Bashito. “Tado! Tinirador mo ako kanina e!” sigaw ng kaibigan nila. “Wahahaa ikaw yung bird? Sorry pare” sagot ng dwende at lalo pa sila nagtawanan.

Nagsaya ang pitong disipulo habang nagmasid lang sina Tuti, Paula at Nella. “Oy Paula, ano yung ginawa ni bossing kay Bashito?” bulong ni Tuti. “Hindi ko din alam e…walang sinabi sa akin si Aneth tungkol sa kapangyarihan na ganyan. Nagtataka din ako kung pano niya napatay ang mga sunog ni Virgous” sagot ng diwata. Napalingon sa kanila si Paulito kaya pasimple silang naghiwalay.

“After nung huling laban natin at nung pinagtago tayo nag away kami ni Wookie, bwisit yon pinagtripan ako at din a ako makabalik sa anyong tao. Mula noon hanggang ngayon papalit palit lang ako ng anyong hayop” kwento ni Bashito at tawa ng tawa ang mga dwende. “E pano ka nag aano…hahaha…hayop!” landi ni Bobbyno at sumabog ang lahat sa katatawa maliban kay Bashito.

“Ah bumawi ako talaga araw araw nagiging ibon, pagnakita ko nakaligo na siya tataehan ko siya sa ulo” kwento ni Bashito at halos mamatay na sa tawa ang dalawang dwende. “Pero isang taon na ako tumigil, binabantayan ko nalang siya…nasiraan na ata siya ng bait e” hirit nya at nagulat ang lahat. “Di ba dati na may topak yan at kinakausap niya manika niya?” tanong ni Sarryno.

“Oo pero mas malala ngayon, di lang isa ang kausap nya, madaming manika na. Binuha niya sila…basta mamaya nalang puntahan natin siya” sabi ni Bashito sabay tingin kay Paulito. “Di namin itatanong pano mo nagamot si Virgous at si Bashito, alam namin lilituin mo lang kami pagkat mautak ka. Pero si Wookie…kaya mo din ba ibalik sa dati?” tanong ni Bobbyno.
“Tara na, Bashito ituro mo ang daan” sagot lang ni Paulito at tinignan niya si Nella na agad naglakad sa tabi nya. “Bossing dito nalang sumakay yung girls” sabi ni Bashito at bigla siyang naging malaking kabayo. Tuwang tuwa ang mga babae pero biglang sumakay sa likod ni Bashito si Ngyobert. “Nyed Nyors! Nyeeedyap!” sigaw ng kapre at muli sila nagtawanan pagkat bagsak ang katawan ng kabayo sa lupa. “Tado ka Ngyobert!” sigaw ni Bashito.

“Wah! Nagsasalitang horsey! Wahahaha ishamirakol!” sabi ni Darwino at nauwi sa katatawanan ang lahat kaya nagpasya na mananghalian muna sila sa lugar na yon. “Oy Bashito kaya mo ba talaga maging kahit anong hayop?” tanong ni Sarryno. “Oy parang ayaw ko yang nasa isip mo” sagot ni Bashito at muling tumawa ang mga dwende. “Vrookvack vroockvack!!!” sigaw nila. “Pero oo kaya ko kahit ano” pasikat ni Bashito at nagkatinginan ang mga dwende at si Sarryno.

“Sige nga, malaking manok nga…FRIED CHIKEN!” sigaw ni Darwino at lalo pa nag asaran ang ibang mga disipulo. “Virgous pagkatransform nya sya chicken tostahin mo na siya agad nyahahaha” banat ni Paulito na ikinagulat ng lahat pagkat bihira siya makisali sa mga katatawanan. Nagkatinginan ang mga disipulo saglit sabay sumabog nananam sila sa katatawanan. “Ngoink ngoink ngalang” hirit ni Ngoybert at halos mamatay na sila sa katatawa.

“Ganyan ba talaga mga yan? Parang di tuloy ako makapaniwala na mandirigma sila” bulong ni Nella sabay tawa. “Oo ganyan sila, mas grabe pa pag nakumpleto sila…pero pagdating sa laban magugulat ka at mag iiba ugali nila” sagot ni Tuti. “Pano ba sila napili maging disipulo ng Fredatoria? Sa alamat wala sinabi kung ano ang Fredatoria basta nalang sinabi na sila yon” sabi ni Paula. “Sila lang nakakaalam non at di nila pinagsasabi maski sa akin hindi. Pero minsan may nadulas sa kanila at nabanggit ang Sugo ng Fredatoria, doon ko lang sila nakita natakot lahat…walang nagkibuan…maski si bossing nakita ko takot sa mata niya for the first time” kwento ni Tuti.
“Tuti!” biglang sigaw ni Paulito at tumayo sa takot ang vampira. Nagkatitigan sila ng matagal at niyuko ni Tuti bigla ang ulo niya at mabilis na umalis. Lumapit si Nella kay Paulito at hinila ito. “Bakit ano ginawa mo kay Tuti?” tanong ni Nella. “Pinakuha ko ng pagkain” sagot ng vampira. Di naniniwala si Nella kaya tinitigan niya si Paulito sa mata, bago pa siya makakapagsalita naunahan na siya ni Paulito. “Mag ingat ka sa sasabihin mo…narinig mo ang kwento ni Tuti…wag mong susubukan banggitin yon” bulong ni Paulito at natakot si Nella pagkat nakita niya ang galit sa mga mata ng vampira.

Pagkatapos mananghalian ay nagtuloy sila ng lakad, sa unahan si Bashito pagkat alam niya ang daan papunta kay Wookie. Nasa likuran ang mga babae at napansin nila na nawawala si Paulito. Lumingon sa paligid si Nella at di talaga niya mahanap ang vampira. Pagkaharap niya nagulat nalang siya pagkat katabi na niya si Paulito at may inaabot sa kanyang rosas. Napangiti si Nella bigla at kinuha ang bulaklak at inamoy, “Sorry kanina” sabi ng vampira sabay diniretso na ang tingin niya.

Dalawang oras ng paglalakad biglang tumigil si Bashito at sinenyasan silang manahimik. Dumapa siya sa lupa at lumapit ang lahat sa kanya at dumapa din. Sa malapit may nakatayong barong barong at sa tapat nakaupo si Wookie, nag itsurang matanda na haba ng balbas at buhok nya. Tumatawa mag isa si Wookie at sa harapan niya may treseng manika na nagsasayaw. “Ah kutchi kutchi kutchi kutchi jai ho!” kanta ng mambabarang at nagpipigil ang grupo sa pagtawa.

Humupa ang tawa ng mga disipulo pagkat napansin nila ang mga manika, bawat isa ay kapareho ang itsura sa mga disipulo ng Fredatoria. Tumigil ang sayaw ng mga manika, tuloy ang kanta ng mambabarang, may isang dragon na manika ang lumabas at nagkalat ang mga manika sa lupa. Ganito ang nangyari nung huling laban nila ilang taon nang lumipas, bawat galaw ng mga manika parehong pareho sa mga ginalaw ng mga bida noon.
Tumigil ang kanta ni Wookie pero tuloy ang aksyon ng mga manika na lumalaban sa dragon. Natalo ang dragon at nagtipon tipon ang mga manika pero isa isa din lang naglakad palayo. Napansin ng lahat na umiiyak si Wookie kaya tumayo bigla si Paulito, “dito lang kayo” utos niya at mabilis siyang lumapit kay Wookie.

Pagkalapit ni Paulito biglang tumayo si Wookie at nagpunas ng mata, kahit ilang beses niya linisin ang mata, ang kaibiga niya ang talagang nakatayo sa harapan niya. Tumakbo si Wookie at pinulot ang isang manika, pinagmasdan nya ito sabay tinitigan si Paulito. Tumawa bigla si Wookie at inabot ang vampirang manika sa kaibigan nya. Sabay napayuko ang magkaibigan pero nilagay ni Paulito ang kamay niya sa ulo ni Wookie, may malamig na ihip ng hangin sa paligid at isa isang naglalaho ang ibang mga manika. Pati ang hawak ni Paulito na manika at nawala sa kamay nya, ngunit isang manika lang ang natira at ito ang Wookie doll ng mambabarang na kahawig nya.

“Ahoy!” sabi ni Wookie at kinawayan ang ibang disipulo. Tumawa ng malakas ang mambabarang at tumayo ang ibang disipulo at sumugod papunta sa kanya. Naiwan sina Tuti, Paula at Nella na luhaan pagkat masyadong madrama ang muling pagkikita ng mga magkakaibigan.

Pinulot ni Wookie and manika niya at biglang binatukan si Bashito, “Tado ka! Halos makalbo na ako sa paulit ulit kong pagliligo araw araw” sabi ni Wookie at tawa ng tawa ang mga dwende. “Bawi bawi lang” sumbat ni Bashito at nagkamayan sila. Doon na sila namalagi, malapiyesta ang pagkain pagkat madaming hayop sa gubat na yon.

Nagulat ang lahat pagkat may dalang alak nanaman si Ngyobert at di talaga nila alam saan niya kinukuha ang mga yon. Habang ang lahat nagsasaya napansin ni Nella na wala yung dalawang maingay na dwende. “Baka naligo si Paula sa batis tapos binosohan nanaman nila” sabi ni Tuti. “Oy nandito ako no” sabi ni Paula at nagulat sila na nasa taas sya ng puno at nakaupo sa isang sanga. “Ano ginagawa mo diyan?” tanong ni Nella. “Nagbabantay, sinusubukan ko maging useful kasi last time…hay sorry about that” sabi ng diwata at napangiti si Nella.

“Tuti bakit ayaw mo makisaya sa kanila?” tanong ni Nella. “Utos ni boss bantayan kita, mamaya salitan kami. Ako naman doon at siya dito” sagot ni Tuti. “Ok lang naman e kasama ko naman si Paula” sabi ni Nella. “Oo nga yan din sinabi mo last time diba?” sagot ni Tuti at biglang may pine cone na bumagsak sa ulo ng vampira. “Hoy! Noon lang yon, promise di na mauulit yon” reklamo ni Paula at nagtawanan ang tatlo.

Habang nagkakatuwaan ang iba narinig nila ang mga sigaw ng dalawang dwende. Hindi nila ito pinansin pagkat nasanay na sila sa mga biro nung dalawa. “Paulitooooo…help!!!” sigaw ni Darwino at Bobbyno at pagdating nila sa grupo basang basa sila at hingal na hingal. “Ano nanaman yang gimik niyo?” tanong ni Bashito.

“Sa batis…may babae” sabi ni Darwino at nanginginig siya. “Binosohan niyo nanaman siguro” sabi ni Sarryno. “Oo pero wala makita…mumu siyaaa!!!” sigaw ni Bobbyno at tumawa ang mga disipulo. Tumigil sila pagkat di matigil ang panginginig ng dalawa at bakas ang takot sa kanilang mga mata.

“Kayo natatakot sa mumu?” tanong ni Paulito sabay tingin kay Wookie na pasimpleng nilayo ang tingin niya. “Oo nagtatawag ako ng mga espiritu pero nakita ko na yang sinasabi nila at takot ako diyan” sabi ni Wookie kaya lalo natakot ang lahat. Lumapit na sina Nella, Paula at Tuti para makibalita. “Pwamis…nakakatakot siya…white lady” sabi ni Darwino. “O Paula, kanina nagtatapang tapangan ka, sige nga puntahan mo nga” biro ni Tuti at kumapit ang diwata kay Nella.

Malakas na hangin ang naramdaman nila, kakaibang lamig taglay nito kaya lahat sila nagkatinginan. “Wookie! Puntahan mo na, mambabarang ka linya mo yan” sabi ni Paulito. “Weh! Kutchi kutchi ikaw nalang…ikaw leader e” sumbat ng mambabarang. “Oo nga ikaw leader, ikaw mauna” sabi ni Virgous. “As leader I command you Bashito to go to the batis” sabi ni Paulito. “Lul! Walang leader leader pag ganito” sagot ni Bashito.

“Matagal na kita inantay” sabi ng babaeng tinig kaya napalingon sila kina Nella at Paula. “Hindi kami yon!” sigaw ni Nella at nagkapitan sila ng diwata. Lalo natakot ang lahat tinutulak si Paulito para magpunta sa batis.

“Matagal na kita inantay” muling sabi ng babaeng boses kaya humawak ang vampira kay Ngyobert. “Wag nalang natin kaya puntahan?” sabi ni Paulito pero pilit nila siya tinutulak. “Oy parang di kayo lalake! Tayo nalang kaya lahat pumunta!” hirit ni Paulito pero tinutulak parin nila ang vampira. “OO punta tayo lahat basta ikaw sa harapan” sabi ni Wookie.

“Okay wag niyo ako itutulak, pupunta ako” sabi ni Paulito kaya tumigil sila pero muli nila narinig ang tinig ng babae kaya sinubukan niya tumakbo at kumapit sa tali ni Sarryno. “Oy magpakalalake ka naman o, pinapanood ka ni Nella” tukso ni Bobbyno at napakamot ang vampira. Tumayo si Paulito at hinarap ang mga kasama niya, “Bakit kailan pa ba tayo naging mga duwag? Disipulo ng Fredatoria…tayo ay matatapang at magigiting kaya tara na at harapin natin ito lahat!” sabi ng vampira.

“Oo nga! Tara na…basta mauna ka!” sagot si Wookie at huminga ng malalim si Paulito. “Fine, sige. Mga duwag! Panoorin niyo ako” sabi ni Paulito at naglakad siya patungo sa batis pero napansin ng lahat na nanginginig ang mga tuhod nya kaya tinawanan nila siya. Tuloy ang lakad ng vampira at lahat sinundan siya.

Pagdating nila sa batis napatigil ang lahat pagkat may babaeng nakaputi sa gitna. Maliwanag na puti ang suot nya at di ito nakaharap sa kanila. “Lapit ka sa akin” sabi ng babae at nanigas si Paulito at nanginig ang buong katawan. Lahat sila nabalot ng takot pagkat kakaibang aura ang nararamdaman nila.

Di lahat makagalaw pero napansin nila na humahaba ang kuko ni Paulito, napalingon sa kanila ang vampira at nanlilisik na pula ang mga mata niya. Nakalabas ang mga pangil nya at tumigil ang panginginig. “Diyan lang kayo” utos nya at naglakad na si Paulito papunta sa babae.

“Tuti alalayan mo si boss” utos ni Virgous pero nakanganga sa takot ang vampira at nalaglag pa ang pustiso nya. “Ihkaw nalang” sagot ni Tuti. “Pray over ka namin Paulito!” sigaw ni Darwino habang nagtago siya sa likod ng paa ni Ngyobert.

Nakaabot si Paulito sa multo at bigla itong humarap sa kanya, napaluhod ang vampira sa takot pati na ang mga kasama niya napadapa sa lupa. Walang mukha ang multo pero unti unti nagkakaroon ng imahe ng bungo ang mukha niya. Nahimatay na si Nella at Paula sa takot kasama na ang dalawang dwende.

“Ang tagal kong nag antay sa iyong pagdating Paulito…kalasan mo ako sa mga kadeng ito” sabi ng babae at parang robot nalang na sumunod ang vampira at pinasok ang mga kamay nya sa tubig para maalis ang kadenang nakakabit sa mga paa ng multo.
Tinuro ng babae ang mga natirang gising na kasama ng vampira at isa isa silang napahiga sa lupa at nakatulog. “Anong ginawa mo sa kanila?” tanong ni Paulito at muling humarap ang multo sa kanya. Nagulat ang vampira pagkat ang bungo na mukha nagkakaroon na ng taong itsura, mula sa bungo lumalabas ang mga itim na buhok at ilang saglit pa isang napakagandang itsura ng babae ang humarap sa kanya.

“Ako si Anhica…at nandito ako para sunduin ang kaluluwa mo ginoong vampira”

Chapter 5: Ang Taong Apoy

TWINKLE TWINKLE
BY PAULITO


Chapter 5: Ang Taong Apoy


Tumungo na si Paulito sa may bulkan, sinalubong siya ng isang santelmo (fire ball spirit) at hinarang ang daan niya. “Narito ako para kausapin si Virgous” sabi ng vampira at tumabi ang santelmo at pinadaan ang vampira. Habang paakyat si Paulito sa bulkan sinusundan siya ng parami ng paraming santelmo, tuwing titigil siya ay titigil din ang mga galaw nila.

Naabot ng vampira ang tuktok ng bulkan at may bumukas na pagitan at doon sya pumasok. Mainit sa loob kaya nagtanggal ng coat ang vampira at maingat siyang naglakad. “Nagpakita ka din traydor ka!” sigaw ng malalim na boses. Naabot ni Paulito ang isang entablado kung saan sa ibabaw may nakatayong nagbabagang nilalang.

“Virgous, nice to see you again” sabi ni Paulito. “I cannot say the same to you old friend…malas mo at sa mga kamay ko pa ang napili mo…na titigil sa buhay mo” sigaw ni Virgous. “Alam ko hindi ka maidadaan sa magandang usapan kaya ganito nalang…lalabanan kita at pag natalo ka makikinig ka sa akin” sabi ng vampira at tumawa ang taong apoy.

“Ikaw? Lalabanan ako? Si Bobbyno nga hindi mo matalo ako pa pipiliin mo? Hahahaha…sige pag nanalo ka makikinig ako sa sasabihin mo” sagot ni Virgous at bumaba siya sa entablado at hinarap ang vampira. “Natatawa lang ako sa iyo pagkat alam mo naman na you cant touch me… no one can ahahahah pero sige pagbibigyan kita” sabi ng taong apoy.

Madaming lumapit na santelmo sa likod ng vampira at napangiti si Paulito. “Tulad ka parin ng dati Virgous, mga alipores mo ang inuuna mong lumaban” sabi ng vampira at huminga siya ng malalim at tinaas niya lang ang kamay niya at sa isang iglap nawala ang mga bolang apoy at nagulat si Virgous. “Imposible! Hahahaha anong mahika ang ginamit mo vampira ka? Imposible, pwes gawa pa tayo ng marami” sabi ni Virgous at mas madaming santelmo ang lumabas galing sa lupa at pinalibutan si Paulito.

Tumawa ng malakas si Virgous nang natabunan ng mga bola ng apoy ang kaibigan niya, “Yan ang napapala ng mga traydor na tulad mo Paulito! Ahas ka!” sigaw ni Virgous. “Sino bang nandon?” tanong ni Paulito at nagulat si Virgous pagkat katabi nya ang vampira. Mabilis na lumayo si Virgous at gulat na gulat, lumapit si Paulito sa nagkumpulang mga bola ng apoy at pinasok niya ang kamay niya at unti unti nagsiwalaan ang mga santelmo.

“Imposible! Kalokohan ito!” sigaw ni Virgous at binato niya ng malaking bola ng apoy si Paulito pero mabilis ito nakailag. Sunod sunod na bolang apoy ang ihinagis niya pero kalmado lang na umiilag si Paulito. “Papagurin mo lang sarili mo pare, di mo kaya ang bilis ko” sabi ng vampira kaya nagpasabog ng malaking apoy si Virgous sa paligid, napakalaking apoy at napakainit.

Nang humupa ang apoy nagulat siya at nakatayo ang vampira sa harapan niya na wala man lang galos o sunog sa katawan. Lumapit si Paulito at napaatras si Virgous, “Teka teka anong kababalaghan ito? Ikaw ba talaga yan Paulito?” tanong ng taong apoy. “Humaba lang buhok ko pero ako parin ito…bakit parang takot na takot ka Virgous?” sagot ng vampira.

“Ang Paulito na kilala ko mahina, oo mautak pero mahina! Impostor ka!” sabi ni Virgous at tumawa ang vampira. “Ang Paulito na kilala mo? O yun ang Paulito na pinakilala ko sa inyo?” sagot ng vampira at lalong natakot at napaluhod si Virgous. “Ang Paulito na kilala mo di niya kaya gawin ito diba?” hirit ng vampira at hinawakan ni Paulito ang balikat ni Virgous. Walang inindang sakit ang vampira pero unti unti napupuksa ang apoy sa katawan ng nilalang.

“Anong ginawa mo sa akin?!!” sigaw ni Virgous. Naglakad palayo si Paulito at naupo sa lupa. “Wag kang mag alala kaya mo ibalik ang apoy sa katawan mo pag gusto mo…hindi ba yang ang pinangarap mo pare? Ang matigil at makontrol ang apoy sa katawan mo. Ngayon ko lang nakita totoong mukha mo pare, nakakabakla” sabi ni Paulito at nagtawanan sila.

“Shwet! Pare you mean…you healed me? Teka I can be human form and kaya ko din ibalik ang apoy ko? Wow! Bakit ngayon lang pare?” tanong ni Virgous at tumawa si Paulito. “Pare after the big war I was going to do it pero makinig ka muna sa kwento ko para maliwanagan ka sa katotohanan” sabi ni Paulito.

“Oo makikinig ako pero wala nakaalam sa amin na ganyan ka kalakas…hahahaha akala namin naglalakad ka lang na utak na may pangil e” biro ni Virgous at nagtawanan sila. “Well di naman kailangan magpakitang gilas e, pero saka narin ang paliwanag tungkol diyan, makinig ka muna sa mas importanteng sasabihin ko” sabi in Paulito at nagtabi ang magkaibigan.

Gabi na at kinakabahan na sina Darwino at Bobbyno pagkat di pa bumabalik si Paulito. “Sabi niya umaga babalik na bakit wala pa siya?” tanong ni Sarryno. Sina Nella at Paula tulala parin pagkat ang inaakala nilang pet lobo nila naging tao. “Ay naku tiwala lang kay bossing, come on lets eat” sabi ni Tuti.

Halos di makakain ang mga disipulo at laging napapalingon sa bulkan. Ang mga babae naman di makakain at pinagmamasdan parin si Sarryno na nakatali pa ang pink na ribbon sa leeg nya. “Shhhh…” sabi ni Tuti at tinuro niya ang isang puno. Mabilis na nilabas ni Darwino ang gintong tirador nya at tinutok sa puno. “Left, left..ayan tira!” sigaw ni Tuti at tatlong golden balls ang tiniria ni Darwino papunta sa puno.

“Ngyaaawwwtssss!!!!” sigaw ng boses at may bumagsak sa lupa. Sigawan ang mga babae pagkat may malaking kapre na nalaglag mula sa puno. Pinalibutan ng mga disipulo ang kapre at nagulat sila nang tumayo ito. “Ngyobert?!” sigaw ni Bobbyno at napakamot ang lasing na kapre. “Ngyello ma mrends!!!” sigaw ng ngongong kapre at bigla nagtawanan lahat at nagyakapan.

“Lasing ka nanaman pare!” biro ni Sarryno at tumawa ang kapre. “Ngyuk ngyuk ngyuk…ngado nga Ngarwino ngyakit ngama ng ngyalls mo!” sabi ng kapre at tawa ng tawa ang dalawang dwende. “Penge naman ako nyan” sabay nila kinanta at muling umakyat sa puno ang kapre at kinuha ang stash nya ng alak.

“Teka dito ka sa gubat na to nakatira?” tanong ni Tuti. “Ngyindi, gawing ango sa mangiwagang ngubat. Ngabi ng ngiwata nyanap ngiyo ngi Ngyergos ngaya ngunod ango ngito” sabi ng kapre at tawa ng tawa ang mga babae. “Sabi nya galing siya sa mahiwagang gubat, at sinabi ng diwata na pumunta tayo hanapin si Virgous kaya sumunod siya dito” paliwanag ni Sarryno at lalo pa nagtawanan ang mga babae.

“Talagang nagkakaintindihan sila” sabi ni Nella at halos mamatay na sa tawa ang dalawang babae. “Halika pare kain muna tayo tapos kwentuhan sabay inom ahahaha like old times” sabi ni Darwino at kumain na sila lahat tila nakalimutan na nila si Paulito.

Dalawang oras ang lumipas ang mga disipulo at si Tuti, sumasayaw si Ngyobert at kumakanta pa. “I wanga myeyk ngyab nga nga nga nga” kanta niya. “I wanga myeyk ngyab nga nga nga ngaaaaa shwet!” kanta din ni Tuti pero nalaglag ang pustiso nya sa lupa kung saan nagpagulong gulong na sa tawa ang dalawang babae at mga dwende.

“Parang happy na happy kayo ha” sabi ng pamilyar na boses kaya napatigil sila at napalingon. “Virgous?” tanong ni Darwino at hindi sila makapaniwala na wala yung apoy sa katawan niya. “Wahahaha pwede na tayong mag group hug!!!” sigaw ni Bobbyno pero tumakbo sila papunta sa mga babae pero tumayo sa harapan nila si Paulito kaya diretso ang takbo nila kay Virgous.

Naupo si Paulito at kumuha ng pirasong karne at kumain, “Okay ka lang?” tanong ni Paula at ngumiti ang vampira. “Syemfre ako fa!” sagot niya at muling natawa si Nella at niyakap siya. “Pinakaba mo naman kami, sabi mo sa kanila umaga ka babalik, gabi na!” sermon ni Nella.

“Uy uy! LQ! Nyhahahaa” tukso ni Darwino at lumapit si Ngyobert kay Paulito at inabot ang kamay nya. “Nyare nyamiss ngita…ngagay ka o” sabi ni Ngyobert at inabot ang bote sa vampira, uminom naman si Paulito at tumayo. “Kumusta ang atay natin?” biro ni Paulito at tumawa ang kapre. “Ngeto ngokay ngang…uy pange ngahit ango ngabi ngila ngi ango nangiwanga” sabi ng kapre ang nagkamayan at nagyakapan ang dalawa.

Nagkasayahan ang lahat pero dumistansya si Paulito pero sinundan siya ni Nella. Aakyat na sana yung vampira sa puno pero humawak si Nella sa balikat niya. “Uy bakit di ka nakikisaya sa mga kaibigan mo?” tanong ng dalaga. “E kung malasing kami lahat sino magbabantay sa iyo?” sagot ni Paulito. “Di pa ako inaantok, dalhin mo ako sa tuktok” sabi ni Nella at sumakay sya sa likod ng vampira. Mabilis umakyat si Paulito at pagdating nila sa taas at naupo sila sa isang sanga.
Tumigil ang inuman ng mga disipulo at napagtripan nila ang lasing na Virgous. “Oy Virgy flame on ka nga” sabi ni Sarryno. Nagpakitang gilas naman ang taong apoy at napalibutan ng apoy ang katawan niya. “Ayan sige higa ka na para may bonfire kami ahahahaha” biro ni Darwino at nahiga naman si Virgous at siya talaga ang ginawang bonfire.

“Bakit di natin naisipan ito dati?” tanong ni Bobbyno at lalo sila nagtawanan. “Ngssssshhhhh sngleep nga ang fengi” bulong ni Ngyobert pero mas lalo pa sila nagtawanan. “Mangungug ngarin ngayo” biro ni Virgous at napatingin sila sa itaas at sinenyasan sila ni Paulito na matulog na. Tumahimik ang lahat at nagsipaghigaan na sa lupa.

“Grabe isang senyas mo lang sumusunod na sila sa iyo” sabi ni Nella at napangiti si Paulito. Huminga ng malalim si Nella at sumabay din ang vampira. “Si Felicia…” sabi ni Paulito. “You don’t have to tell me anymore” sabi ni Nella. “Si Felicia was my first love, tao din siya…oo alam ko I will outlive her. Mula nung bata ako I promised myself na hindi ako iibig kasi wala din lang kwenta kasi mapapanood ko sila mamatay din lang. Immortal kami e…sabi ko if ever iibig ako vampira siguro para hanggang hanggang magkasama…sabi ko never na tao” kwento ng vampira.

“Pero ewan ko ba…nainlove ako sa kanya…nangako ako sa kanya na pagkatapos ng laban magsasama kami…she waited…she watched me go to prison. Pinayagan siya na mabisita ako pero naawa ako sa kanya…di ko kaya makita siyang nalulungkot na nakikita ako behind bars. Tatakas na sana ako…pero isang araw bumisita siya…hindi na sya tao…vampira narin siya. Galit na galit ako pagkat niloko siya ng kapwa kong vampira…kasi pag ang tao kinagat mo at ginawa mong vampira…pag aari mo siya…di nila inexplain sa kanya yon” kwento ni Paulito.

“Ha? So you mean pag kinagat mo ako magiging vampira na ako tapos sa iyo na ako?” tanong ni Nella. “hindi ganon, I can bite you and feed myself, hindi ka magiging vampira pero magiging alerto mga senses mo and more pero di ka magiging vampira pa. Para maging vampira ibang klaseng kagat, yung kagat na mamatay ka tapos ililibing tayo sa ilalim ng lupa…after a day you will awaken as a a vampire…and you will be my property…they didn’t tell her that” paliwanag ni Paulito.

“Niloko nila siya. Naiintindihan ko ang hangarin ni Felicia…she wanted to be with me, ako din naman…when Felicia learned that pag aari na siya ng iba…sinaksak niya sarili niya ng kahoy sa harapan ko mismo…to show that she was sorry…” sabi ni Paulito at niyuko niya ulo niya.

Di alam ni Nella ang sasabihin nya, tumulo na ang luha sa mga mata niya at tanging nagawa niya ay akbayan ang vampira. Sinandal ni Paulito ang ulo niya sa balikat ni Nella. “And she looks exactly like you” bulong ni Paulito at di alam ni Nella kung matutuwa siya o malulungkot.

“So pag nakikita mo ako…is it a good thing or a bad thing?” tanong ni Nella. “…a good thing…the moment I saw you may chance ako umayaw…but I didn’t…” sabi ni Paulito. “Why? Bakit ka tumuloy?” tanong ni Nella.

Tumingala si Paulito sa langit at tinuro ang mga tala, “Alam mo nung nasa kulungan ako never ko nakita ang mga tala kasi doon sa lugar na yon laging may araw…me and Felicia used to just lay down on the ground and look at the stars…” sabi ni Paulito.

“…because of you…you made me see the stars again…TWINKLE TWINKLE…”

Saturday, May 30, 2009

Chapter 4: Mainland

TWINKLE TWINKLE
BY PAULITO


Chapter 4: Mainland


Nagtago na ang araw at lumabas na ang malaking buwan, lalong lumalakas ang dalawang vampira, bumilis sila at nahihirapan na humabol ang diwata. “Paulito, siguro kailangan na natin magpagabi dito” sabi ni Bobbyno. “Di tayo pwede mag aksaya ng oras” sagot ng vampira. “Oo pero tignan mo si Paula at yung reyna” sagot ng dwende. Napatigil ang vampira at napalingon, tulog na si Nella sa likod nya at si Paula mukhang nanghihina na. “Konti nalang, doon sa may mga puno tayo” sabi ni Paulito at nagtungo sila lahat sa ilalim ng malaking puno.

Pinahiga ni Paulito si Nella sa lupa, bumaba ang mga dwende sa balikat ni Tuti at lumaki ulit sila. Sa isang iglap may dala nang mga kahoy si Paulito at sinindihan ni Paula ang mga ito para meron silang init. “Tuti, may ngipin ka naman na baka gusto mo kumuha ng pwede nila makain” sabi ni Paulito at tuwang tuwa ang payat na vampira. “Paulito sigurado ka okay tayo dito?” tanong ni Darwino. “Oo, hindi tayo nag iisa dito pero ayos lang, may tatlong tiyanak sa malayong kaliwa at limang manananggal sa malayong kanan” sagot ng vampira.

Nakabalik si Tuti na may dalang malaking baboy damo at tuwang tuwa ang dalawang dwende. “Tuti tuti tuti tuti!! We love you na talaga pwamis!” landi ni Darwino at todo ngiti ang vampira pero napansin nila wala ang pustiso nya. “Nasan na ngipin mo?” tanong ni Bobbyno at nagulat si Tuti, “Ay eto di ko natanggal sa piggy damo, loose kasi siya” sabi ni Tuti at nagtawanan ang lahat. Nagising si Nella dahil sa ingay at agad siya tumayo at tinabihah si Paulito. “Di ka nga pala kumakain ng karne sandali maghahanap ako ng pwede mong kainin” sabi ng vampira. “Hindi na, kumakain din naman ako kung meron, ayaw ko lang kasi pumatay ng hayos kaya gulay lang kinakain ko, pero pag may karne kumakain naman ako e” sabi ni Nella.

“Tamad” biro ng vampira at tumawa si Nella. “Hindi ako tamad, ayaw ko lang pumatay ng hayop” sumbat ni Nella. “Oh sige antayin mo nalang maluto yung piggy” sabi ni Paulito at mabilis siyang umakyat sa pinakatuktok ng puno at doon tumayo. “Ano gagawin niya doon sa taas?” tanong ni Nella. “Baka magpapaulan nyahahah wiwiwiwiwiwi” biro ni Darwino at nagtawanan ang dalawang dwende, pati si Tuti natawa pero muling nalaglag ang pustiso niya kaya lalo pang silang nagtawanan.

“Nagbabantay lang yan, diba sabi sa alamat e sigurista yan, hayaan mo na at magpahinga ka. Antayin mo nalang maluto ang pagkain” bulong ni Paula. “Yung sinasabi mo kanina pala tungkol kay Felicia” sabi ni Nella at napatingin sa taas si Paula at niyuko niya ulo niya at lumayo. Tumingala si Nella at nakita niya si Paulito nakatitig sa kanya, ramdam ng dalawa ang dinadalang sakit sa puso ng vampira kaya naupo nalang siya at inantay maluto ang karne.

Pagkatapos nila kumain nilapag ni Paulito ang cloak niya para mahigaan ni Nella, mabilis siyang bumalik sa tuktok ng puno at doon tumayo. Gumaya si Tuti at binigay ang cloak niya kay Paula, umaakyat din sya sa tuktok ng kabilang puno at nagbantay din.

“Hindi ba sila matutulog?” tanong ni Nella. “Sa umaga sila nagpapahinga, ganitong gabi malakas sila kaya babantayan nila tayo” sagot ni Paula. “Ganyan talaga yan si Paulito, pati nung kami siya lagi yung nagbabantay sa gabi” paliwanag ni Bobbyno. “E si Tuti, isa ba siya sa mga disipulo?” tanong ni Nella. “Hindi, pero kasa kasama na namin yan mula noon pa. Masaya na yan basta kasama si Paulito, kasi nung bata yan si Paulito nagligtas sa kanya, muntik nang napugutan yan ng ulo e. Kaya mula noon dumikit na yan sa idol nya. Ang taba nyan dati kasi spoiled yan kay Paulito, kahit nung nabungi mataba parin pero noong nakulong si Pau wala nang nagpapakain diyan” kwento ni Darwino.

“Pero ano ba nangyari kay Felicia?” tanong ni Nella at agad nahiga ang mga dwende at di sumagot. Pati si Paula nahiga na at pinikit ang mata kaya napatingin si Nella kay Paulito, “Alam ko naririnig mo ako, bakit ba ayaw mo ipakwento nila sa akin?” bulong ni Nella at napatingin sa kanya si Paulito pero agad din niya nilayo tingin niya. Nahiga si Nella at pinagmasdan si Paulito, pagtingin niya kay Tuti napangiti nalang siya kaya pinikit na niya mata niya at natulog.

Sa ikatlong araw ay malapit na sila sa paanan ng bundok, nagpasya si Nella na tumigil sila muna para makapagpahinga ang dalawang vampira. Nananghalian sila at pagkatapos binurol nila ang dalawang vampira para di matamaan ng sinag ng araw, unang naburol si Tuti at lumuhod sa lupa ang dalawang dwende at kunwari nag iiyak. “Bakit mo kami iniwan?!” drama ni Darwino kaya tawa ng tawa si Nella. “Hoy kayong dalawa, kayo muna bahala dito” paalala ni Paulito at nagpaburol narin siya.

Nagtago na ang araw pero nagpasya si Nella na wag muna gisingin ang dalawa para makapagpahinga pa sila. “Hayaan muna natin, tatlong araw din silang gising e…kaya niyo naman siguro maghanap ng pagkain diba?” sabi ni Nella sa mga dwende. “Ano ba gusto niyo elephant?” biro ni Darwino. “Kahit ano basta makain, sige na. Nandito naman si Paula kaya okay lang kami” sabi ni Nella at umalis na ang dalawang dwende para maghanap ng pagkain.

Naupo ang dalawang babae sa tapat ng bonfire at pinagmasdan ang dalawang mga nakaburol. “Siguro pag tinanong ko di mo parin sasabihin sa akin” sabi ni Nella at ngumiti lang si Paula. “Gusto ko lang naman malaman ano nangyari pero okay lang, siguro siya na mismo magsasabi sa akin balang araw” hirit ni Nella pero pagtingin niya kay Paula nakita niya ang takot sa mukha ng diwata. Kinabahan si Nella at paglingon niya may malaking tikbalang na naglalakad papalapit sa kanila.
Napasigaw si Nella at at kumapit kay Paula, di makagalaw ang diwata at tila nanigas at tulala. “Paula! Hoy gumalaw ka naman!” sigaw ni Nella at tumawa ng malakas ang tikbalang. “Swerte ko naman, isang diwata at isang tao…unahin ko yung…tao!” sabi ng tikbalang at tinitigan si Nella at muling napasigaw si Nella sa takot.

Humakbang papalapit ang tikbalang, pulang pula ang mga mata niya at naglalaway siya, inabot niya ang kamay niya para mahawakan si Nella, napapikit nalang ang dalaga pero narinig niya ang sigaw ng tikbalang. Pagbukas ng mata ni Nella may puting lobo na kumagat sa kamay ng tikbalang.

Napalo ng tikbalang sa ulo ang lobo kaya bumitaw ito, sa takot binuhat ni Nella ang espada ni Paula at tinutok ito sa tikbalang. “Wag kang lalapit!” sigaw ng dalaga, si Paula naninigas at tulala parin sa lupa. “Nene ni hindi mo nga mabuhat yan e…wag ka na papalag kasi” sabi ng tikbalang pero muling tumalon ang lobo sa likod nya at kinagat sya sa balikat. Nahawakan ng tikbalang ang ulo ng lobo at naihagis ito sa malayo.

Ininda ng tikbalang ang sugat niya saglit pero napangiti sabay tinignan si Nella. Winasiwas ni Nella ang espada pero sa bigat napaupo siya sa lupa at natawa ang itim na tikbalang. Lumapit ang tikbalang at nanigas na si Nella sa takot, inabot ng nilalang ang isang paa ni Nella pero mula sa lupa may kamay na lumabas at nahawak sa leeg ang itim na nilalang.

Napaluhod ang tikbalang at di makahinga, lumabas mula sa lupa si Paulito at tinignan si Nella. “Sinaktan ka ba niya?” tanong ng vampira at di makasagot si Nella at lumuluha. Hinarap ni Paulito ang tikbalang at pinakawalan ito, napaatras ang tikbalang at humawak sa leeg nya, “Vampira ka! Alam mo naman na bawal ang mga tulad mo dito…pag nalaman ito ng hari tiyak ipapaubos niya kayo!” sigaw ng tikbalang.

“Sino ba nagsabi makakapagsumbong ka pa?” sagot ni Paulito at tumayo ang tikbalang at pumorma sa laban, “Nell! Tumalikod ka muna” utos ng vampira pero di gumagalaw ang dalaga, “Nella!” sigaw ni Paulito at dahan dahan tumalikod si Nella at pinikit ang kanyang mga mata.

Narinig ni Nella ang sigaw ni Paulito kaya tinakpan niya mga tenga niya, tagos parin ang mga sigaw ng tikbalang kaya lalo niya diniin ang mga kamay nya sa tenga niya. Naririnig parin ni Nella kaya napapasigaw na siya, ilang sandali lang may humawak sa kanyang balikat kaya nanginig siya pero may yumakap sa kanya kaya napalingon siya. “Wag ka na matakot, okay na” sabi ni Paulito at napayakap si Nella sa kanya.

Napalingon si Nella sa paligid at di na niya mahanap ang tikbalang, nakita niya ang burol ni Tuti na at wala don ang isa pang vampira. “Nasan na yung tikbalang?” tanong ni Nella at tumayo si Paulito. “Niligpit na ni Tuti” sagot ng vampira at tinignan nito ang nanginginig pang diwata. Muling lumuhod si Paulito at pinunasan ang mga luha ni Paula, “Bata ka pa, pero tatapang ka din wag kang mag alala” sabi ni Paulito.

Narinig nila ang mga tinig ng dalawang dwendeng nagkakantahan, ilang saglit may dala silang piglet at tuwang tuwa pa sila. Masama na titig ni Paulito ang sumalubong sa kanila kaya tumalikod sila agad, “Galit si boss, nanliit ata sa piglet” sabi ni Bobbyno pero agad sila nahawakan ni Paulito. “Bakit niyo sila hinayaan? At bakit niyo hindi kami ginising?” tanong ni Paulito. “Sabi ng reyna e hanap kami food” reklamo ni Darwino. “Kahit na! Muntik na sila namatay!” sigaw ni Paulito pero hinawakan ni Nella ang balikat niya. “Inutos ko sa kanila na maghanap ng pagkain at wag kayo gisingin” sabi ni Nella at huminga ng malalim ang vampira at binitawan ang mga kaibigan niya.

“Scared si Paulito kay Nella…uy uy” tukso ni Darwino at napangiti ang vampira. Mula sa kagubatan lumabas si Tuti na may dalang malaking baboy at natuwa ang mga dwende. “Buti pa si Tuti malaki ang dala, kayo piglet lang” sabi ni Nella. “Oy sa liit namin ang piglet parang dinosaur na no!” sabi ni Bobbyno at biglang natawa si Paula. “O you see, napatawa namin siya, oy Tuti dali na litsunin na yan!” sigaw ni Darwino at pinakawalan na nila ang piglet.

Habang kumakain sila napatigil ang dalawang vampira kaya lahat nanahimik, lumapit ang puting lobo at naupo sa paanan ni Paulito. Nagkatinginan si Paulito at yung dalawang dwende saglit at hinaplos ni Paulito ang ulo ng lobo. “Ay yan ang unang lumaban sa tikbalang kanina, pakainin niyo siya, baka may pilay kasi tinapon siya palayo” sabi ni Nella at lumapit siya at pinakain ng karne ang lobo.

Isang oras lumipas at nakaupo si Nella at Paula sa harap ng bonfire hinihimas ang likod ng lobo. Gumamit ng mahika si Paula at naglabas ng pink na ribbon at tinali niya ito sa leeg ng lobo. Nagkatinginan ang mga dwende at mga vampira at bigla sila nagtawanan, “Oy Paula lalake yan look it has a bird” sabi ni Darwino at lalo pa nagtawanan ang mga magkaibigan.

“Okay lang naman e, wala naman isip itong lobo tulad natin. So okay lang kahit na lagyan namin siya ng pink na ribbon, bagay nga nya e o” sabi ni Nella at halos mamatay sa tawa ang mga dwende at vampira. “Hayaan mo lang sila na tumawa at baliw mga yan” sabi ni Nella sabay haplos sa lobo.

Ilang minuto pa nakatulog na sina Nella at Paula, ang mga dwende nakahiga narin. Nakaupo sa malayo si Paulito at nilapitan siya ng lobo, “Long time no see my friend” sabi ng vampira at nagpalit ng anyo bigla ang lobo at naging tao. Naupo sa tabi ni Paulito ang lobo at nakipagkamay ito sa vampira.

“Sinusundan ko kayo mula nung tumawid kayo sa hanging bridge. Nung una di ako makapaniwala na ikaw yan” sabi ng taong lobo. “Oo alam ko Sarryno, naamoy kita pero akala ko galit karin tulad ng iba kaya di kita hinarap” sagot ni Paulito. “Hindi naipaliwanag na lahat ni Aneth, agad kita hinanap di ko alam sinundo mo pa pala yung dalawang bulilit” sagot ni Sarryno.

“Hoy bakla sinong bulilit?” sabi ng maliit na tinig at paglingon nila nandon ang dalawang dwende. Nagharap ang apat at nagngitian, “Wala ka nang praktis Sarryno, yung tikbalang lang di mo na nakayanan” sabi ni Bobbyno at napasimangot ang taong lobo. “Oo nga e, pero ilang araw lang na practice okay na” sabi ni Sarryno.

“Paulito, ano binabalak mo kay Virgous? Alam mo naman mainitin ulo non, baka di ka pa nakapag explain e aatakehin ka niya” sabi ni Bobbyno. “Tostadong vampira ka” biro ni Darwino at nagtawanan sila. “Siguro nga ako ang pinakamahina sa inyo pero ako lang nakakaalam ng kahinaan niyo lahat” sabi ni Paulito at nanahimik yung tatlo at si Paulito naman ang tumawa.

“Siguro pag apat tayo kaya natin siya” sabi ni Sarryno. “Hindi, ako lang haharap sa kanya, kung may mangyari sa akin at least meron pa kayo magpapatuloy ng laban na to” sagot ni Paulito. “Oy wag kang ganyan, alam mo naman na di kami makakapasok sa Vampire Town, ikaw lang makakahanap don sa iba. Kung wala ka na tapos na tong laban na to” sabi ni Darwino.

“E di magsamba kayo na walang mangyayari sa akin” sabi ni Paulito sabay tawa. “Tumatawa ka nanaman, may plano ka na ano?” tanong ni Bobbyno at ngumiti lang si Paulito. Tumayo ang vampira at tinuro ang bulkan, “Alam niya paparating tayo, sigurado ko hindi maidadaan sa magandang usapan ito. Kaya kung pwede maiwan kayo dito at bantayan niyo ang reyna, ako nalang ang haharap kay Virgous” sabi ni Paulito.

“Hoy, wag kang magpapakabida. Ikaw nga ang pinakamahina diba? Kaya ka punong disipulo kasi ikaw ang mautak, kailangan mo kami” sabi ni Darwino at tumawa si Paulito. “E di uutakan ko nalang siya” biro ng vampira at nainis ang mga kaibigan niya.

“Basta mga pare, wag kayong mag alala, makukumbinsi ko si Virgous. Bukas ng umaga pagbalik ko kasama na natin siya” sabi ng vampira at nagulat sila. “Pupunta ka na ngayon?” tanong ni Sarryno. “Oo nag aantay na si Virgous, kailangan ko kayo maiwan dito protektahan niyo ang reyna. Wag kayong mag alala…kailan ba ako ba kayo binigo?” sabi ng vampira.

Wala magawa ang tatlong disipulo, si Paulito ang napili na punong disipulo at ni minsan wala pa siyang salitang nabibitawan na di nagkakatotoo. “Sige pare, be safe. Kami na bahala dito” sabi ni Darwino.

“Ay oo nga pala Sarryno…” sabi ni Paulito at tumayo ang taong lobo at tinignan ang kaibigan niya. “Ano yon pare?” tanong ni Sarryno.

“Bagay na bagay mo ang fenk” sabi ng vampira at nagtawanan silang lahat.

Chapter 3: Dwendelandia

TWINKLE TWINKLE
BY PAULITO


Chapter 3: Dwendelandia


Nakatulog si Nella sa likod ni Paulito, sumilip na ang araw kaya tumigil sila at nagtago ang dalawang vampira. “Eto isuot niyo, di tatagos ang sinag ng araw dito” sabi ni Paula at inabot nya ang dalawang itim na hood ang cloak sa mga vampira. “Nandito naman na tayo e, ingat kayo sa tatapakan niyo at ito ang lugar ng mga dwende” sabi ni Paulito.

“Vossing…gutom na ako…” sabi ni Tuti at huminga ng malalim si Paulito. “Paula, bantayan mo muna si Nella, magrerecharge lang kami saglit” sabi ni Paulito at mabilis nagpunta sa gubat ang dalawang vampira. Nagising si Nella at hinanap si Paulito, “Mahal na reyna kumain lang sila saglit” sabi ni Paula at tumayo si Nella at pinagmasdan ang paligid. “Saan ba kinulong si Paulito dati?” tanong ni Nella.

“Hindi ko po alam, pero sabi nila sa lugar na di lumulubog ang araw kaya kahit makatakas siya ay wala siya pagtataguan…disyerto ata ho yon” sagot in Paula. “Grabe naman sila, matapos nila iligtas ang kaharian ganon gagawin sa kanya…sino ba hahanapin natin?” tanong ni Nella. “Malamang yung dalawang dwende, kailangan sila pagkat magaling silang mandirigma” sabi ni Paula. “Ah oo nabasa ko din sila, pero di ko maimagine na dwende nakikilaban” sabi ni Nella at natawa siya.

Bumalik na ang dalawang vampira at punong puno pa ng dugo ang mukha ni Tuti. “Tuti magpunas ka naman ng mukha” sabi ni Paula. “E si vossing e, sinubsob mukha ko sa figgy” sagot ni Tuti. “Vungiiiii hihihihi…wag kang magrereklamo kung di hindi ka makakakain loko ka” sabi ni Paulito at muling natawa si Nella. May inabot si Paula kay Nella na puting cloak at hood, pareho sila nagsuot nila at nagtuloy na sila sa kaharian ng mga dwende.
May sumalubong sa kanila na matandang dwende kaya napatigil sila. “Apakan ko na to” sabi ni Tuti at bigla siyang binatukan ni Paula. “Magadandang araw sa iyo tandang Dag-ol” sabi ni Paulito sabay lumuhod siya. Tumingala ang dwende at nagulat, “Paulito! Ikaw na ba yan?” tanong ng matandang dwende. “Opo, naririto kami upang muling tawagin si Darwino at Bobbyno para sa isa nanamang paglalakbay at kung mamarapatin niyo hihingiin narin ang tulong ng inyong mga iba pang mandirigma” sagot ng vampira.

Umakyat sa balikat ni Paulito ang dwende at naglakad sila. “Oo nasabi na sa akin ni Yui ito, so yang kasama mo ang tunay na reyna?” bulong ng matanda. “Opo, kaya kailangan ulit mabuo ang mga disipulo” sagot ni Paulito. “Bakit ka pumayag? Matapos ang ginawa nila sa iyo” sabi ng dwende at huminga ng malalim si Paulito sabay sinulyap si Nella. “Ah…nakikita mo sa kanya ang iyong nakaraan na kasintahan…hmmm…nakahanda na kami pero yung dalawang pilyong kaibigan mo nandon sa may batis naglalaro, ang tatanda na nila akala mo kung bata pa” sabi ng matanda at nagtawanan sila. “Doon na kami tutungo, pag nabuo namin ang mga disipulo ibibgay ko ang hudyat para sa pagtitipon” sabi ni Paulito at bumaba na ang matandang dwende.

Sa batis nagtungo ang apat, malayo palang naririnig na nila ang mga tawanan ng malalnding dwende. Nagtago ang apat sa likod ng puno at sumilip, sa may damuhan may dalawang nakahubad na dwendeng nagtatakbuhan.

“Weeee…nyahahahaa…bilisan mo tumakbo Bobbyno! Ganito o” sigaw ng isa pang dwende. Binilisan ng dwende ang pagtakbo at tawa siya ng tawa, kiliting kiliti siya sabay huminto at nangisay ang buong katawan niya at napaupo bigla. Sumunod na tumakbo si Bobbyno at pati siya tawa ng tawa at nangisay bigla sabay nahiga sa damuhan. “Tado ka Darwino itong mga tinuturo mo sa akin” reklamo ni Bobbyno. “Weh! Gustong gusto mo naman, tara isa pa” sabi ni Darwino at tumayo ulit sila at tumakbo pero napatigil sila nang humarap si Paulito sa kanila.

“Kumusta mga tol, long time no see” sabi ni Paulito at nanlaki ang mga mata nung dalawang dwende at napatingala sila. “Ka Freddie ish dat hiyu?” banat ni Darwino. “Nasan gitara mo?” dagdag ni Bobbyno at sabay sila kumanta, “Nung isilang ka sa mundong ito nyahahahaha…ka Freddie pa autograph naman!!!” landi nung dalawang dwende at nakitawa sa kanila si Paulito.

Naupo si Paulito sa lupa at mabilis umakyat sa balikat niya ang dalawang kaibigan niya. “Grabe namiss ko kayo at mga patawa niyo” sabi ni Paulito at kumapit ang dalawa sa mahabang buhok nya at nagpaka tarzan. “Ako si Darwino ang tarzan, si Bobbyno si chitae!” sigaw ng dwende at masaya sila nagbaging baging sa buhok ng vampira.

Di nakatiis lumapit si Nella at humarap sa kanila, nanlaki ang mga mata nung dalawang dwende at bumaba sa damuhan at tiningala ang magandang dalaga. “Hihihihih” tawa ni Darwino at naglakad siya papalapit, “Oy alam ko binabalak mo, siya ang totoong reyna ng kaharian” sabi ni Paulito kaya tumigil si Darwino at tumalikod. “Shwet! E yong isa?” tanong niya at tinuro si Paula. “Ah diwata yan, si Paula” sagot ni Paulito at tumakbo ang dalawang dwende papunta sa kanya pero naglabas si Paula ng malaking espada kaya takbo pabalik sa vampira ang dalawa.

Lumapit si Tuti at naupo sa damo, “Ako nalang kalaruin niyo” sabi ng vampira at biglang nagtawanan ang dalawang dwende. “Waaaahh…bungi!!! Ahahahahaha…mother father brother sister how do you brush you tit?!” kanta ni Darwino at sumayaw ang dalawang dwende at inasar asar ang bunging vampira.

Tumayo si Tuti at sinubukan apakan si Darwino pero pero biglang humawak si Bobbyno sa paa nya at binuhat siya. “Wag mo kami ismolin brod!” sigaw ng dwende at tinapon niya ito sa batis.

“Bobbyno malakas ka parin ha” sabi ni Paulito at inabot ng vampira ang damit nila. “O bakit ka ba dumalaw pare?” tanong ni Bobbyno. “Ano pa nga ba? Tulad ng dati” sagot ng vampira at nagulat si Darwino. “Oh pag may kailangan sila importante tayo. Pagkatapos para tayong bale wala na itatapon nalang” drama ng dwende. Tumawa si Bobbyno at mabilis umakyat sa balikat ni Paulito. “Hayaan mo yan, naging emo yan mula nung makulong ka. Nagpalit na nga ng pangalan yan e, Legolaslas na siya” bulong ng dwende at nagtawanan sila.

Pagkatapos magbihis ni Darwino at umakyat din siya sa balikat ng vampira, tumayo si Paulito at pinakilala niya ang mga kasama niya. “Eto sina Darwino at Bobbyno, mga dwendeng mandirigma, wag niyo sila mamaliitin pagkat frontliner sila sa laban. Guys eto si Nella ang tunay na reyna ng kaharian. Si Paula isang diwata ng mahiwagang gubat, at yon naghihingalo sa tubig ay si Tuti” sabi ni Paulito at muling inasar ng dalawang dwende ang bunging vampira.

Naupo sila lahat sa damuhan at may mga dumating na ibang dwende na may dalang pagkain. Bumaba ang dalawang dwende sa balikat ni Paulito at nagulat ang iba nang lumaki sila bigla sa normal na size ng tao. “Bakit tulala sila? Hindi mo ba nila alam na ganito kami?” tanong ni Bobbyno. “Malamang na hindi nila alam, tignan mo tulala parin sila” sagot ni Paulito at nagtawanan ang magkaibigan.

“Kaya namin lumaki ng ganito para makibagay, pero pansamantala lang ito pagkat manghihina din kami. Pero ngayon ayos lang pagkat kakain naman tayo. Sa labanan hindi kami tatagal pag ganito pero pwede din naman basta paspasan ang laban” paliwanag in Darwino. Masaya sila kumain at aliw na aliw sila sa mga patawa ng dalawang dwende pero halata nila ang di gaano nagsasaya si Paulito.

Dumikit si Darwino sa kanya at nagbulong, “Naalala mo siya ano pag nakikita mo ang reyna?” sabi nya at napangiti si Paulito. “Kaya nga ako pumayag e” sagot ng vampira. “Kami ni Legolaslas alam mo naman malapit kami sa iyo pare, pero naisip mo na ba kung pano mo kukumbinsihin yung iba?” tanong bigla ni Bobbyno at napabuntong hininga si Paulito.

“Kaya ko nga kayo inuna e, alam ko nasan sila pero di ko alam kung makukumbinsi ko sila sumama” sagot ni Paulito. “Bakit nagkaproblema ba kayo noon?” tanong ni Nella. “Hindi naman, kaya lang akala nila tinakbuhan kami ni Paulito, ang di nila alam nakulong siya para sa amin lahat” paliwanag ni Darwino.

“HA? E bakit hindi niyo sinabi sa kanila?” hirit ng dalaga. “E kasi loyalista sila, sa hirap at sa ligaya gusto sama sama, kung nalaman nila na nakulong si Paulito e di lahat sila sumama o kaya pilit nila siyang itatakas” sabi ni Bobbyno. “Ayaw ko mangyari yon, maayos ako nakipag usap sa hari noon na ako lang kaya di ko na pinagsabi sa iba. Itong dalawa lang na mas nakakatanda ang pinagsabihan ko pagkat alam ko maiintindihan nila” sabi ni Paulito.

“Kaya ayon akala nila nagtago siya, ang masama may nagsabi pa na may binigay na gantimpala ang hari at sinolo niya” kwento ni Bobbyno. “Escuse me may marunong ba gumawa ng fushtisho dito sa inyong lugaw? Kanina ko pa kinakagat thong flied shicken e ayaw mavite” sabi ni Tuti at bigla nalang nagtawanan ang lahat pagkat tumutulo na ang laway nya at basang basa na yung drum stick.

Sinamahan ng ibang dwende si Tuti upang magpagawa ng pustiso, si Paula ay naligo sa batis at binosohan siya ng dalawang disipulong dwende. Di pa nakakatagl ay nagsigawan ang dalawang dwende at nagtakbuhan hawak ang mga mata nila, “Wala ako makita!!!” sigaw ni Bobbyno. “Ako din ahaahha pero may nakita akooooo yoooohoooo!!” sigaw ni Darwino na tuwang tuwa pa at sabay sila naumpog sa puno at bulagta sa damuhan.

“Nakakatuwa naman mga kaibigan mo, di mo akalain na disipulo sila” sabi ni Nella nang naglakad sila sa gilid ng batis. “Ah oo mas matutuwa ka pag nakilala mo ang lahat, mas masaya pag kumpleto” sagot ni Paulito. “O baka naman gusto mo din mamboso at nagpipigil ka lang” biro ni Nella at natawa si Paulito.

“Hindi ako tulad nila” sagot ng vampira at biglang tumawa si Darwino. “Sinungaling! Oy kosa wag kang magpapalinis diyan ahaahhaha…di mo baa lam ang mga vampira malilibog mga yan nyahahaha!” sigaw ng dwende nang subukan niya bumangon at tumakbo pero muling naumpog sa puno at napahiga ulit.

“Kaya mo ba ako lagi inaamoy?” biro ni Nella at napakamot si Paulito. “Wahahaha I told you…at kamukha mo yung…” sabi ni Darwino pero mabilis na nahawakan ni Paulito ang dwende kaya di naituloy ang gustong sabihin. “Pasensya ka na dito, loko loko talaga to” sabi ng vampira. “Kamukha mo yung lovey dovey nya nyahahahaha” sabi ni Bobbyno na nakalimutan ni Paulito na nasa likod niya. Pinulot ni Paulito ang dalawang dwende sa bawat kamay at pinagumpog ang ulo nila hanggang sa mahimatay sila. “Wag kang maniniwala sa mga ito, naka drugs sila madami kasing mushroom dito at nakahithit ata sila ulit” palusot ng vampira.

“Ano naman pangalan nung loves mo?” tanong ni Nella at tumawa si Paulito. “Wala yon, nagbibiro lang sila” sagot ng vampira. “Her name is Felicia, yes I pronounced that correctly with my new pearly white teeth” sabi ni Tuti na pinasikat ang bago niyang pustisto. “Oy tignan niyo to, ang galing nila, pwede lumabas ang pangil may pipindutin lang ako look” pasikat ng vampira at pagpindot niya sa ngalngala niya biglang nalaglag ang pustiso sa lupa kaya tawa ng tawa si Paulito at Nella.

“Shwet! Vakit ganito naman tow?” sabi ni Tuti at pinulot ang pustiso nya at binalik sa bunganga niya. “So nasan na si Felicia?” tanong ni Nella. Huminga ng malalim si Paulito at ginising ang mga dwende at kunwari di narinig si Nella.

“Oy, nasan na si Felicia?” ulit ni Nella. “She is dead” sabi ni Paula na basang basa na galing sa batis. Natulala si Nella at tumingin sa malayo si Paulito, “Oy gising na kayo, aalis na tayo” sabi ng vampira at nilagay niya ang mga kaibigan nya sa balikat niya.

“What do you mean dead?” bulong ni Nella sa diwata. “Paula pwede ba sagutin mo nalang yan pag malayo ako, malayong malayo na hindi ko kayo naririnig” sabi ni Paulito kaya nanahimik si Paula.

“Ahem, bossing where to?” tanong ni Tuti. “Sa paanan ng bulkan, kailangan natin mahanap si Virgous” sagot ni Paulito at nilagay niya ang mga dwende sa balikat ni Tuti. Di humarap si Paulito pero naglakad palapit si Nella at sumakay sa likod niya.

“Paula, Tuti, Darwino at Bobbyno, maging alerto kayo” sabi ni Paulito. “Oo alam namin pare” sagot ni Darwino nang ilabas niya ang gintong tirador niya. “Bakit may makakalaban ba tayo?” tanong ni Nella. “Sana wala, pero papasok na tayo sa mainland kung saan madaming kampon ng kadiliman” sagot ni Paulito.

Friday, May 29, 2009

Chapter 2: Reyna

TWINKLE TWINKLE
BY PAULITO

Chapter 2: Reyna

Paglubog ng araw minulat na ni Paulito ang kanyang mga mata, lumabas siya sa ilalim ng kama at mabangong pagkain ang naamoy niya. Agad siya nagtungo sa kusina at nakita si Nella nagluluto.

Tinabihan niya si Nella at inamoy amoy niya ulit ang leeg nito at muling nakiliti ang dalaga kaya siniko siya pero sa kabila siya biglang sumulpot. “Mabilis ka gumalaw pala” sabi ni Nella. “Of chors, hmmmm fork shof” sabi ni Paulito. Tumawa si Nella at sinalang ang susunod na piraso ng karne. “Pork chop” linaw ni Nella. “Hello! Kung ikaw din kaya ang may fangil, sige nga fronounce mo ang fork shof…lumalabas fangil fag gutom” paliwanag ni Paulito at tawa ng tawa si Nella.

Nagtabi sila sa lamesa para mag gabihan, inamoy amoy muli ni Paulito si Nella at muling nakiliti ang dalaga. “Bakit mo ba ako inaamoy?” tanog ni Nella. “Di parin ako sanay sa amoy ng tao, matagal ako nakakulong” sabi ni Paulito. “Ha? Nakakulong? Bakit ka nakulong?” tanong ni Nella at tahimik lang ang vampirang kumain. “Baka may ginawa kang masama kaya ka kinulong” sabi ni Nella at bigla siyang tinignan ng masama ni Paulito. “How I wish I did” sagot ng vampira at natakot si Nella.

“Ei, bakit mo pala ako tinawag na reyna?” tanong ni Nella. “Kasi reyna ka daw, wala na ako alam basta yon ang sinabi sa akin” sagot ni Paulito. “Sinong nagsabi?” hirit ng dalaga. “Sila, basta sila” sagot ng vampira at nahalata ni Nella na naiinis si Paulito kaya tumahimik nalang siya. Tumayo si Nella at kumuha ng mga bawang at nilapit ito bigla sa vampira. Tinitigan siya ni Paulito at nagulat si Nella at tumawa, “Ay akala ko manghihina kayo sa bawang” sabi ng dalaga at napangisi ang vampira.

“Hindi totoo yan, malakas ang pang amoy namin kaya nakakairita ang amoy niyan, nakakaamoy kami ng utot kahit isang kilometro ang layo” sabi ng vampira at muling tumawa si Nella. Hinawakan bigla ni Paulito ang kamay ni Nella at sinenyasan niya tumahimik ang dalaga. Sa isang iglap nakatayo ang vampira sa may bintana at tumakbo si Nella sa tabi nya.

Isang nilalang ang biglang nagpakita sa bintana at napasigaw si Nella kaya niyakap siya ni Paulito. “Okay lang kilala ko siya…Tuti bakit ka nandito?” sabi ni Paulito at dahan dahan tinignan ni Nella si Tuti. Isang payat na nilalang at magulo ang buhok at tinitigan niya, “Bosssing, dalhin mo daw ang reyna sa sacred groundsss mamayaaaahh” sabi ni Tuti at binuka niya ang bunganga niya at susunggabin na sana si Nella pero natawa ang dalaga.

“Bungi siya” sabi ni Nella at tawa siya ng tawa. Inabot ni Tuti ang kamay nya kaya napasigaw ang dalaga. “Relax, di ka nya pwede abutin because you are inside your home…you have to invite him in bago siya makapasok…just like you did to me kaya nandito ako sa loob” sabi ni Paulito kaya nakampante ang dalaga. “Bungi!” asar ni Nella at nairita lalo si Tuti pero walang magawa ang toothless vampire.

“Sige na Tuti, susunod kami mamaya, kumakain pa ako” sabi ni Paulito at masama ang tingin ni Tuti kay Nella at tinuro siya bago mabilis na umalis. “Bakit ang payat non?” tanong ni Nella. “Dati mataba yan, mabangis at matakaw. Walang patawad kahit anong hayop titirahin, one time hinamon namin na yung rhinocerous ang kagatin niya. Sa sobrang yabang ginawa nga nya, ayun naputol lahat ng ngipin niya. Di na tumubo ulit kaya umaasa nalang yan sa ibang bampira para kumain” kwento ni Paulito at tawa sila ng tawa.

Pagkatapos kumain ay naghanda na sila, lumabas sila ng bahay at humarap si Paulito sa madilim na gubat. Bigla niya binuhat sa kamay niya si Nella, napahiga ang dalaga at napangiti, “wag mo ako tititigan ng ganyan” sabi ng vampira at nagsimula na siyang tumakbo ng mabilis. “weeee…teka wala ako makita sakay nalang ako sa back mo” sabi ni Nella kaya tumigil sila para makalipat ng pwesto ang dalaga. Pagkasakay ni Nella sa likod ng vampira tumakbo ulit siya ng mabilis at nagawa pang umakyat ng puno at tumalon talon sa bawat sanga.

Tuwang tuwa si Nella at napayakap siya ng mahigpit sa vampira, ilang minuto din sila naglakbay hanggang sa naabot nila ang sentro ng madilim na gubat. Tumayo si Paulito at tinago niya sa likod niya si Nella, “Nandito na ang reyna!” sigaw ng vampira. Takot na takot si Nella pagkat wala siyang makita, napakadilim ng paligid kaya todo kapit siya kay Paulito.

“Hindi ba kayo nasundan?” tanong ng isang boses at lalo natakot si Nella pagkat di niya alam saan nanggagaling ang malalim na tinig. “Nasundan kami…tatlong diwata, limang dwende, si Tuti at isang tikbalang…pero lahat galing sa kampo niyo kaya di ko sila sinaktan” sagot ni Paulito at biglang tumawa ng malakas ang boses. “Mahusay ka parin Paulito, di kami nagkamali upang piliin ka…liwanag!” sigaw ng boses.

Ang paligid biglang nagliwanag sa nagkalat na alitaptap, may lawa pala kaya namangha si Nella at lumabas sa likod ni Paulito. Doon nagsilabasan ang mga ibat ibang nilalang, mga dwende, kapre, tikbalang, tiyanak, mga engkanto at diwata. Sa tubig nagsilabasan ang mga siyokoy at sirena na lalong ikinatuwa ng dalaga.

Sa taas ng puno bumama ang isang higanteng kapre at binati ang dalaga, “Mahal na reyna, ako si Leonardo, ikinagagalak ko na makilala ka” sabi ng kapre at muling nagtago si Nella sa likod ni Paulito. “Magsipilyo ka muna kaya…sama ng amoy ng bunganga mo” sabi ng vampira at nagkagirian ang dalawa.

“Itigil niyo yan!” sigaw ng isang babaeng tinig at may isang diwatang lumapit kina Paulito at Nella. “Mahal na reyna, Nella ako si Aneth, punong diwata ng kagubatang ito…wag kang matatakot sa amin…matagal ka na naming inaantay” sabi ni Aneth at naglakad palayo si Paulito. “Saan ka pupunta, wag mo ako iiwanan dito” sabi ni Nella. “Wag kang mag aalala, makinig ka sa kanila. Ipatawag mo nalang ako pag kailangan mo ako” sabi ni Paulito at mabilis siyang umalis.

Inakbayan ni Aneth si Nella at nagtungo sila sa gitna, lahat ng nilalang sa gubat biglang nagsiluhod sa isang paa at nagbigay pugay sa kanilang reyna. “Lahat kami Nella ay tauhan mo, ikaw ang tunay na tagapagmana ng kaharian, at ikaw lang ang ituturing at gagalangin naming reyna” paliwanag ni Aneth at naguguluhan pa ang dalaga.

“Ha? Bakit ako? Hindi ko kaano ano ang hari at pamilya niya” sabi ni Nella. “Kailangan mo na malaman ang katotohanan…ang iyong mga magulang ang totoong hari at reyna…pero isa sa mga katiwala ng ama mo noon nakikutsaba sa mga kampo ng kadiliman upang maagaw niya ang pagkahari. Buntis ang nanay mo noon at may mangkukulam na tinakot ang iyong ama na papatayin ang nanay mo. Sinuko ng ama mo ang trono para mailigtas ang ina mo, upang hindi mahalata ng mga tao at ibang nilalang ang nangyari nagpalit ng anyo ang katiwala, kinuha niya ang itsura ng iyong ama. Isang bruha ang pumalit sa iyong ina, at ang mga magulang mo hinayaan tumakas.

Akala nila makakalaya na sila ngunit hinabol sila, napadpad ang mga magulang mo sa kagubatan namin noon, ipinagtanggol namin sila at kinopkop hanggang sa maisilang ka. Isa sa amin ang nagtraydor at sinumbong sa hari ang nangyari, muli sinugod ng kampo ng kadiliman ang gubat namin at nahanap kayo. Isang bruha at naglagay ng sumpa sa iyo ngunit kinontra ito ng aking ina, binigay ng aking ina ang buhay niya sa iyo, at naglabas ng sarili niyang sumpa. Walang makakagalaw sa iyo hanggang sa maging disi otso anyos ka na” kwento ng diwata.

“Pero bakit namatay ang mga magulang ko?” tanong ni Nella at nalungkot si Aneth, “bago namatay ang bruha nagawa pa niya maglabas ng isa pang sumpa sa magulang mo, isang sakit na limang taong naming sinubukan pagalingin ngunit bigo kami…humihingi ako ng patawad sa iyo Nella” sabi ng diwata at lumuhod ito at hinawakan ang kamay ni Nella. Naiyak nalang si Nella at pinatayo ang diwata at niyakap ito, “hindi niyo kasalanan…maraming salamat at limang taon ko din nakasama ang mga magulang ko” bulong ni Nella.

“Ano ang magagawa ko ngayon? Kahit tawagin niyo akong reyna e may hari naman na nakaupo” sabi ni Nella at muling lumapit si Leonardo. “May taglay na hiwaga ang trono ng kaharian, noong unang panahon nagsama sama ang lahat ng nilalang at mga tao, bilang pinaka mahina napagpasyahan ng lahat na tao ang maghahari. Kaming mga nilalang namili ng isang tao na malinis ang puso at ang ninuno mo ang napili namin. Hindi kami nagkamali pagkat naging mahusay ang pamamahala ng haring yon. Nung namatay siya ang anak niya ang pumalit…paulit ulit ang proseso hanggang sa namatay ang lolo at ama mo ang pumalit sa kanya.

Ang trono lang ay maipapasa sa isang anak ng hari, pero kailangan nasa tamang edad ang anak na yon. Disi otso anyos…pag namatay ang hari at wala pang disi otso anyos ang anak niya mababakante ang trono hanggang sa umabot sa tamang edad ang tagapagmana. Trese na taon nang bakante ang trono mula nung namatay ang iyong ama…may impostor ngang pumalit pero hindi namin siya kinikilala. Mapapansin mo ang mga nilalang na tulad namin hindi tumutulong sa pagpapalago ng lupain at mga yaman ng kalikasan…naalala mo pa ba Nella noong bata ka mas maganda ang mga bulaklak, mas sariwa ang hangin at mas masaya ang lahat ng tao at nilalang?” sabi ng kapre.

“Pero pag ganon bakit hindi kayo nagreklamo o nakialam man lang? Alam niyo naman na impostor ang hari, bakit wala kayong ginagawa?” tanong ni Nella. “Hindi sa wala kaming ginagawa…hindi kami makaporma sa mga alagad ng hari. Yung gubat namin noon hawak nila, itong gubat na ito…dito lang kami tumakas kasama ka…dito kami nanirahan para mabantayan ka namin…madami ang naiwan sa dating gubat namin, wala na kaming komunikasyon sa kanila…hindi namin alam kung buhay pa sila” sabi ng kapre at lalong nalungkot si Nella.

“Ang trono hahanapin niya ang tunay na tagapag mana, at pag buhay pa ang tunay na tagapagmana at iba ang nakaupo magluluksa ang lupain ng kaharian, mamatay ang lahat ng halaman at hayop hanggang sa maupo ang tunay na tagapagmana. At kung hindi mangyayari yon, mamatay tayo lahat” sabi ni Aneth.

“Ah…kaya pala naghahakot ang hari ng pagkain, mga yaman...” sabi ni Nella. “Oo Nella, naghahanda siya, pinapaikot niya ang mga sundalo niya upang mahanap ka…upang iapapatay ka…at pag napatay ka mamimili muli ang mga nilalang ng bagong hari at natatakot kami na hindi kami kasama sa pagpili ngunit ang mga kampon ng kadiliman ang mamimili…pero buhay ka Nella at ikaw ang tunay na tagapagmana kaya may pag asa pa tayo” sabi ni Leonardo.

“E di tara na at magpakita na tayo doon” sabi ni Nella. “hindi ganon kadali mahal na reyna, pag nagpakita ka doon sigurado papatayin ka nila agad…kailangan natin lumaban…kailangan natin makuha ang gintong corona at maisuot mo sa ulo mo…makikilala ka agad ng mahiwagang corona ngunit hindi ganon kadali makuha yon…sigurado ko inaabangan ka nila” sabi ni Leonardo.

“Ano ang gagawin natin?” tanong ni Nella. “Lalaban tayo…kokonti lang tayo kaya humingi kami ng tulong kay Paulito…sana makumbinsi niya ang iba pang disipulo ng Fredatorya…sila ang pag asa natin…pag nakumpleto sila saka nalang ako makakahinga ng maayos” sabi in Aneth at napalingon sila lahat sa isang puno kung saan nakaupo si Paulito sa isang sanga at natutulog.

“Bakit parang may alitan kayo? Nasan ang ibang disipulo?” tanong ni Nella at napasimangot ang diwata at kapre. “Noong panahon pagkatapos ng nila mapigilan ang kampon ng kadiliman sa paghimagsik…natakot ang mga tao sa mga nilalang…ang mga disipulo ng Fredatoria ay malalakas na nilalang at naging mabangis sila…oo nailigtas sila ang buong kaharian ngunit sila naman ang kinatakutan ng mga tao. Natatakot ang mga tao na baka sila naman ang magbalak…kaya nagtipon kaming mga nilalang at napagpasyahan na watakin ang mga disipulo at ikulong” paliwanag ni Leonardo.

“Ha? Bakit ganon? E niligtas nila ang lahat, bakit wala tiwala sa kanila ang mga tao. Dapat nga nagpapasalamat sila sa kanila” sabi ni Nella. “Hindi ko alam…pero si Paulito nakiusap na siya nalang ang ikulong at palayain ang iba…inutusan niya magtago ang ibang disipulo at sumuko siya sa hari. Kinulong siya…at nakalimutan na. Kamakailan lang nakinegosasyon kami sa kanya, na mapapalaya na siya basta maging gwardya ka niya. Hindi pa namin nababanggit sa kanya ang tunay na balak namin na tipunin niya ulit ang mga kasama niya” sabi Aneth.

“Oy baka nakakalimutan niyo malakas pandinig namin!” sigaw bigla ni Paulito at tumayo siya sa sanga. “Kailangan niyo kami? Tapos pag nagtagumpay ipapakulong niyo ulit kami? Ganon ba yon? Ni hindi niyo kami pinagtanggol man lang noon! Ibalik niyo nalang ako sa kulungan!” sigaw ni Paulito at bumaba siya sa puno at humarap kay Leonardo at Aneth.
“Hindi na kami magpapagamit sa inyo…mas pinili niyo pang magpabango sa mata ng mga tao kesa suportahan at ipagtanggol kami! Tapos eto hihingiin niyo ulit ang tulong namin? Pagkatapos matatakot ulit ang mga tao sa amin at papanig ulit kayo sa kanila at iapaptapon niyo ulit kami? Wag na! Ikulong niyo nalang ako ulit!” sigaw ni Paulito sabay inabot niya ang dalawang kamay niya sa dalawang nilalang.

“Noon yon Paulito, iba na ngayon, malay mo maiintindihan na ng mga tao” sabi ni Aneth. “E kung hindi? Kanino kayo kakampi?” sumbat ni Paulito at napaisip ang dalawa.

“Kung totoo ang sinasabi nila na ako ang reyna…at kung magtatagumpay tayo…ako mismo ang papanig sa inyo” sabi ni Nella at nagulat ang lahat ng nilalang. Tahimik lang si Paulito at hinarap si Nella.

“Kung ano man sabihin ko susundin niyo ba?” tanong ni Nella kay Aneth. “Oo mahal na reyna, lahat ng mga nilalang na nandito ay susunod sa iyo” sagot ng diwata.

“Matagal ko nang naririnig ang alam ng Fredatoria, nabasa ko gano sila kabangis at kagaling. Humanga ako sa punong disipulo nila, sabi sa alamat hindi man siya ang pinakamalakas, hindi man siya ang pinakamagaling pero siya ang pinakikinggan ng lahat at sa pamumuno niya nagtagumpay ang mga disipulo sa pagpuksa ng kasamaan…Paulito ang pangalan niya…at kung ikaw yon kailangan ko kita pamunuhan ang rebelyon na ito” sabi ni Nella.

“May kokontra ba sa desisyon ko?” tanong ni Nella at walang umimik.
“Paulito nasa sa iyo na ang kaligtasan ng buhay ko…ikaw na ang bahala sa aming lahat” sabi ni Nella at muling napaluhod ang lahat ng nilalang upang magbigay pugay sa vampira.

“Pano ako makakatanggi sa isang hiling ng magandang dilag…hindi ito magaging madali sinasabi ko na sa inyong lahat. Kokonti lang tayo at kailangan ko pa hanapin ang iba pang disipulo. Tatanggapin ko ang malaking alituntunin na ito…kaya iiwan ko muna ang reyna sa pangangalaga niyo habang maglalakbay ako para hanapin ang iba” sabi ni Paulito.

“Sasama ako sa iyo” sabi bigla ni Nella. “Bakit wala ka bang tiwala na babalik ako? Hindi naman ako tatakas” sagot ni Paulito. “May tiwala ako sa iyo at mas ligtas ako sa piling mo” sabi ni Nella at napangiti ang vampira. “Paula, sumama ka sa kanila” utos ni Aneth at isang magandang diwata ang lumapit. “Tuti, sumama ka din sa kanila” utos ni Leonardo at muling natawa si Nella.

“Ayossss tawagin natin na Tuti Team” sabi ni Tuti at nagtawanan ang lahat ng nilalang. “Paulito sapat na ba sila sa paglakbay niyo?” tanong ni Leonardo. “Oo kaya iligtas itong dalawa, at kailangan namin si Tuti para malibang kami” sagot ni Paulito at tumawa ng malakas si Nella. “Si Paula ay diwatang mandirigma kaya di mo na siya kailangan bantayan” paliwanag ni Aneth.

“Paulito at Palito” sabi ni Nella at tawa siya ng tawa. “Oy pasalamat ka reyna ka, kahit bungi at payat ako mabangis din ako…loko to” sagot ni Tuti. Huminga ng malalim si Paulito at sumakay si Nella sa likod niya, “Miss sakay ka din sa likod ko” sabi ni Tuti kay Paula pero biglang lumipad sa ere ang diwata. “Shwet” sabi ni Tuti at muling tumawa si Nella.

“Unang hahanapin natin ay ang mga mahiwagang dwende…kapit ng mahigpit Nella!” sigaw ni Paulito at mabilis sila umalis.

Chapter 1: Nella

TWINKLE TWINKLE
BY PAULITO


Chapter 1: Nella


Sa pinakadulong rehiyon ng kaharian, may isang lugar na di pa naabot ng mga sundalo ng hari. Natatakot sila pagkat parang sinadya ng mga diyos na ihiwalay ang lugar na ito sa buong kaharian, may malaking biyak sa lupa at isang hanging bridge na tanging daanan. Walang nakakaalam kung gano kalalim ang biyak, madami nang nalaglag at di na nakabalik pa.

Iilan lang ang naglakas loob manirahan sa lugar na ito at isa na dito si Ella, isang disi otso anyos na ulila. Si Nella ay isang magandang dalaga, paborito siya ng lahat ng nakatira sa lugar na yon. Ang mga magulang niya namatay noong limang taong gulang pa siya dahil sa isang sakit na di maipaliwanag. Mula noon kinupkop siya ng mga tao, ayaw manatili sa isang pamilya ni Ella kaya palipat lipat siya ng pamilyang tinitirhan.

Napamahal sa kanya ang lahat at marami nagsasabi na may angking hiwaga na taglay si Nella, tao man o ibang nilalang napapaamo niya. Isang taong nang naninirahan ng mag isa si Nella, ginawan siya ng bahay ng mga tao sa pinakadulong bahagi ng lupain. Araw araw siya dinadalhan ng pagkain ng mga kalalakehan at tanging bayad sa kanila ay ang matamis niyang ngiti.

Sa lugar ni Nella madaming bulaklak ang mahahanap, mga halaman na di nakikita kahit saan man. Madaming haka haka na isa siyang diwata ngunit hirap silang maniwala pagkat lumaki ang dalaga na kapiling sila. Napanood nila paano siya umiyak, matuwa, maglaro at masugatan, kaya hindi sila naniniwala na si Nella ay kakaibang nilalang.

Isang gabi nakadungaw si Nella sa bintana niya, may malamig na hangin sa paligid na dumadampi sa mga pisngi niya. Sa isang puno sa malayo napatingin si Nella at dalawang pulang mata ang nasilayan niya. Napasigaw si Nella, bumilis ang tibok ng puso niya at agad niya sinara ang bintana. Kinuha niya ang isang patalim at naupo sa kama niya at pinapakiramdaman ang kanyang paligid.

Nakatulog si Nella at pagmulat ng mata niya umaga na, naglakas loob siyang buksan ang bintana niya at sariwang hangin ang sumalubong sa kanyang mukha. Napangiti si Nella at inisip na guni guni nalang niya yung nangyari.

Wala nang pagkain si Nella, hindi pa nagdadala ang mga taga nayon at naalala niya na pahanon pala ng ani kaya siguro hindi nila maharap dalhin ang pagkain sa lugar niya. Nagpasya siya na tumungo sa nayon at siya nalang ang kukuha ng mga kailangan niya.

Habang nasa daan may napansin si Nella sa itaas ng isang puno, namangha siya sa nakita niya at napangiti. Isang lalakeng nakaitim ang nakatayo sa isang sanga ng mataas na puno, mahaba ang buhok nya at nagwawagayway kasabay ng hangin. “Magandang umaga sa iyo!” sigaw ni Ella at biglang kumapit ang lalake sa puno at hinawakan ang puso niya.

“Wag mo naman ako tatakutin ng ganyan…muntik na ako maatake sa puso” sagot ng lalake at tumawa si Nella. “Binabae ka ba? Bakit mahaba ang buhok mo tulad ko?” tanong ni Nella. “Ha? Lalake ako…bakit hindi ko ba bagay ang mahabang buhok?” sagot ng lalake at napangiti si Nella. “Ayos lang pero di lang ako sanay nakakakita ng lalakeng may mahabang buhok. Teka ano ginagawa mo diyan? At anong pangalan mo?” tanong ni Nella.

“Ha? Pangalan? Di ko matandaan e…ikaw ano pangalan mo?” tanong ng lalake. “Nella, bakit hindi mo matandaan pangalan mo? O ayaw mo lang sabihin?” sagot ni Nella. “Hindi ko alam e…hindi ko din alam pano ako napadpad sa lugar na ito” sabi ng lalake. “Ay naumpog ka ba? Halika baba ka at ipapagamot kita sa nayon” alok ni Nella at lalo napakapit ang lalake sa puno.

“Natatakot ako e…ang taas taas nito…may hagdanan ka ba o ladder?” tanong ng lalake at tumawa si Nella. “Ay akala ko ang galing galing mo sa taas diyan takot ka pala, sige pagbalik ko hihingi ako ng tulong sa iba para makababa ka. Pano ka ba nakaakyat diyan?” sabi ni Nella sabay tawa pa. “Di ko din alam e…uy pwede bilisan mo kasi natatakot na talaga ako…please” sabi ng lalake at tawa ng tawa si Nella.

Apat na oras bago nakabalik si Nella kasama ang ilang kalalakehan, bigla sila nagtawanan pagkat ang lalakeng nakaitim ay yakap yakap ang puno ng mahigpit pero two feet nalang ay lupa na. “Bakit ang tagal mo? Sinubukan ko bumaba pero natatakot talaga ako” sabi ng lalake na nakapikit pa mga mata niya sa takot. Wala masagot si Nella at yung mga lalake, tawa lang sila ng tawa sa nakikita nila.

Lumapit si Nella at kinalbit yung lalake na lalong nagpanic at yumakap sa puno. “Wag ka namang ganyan” sabi ng lalake. “Buksan mo mata mo kasi, malapit ka na sa lupa” sabi ni Nella at pagmulat ng lalake ang mga mata niya bumitaw siya agad sa puno at tumalikod pagkat hiyang hiya siya. Tumakbo bigla ang lalake papasok ng madilim na kagubatan, hahabol sana si Nella pero pinigilan siya ng mga kasama niya.

“Bakit siya tumakbo?” tanong ni Nella. “Napahiya siguro” sagot ng isang lalake sabay nagtawanan ulit sila. Napasimangot si Nella at hinarap ang mga lalake. “Uy wag naman kayo ganyan, sabi niya nakalimutan niya sino siya at hindi niya alam pano siya nakapunta dito. Kawawa naman siya” sabi ni Nella at natahimik ang mga lalake.

Pagkatapos manggabihan si Nella ay muli siya dumungaw sa bintana niya at nagulat siya nang makita niya yung lalake kayakap ang alaga niyang baboy at kakagatin na sana. “Oy! Ano ginagawa mo?” tanong ni Nella at mabilis siyang lumabas ng kanyang bahay. Nagpumiglas ang baboy pero hinabol ito ng lalake, muli itong niyakap at kakagatin na sa leeg. “Hoy! Gutom ka? May pagkain sa loob” sabi ni Nell at humarap sa kanya ang lalake at naluluha na. “Ito nalang, gutom na ako e” iyak ng lalake at muling natawa si Nella.

Hinila ni Nella ang lalake at nakawala ang baboy, “Bobby come back to meeee im hungry na” sabi ng lalake pero kinakaladkad siya ni Nella habang tumatawa. Pagdating nila sa pinto tumayo ang lalake at pumasok na si Nella. “Halika na may pagkain ako sa loob” sabi ni Nell at tinignan lang siya ng lalake at niyuko ang ulo niya. “You have to invite me in” sabi ng lalake. “Kaya nga halika na” sabi ni Nella.

“You have to invite me in” ulit ng lalake at napakamot si Nella. “Hay naku, fine, come inside my house please” sabi ni Nella at mabagal na naglakad ang lalake at pumasok sa bahay. Sinara ni Nella ang pinto at biglang kinabahan ang lalake. “Arte mo ha, kung may matatakot dapat ako” sabi ni Nella at napalingon lingon yung lalake at biglang inamoy amoy si Nella.

Nakiliti si Nella pagkat inamoy amoy ng lalake ang liig niya, tinula ni Nella ang lalake at tumawa. “Gutom na ako, nasan yung pagkain?” tanong ng lalake kaya pumunta sila sa kusina. Pinaupo ni Nella ang lalake sabay binigyan ng tinapay at yung natirang pagkain niya. “Gulay?!” sigaw ng lalake. “Oo vegetarian ako e” sagot ni Nella at muling naluha ang lalake. “Bakit ka may baboy at baka sa labas? Pwede sila nalang?” tanong ng lalake at talagang lumuha siya at muling natawa si Nella.

“Hindi na sige na matuto kang kumain ng gulay, masarap naman yang tinapay e. Isipin mo nalang na karne yan” sabi ni Nella at kumagat ang lalake sa tinapay. “Lasang tinapay parin e” sabi ng lalake at halos mamatay na sa tawa si Nella pagkat muling tumulo ang luha ng lalake. “Eto gatas, hindi siya mainit nga lang” sabi ni Nella at uminom yung lalake at dinura ang gatas. “Panis e, san ba galing yan? Sa kambing?” tanong ng lalake at humawak na si Nella sa tyan niya at tawa ng tawa. “Ay sorry nakalimutan ko kahapon pa pala yan, sorry talaga ha, magtubig ka nalang” sabi ni Nella.

Pagkatapos kumain ng lalake ay nagtungo sila sa salas at dumungaw ang lalake sa isang bintana. “I see dead people” sabi ng lalake at natakot bigla si Nella. “Ha? Saan?” tanong ni Nella at tumakbo sa tabi ng lalake para makisilip. Tinuro ng lalake ang dalawang puntod sa labas ng bahay at muling tumawa si Nella. “SIra, magulang ko yan, diyan sila nilibing, kaya dito din ako nagpagawa ng bahay para makasama ko sila” sabi ni Nella.

“Julio at Nerina” sabi ng lalake at nagulat si Nella. “Nababasa mo mula dito?” tanong niya. “Oo, kumain ako ng gulay e. Kumain ka din kasi” biro ng lalake at tumawa si Nella. “Teka sigurado ba na hindi ka sundalo ng hari?” tanong ni Nella at napatingin sa kanya ang lalake. “Sundalo ng hari?” tanong ng lalake.

“Oo masamang tao sila, kinukuha nila lahat at wala tintira pero sa awa ng diyos di pa sila pumupunta dito” sabi ni Nella. “Pano kung pumunta sila dito?” tanong ng lalake. “Ewan ko na, pero ang kwento ng iba kinukuna nila ang mga lalake tapos ginagawang sundalo tapos mga babae ginagawa nilang trabahador. Ang mga birhen dinadala nila sa hari bilang alay” kwento ni Nella.

“E pano kung nakapunta na sila dito?” tanong ulit ng lalake at nalungkot si Nella. “Ewan ko na…sana totoo yung alamat ng Fredatoria…sana bumalik ang mga disipulo para iligtas kami” sabi ni Nella. Tahimik ang lalake at tinignan ang buwan, “Hindi ka ba natatakot sa akin?” tanong ng lalake bigla. “Hindi naman, bakit may masama ka bang binabalak?” tanong ni Nella at tinabihan niya ang lalake at tinignan din ang buwan.

Tumingin ang lalake sa kanya at muli siyang inamoy, nagbukas ang mga bibig nya at kakagat na sana sa leeg pero humarap si Nella at nagkatitigan sila. “May masama ka bang balak?” tanong ni Nella at nagsara ang mga bibig ng lalake at naglakad palayo. “Wala naman…bakit ka hinahayaan ng mga taga nayon na manatili mag isa dito. Babae ka at walang magliligtas sa iyo kung sakali sumugod ang sinasabi mong mga sundalo” tanong ng lalake.

“Kasi bago ka makarating dito dadaan ka muna sa nayon, kung sumugod ang mga kalaban haharapin sila ng mga tao doon. Pag natalo e di wala na…ganon din lang naman kung may magbabantay sa akin dito diba?” sabi ni Nella.

“Sige ako nalang magbabantay sa labas habang natutulog ka…pinakain mo ako kaya ito lang ang maibabayad ko sa kabaitan mo” sabi ng lalake. “Maginaw sa labas, dito ka nalang kesa na nag aalala ako” sabi ni Nella. “uy concerned agad sa akin” biro ng lalake at tumawa si Nella.

“Pero iisa lang ang kama mo” sabi ng lalake at nagulat si Nella pagkat hindi pa niya pinapakita ang kwarto niya. “Pano mo alam na iisa?” tanong ni Nella at nanahimik ang lalake. “Ay mag isa ka alangan na dalawa kama mo…sige pumasok ka na sa kwarto mo at dito nalang ako sa salas” sabi ng lalake.

“hindi pa ako inaantok, gusto mo kwentuhan muna tayo?” tanong ni Nella. “hindi ka ba natatakot sa akin?” tanong ulit ng lalake. “Hindi…sabi nila nababasa ko daw ang laman ng isipan ng bawat tao pero ikaw hindi ko mabasa…pero di ko alam bakit kampante lang ang loob ko sa iyo” sagot ni Nella.

“Sige kwentuhan mo ako tungkol sa alamat na sinasabi mo” sabi ng lalake at nakitabi si Nella sa lalake at habang nagkwekwento siya ay inamoy amoy ulit siya ng lalake. Nasanay na si Nella sa ginagawa ng lalake, at sa haban ng kwento niya nakatulog siya sa sofa.

Dinala siya ng lalake sa kwarto at pinahiga sa kama, lumabas ulit ang lalake at dumungaw sa bintana. Muli niya nakita yung baboy at napanganga ang lalake at unti unti lumabas ang mga pangil niya. Sa isang iglap katabi na ng lalake ang baboy at mabilis na binaon ang mga pangil niya sa leeg nito.

Tila nabuhayan ang lalake sa pag inom ng dugo ng baboy. Sampung minuto lumipas at wala nang natirang dugo ang hayop at mabilis tumalon papunta sa itaas ng puno ang lalake at doon nagbantay.

Kinaumagahan bumangon si Nella at pagbukas ng bintana niya napasigaw agad siya sa nakita niyang patay na katawan ng baboy. Nagkalat ang dugo sa labas kaya agad niyang hinanap yung lalake. Halos naikot na ni Nella ang buong bahay pero hindi niya mahanap ang lalake pero biglang tumahol ang alaga niyang aso kaya sinundan niya ito.

Sa ilalim ng bahay nakita niyang nakasingit ang katawan ng lalake, nagtatago sa sinag ng araw. Duguan ang mga bibig niya at nakalabas ang mga pangil. Natakot si Nella sa umpisa ngunit sanay na siyang nakakakita ng ibang nilalang, pero ngayon lang siya nakakita ng ganitong klase.

“Akala ko ubos na ang tulad niyo…isa kang vampira” sabi ni Nella at nanginginig ang lalake sa ilalim at mga balat niyang naabot ng sinag ng araw umuusok at parang naluluto. Mabilis kumuha ng kumot si Nella at binalot ang lalake sabay pinasok sa loob ng bahay.

Tinago niya ito sa ilalim ng kama niya kung saan madilim at medyo nanumbalik ang lakas ng lalake. “Akala ko ubos na ang mga tulad niyo?” tanong ni Nella. “hindi…madami pang tulad ko ang nagkalat…nakatago lang kami” sagot ng lalake. “Karamihan sa mga disipulo ng Fredatoria…mga vampira…isa ka ba sa kanila?” tanong ni Nella at napangiti ang lalake.

“Ako si Paulito, punong disipulo ng Fredatoria…nandito ako para iligtas ka…mahal na reyna”

Thursday, May 28, 2009

TWINKLE TWINKLE

TWINKLE TWINKLE
By Paulito


Ilang daang taon na tinamasa ng kaharian ng Plurklandia ang kapayapaan. Dito masayang namumuhay ang mga tao at mga ibang nilalang na akala ng iba na gawa lang ng imahinasyon.

Habang ang ibang bahagi ng mundo ay namumuhay sa makabagong sibilisasyon, sa Plurklandia masaya ang lahat sa makalumang sistema ng buhay. Masagana ang lupain dito sa kaharian, ang ginto ay mahahanap mo kahit saan kasama narin ang mga mamahaling bato na nais makuha ng kahit sino mang tao. Madaming hayop, madaming taniman ng gulay para sa pagkain. Marunong din gumawa angg mga tao ng tinapay at masasarap na pagkain na naaral nila mula sa ibat ibang bansa sa mundo. Dito sa Plurklandia bale wala lahat ito sa kanila basta araw araw masaya ang lahat ayos na.

Para hindi masamantala ang kayamanan ng Plurklandia tagong tago ito, ang mga mamamayan ng kaharian ay maaring mamasyal sa ibang lugar sa mundo at nakakabalik ngunit walang hindi taga rito ang maaring tumapak sa kahariang ito.

Ngunit may nagbabadyang pagbabagong nagaganap, napansin ng lahat ang pagmamalupit ng hari at pagbabalik ng mga sundalong pandigma. Nag iikot ang mga tauhan ng hari upang huliin ang mga kalalakihan na maari nang lumaban at sinasanay niya ito. Tanging paliwanag ng hari ay naghahanda lang siya baka may ibang bansang sumuog sa kaharian nila.

Habang tumatagal napapansin ng mga tao at ibang nilalang na nag iiba narin ang ugali ng mga lalakeng nakukuha bilang sundalo. Nagkakaroon sila ng kakaibang kapangyarihan at madami sa kanila ang umaabuso. Nabalot ng takot ang lahat ng mamamayan, wala na sila magawa pagkat buong kaharian nasakop na ng mga kampon ng hari.

Lahat ng tao at ibang nilalang ginagawang alipin upang magtrabaho, at mga naani na pagkain at ginto lahat napupunta sa palasyo. Hindi malinaw ang hangarin ng hari. Madaming tao ang lumalaban pero di lang pala sundalo ang alas ng hari, pati ibang nilalang ng kadiliman hawak niya. Nabalot ang buong kaharian ng takot, tanging pag asa nila ay sana totoo ang alamat na pinasa sa kanila ng mga sinaunang mamamayan ng Pluklandia…

…ang mga disipulo ng Fredatoria

At dito magsisimula ang ating kwento….


(Abangan…malapit na)

Wednesday, May 27, 2009

Chapter 15: Bespren

Bespren

By Jonathan Paul Diaz









BESPREN: PIPOY AND ANNIKA (Complete)

E-book
Pdf format
25 Chapters
262 pages
Complete Story
500 pesos







Chapter 15: Bespren


Ten Years Ago

“Annika iha halika meryenda ka muna” sabi ni Eunice. Mabilis tumakbo si Pipoy sa lamesa at sinimulan kumain. “Pipoy how was your first day in school anak?” tanong ni Eunice. “Okay lang ma, madami na akong friends, di ko na nga maantay pumasok bukas e. Pero sayang di ko kaklase si Annika” sagot ni Pipoy at napangiti ang nanay niya.

“O bakit di pa bumababa si Annika? Tignan mo nga” sabi in Eunice at mabilis umakyat si Pipoy sa kwarto nila pero di niya nahanap ang kaibigan niya. Agad siya tumakbo pababa ng hagdanan at sumilip sa kusina, “Wala pa siya?” Wala siya sa taas e. Sabay naman kami sinundo ni daddy, di naman siya naiwan sa car kasi nandon sa taas bag niya at kasama ko naman siya umakyat kanina” sabi ni Pipoy. “O sige hanapin mo baka magtatago” sabi ni Eunice.

Lumabas si Pipoy ng bahay at hinanap si Annika, nagpunta siya sa likod at nakita si Annika sa ilalim ng puno nakaupo sa lupa at umiiyak. Tumakbo agad si Pipoy sa kaibigan niya at lumuhod at pinunasan ang mga mata ni Annika. “Bakit ka umiiyak?” tanong ni Pipoy at lalo pa lumakas ang hagulgol ng kaibigan niya. “Uy Annika bakit ka umiiyak, wag ka na iiyak at naiiyak naarin ako pag nakikita kiya umiiyak” sabi ni Pipoy at naluluha narin siya.

Tumayo si Pipoy at naupo sa likod ng kaibigan niya, sumandal siya sa likod ni Annika at ganon din ang ginawa ng kaibigan niya. Back to back sila naupo sa ilalim ng puno at dinadamayan ni Pipoy si Annika. “Annika wag ka na iiyak o” sabi ni Pipoy. “Kasi sila sa school ang bad nila. Nadapa ako tapos tinawanan ako” kwento ni Annika.


“Wag ka na iiyak bad talaga sila, pag nadapa din sila tawagan mo ako at tawanan din natin sila” sabi ni Pipoy at pinunasan niya mata niya pagkat may namuong luha narin. “Buha sila” sabi ni Annika. “Anong buha?” tanong ni Pipoy. “Buha, diba witch yon” sagot ni Annika at tumawa si Pipoy. “Bruha ang witch” sabi ni Pipoy at natawa narin si Annika.

“Bakit kasi di tayo klasmeyt?” tanong ni Annika. “Di ko alam, baka alam nila na magbespren tayo. Dibale bukas hatid kita klasrum mo tapos turo mo sino tumawa sa iyo at awayin ko” sabi ni Pipoy. “Wag, wag kang makikipag away at bad yon. Basta hatid mo ako tapos sundo mo ako” sabi in Annika. “Sige pero pag inasar ka ulit nila aawayin ko sila talaga. Ayaw ko sinasaktan nila at pinapaiyak bespren ko” sabi ni Pipoy.

Inabot ni Annika ang kamay niya at nakita ni Pipoy kaya hinawakan niya ito. “Pipoy pano na pag matanda na tayo bespren parin ba tayo?” tanong ni Annika. “Oo naman” sagot ni Pipoy. “Susunduin mo parin ako sa klasrum?” tanong ni Annika. “Ay baka sabihin nila magboypren tayo” sagot ni Pipoy at nagtawanan sila bigla. “Baka sabihin nila nagkikiss tayo, yuck!” sabi ni Annika at lalo pa nagtawanan ang magkaibigan.

“Halika na meryenda na tayo” sabi ni Pipoy. “Wag pa, dito pa tayo. Di na ako malungkot. Sana ikaw din pag umiyak ka ganito ulit tayo tapos ako din magpapasaya sayo” sabi ni Annika. “Di ako umiiyak!” sagot ni Pipoy. “E kanina sabi mo naiiyak ka na din weh” sumbat ni Annika. “E ikaw kasi e umiiyak ka. Ayaw na ayaw ko nakikita kita umiiyak e, pero pag ibang bagay di ako iiyak, matapang ako” sagot ni Pipoy.

“Basta pag umiyak ka dito tayo lagi mag uusap” sabi ni Annika.

“Sige. Pero tandaan mo ikaw lang ang makakapag paiyak sa akin” sagot ni Pipoy.


Kasalukuyan

Naupo si Pipoy sa likod ng kanyang kaibigan, sumandal siya at nagdikit ang mga likod nila. Napayakap ng mahigpit si Annika sa regalo at sabay sila huminga ng malalim. Tulad nung bata sila nandon parin ang puno na nagpasilong sa kanila. Nagbago na ang basketball ring ni Pipoy, tumaas na ito. Tumanda na silang dalawa pero muli silang pinagsama ng tadhana sa lugar na ito.

“I broke up with Bobby” sabi ni Annika. “Anne broke up with me” sagot naman ni Pipoy. Parehong malungkot ang tinig nila pero pareho din silang nakangiti. “Why did you break up with Bobby?” tanong ni Pipoy. “Hay…naiirita ako sa kanya. Ang dami niyang ginagawang ayaw ko. Sinubukan ko tiisin pero paulit ulit niya ginagawa. Manhid siya at di marunong makiramdam, he isn’t like you” kwento ni Annika at lalong napangiti si Pipoy.

“Wont you give him another chance? Malay mo he can still change” sabi ni Pipoy. “Never, he had his chances. Sawa na ako, I regret it all. Sana di ko siya naging boyfriend” sagot ni Annika. “Maybe ikaw din may fault, alam mo naman ang ugali mo, mataray ka palagi at may pagka nagger ka” banat ni Pipoy. “E kung ganon ako bakit mo ako natitiis?” sumbat ni Annika.

“E ikaw, why did Anne break up with you?” tanong naman ni Annika. “As if you don’t know” sagot ni Pipoy at napangiti ng todo si Annika. “I don’t know, tell me” sagot ni Annika. “Taksil daw ako” sabi ni Pipoy. “Totoo naman e” sumbat ni Annika. “What do you mean totoo?” tanong ni Pipoy.

“Yang Miyu na yan!” sabi ni Annika at natatawa na si Pipoy pero talagang nairita si Annika. “E pakawala mo naman si Miyu diba?” sumbat ni Pipoy at tahimik lang si Annika. “E bakit mo ba kasi sinuhulan si Miyu? Ano reason?” hirit ni Pipoy at napangisi siya pero di sumagot si Annika.

“Ah basta, ano ba nakikita mo diyan sa Miyu na yan?” tanong ni Annika. “Bakit ba kasi? Its your fault naman e” sumbat ni Pipoy at lalong nainis si Annika at malapit na sasabog sa tawa si Pipoy. “Oo nga pero ano ba kasi nakikita mo kay Miyu?” hirit ni Annika. “Bakit nagseselos ka ba?” tanong ni Pipoy. “Ha? Hindi ha!” sagot ni Annika.

“O di pala e so why bother asking?” banat ni Pipoy at nainis si Annika. “E gusto ko lang malaman e, bespren tayo diba and we promised na di tayo magtatago ng secrets. So sige na sabihin mo na” sabi ni Annika at natawa si Pipoy. “Did we really make that kind of promise? Kailan naman?” sagot ni Pipoy.

“Ah basta meron ganon na promise. So sige na sabihin mo na bakit mo type si Miyu?” tanong ni Annika. “I really don’t remember us making that promise, kailan ba natin ginawa yang promise na yan?” sagot ni Pipoy at natatawa na siya.

“Oo na nageseselos ako!” sigaw ni Annika at napangiti si Pipoy. “Ano ba nakikita ko kay Miyu? I guess…the girl who I always have loved…and still love” sabi ni Pipoy at biglang kinilig si Annika at napapikit siya. “And who is that girl?” hirit ni Annika. “Sasabihin ko tapos pagseselosan mo nanaman?” tukso ni Pipoy.

“Sabi mo napakaengot naman ng tao kung pagseselosan niya sarili niya” sagot ni Annika at nagulat si Pipoy. “Naintindihan mo yung sinabi ko that time?” tanong in Pipoy at tumawa si Annika. “You always talk with your mouth full, nasanay na ako sa Pipoy language” banat ni Annika at nagtawanan sila.

Tumahimik silang dalawa at parehong nakangiti, sinandal paatras ni Annika ang ulo niya sa balikat ni Pipoy at gumaya din ang kaibigan niya. Napalingon sila saglit sa isat isa at nagngitian.

“Annika…why did you laugh at me that time?” tanong ni Pipoy. Tumingin sa langit si Annika at huminga ng malalim. “Binigla mo ako e…sa totoo those were the words I have always wanted to hear from you…sa dream ko nasa beach tayo…tayong dalawa lang…remember nung akala natin naiwan na tayo nina tito at tita sa beach nung bata tayo? We just held hands and faced the water…akala natin mamatay na tayo sa gutom…sa dream ko that same spot doon mo sinabi na mahal mo ako. Lagi ganon ang dream ko, nasanay na ako iniimagine yon kaya nung bigla mo sinabi that day I was so happy. Di ko alam paano ako sasagot at parang nanigas ang mga labi ko, all I could do was laugh at myself pero deep inside I was really happy” kwento ni Annika.

Muli sila nagtinginan at nagngitian, “Pero Pipoy…why did you let me go?” tanong ni Annika. “If you love someone talagang ipaglalaban mo siya diba? Ipaglalaban mo pag ibig mo…just like what you did…you made a way na maghiwalay kami ni Anne. You used Miyu kasi she looks like you…” kwento ni Pipoy at muling nainis si Annika.

“Ang layo ng sagot mo sa tanong ko!” reklamo ni Annika at natawa si Pipoy. “Let me finish. I know what you were trying to do so kumagat ako, I talked to Miyu at sabi ko we pretend, we act…to make you jealous” sabi ni Pipoy at tumawa si Annika. “So yung kayo ni Miyu acting lang yon?” tanong niya. “Yup, purely acting, she may look like you but still she isn’t you Annika” sabi in Pipoy at napangiti si Annika.

“Teka…bakit ako lang goal mo pagselosin? How about Anne?” tanong ni Annika. “Hay, I don’t want to talk about Anne” sabi ni Pipoy at huminga siya ng malalim. “But still you let me go Pipoy” sabi ni Annika.

“Sa totoo hindi…siguro kaya nainis ka lagi kay Bobby…kaya lagi siya palpak…ako may gawa non” sabi ni Pipoy at nagulat si Annika. “What do you mean?” tanong ni Annika. “The list…the things you like and don’t like…the ones you really like nilagay ko sa dislikes. Tapos yung mga kinaiinisan mo talaga nilagay ko sa likes. Pero siyempre nilagyan ko din ng mga tama para di obvious” sabi ni Pipoy at biglang tumawa si Annika ng malakas.

“Ginawa mo talaga yon?” tanong ni Annika. “Yup, may kopya nga ako e, araw araw ko tinitignan baka may nailagay akong like mo so much at di ko nailagay sa dislike. Well it seems tagumpay naman ako” sagot ni Pipoy at tawa sila ng tawa.

“Nagdasal nalang ako na sana engot siya at di niya mapansin yon, engot nga” hirit ni Pipoy at tawa ng tawa si Annika. “I just prayed na sana maaga sila magbreak pero tumagal kayo…kinabahan na ako…and if you didn’t send Miyu to me…I would have given up on you pero kahit wala pala si Miyu fate had something else in store for us” sabi ni Pipoy.

“What do you mean?” tanong ni Annika at natawa nalang si Pipoy. “Hayaan mo na, nangyari na yung kailangan mangyari…Annika I have to say I don’t like you anymore” sabi ni Pipoy at nagulat si Annika at biglang sumakit ang dibdib nya.

“Yeah I realized that nung nagka boyfriend ka. I don’t just like you anymore…Annika…I love you” sabi ni Pipoy at muling nayanig ang utak ni Annika, bumagsak ang pulso niya kanina pero muling tumibok ang puso niya ng mabilis. Hindi niya maigalaw ang mga labi nya at gusto nanaman niya tumawa pero pinigilan niya ang sarili niya. Tinanggal ni Annika ang maliit na card sa regalo at inabot kay Pipoy.

Binasa ni Pipoy ang card, “To Pipoy, Merry Christmas, I love you, Annika” basa ni Pipoy at sabay sila kinilig at napatawa. “So akin pala talaga yan?” tanong ni Pipoy. “Tayo ka pero wag kang haharap sa akin” sabi ni Annika at sabay sila tumayo. Sinira ni Annika ang balot at nilabas ang regalo niya para kay Pipoy.

Malaking pulang cape na may logo ni Superman ang binuklat niya at sinuot niya sa likod ng kaibigan niya. Pumunta si Annika sa harap ni Pipoy at tinali ang cape sa leeg niya. Umatras si Annika at nginitian si Pipoy at nagpaikot ikot si Pipoy at nagposing na parang superhero sabay hinarap si Annika.

Lumapit si Pipoy kay Annika, naglapit ang katawan nila, humawak si Pipoy sa baywang ni Annika at nilagay naman ni Annika ang mga kamay niya sa balikat ni Pipoy. Nagkatitigan sila sa mata at nagngitian. Naglapit ang mga mukha nila at nagkiskisan ang mga ilong.

“Mawawalan ako ng silbi pag wala ka…you are my Superman…and I will always be your Kryptonite” sabi ni Annika.

“I love you Annika”

“I love you Pipoy”

Sa pangatlong beses muling nagtagpo ang mga labi nila ngunit ngayon mas matamis ang paghahalikan. Wala nang nagpipigil pa sa kanila upang ipadama sa isat isa ang tunay nilang nararamdaman.

Ang pag ibig ay makapangyarihan sabi nila. Tayoy papahirapan nito ng husto bago natin siya makamtan. Maraming susuko at marami din ang mahuhulog sa inaakala nilang pag ibig ngunit sa huli sila ay luhaan.

Mapagbiro ang tadhana kung minsan ngunit pinaglaban nilang dalawa ang gusto nila. At sa huli si Annika at Pipoy, ang magbespren ay ngayon higit pa doon.

“Pepito ano ginagawa mo?” bulong ni Eunice sabay batok sa ulo ng asawa niya. “Shhhh…hayde…este hidden camera…para balang araw sa kasal nila may video footage tayo ilalabas” sagot ni Pepito. Sabay na piningot ni Aika at Eunice ang dalawang tenga ni Pepito sabay hinila siya palayo. “Hayaan mo na sila ano ka ba” sabi ni Eunice at sumama na palayo si Pepito.

“Sabi ko na nga ba mula noon nagkita sila alam ko na sila magkakatuluyan” sabi ni Aika at nagtawanan ang dalawang babae. “Parang kami ni Pepito, childhood friends din kami. Siya na talaga ang gusto ko mula noon pa” sabi ni Eunice. “E bakit minsan sa panaginip ko may sumusulpot na Katrina?” banat ni Pepito at muli siya binatukan ni Eunice. “Ano sabi mo?!” sigaw ni Eunice at tumakbo si Pepito. “Honey, panaginip lang yon ano, sus alam mo naman na loyal ako sa iyo e” sagot ni Pepito.

Sa ilalim ng puno napatigil ang halikan ng dalawang magkasintahan, sabay sila huminga ng malalim at nagngitian. “Kailangan ko na talaga lumabas ng kumbento” sabi ni Pipoy at nagulat si Annika. “Anong pinagsasabi mo?” tanong ni Annika.

Napakamot si Pipoy pagkat pati siya di niya maintindihan ang sinabi niya, tumawa nalang siya at muling tinuka si Annika sa labi. “Nakakasira ng ulo din pala ang halik mo no” sabi ni Pipoy at natawa si Annika.

Pumunta sa likod ni Pipoy si Annika at nagpakarga, naglakad sila pabalik sa mga bahay nila pero biglang tumigil si Pipoy.

“Bespren?” tanong ni Pipoy.

Bumulong si Annika sa tenga niya at napangiti nalang ng todo si Pipoy.


-THE END FOR THE FREE BLOG-

MISSING CHAPTERS SHALL BE RELEASED WITH THE SALE OF THE COMPLETE EBOOK

Bespren

By Jonathan Paul Diaz









BESPREN: PIPOY AND ANNIKA (Complete)

E-book
Pdf format
25 Chapters
262 pages
Complete Story
500 pesos