Twinkle Twinkle 2: Bagong Delubyo
by Paul Diaz
by Paul Diaz
Chapter 2: Trese Diablos
Huminga ng malalim si Wookie at dahan dahan minulat ang kanyang mga mata. Kanina lang nakikipaglaban siya kasama ang mga disipulo nang bigla siya tinangay ng mga espiritu. Tumayo ang mambabarang at wala siyang maalala kung pano siya napunta sa kweba.
“Gising ka na pala, halika ka dito at kumain ka” sabi ng isang matanda na nakaupo sa harapan ng isang apoy. “Sino ka? Ano ginagawa ko dito? Kailangan ako ng mga kasama ko!” sigaw ni Wookie at tumawa ang matanda.
“Wag kang mag alala tapos na ang laban at nanalo kayo” sabi ng matanda nang biglang may kalansay ang lumapit at may dalang pagkain. Agad pumorma si Wookie at nagpalabas ng tatlong espiritu. Sa isang tadyak lang ng matanda ay nalusaw ang mga espiritu at nagulat si Wookie. “Gawa gawa ko yang kalansay, maupo ka at kumain” sabi ng matanda.
“Sino ka ba? At pano mo nalusaw ang pinatawag kong espiritu?” tanong ng mambabarang. “Kumain ka muna, madami tayong panahon mag usap” sagot ng matanda kaya kumain na si Wookie pero pinagmamasdan niya yung matanda.
Pagkatapos kumain ay sumandal paatras si Wookie dahil sa pagkabusog. “Alam ko nag aalala ka para sa mga kaibigan mo, pwes eto ipapakita ko sa iyo ang nangyari” sabi ng matanda at natawa si Wookie. Tinaas ng matanda ang kamay niya at isang dilaw na espiritu ang lumabas. Nilapitan ng espiritu si Wookie kaya natakot at nagpaatras ang mambabarang. “Wag kang matakot, hayaan mo siya sumanib sa iyo para makita mo ang nangyari” sabi ng matanda.
Huminga ng malalim si Wookie at hinayaan ang espiritu makapasok sa katawan niya, agad nanigas ang mambabarang at mga mata niya napapikit. Bawat eksena napanood niya pati yung pagtangay sa kanya ng mga espiritu. Napapaindak si Wookie sa bakbakan napapanood niya at sa huli bigla siya napanganga nang mapanood niya bumagsak sa palasyo ang higanteng kometa.
Umalis ang espiritu sa mambabarang at si Wookie niyuko ang ulo at nalungkot. “Kaya kita tinangay palayo dahil may nagbabantang bagong delubyo. Dati hindi ako nakikialam sa mga gera dahil lahat nakatakda sa libro ng mga ninuno”
“Ngunit yung libro ay hindi kumpleto, nawawala ang kalahati nito” sabi ng matanda at may kalansay na lumapit at dala ang lumang libro. “Sige buklatin mo at tignan mo ang laman niya. Lahat ng nangyari at mangyayari dito sa kaharian ay nakasaad diyan” paliwanag ng matanda at agad binasa ni Wookie.
“Pati yung kometa nakasaad dito…si Aneth? Bakit si Aneth?” tanong ni Wookie. “Basahin mo para malaman mo” sagot ng matanda. “Nabasa ko na pero di ko inasahan na ganon siya. Ano yung gusto niya makamtan? Ano ang nakatago sa sentro ng Plurklandia?” tanong ni Wookie.
“Noong unang panahon, nagdesisyon ang mga nilalang na sa sentro ng kaharian itago ang mga libro ng kapangyarihan. Itong mga librong ito ay pinagbabawal ng mga nilalang. Nagpasya ang lahat na wala dapat matuto ng mga kapangyarihan na nakasaad sa mga libro” sabi ng matanda.
“E di sana sinunog nalang o sinira” sabi ni Wookie. “Patapusin mo ako!” sigaw ng matanda at natahimik ang mambabarang. “Ganon na nga sana ang ginawa nila ngunit naisipan nila na baka balang araw kailanganin nila ang kapangyarihan na nakasaad sa mga libro. Kaya sabi nila itago nalang nila sa sentro ng kaharian, sa ilalim ng lupa may templo at tanging makakapasok sa loob ng templo ay ang tunay na pinuno ng kaharian. Ang mga ibang sumubok pumasok sa templo ay agad malulusaw ng di namamatay na apoy” kwento ng matanda.
“Kaya ang mga punong nilalang ay mahigpit na nagbantayan mula noon. Hindi sila pwede makalapit o mapalapit sa namumuno ng kaharian. Kaya nga nilagay ang lahat sa iisang gubat. Ngunit kahit na ganon, ang mga punong nilalang ay nagtalaga ng isang taga bantay sa namumuno, at ako yon”
“Trabaho siguraduhin na walang nilalang ang manlinlang at manloko sa pinuno ng kaharian, mabuti o masamang nilalang magiging kaaway ko. Nung namatay ang hari na kasabayan ko, dinala niya ang sekreto ng mga libro sa libingan niya. Hindi na alam ng pumalit sa kanya na may mga librong ganon”
“Trabaho ko naging mas delikado pagkat may mga sumubok lumapit sa bagong hari pero madali ko silang napatay. Pero pag may delubyo at kailangan ang mga libro, ako lang ang may karapatan magturo sa pinuno tungkol sa sekreto” kwento ng matanda.
“E kung ganon ka kalakas bakit di mo winakasan ang pagreyna ng bruha, sigurado ko alam mo peke ang nakaupong hari” tanong ni Wookie at biglang nalungkot ang matanda.
“Akala mo ba hindi ko sinubukan? Ilang beses ako sumubok pero bigo ako. Kung sana mas bata bata pa ako, siguro nakayanan ko siya. Pero aminado ako matanda na ako. Kaya kita dinakip, kailangan ng papalit sa akin at ikaw ang napili ko” sabi ng matanda.
“Ha? Bakit ako? Bakit hindi ka mamili sa ibang disipulo? Mas madaming malalakas pa kesa sa akin” sabi ni Wookie. “Alam mo nung napili ako bilang taga bantay, nag iwan sila ng isang libro ng kapangyarihan sa akin. Binigyan ako ng awtoridad para aralin lahat ng kapangyarihan sa librong yon pero may kapalit...may sumpa sa katawan ko na pag ginamit ko ang kapangyarihan sa mali agad ako mamatay” paliwang ng matanda.
“E bakit ako napili mo?” tanong ulit ni Wookie. “Kasi pareho tayo, mambabarang din ako noong panahon. At ang librong iniwan nila ay para sa mga espiritista lamang. Kung mamimili ako ng ibang nilalang mahihirapan ako sa pagturo sa kanya. Ikaw ang napili ko pagkat pareho tayo, mas madali kitang turuan, mas madali kong ipasa sa iyo ang lahat ng natutunan ko. Wala na yung librong iniwan sa akin, sinira ko na kaya lahat ng laman niya nandito sa utak ko” sabi ng matanda.
“Teka naguguluhan ako, bakit hindi natin pigilan si Aneth ngayon na? Bakit pa natin kailangan mag hintay?” tanong ni Wookie. “Sigurado ko pag nagpakita ako sa mga disipulo at ipaliwanag ang lahat kakampihan nila tayo at madali natin siya matatalo” dagdag niya.
“Alam mo ilang beses ko na sinubukan pigilan ang mga magaganap sa libro ng mga ninuno. Nagtagumpay ako ilang beses ngunit meron at merong paraan para masundan ang nakatakda. Kahit ano gawin ko pigilan ang nakasulat ganon parin ang mangyayari. Hindi mo pwede palitan kung ano ang nakatakda” sabi ng matanda.
“Kaya pala relax ka lang dito sa kweba mo habang nagkipagbakbakan kami. Kaya pala napakadali mo ako dinakip kasi alam mo na ang magaganap. Bakit mo pa ako kinuha? Kung nakatakda na makakapasok si Aneth sa sentro ng kaharian at makukuha niya ang mga libro? E di hayaan mo nalang sana ang nakatakda. Mangyayari at mangyayari din lang pala e” sabi ni Wookie at nagalit ang matanda.
“Tado! Gagawin ko yon kung sana kumpleto ang libro! Pero putol, wala yung ibang parte niya. Oo naksaad na makakapasok si Aneth sa sentro ng kaharian pero ano mangyayari pagkatapos di natin alam. Yan ang nakakatakot, ngayon lang ako nakaramdam ng takot na ganito. Dati tama ka, nagrelax lang ako pagkat alam ko magtatagumpay kayo pero ngayon hindi ko alam ano susunod kaya kailangan ko maghanda” galit ng matanda.
“Isa pa, nawala ang mga kawal ng kaharian bigla. Ni anino nila hindi makita. Maski mga espiritu na pinadala ko para hanapin sila o mga espiritu nila wala nahanap” sabi ng matanda. “Mangyayari lang yon pag inalay sila” sabi ni Wookie. “Tama ka, inalay sila yun din ang hinala ko. Pero kung ano ang balak nila tawagin na nilalang hindi ko alam, pero madaming kawal ang nawala kaya sigurado ko kung anuman yon hindi maganda” sabi ng matanda.
“Bakit hindi nakasaad sa libro?” tanong ni Wookie. “Malaman nandon yon sa nawawalang parte kaya hindi natin alam kung ano talaga ang hinaharap natin. Sa ngayon ang pwede nating gawin ay mag antay. Kahit ano gawin natin pigilan si Aneth ay magtatagumpay siya kaya wag na tayong magsayang ng oras” sabi ng matanda.
“Ano ba ang magagawa nating mga mambabarang?” tanong ni Wookie at ngumiti ang matanda. “Magugulat ka iho, magugulat ka” sagot ng matanda.
Kinabukasan pagkatapos ng almusal ay atat si Wookie magpaturo. “Pasensya ka na iho at madami tayo kailangan baguhin sa itsura mo” sabi ng matanda. “Bakit pa babaguhin ang itsura ko? Ano naman kinalaman non sa pagpapalakas?” reklamo ng mambabarang. Tumayo bigla ang matanda at mula sa kamay niya lumabas ang isang espiritu at inatake si Wookie.
“Tumayo ka at lumaban ka! Ipapakita ko sa iyo bakit” sabi ng matanda at dalawa pang espiritu ang pinalabas niya pero mabilis nakuha ni Wookie ang manika niya at naglabas din ng mga kakampi niyang espiritu.
Nagulat ang matanda sa galing ni Wookie, napaatras ilang beses ang matanda at napahanga. “Hoy tanda baka gusto mo ako nalang magturo sa iyo. Kasi pag ito lang kaya mo wala kwenta pala” pasikat ng mambabarang at natawa ang matanda.
Nagulat si Wookie nang hinawakan siya ng dalawang kalansay, pati manika niya nakuha kaya wala siya mapalabas na espiritu. Sa lupa may sinulat ang matanda, nagdasal ito ng mabilis sabay mula sa lupa lumabas ang higanteng espiritu at nagulat si Wookie.
“Pano mo nagawa yan?” tanong ni Wookie pero nagsulat muli ang matanda sa lupa at isa nanamang higanteng espiritu ang lumabas. “Ngayon, sabihin mo sa akin kung kaya mo harapin ang dalawa kong alaga. Baka kulang pa, kaya ko pa magpalabas ng madami” pasikat naman ng matanda at agad sumuko si Wookie.
“Gusto ko yan! Pano mo nagawa yan?” tanong ng mambabarang at lumapit sa matanda pero humarang ang dalawang higanteng espiritu. “Pasensya ka na iho, at medyo loyalist yan sa amo nila. Over protective sila” sabi ng matanda sabay sa isang iglap pinabalik niya ang mga espiritu sa lupa.
“Pano mo ginawa yon? Gusto ko din ng ganyan” sabi ni Wookie sa tuwa. “Ang tawag sa kanila ay ang trese Diablos, mga espiritu ng mga namayapang magigiting na mandirigma ng buong daigdig. Oo alam ko mga masasama sila pero kontrolado ko sila” sabi ng matanda.
“So trese na higanteng espiritu ang kaya mo palabasin?” tanong ni Wookie. “Hanggang anim lang kaya palabasin, mahirap na isulat ang pantawag sa natitirang pito pagkat sila ang pinakamalakas” paliwanag ng matanda. “Akin na aralin ko na agad, ituro mo pano isulat at ituro mo yung dasal” sabi ni Wookie.
“Hanggang sa anim kaya mo imemorya, yun din ang kaya ko. Yung pantawag sa pang pito hanggang sa trese ay komplikado na masyado at kung magkamali ka sa sulat ay walang lalabas” sabi ng matanda. “E hanggang anim lang ituturo mo sa akin?” tanong ng mambabarang.
“Lahat, pero kailangan natin baguhin ang anyo mo” sabi ng matanda at huminga ng malalim si Wookie. “Alam ko na ang gusto mo gawin, itatatak mo ang mga symbolo nila sa katawan ko” sabi ng mamababarang ang napangiti ang matanda.
“Trese Diablos…sige simulan mo na” sabi ni Wookie pero ngumisi ang matanda. “Pati yang buhok mo kailangan matanggal” sabi niya at nagreklamo na si Wookie. “Kasi ano ba yang buhok mo parang basahan, at kailangan natin magtatak din sa ulo mo” sabi ng matanda. “Bakit pa sa ulo? Pwede mo naman ipagkasya sa katawan nalang e” sabi ng mambabarang.
“Kailangan maayos ang espasyo nila. Di sila pwede magkalapit. Gusto mo bang tatakan natin bawat pisngi ng pwet mo? HA? Nakakahiya pag don ka magpapalabas ng espiritu!” sabi ng matanda. “Bwisit ka! Sige pero bwisit ka! Ano palang pangalan mo tanda?” tanong ni Wookie.
“Isang araw pa pinadaan mo bago mo tinanong, ako si Wakiz” pakilala ng matanda. “Wakiz? Parang pamilyar…unang pangalan mo Jaba?” tanong ni Wookie at bigla siya binatukan ng matanda. “Tado ka! Nakapasyal ka narin pala sa labas ng Plurklandia, oo magaling sila sumayaw” sabi ni Wakiz.
“Hindi nabalitaan ko lang sa mga ligaw na espiritu. Bilib ako sa iyo nakalabas ka na sa Plurklandia…akala ko ba nagbabantay ka dito” banat ni Wookie. “Boring dito, at engot naman yung naghariharian kaya namansyal din ako minsan lang naman” kwento ni Wakiz.
“Pero saka na ang kwento kwento kailangan na natin simulan ang pagpalit ng anyo mo” sabi ng matanda.
Dalawang araw tinatakan ang katawan ni Wookie, isang araw siya nabalot ng sakit kaya kinailangan nila antayin hanggang sa gumaling siya. Isang lingo ang lumipas ay nagising si Wookie, wala nang sakit sa katawan niya pero ulo niya ang sumasakit.
Presko na ang pakiramdam niya at magaan ang ulo pagkat natanggal narin ang buhok niya. Tumayo si Wookie at biglang natawa ang matanda. “Bakit mo ako tinatawanan?” tanong ni Wookie. Tinuro ng matanda ang manika at nagulat si Wookie pagkat kalbo narin ito at may tattoo narin sa buong katawan.
Natawa narin si Wookie pagkat kumakamot ng ulo ang manika, “Teka! Pano gumagalaw ito e di ko naman kinokontrol?” tanong ni Wookie. “Naalala mo kalansay ko, yung espiritu niya nandyan na sa manika mo. Sa iyo na siya. Trained yang espiritu na yan kaya di mo na kailangan kontrolin” paliwanag ni Wakiz.
“E pano ikaw? Sino na maninilbihan sa iyo dito?” tanong ni Wookie. “Maghahanap ulit ako ng panibagong espiritu na tuturuan ko. Di na importante yan, handa ka na ba?” tanong ni Wakiz. “Oo, simulan na natin ito” sabi ng mambabarang.
“Wookie, madami pa ako ituturo sa iyo pero itong paglabas ng Trese Diablos ang uunahin natin. Hindi madali ito, hindi sila normal na espiritu na kaya mong kontrolin agad. Pag napalabas mo sila kailangan mo ipakita sa kanila na ikaw ang boss nila kung hindi ikaw ang aatakehin nila. Pero pag natuto sila na ikaw ang kanilang amo ay rerespetuhin ka nila at susundin kahit anong utos mo” paliwanag ni Wakiz.
Bandang hapon na nang natutunan ni Wookie ang mga dasal, pagkatapos nila kumain ay lumabas sila ng kweba para subukan magpalabas ng espiritu. “Bakit pa natin kailangan lumabas?” tanong ni Wookie. “Sige na lumayo ka ng konti sabay subukan mo ipalabas ang una” utos ni Wakiz.
Nakalayo si Wookie at tinignan ang tattoo sa kanang kamay niya. Pinikit niya mata niya at nagsimulang nagdasal. Gamit isang kamay hinawakan ang tattoo sabay nagliyab ang kamay niya. Isang higanteng espiritu ang lumabas at tuwang tuwa ang mambabarang.
Humarap ang espiritu kay Wookie at bigla ito inatake, “Wakiz!!! Bakit ganito?!!!” sigaw ng mambabarang habang tumatakbong palayo. “Tado! Sabi ko sa iyo ipakita mo sinong boss e. Ayan di ka kinilala, there is a way” sagot ng matanda. “Anong way? Bakit ka nag eenglish? Hoy tanda tulungan mo ako!!!” sigaw ni Wookie.
“Harapin mo at kalabanin mo siya” sabi ni Wakiz. “Huwaaaaat?!!! Are you crazy?!!!” sigaw ng mambabarang at di siya tinatantanan ng higanteng espiritu. “Yun lang ang paraan, kung di mo siya mapapaamo di siya titigil. Ikaw kaya mo tumakbo ng walang hanggang?” banat ni Wakiz. “Tulungan mo nalang ako!!!” sigaw ni Wookie.
“Walang point pag ganon, kung tulungan kita sa akin siya mapapaamo. Wala din lang kwenta” paliwanag ni Wakiz kaya tumigil si Wookie at hinarap ang higante. “Peste ka akala mo porke malaki ka ha, come to Wookie!!!” sigaw ng mambabarang at mula sa lupa isang libong mga espiritu ang biglang lumabas at kinalaban ang higante.
Nabilib si Wakiz at tinignan ang manika ni Wookie na katabi niya. “Sabi ko sa iyo magaling ang apo ko e” bulong niya at napakamot lang ang manika. Sampung minuto lang ay natalo na ni Wookie ang higante, lumuhod ito at naging maamo. Bumalik ang espiritu sa katawan ng mambabarang, agad naman nilabas ni Wookie ang pangalawa.
“Sira ulo ka ba? Isa isa lang sa bawat araw!” sigaw ni Wakiz. “Quiet old man, this is how young people do it!” sumbat ni Wookie at nagpalabas ulit siya ng isang libong espiritu para kalabanin ang pangalawang higante.
Pagsapit ng dilim ay agad napaamo ni Wookie ang anim na higante. Pagod na pagod siya pero napabilib niya ang lolo niya. Bagsak ang katawan ni Wookie sa lupa at biglang tumawa. “Wooohooo pito nalang” sabi niya. “Bukas na ulit o hanggang sa marekover mo lakas mo” sabi ng matanda.
Kinabukasan nagising si Wakiz sa sigaw ni Wookie. “Wakiz!!! Tulong!!!” sigaw ng mambabarang. Agad lumabas ng kweba ang matanda at nagulat siya pagkat napalabas ng apo niya ang pang pitong higante. “Naku po, nagawa niya ang di ko nagawa” bulong ng matanda.
“Wakiz!!! Pano to? Naka dalawang libong espiritu na ako ayaw pa tumumba!!!” sabi ni Wookie. “Ewan ko! Bahala ka diyan! Ngayon ko lang nakita yan e” sagot ng matanda na tuwang tuwa.
Mabilis tumakbo si Wookie, sa isang iglap napabilib nanaman yung matanda nang nailabas ng apo niya ang unang higante at lumaban ito sa pang pito. Naglabas pa si Wookie ng isang libong espiritu na nakilaban at pagkatapos ng trenta minutos ay napaamo na niya ang higante.
Bagsak si Wookie sa lupa at agad lumapit si Wakiz, “Oh em geeeee, ngayon ko lang napansin mga tattoo. Nag iba ang kulay nila nung napaamo mo sila. Dati itim, ngayon may halong pula at ginto na” sabi ng matanda. “Ang dami mo pinapansin tanda, gutom akoooo!!!” sigaw ng mambabarang at natawa ang lolo niya.
Kinabukasan nagising ang matanda nang bumalik sa kweba ang apo niya. Agad nahiga si Wookie at natulog. Napansin ni Wakiz na nag iba ang pang walong tattoo kaya hinayaan nalang niyang matulog ang apo niya.
Isang lingo ang lumipas at nakaupo si Wookie sa labas ng kweba. Tinabihan siya ni Wakiz at napansin ang mga sugat sa katawan ng apo niya. “Isa nalang ang di mo napapaamo” sabi ni Wakiz. “Oo inantay kita magising para mapanood mo ako…lolo” sagot ni Wookie at nagulat ang matanda.
“Pano mo nalaman?” tanong ni Wakiz at tinuro ni Wookie ang manika niya. Tumayo ang mambabarang at huminga ng malalim. “Hey gramps, watch me” sabi ni Wookie.
Tumayo ang mambabarang sa malayo, humawak siya sa dibdib niya at sa isang iglap lumabas ang pang huling Diablos. Napatayo si Wakiz at napanganga pagkat napakalaking espiritu ang tumambad sa harapan niya. Ramdam ng matanda ang kapangyarihan ng huling higante, tumakbo siya palapit sa apo niya pero pinigilan siya ni Wookie.
Pumikit lang si Wakiz at muli siyang nagulat pagkat nakatayo sa likod ng apo niya ang doseng Diablos. Nakita ng matanda na matatag ang apo niya, ang huling Diablos biglang nanginig at lumuhod sa isang paa at nagpaamo.
“So gramps, what else are you gonna teach me?”
(Baka wala ako bukas. Join our Facebook discussion, CLICK HERE )