M.P.
by Paul Diaz
by Paul Diaz
Chapter 19: Moving On
Final day ng pasukan bago mag Christmas break, maaga si Monique at Rose pumasok at naglalakad lakad sa campus. “Alam mo naguguluhan talaga ako sa iyo sis e. Last night you were so mad at him and you said si Tim nalang” sabi ni Rose. “Oo nga. Bakit ba?” tanong ni Monique. “Anong bakit ba? Hello! Kanina pa tayo lakad ng lakad at dumadaan dito sa garden e. Parang hinahanap mo siya” galit ng kaibigan niya.
Napatingin si Monique sa hardin, nakasanayan na niyang nakikita si Jp don pero ngayon ni anino niya o mga kaibigan niya wala. “Parang gusto ko pa bumawi one last time” sabi niya. “Sus bumawi daw tapos pag nakita mo ulit siya magbabago nanaman isip mo. I really don’t understand why you like him after all those pagpapanggap and stuff” sabi ni Rose. “Oo na tara na sa classroom” sagot ni ganda pero sa loob niya parang may humihila sa kanya papunta sa hardin.
Natapos ng maaga si Monique sa exam niya, agad siya lumabas ng classroom at nagtungo sa hardin. Masaya siyang nakita si Jenna at Oliver doon kaya sinubukan niyang makalapit. “Wala siya dito” agad sabi ni Jenna. “I just wanted to say sorry for being harsh. I know I went overboard. Do you know where he is?” tanong ng dalaga.
“Sorry hindi e” sagot ni Jenna sabay di na nila pinansin si Monique. Umalis ang dalaga at nagtungo sa engineering building. Nagtungo siya sa locker area at nakita niyang bukas ang locker ng siga. Sumilip siya at nakita niyang walang laman ito. “Si Jayps ang hinahanap mo?” tanong ng isang babae at paglingon niya si Tin yon.
“Oo, alam mo ba nasan siya?” tanong ni Monique. “Kanina kaklase ko pero maaga natapos sa exam e. Last exam namin yon so itext mo nalang siya” sagot ni Tin. “Ah okay thanks” sabi ni ganda at nilabas niya ang phone niya at biglang nagdalawang isip. “Di mo na ako kailangan itext” sabi ng isang lalake at paglingon ng dalaga ay si Tim nakatayo sa likod niya.
“Ah…tamang tama itetext sana kita” sabi ni Monique sabay tago sa phone niya. “No more exams right? Do you want to go watch a movie or go to the mall to unwind?” tanong ng binata. “Sure, pero I have to go back and get Rose” sabi ni Monique. Bumalik ang dalawa sa accounting building at ilang beses napalingon ang dalaga sa hardin pero walang tao na doon.
Nadatnan nila si Rose sa locker area, may inaayos siya sa locker ni Monique. “Hey what are you doing with her locker?” tanong ni Tim at nagulat ang dalaga. “Its okay we share one locker kasi its too big” sabi ni Monique. “Uy sakto itetext na sana kita. Hay sa wakas tapos na ang exam at bakasyon na. Siya nga pala sis patext naman o naubusan ako kasi ng load” sabi ni Rose.
Inabot ni Monique ang phone niya at naglakad na sila patungo sa main entrance, tumigil si Rose at may tinapon na card sa basura. “Ano yon?” tanong ni Monique. “Ah wala basura lang, eto sis thanks ha” sagot ni Rose sabay soli sa phone. Napadaan sila sa hardin at wala parin tao don, “Sis get over him, the one for you is standing beside you” bulong ni Rose. Huminga ng malalim si Monique at napatingin kay Tim na nakangiti sa kanya. “To the mall?” tanong ng binata at napa oo nalang ang dalaga.
Samantala sa may guard house sa back entrance ng school ay nakatambay ang apat na magkakaibigan don. “Ang nagsindi nitong away walang iba kundi ikaw…kaya kawawa…kaya kawawa…kawawa puso ko ngayong paskooo” kanta ng siga at nagtawanan sila. “Akala namin di ka nanaman namin makikita e” sabi ni Jenna at napangiti si Jp. “Bakasyon na e at matagal tayo di magkikita” sagot ng siga. “Ano ba talaga nangyari pare?” tanong ni Oliver. “Hindi ko nga alam pare e. Just when I was ready to move forward biglang ganito” sabi ni Jp at napansin nila na matamlay siya at di nagpapatawa.
“Pare, sorry kahapon. Akala ko kasi okay ka sa pagbibiro nila so nakijoin narin ako” sabi ni Leo. “Ayos lang yon, well I left her a card and letter sa locker niya and I hope makita niya” sabi ni Jp. “Ano nakasulat don?” tanong ni Jenna. “First i said sorry for whatever nagawa ko. Then I asked if we could talk. Nawala ko phone ko kasi, nadukot ata nung nagpunta tayo sa sastre, di ko man napansin. Kaya ayun I told her I didn’t memorize her number and iniwan ko don ang new number ko just in case gusto pa niya ako makausap” paliwanag ng siga.
“Ah kaya ka pala hinahanap kanina sa garden. Cheer up nalang okay? Tapos antayin mo nalang siya magtext or tumawag. I know kung ano man ang problema niyo maayos niyo yan” sabi ni Jenna. “Oo pare, you like and I noticed she likes you too. So di basta basta mawawala yon. Kami ni Jenna ilang beses narin nag away pero look kami parin” sabi ni Oliver. “Oo nga pare, tignan mo ako ilang beses ako inaaway ng liniligawan ko pero wala parin” biglang banat ni Leo at nagtawanan sila. “Thanks pare I needed that” sabi ng siga.
“Ano tara naman sa mall, matagal tayong di magkikita e” sabi ni Leo. “I cant pare, kailangan ko pa tapusin project ko, look dugo dugo fingers” sabi ni Jp at nakita nila panay band aid ang daliri niya. “Before I forget may ibibigay pala ako sa inyo” sabi ng siga at binuksan niya bag niya at naglabas ng mga regalo.
“Uy hala! Wag na! Grabe ka bakit ka pa gumastos?” sabi ni Jenna. “Oo nga pre, sayang ang pera mo. Dapat hindi na e, pero ano yan?” banat ni Leo at nagtawanan sila. “Guys alam ko ano iniisip niyo about me, let me tell you na mali kayo. Trust me mali kayo” sabi ni Jp.
“So eto pareng Oliver, sensya na nashort sa budget medyo nagipit dahil kay Trisha. Alam ko gamer ka so here, sensya ulit di na nabalot” sabi ni Jp. Nanlaki ang mga mata ni Oliver nang tanggapin niya ang bagong laro para sa PS3 niya. “Sana payagan ka ni Jenna maglaro ulit” dagdag ng siga at nakita ni Jenna ang tuwa ng nobyo niya. “Fine, pero wag nang magpupuyat” sagot ng dalaga. “Thank you pare!!!” sigaw ni Oliver.
“Jenna, laging sinisira ang laptop at PC, kaya wala na ako naisip kundi posporo, isunod ko nalang yung isang litro ng gas” sabi ni Jp at nagtawanan sila. “Joke lang, itong portable hard drive, ayan di ka na iiyak pag nareformat PC mo, save mo na diyan mga download mong movies at music” sabi ni Jp at halos maiyak na ang dalaga at napayakap sa siga. “Parang nagrereklamo ka ata at sa iyo ko pinapagawa pag nasira e” sabi ni Jenna at nagtawanan sila. “Di naman, mahirap mag redownload ng mga files kaya pag nasira ulit PC mo o laptop bawas pagka hysterical mo” sabi ni Jp at natawa si Oliver.
“E ako pare?” tanong ni Leo at may nilabas si Jp na memory card. “Eto para sa iyo” sabi niya. “Memory card? Aanhin ko to? Ang laki pa nito sigurado di kasya to sa phone ko” sabi ni Leo. “Ay sayang puno pa naman yan ng good stuff” sabi ng siga sabay kindat. “Ha? Pano ko play to?” tanong ni Leo. “Saksak mo sap wet mo! Manyak!!!” sigaw ni Jenna. “Ikaw naman magka hobby ka naman pare, wag laging…tignan mo mga hands mo kinakalyo na” sabi ng siga at nagtawanan silang mga lalake.
“Uy pare nag cut down na nga ako e” banat ni Leo. “Hay naku kayo talagang mga lalake” sabi ni Jenna. “Siyempre pare eto dito mo isaksak yang memory card” sabi ng siga sabay labas ng PSP. “Holy shwet!!! Pwede din daw kargahan to e” sabi ni Leo na tuwang tuwa. Binatukan siya ni Jenna at umangal si Leo. “Patapusin mo ako okay? Pwede daw kargahan ng music at games to diba diba?” hirit niya. “Pero ano talaga laman nitong memory card? Pwede ko na isaksak?” tanong ng besfriend ng siga. “Biro lang pre, games lang naman laman niyan” paliwanag ng siga.
“Don’t worry pare papahiraman kita” sabi ni Oliver sabay kindat. “Nakita ko yon! Ano nanaman yan?” tanong ni Jenna. “Hon, games lang no. Relax” sagot ng binata. “Pero Jayps wala kaming regalo sa iyo now” sabi ni Jenna. “Oh its okay, you have done enough at tiniis niyo kalokohan ko at mga style kong kakaiba. Hiling ko lang Jenna wag masyadong dragon-like, ikaw Oli alagaan mo siya. Ikaw Leo hinay hinay sa girls, konting respeto at sure ako di ka na mababasted” sabi ni Jp.
“Tado ka naman e, parang mamatay ka sa pinagsasabi mo” sabi ni Leo at natawa ang siga. “Namatay ako kahapon pare, kaluluwa nalang ako. Isa lang makakapagbalik ng kaluluwa sa katawan ko at mabuhay muli…hay…anyway happy vacation sa inyo ha. I have to go yo, may aantayin pa akong text na napakaimportante” sabi ng siga.
Pagkauwi ni Jp sa bahay ay nadatnan niya si Trisha sa kwarto niya at tinatastas ang tinahi niya. “Bakit mo tinatastas yan?!” tanong niya. “Kuya ang shungek shungek mo magtahi. Pangit gawa mo, don’t worry tuturuan kita” sabi ng bunso.
Nilapag ni Jp ang phone niya sa study table at nakitabi sa kapatid niya. “Parang nagbago mood mo kuya” sabi ni Trisha. “Well, there is hope sis. That phone right now is my only chance” sabi ni Jp. “Oh well kuya, itong project mong to, nagpapatawa ka ba o greedy ka lang talaga?” tanong ni Trisha at natawa si Jp. “Bakit alam mo ba ano yan?” tanong ng binata. “Duh! Hello halata naman sa tabas no” sabi ng bunso.
“Well sis, if that phone rings then mag iiba ang silbi ng project ko. Pero pag hindi tumunog…kailangan na kailangan ko talaga yan” sabi ng siga at natahimik ang bunso. “Sana magring phone mo kuya” bulong niya.
Isang lingo ang lumipas at Disyembre bente kwatro na. Hinatid ni Tim si Monique sa kanila at nagpasya silang maglakad lakad pa sa subdivision. “Its getting late Tim, baka wala ka nang masakyan mamaya pauwi. Dapat kasi dinala mo na kotse mo” sabi ni Monique. “Hindi kaya yan. At gusto pa kita makasama e” sagot ng binata.
“Is there something bothering you?” tanong ng dalaga at huminga ng malalim si Tim. “Actually meron. I was wondering why ganyan ang outfit mo today. Parang di ikaw. Tattered pants, yan dark shades you wore all day up to now madilim na di mo pa tinatanggal” sabi ng binata. “This is bothering you?” tanong ni Monique.
“Oo eh, I think you are thinking of someone else” sabi ni Tim at inalis ng dalaga ang shades niya. “Hindi naman e” sagot niya. “Okay good to know, Monique I have been courting you since high school, well I know I am one year ahead and college na ako. Its been almost two years. I did enjoy this past week really, pero I want to know kung may patutunguhan ba tong pag aantay ko?” tanong ng binata.
Huminga ng malalim si Monique pero di makasagot. “Is there something wrong with me? Am I rushing you? I am sorry Monique, I should have not said that” sabi ni Tim. “Tomorrow, okay lang?” tanong ni Monique at napangiti ang binata. “I shall get your answer tomorrow?” tanong niya. “Christmas day, tomorrow” sabi ng dalaga.
Hinatid na ni Tim ang dalaga sa kanilang bahay, “Merry Christmas, say hi to your mom nalang” sabi ng binata sabay masayang umalis. Nagkulong si Monique sa kwarto niya at nilabas ang kanyang phone, wala siyang mga mensahe doon kaya napasimangot siya. Nagtext si Monique at pagcheck niya sa outbox niya may isang daan mensahe doon na pinadala niya kay siga pero ni isang sagot wala siyang natanggap. “Alam ko susurpresahin mo ako saktong pasko” bulong niya kaya pumikit siya at naidlip.
Sa kwarto ni Jp ay pinagmamasdan niya ang kanyang telepono. Pumasok si Trisha sa kwarto at nilapitan ang kuya niya. “Merry Christmas kuya” bati ng bunso sabay halik. “Twelve na pala, Merry Christmas sis” bati ni Jp sabay yakap sa kapatid niya.
“Wala parin ba?” tanong ni Trisha. “Wala eh, akala ko timing niya ako itetext ng pasko” sagot ng binata. “Halika na kuya kain na daw tayo” sabi ng bunso kaya bumangon na si Jp at inakbayan ang kapatid niya.
Sa ilalim ng kama may kinuha si Jp at inabot ito kay Trisha, agad pinunit ng dalaga ang wrapper at nagsisisigaw. “HP Mini Netbook!!!” sigaw ng dalaga at nilapag ang regalo at niyakap ng mahigpit ang kuya niya. “Mery Christmas sis, I hope you like it” bulong ni Jp. “Grabe kuya the best gift ever! Ang liit at ang gaan nito! Grabe pwede ko na dalhin to sa school at sa mall!” sabi ni Trisha at tuwang tuwa talaga ang dalaga.
Nakarating na ang dalawa sa lamesa, nagyakapan at nagbatian sa mga magulang. “Wait, I forgot something” sabi ni Trisha. Ilang sandal bumalik ang bunso at nakita ni Jp dala niya ang kanyang proyekto. Sa living room nagtungo si Trisha at sinabit sa dingding ang proyekto ng kuya niya.
Bumalik sa dining area si Trisha at halos napaluha si Jp, “Malay mo kuya, when you wake up everything will be alright” sabi ng bunso at huminga si Jp ng malalim at napapikit. “Yeah, I hope it will”
Pagkatapos kumain ay tumayo si Jp sa tapat ng dingding at pinagmasdan ang kanyang proyekto. Tumabi sa kanya si Trisha at tinuro ang dalawang titik. “Kuya ano ba yang MP?” tanong niya. “Dalawang salitang naayon sa panahon sis” sagot ng siga at napaluha.
Sa kwarto ni Monique, busog na busog ang dalaga, kapapatay niya ng computer niya nang nagring ang telepono niya.
“Merry Christmas sis!!! I have been trying to call you sa cellphone pero ang hirap magconnect. Delayed pa ata mga text e” sabi ni Rose. “Merry Christmas sis! Oo nagtext din ako sa iyo di mo pa natanggap?” sagot ni ganda. “Wala pa no, baka bukas pa mga yon alam mo naman ang network pag pasko” sabi ng kaibigan niya.
Habang nag uusap ay nakita ni Monique ang stuff toy niya na may shades, matagal niya itong tinitigan at natulala. “Hello? Sis nakatulog ka na ata e” sabi ni Rose. “Ah sorry may nililigpit lang ako kasi. So kumusta naman bakasyon mo so far?” tanong ng dalaga.
“Hay naku sis masayang masaya, finally nagkalakas loob ako at hiniwalayan na siya” kwento ni Rose. “Wow himala! Pano mo nagawa?” tanong ni Monique. “Well sinundan ko payo ni Jayps” sagot ni Rose at parang kumirot ang puso ng dalaga. “Nakausap mo si Jayps?” tanong ni Monique.
“Hindi, noon pa yon. May silbi din pala yon kahit na ganon and he was right. Anyway sis, kumusta naman kayo ni Tim?” tanong ng kaibigan niya. “We have been together everyday. A while ago medyo nagdrama siya e” kwento ni Monique.
“Ha? Dali kwento na sis what happened?” tanong ni Rose. “Well he was right, two years na siyang nanliligaw and he seems to be perfect for me. Wala ako nakikitang mali at lahat ng ginagawa niya tama” sabi ni Monique. “Sabi ko naman sa iyo sis e. Ikaw kasi di ko pa alam bakit ayaw mo pa e” sabi ni Rose. “Kaya nga I told him tomorrow” sabi ni ganda. “What do you mean tomorrow?” tanong ng kaibigan niya. Tinignan ni Monique muli ang stuff toy at inalis ang shades,
“Sasagutin ko na si Tim”
MAMAYANG GABI PASKO NA. MALIGAYANG PASKO SA INYONG LAHAT!!!
( You have more time to guess what MP stands for. Submit your answers before i post chapter 20 tomorrow. Join our Facebook discussion, http://www.facebook.com/pages/A-Journey-Towards-Nowhere/204029593859?ref=mf )