M.P.
by Paul Diaz
by Paul Diaz
Chapter 6: Kakaiba
Lunes ng umaga hinatid si Monique ng kuya niya. Pagkababa ng dalaga sa kotse ay nagpahabol pa ang kanyang kapatid. “Nicka behave ha” sabi niya. “Kuya talaga” sumbat ng dalaga. “Just kidding” sabi ng kuya niya.
Pagpasok palang sa gate ay madami nang pumapansin kay Monique, niyuyuko nalang niya ulo niya at pangiti ngiti nalang paminsan minsan. Pagdating niya sa building nila agad siya binati ni Rose, “Uy sis congrats!!!” aniya.
“Congrats saan?” tanong niya. “Halika dali may ipapakita ako sa iyo” sabi ni Rose at hinila niya kaibigan niya papunta sa kanilang dean’s office. Paglapit palang nila madami nang nagpapalakpakan at bumabati sa dalaga. “O ayan sis number one ka sa dean’s list” sabi ni Rose at pagtingin ni Monique ay siya nga ang numero uno sa listahan.
“Ay tsamba lang yan” sabi niya. “Naks humble pa daw o, teka nangongopya naman ako sa iyo bakit wala ako sa listahan?” biro ni Rose at nagtawanan sila. “More effort sis” banat din ni Monique.
“Miss Dela Videz, a word please” sabi bigla ng isang matandang babae. “Uy tawag ka ni Dean” bulong ni Rose at nagmadali pumasok sa opisina ang dalaga. Sa loob ng opisina pinaupo si Monique at kinamayan. “Congratulations for being number one among the first years” sabi ng dean. “Thank you po” sagot ng dalaga.
“Anyway, I have spoken to the other top notchers of the higher years. You see the whole University is setting up this Honor Society, the members of this organization will be the number one in the dean’s list in every year level of all colleges” sabi ng dean. “Pati engineering po ba?” tanong ni Monique.
“Of course, why do you know their number one there?” sagot ng dean. “Hindi po, may kilala lang po ako at nagbabakasakali na number one din siya” sagot ng dalaga. “Ano pangalan? I have a list here” sabi ng dean at biglang nautal ang dalaga. “Ay wag na po, kung nasa list siya makikita ko naman sa org” sabi niya. “Oh yes, yun na nga there will be a meeting this afternoon at three, don’t worry if you have a class you shall be excused” sabi ng dean.
Lunch time na at di alam nina Monique kung saan sila kakain, si Rose nagpunta sa CR kaya nag antay sa corridor si ganda. “Uy sis kumain na ba kayo?” tanong ni Evilyn na kinagulat ni Monique. “Uy gaga ka nagulat pa ako” sabi niya.
“Di pa papunta palang kami ni Rose, e ikaw?” sagot ni Monique. “Tapos na, napaaga kasi may nirurush kami sa office. Oh by the way speaking of siga nakita ko siya don sa resto sa tapat ng school” sabi ni Evi. Biglang natuwa si Monique pero nagpasimple, “Oh? Well dapat pala iwasan kumain don” sabi niya. “O sige sis kumusta nalang kay Rose ha sabihin mo miss ko narin siya” paalam ni Evi at umalis na.
Paglabas ni Rose ay agad siya hinila ni Monique, “Tara dun tayo sa tapat ng school kakain” sabi niya. “Ha? Akala ko ba hate mo don?” tanong ni Rose. “E may gusto ako kainin na don lang mahahanap e” palusot ng dalaga. “O bakit parang nagmamadali ka?” hirit ng kaibigan niya. “Gutom ako! Gutom na clan ko” sagot ni ganda sabay tawa.
Pagpasok nila sa resto agad nakita ni Monique ang siga, “Tara don tayo sa dating pwesto” sabi ni Rose. “Kasasawa na don, sa iba naman tayo” sabi ni Monique. “O saan naman daw tayo?” tanong ng kaibigan niya sabay turo ni Monique sa bakanteng lamesa sa tabi nina siga.
Pagkaupo ay parang nahihiya si Monique, “I can see why gusto mo dito” bulong ni Rose. “Bakit naman?” tanong ni ganda. “Sus, ayan o si siga” bulong ng kaibigan niya. “Ay siya nga ano” sagot ni Monique. “Wushu, style mo sis” tukso ni Rose. “Hello Malabo mata ko diba? E ano naman kasi if he is there?” banat ni Monique.
Nagkatinginan saglit si ganda at siga pero mabilis lumihis ang tingin ng binata, “Tara na kuha tayo foods” sabi ni Rose. Tumayo na si Monique, muli niya tinignan ang siga pero di ito nakatingin sa kanya. Pagkabalik nung dalawa sa lamesa nila ay tila nag aayos ng porma si Monique. “Ano ba ginagawa mo?” tanong ni Rose.
“Wala naman, nag aayos lang bakit masama ba?” sumbat niya. Kakaiba ang kinikilos ni Monique, pati pagkain niya mahinhin at may poise pa ang bawat pag nguya. Ilang beses niya nilaro at inayos ang buhok niya sabay nakaw tingin sa siga. “Sis nakakahalata na ako sa iyo talaga” sabi ni Rose.
“Prangkahin mo nga ako sis, do you like that guy?” tanong ni Rose at napatingin sa kanya si Monique. “Grabe ka ano pinagsasabi mo?” sumbat ni ganda. “Sis, alam ko na style mo no. Ang tagal na natin magkasama. You only act that way pag may like kang guy. The last time nag ganyan ka nung nakita natin si Pipoy sa mall” sermon ni Rose.
“Fine, I find him interesting” sabi ni Monique sabay nakaw tingin sa siga. “Tsk umamin ka nga, you like him?” hirit ni Rose. Huminga ng malalim si Monique at nakita niyang nakangiti ang siga, pati siya napangiti ng walang rason. “Oo sis, o ayan happy ka na?” sagot niya.
“My God naman Nicka, bakit?” tanong ni Rose. “Anong bakit?” sagot ni ganda. “I mean, ang dami mong manliligaw na far better than that guy e. Si Tim na nga seems to be perfect for you. O tapos ang dami pang iba. I really don’t understand bakit yan pa ang like mo. Gets ko pag like mo si Pipoy, sino bang hindi? Pero that guy?” sabi ni Rose at nagsimangot si ganda.
“Ikaw din balik ko sa iyo tanong mo, bakit si Dodong napili mo? O mas okay naman si Goms ha. Sige nga” banat ni Monique. Huminga ng malalim si Rose at napangiti, “Okay sis. Kung yang ang type mo e di suportahan kita. Gora magpacute ka na” sabi ni Rose at nagtawanan sila.
“Kanina pa nga e pero di naman niya ako tinitignan” bulong ni Monique sabay titig sa siga. “Sus kaya mo yan, who wouldn’t fall for you diba?” banat ni Rose. “Uy di naman, bakit kasi ayaw niya tumingin dito? At sino ba yang katabi niyang babae na yan?” bulong ni Monique.
“Sis maganda yung katabi niya, baka taken na siya” bulong ni Rose. Kumunot ang labi ni Monique at napahigpit ang hawak sa kutsara at tinidor. “Ah ganun, so may girlfriend na siya ganon?” bulong niya at natatawa ang kaibigan niya pagkat binaba ni Monique ang mga hawak niya at nagpacute ng todo kay siga.
“Uy sis hindi ata, look. Magkaholding hands yung girl at yung isang guy o” pasimpleng turo ni Rose at natuwa si ganda. “Yessss…oh shet nakatingin siya sa akin..shet ano gagawin ko?” bulong ni Monique at nanginig ang kamay niya. “Gaga, relax at titigan mo din” bulong ng kaibigan niya.
Nagkatitigan si Monique at ang siga, nanginginig ang dalaga kaya napahawak siya sa kamay ng kaibigan niya sa ilalim ng lamesa. “Aray wag kang mangurot” sabi ni Rose. “Sis, kanina pa niya ako tinititigan…ano gagawin ko?” bulong ni Monique na pasimple. Natatawa si Rose at nilalayo niya kamay ng kaibigan niya, “Ngitian mo na kasi dali” sabi niya.
Pagkangiti ni Monique at saktong nakita niyang ginalaw ng katabi ni siga ang shades niya. Napalihis tuloy ang tingin ng siga at nagtawanan ang grupo nila. “Demet yan. Demet demet demet di niya nakita badtrip naman o” pagalit na bulong ni Monique. “Relax sis may chance pa naman e” sabi ni Rose. “O bakit niya hinahawakan kamay nung babae? Tsk sino ba kasi yan?” banat ni Monique at di na mapigilan ni Rose ang tawa niya.
Ilang sandali pa ay tumayo na ang grupo ng siga, nagpacute ulit si Monique pero di siya tinitignan ng siga. “Lalapit siya dito at makikipagkilala…lalapit siya dito at makikipagkilala” paulit ulit na bulong niya at nagtatakip na ng bibig ang kaibigan niya pagkat sasabog na siya sa tawa.
Dinaanan lang sila ng grupo kaya napadabog sa lamesa si Monique. “Demet! Tignan mo nga ako, bakit may dumi ba sa mukha ko?” tanong niya. “Wala naman sis” sabi ni Rose. “E bakit ganon siya?” tanong ng dalaga sabay simangot. “Baka di ka niya type sis” sabi ni Rose.
“Sus, di naman sa pagmamayabang. Pero ngayon lang ako nakaramdam ng ganito e. Imposible naman to. Eeesh bakit siya ganon sis?” tanong ni Monique. “Well napakasimple, he doesn’t like you period. O ayan kaya pag ako sa iyo forget about him” sagot ng kaibigan niya.
“Sus, imposible. Whatever!” sabi ni Monique sabay tayo. “O san ka pupunta?” tanong ni Rose. “Wala na ako gana tara na. Sabi ko sa iyo di maganda kumain dito e” pagalit na sinabi ni ganda sabay umalis.
Hanggang sa klase galit parin si Monique, malayong naglalakbay ang isipan niya at laging napapabuntong hininga. “Sis, get over na” bulong ni Rose sabay tawa. “Che! May chance pa, mamayang three” sabi niya. “Three na ha” sabi ni Rose at nagulat si Monique. Mabilis siya lumabas ng classroom at nagtungo sa conference hall ng unibersidad.
Pumasok si Monique at sa likod naupo, hinahanap niya si siga pero wala doon. “Baka late lang” bulong niya. “Engineering second year?” tanong ng propesor sa harapan at nakita ni Monique na may lalakeng nagtaas ng kamay. “Engineering first year?” tanong ulit ng prof at napatayo si Monique.
“Oh no need to stand just raise your hand” sabi ng matanda sa harapan. “Ah sorry sir accouting po ako” sabi ni Monique at hiyang hiya siya. “Okay, so Engineering first year?” tanong ulet ng propesor at isang babae ang nagtaas ng kamay kaya nadismaya ang dalaga.
Nabwisit si Monique at nilabas ang phone niya, di na siya nakikinig sa kaganapan ang nagsitext nalang. “It says here that its supposed to be a mister Juan Pablo Dichavez” sabi ng propesor. “He opted out sir so I came in his place” sagot ni Tin. Sa sobrang inis muling napahiya si Monique nang natawag na ang accounting first year pero di siya nakikinig.
Pagkatapos ng isang oras ay lumabas siya ng conference room at doon naghihintay si Victor at Rose. “Pauwi ka na?” tanong ni Vic. “Che, tigilan mo nga ako!” sigaw ng dalaga at nagmadaling naglakad palayo.
“Ano problema non?” tanong nung basketbolista. “Wag mo nang alamin” sagot ni Rose sabay hinabol ang kaibigan niya.
“Sis ang init ng ulo mo” sabi ni Rose. “Tama ka sis, ano ba kasi nakita ko don sa sigang yon. Sus he isn’t worth my attention” pagalit na sabi ni Monique. Di namamalayan ay napadaan sila sa garden at nakita nila don ang siga na tumatawa kasama ang kaibigan niyang si Leo.
“Tama ka sis, he isn’t worth your attention” sabi ni Rose. Si Monique tumigil sa paglalakad at tinignan lang ang siga. Nakasimangot siya pero ang simangot unti unting nagiging ngiti. “Kakaiba siya ano?” bulong niya.
“Oo sobrang kakaiba. You deserve someon better” payo ni Rose. “Yeah he is different” ulit ni Monique at bigla ito tumalikod at masayang naglalakad palayo. “Huy para kang baliw, bakit ka nakangiti at masaya bigla?” tanong ni Rose.
“Wulah, maybe I need more effort” sabi ni Monique. “Ano?! Don’t tell me sis” sabi ni Rose.
“He is different and I like him”
(join the discussions at Facebook, CLICK HERE )