sk6

Sunday, December 27, 2009

Twinkle Twinkle 2: Bagong Delubyo Chapter 1: Magkapatid

Twinkle Twinkle 2: Bagong Delubyo

By Paul Diaz



(WARNING: THIS IS THE SECOND BOOK ALREADY. FOR THOSE WHO HAVE NOT READ THE FIRST STORY THEN I SUGGEST YOU READ TWINKLE TWINKLE FIRST BEFORE READING THIS ONE)



Chapter 1: Magkapatid

“Mga anak alagaan niyo siya maigi. Ituring niyo siyang kapatid” sabi ng punong diwata sa kanyang dalawang anak. “Pero ma, malalaman nila na di siya diwata tulad natin” sabi ng mas nakakatandang batang diwatang si Aneth. “Ako na bahala diyan sa bagay na yan, basta alagaan niyo siya maigi” sagot ng nanay nila.

“Mama, gusto ko din alagaan yung isang baby” sabi ng bunsong diwatang si Monica. “Gabi na, bukas nalang” sagot ng nanay at nagsimangot ang bata. Pagkalabas ng punong diwata ay tumayo si Aneth at tinuro ang kapatid niya. “Narinig mo yon, alagaan mo daw maigi yan” sabi niya. “Ate sabi ni mama tayong dalawa daw…ugghhhh ate tama naaa” sabi ng bunso sabay hawak sa leeg niya. “Wag na wag mo ako susuwayin kung hindi di lang yan ang matitikman mo sa akin” banta ng ate niya.

Bawat gabi binibisita ng bunso ang lalakeng bata na binigay ng mga tala. Tanging mga tagapangalaga lang sa bata ang maaring pumasok na munting barong barong niya pero dahil bata pa si Monica ay pinapayagan nila itong makapasok.

Ilang buwan ang lumipas gabi gabing tumatakas ang bunso para alagaan si Paulito. Isang gabi habang may pulong ang mga nilalang, lumabas ng kweba si Aneth. “Ate saan ka pupunta? Wala kami kasama dito” sabi ni Monica. “Wag kang makikialam at bantayan mo yang ampon!” sigaw ni Aneth sabay turo sa kapatid niya at napatalsik itong palayo.

Sa ingay nagising si Ahnica at umiyak kaya agad siya binuhat ng bunsong diwata. “Shhhh pasensya na kay ate ha, ganyan talaga siya kasi mas malakas siya sa akin” bulong ni Monica sa bata.

Ilang saglit lang tulog na ulit ang bata, inayos ni Monica ang higa niya sabay lumabas ng kweba at nagtungo sa kubo ni Paulito. Sa mga sandaling yon sa gubat, dahan dahan naglalakad si Aneth. Naabot niya ang dulo ng gubat kaya lumingon siya para tignan kung may sumunod sa kanya.

“Wag kang mag alala walang sumunod sa iyo” biglang may bumulong kaya natakot si Aneth. Mula sa isang puno may mga nagtipon na usok at dahan dahan naging isang tao. “Nadala mo ba ang hinihiling ko?” tanong ng matandang lalake. Takot na takot si Aneth na lumapit sa matanda sabay inabot ang isang pulang bato.

“Eto nga siya, mahusay” sabi ng matanda sabay naglabas pa siya ng mga kaparehong bato na ganon. “Para saan ho ba yan?” tanong ni Aneth. “Para lumakas ako iha, o siya pinangako ko na tuturuan kita. Gusto mo lumakas diba?” tanong ng matanda at natuwa ang diwata. “Gusto ko po lumakas, maganda yung tinuro niyo sa akin. Pero gusto ko pa lumakas” sagot ni Aneth.

“Kaya kita palakasin sa higit sa imahinasyon mo pero may kapalit” sabi ng matanda. “Kinuha ko na po yung gusto niyo diba? Sabi niyo tuturuan niyo ako” reklamo ng diwata. “Oo tuturuan kita, sinasabi ko lang na kung gusto mo makapantay kapangyarihan ko may kapalit” paliwanag ng matanda.

“Ano naman kapalit po?” tanong ni Aneth. “Yung asul na bato na laging suot ng nanay mo” sabi ng matanda at nagulat ang batang diwata. “Ay di ko po kaya kunin yon” sagot ni Aneth. “O siya, tuturuan kita pero kung gusto mo pang humigit sa lakas ko alam mo na kailangan mo.

Isang oras tinuruan ng matanda si Aneth at aliw na aliw ang diwata. “Kailangan ko nap o bumalik, bukas nalang po ulit” sabi ni Aneth. “O sige, bumalik ka bukas parehong oras” sagot ng matanda. “Ano po ba pangalan niyo?” tanong ng diwata. “Sabi ko sa iyo atin atin lang ito diba?” sumbat ng matanda. “Opo pero gusto ko lang malaman” hirit ng diwata at unti unting naglaho na ang matanda.

“Fredaaaatoooooriaaaaaa” narinig niyang bulong pero di naintindihan ng batang diwata. “Okay lang kung ayaw mo sabihin, babalik nalang ako bukas” sabi ni Aneth sabay tumakbong pabalik sa kweba.

Nakita ni Aneth na pabalik na ang mga pinuno, mabilis siya tumakbo pero naririnig niya ang iyak ni Ahnica. Naunahan niya ang nanay niya makabalik sa kweba at agad binuhat ang sanggol. “Bakit umiiyak yan?” tanong ng punong diwata. “Mommy di ko alam ayaw tumigil e” palusot ni Aneth. “Akin na, teka nasan si Monica?” tanong ng nanay at mabilis nag isip ang batang diwata.

“Ma lagi siya tumatakas sa gabi pinupuntahan yung isang sanggol” sumbong ni Aneth at nagalit ang nanay niya. Mabilis na pinatawag ang bunsong diwata at pagkabalik niya sa kweba ay agad siyang pinagalitan. “Hindi ka na pwede lumapit sa batang yon! Delikado na baka madulas pa dila anak! Naintindihan mo ba ako?” sermon ng nanay at iyak ng iyak ang bunso.

Isang taon ang lumipas, habang mahimbing ang tulog ng lahat ay biglang nagising si Monica at nagsisigaw. Agad siya tumayo pero hinarang siya ng kapatid niya. “Monica! Bakit anak?” tanong ng nanay nila. “Si Paulito patay na!” sigaw ng bata at nagsiiyak. “Palusot niya lang mommy” sabi ni Aneth pero bigla siya napatapis ng malayo.

Nagliliyab ang mga mata ng bunsong diwata at puno siya ng galit. Takot na takot si Aneth at di niya maintindihan bakit ganon kalakas ang kapatid niya. “Ikaw pinagbibigyan lang kita ate…umalis ka sa daanan ko!!!” sigaw ng bunso at pati ang nanay nila hindi makalapit.

Tumakbo si Monica papunta sa tinitirhan ng sanggol na si Paulito, lahat ng naninirahan sa gubat ay nagising sa malakas na kapangyarihan ng batang diwata. Ilang sandal lang ay kumalma si Monica nang nakitang buhay pa ang lalakeng sanggol. Dahil sa hiya ay bumalik siya sa kwebang mag isa ngunit agad nagtipon ang mga punong nilalang.

“Yan bunso mo ang papalit sa iyo” sabi ng punong kapre. Di nagustuhan ni Aneth ang narinig niya pero sa takot kumapit ito ng mahigpit sa ina niya. “Mukha sa kanya nga naipasa ang kapangyarihan ng lola niya” sagot ng punong diwata. “Kailangan mo turuan ng maigi ang anak mo kung hindi baka maimpluwensyahan pa ng kadiliman yan” sabi ng punong bampira. “Wag kayong mag alala ako bahala diyan, akala ko sa panganay ko mapupunta tong asul na bato ngunit kay Monica pala” sagot ng punong diwata.

“Ipasoot mo na agad sa kanya yan, para makontrol niya ang kapangyarihan niya. Ikaw siguro kaya mo nang kontrolin ang kapangyarihan mo sa tagal mong suot yan. Ipasuot mo na sa kanya agad yan at ipaliwanag mo kung gaano kaimportante ang tanging asul na batong yan” sabi ng punong mambabarang.

Pabalik sa kweba ay masama ang loob ni Aneth, “Ma, para saan yang asul na bato?” tanong nung bata. “Anak, itong bato ay may kapangyarihan na puksain ang kahit anong kapangyarihan. Bilang punong diwata kailangan ko itago ang aking pagkatao sa iba kaya kailangan ko isuot ito” paliwanag ng nanay niya.

“Hindi ba magpapalakas yan?” tanong ni Aneth. “Hindi anak, kabaliktaran ito. Pag suot mo ito mababawasan ang kapangyarihan mo. Anak tayong mga diwata ang pinakamakapangyarihan sa lahat ng mga nilalang dito sa gubat. Pinapasuot ito sa punong diwata para walang tsansang umabuso. Minsan noong gera itong bato ang lumigtas sa lahat nang isuot ito sa kalaban, nanghina siya kaya madali siyang natalo” paliwanag ng nanay niya.

“Eh ma, madali mo lang naman alisin yan kung gusto mo diba? O di babalik na lakas mo” sabi ni Aneth. “Hindi anak, pag ako ang nag alis nito di parin babalik ang buong kapangyarihan ko. May sumpa ang batong ito, ginawa ng mga ninuno natin. Kaya ang tanging makakapag alis ng nito at magpapabalik ng kapangyarihan ko ay ang mga punong nilalang. Dapat kasama sila lahat sa pag alis para bumalik kapangyarihan ko” paliwanag ng punong diwata at napangisi si Aneth.

“E ma, pano kung may laban tapos tinanggal ni Monica yung bato para gamitin ito sa kalaban? Ibig mo sabihin hindi ito gagana?” tanong ni Aneth. “Ibang sitwasyon yon anak, eto suot ko ito ngayon…eto hawakan mo siya” sabi ng nanay at binigay ang bato sa bata. “Pareho na tayong limitado ang kapangyarihan sa ngayon kahit hawak mo yang bato” sabi ng punong diwata. “E sabi mo mga punong nilalang lang pwede mag alis e bakit pati ako limitado na lakas ko?” tanong ni Aneth at natawa ang nanay niya.

“Anak, kung dinaan sa seremonya ang pagsuot ng bato, sasanib ang kapangyarihan nito sa katawan ng pagsusuotan. Kaya kahit mawala ko yan nasa katawan ko parin ang kapangyarihan niyan. Pero diyan sa bato may natitira pa siyang kapangyarihan kaya pwede pa siyang magamit, parang sandata din yan. Kunwari may umatake sa akin bigla pwede ko isuot yan sa kalaban ko at hihina siya. Pero pag tinanggal ko yan sa kalaban babalik ang lakas niya. Naintindihan mo ba?” paliwanag ng punong diwata at ngumiti si Aneth.

“Pano kung nasira ang bato?” hirit ni Aneth. “Kunwari ngayon sinira mo yang bato? E di hindi na manunumbalik ang kapangyarihan ko. Sa katawan ko na mamalagi ang kapangyarihan ng asul na bato. Wag kang mag alala mahirap sirain ang batong yan. Yan ang kinakatakutan ng mga kalaban natin, habang meron yang batong yan takot sila gumawa ng masama laban sa atin” sabi ng nanay niya at sinoli na ni Aneth sa ina niya ang bato.

Kinabukasan naganap ang seremonya sa pag aalis ng bato sa punong diwata. Mabilis ito nilipat kay Monica at di naintindihan ng bunso kung bakit nangyayari yon. Bandang hapon ay nagsama ang magkapatid at biglang bumait si Aneth sa kapatid niya.

“Ate bakit parang may kakaibang kapangyarihan ang nararamdaman ko sa gubat?” tanong ng bunso. “Kapangyarihan mo yon” sinungaling ng ate. “Pero alam mo ate talagang magaganap yung panaginip ko, papatayin si Paulito ng bampira. Kaya galit ako sa mga bampira” sabi ng bunso at natawa si Aneth. “E di wag na tayo makipaglaro sa mga bampira” payo niya.

“Ate gusto ko lumakas at matuto ng pano magpabuhay ng patay” sabi ni Monica. “Alam mo naman na bawal yon. Mga bruha lang gumagawa niyan” pagalit na sabi ni Aneth. “E ate ayaw ko mamatay si Paulito. Alam ko mamatay siya pero bubuhayin ko siya” pilit ng bunso. “Tumigil ka nga, bawal yon. Isusmbong kita kay mommy. Itim na kapangyarihan na yan at di yan pwede!” sermon ng ate niya.

Nung gabing yon sa dulo ng gubat galit na galit si Aneth. “Gusto ko lumakas pa, kukunin ko yung bato pero mahahalata nila pag wala yon” sabi niya. “Eto o, gumawa ako ng kapalit niya. Hindi mahahalata na peke. Ipalit mo ito sa suot ng kapatid mo” sabi ng matanda.

“Ha!? Pano mo alam na nasa kapatid ko yung bato?” tanong ni Aneth at tumawa ang matanda. “Makapangyarihan ako Aneth, yan ang gusto mo diba? Gawin ito at ituturo ko sa iyo lahat ng alam ko” sabi ng matanda sabay abot ng bato.

“E bakit mo ba kasi kailangan yung bato?” tanong ng diwata. “Wag ka na matanong sinasayang mo ang oras. Gusto mo lumakas o hindi? O hahayaan mo nalang ang kapatid mo maging punong diwata balang araw?” tukso ng matanda at agad tumakbo pabalik sa kweba ang diwata.

Lumipas ang isang oras nagbalik si Aneth sa gubat, nagtagumpay siya sa pagpalit ng mga bato at inabot niya ang tunay sa matanda. “Mahusay, bilang pangako tuturuan kita, sabay tayo magpapalakas” sabi ng matanda. “Akala ko ba malakas na kayo. Bakit pa kayo magpapalakas?” tanong ng batang diwata.

“Iha, tulad mo gusto ko din magpalakas pa. Ikaw gusto mo maging punong diwata, ako gusto ko din mamuno sa lugar ko” paliwanag ng matanda. “Saan lugar po?” tanong ni Aneth at natawa ang matanda. “Malaking lugar iha, o siya ituturo ko sa iyo ang lahat ng alam ko. Sigurado ko ikaw ang magiging punong diwata sa pagdating ng panahon” sabi ng matanda.

Ilang taon ang lumipas lumakas ng lumakas si Aneth at napapansin siya ng mga punong nilalang ng gubat. Malaki narin sina Anhica at Paulito at lagi sila magkasamang naglalaro na kinaiinggit ni Monica.

Isang araw nayanig ang gubat ng malakas na kapangyarihan. Halos mabulag ang lahat sa lakas ng ilaw. Paghupa ng ilaw agad nagtakbuhan ang mga punong nilalang sa gubat at natagpuan nila sina Anhica at Paulito, sa paanan nila ang isang naabong bampira.

Sa may batis naglalaro si Monica, biglang siyang napatigil at napasigaw ng malakas. Agad siya tumakbo papuntang gubat ngunit bago pa siya makalapit ay nakita na niya ang patay na katawan ni Paulito. Hindi makasalita ang diwata, mabilis siyang tumakbo palabas ng gubat at nagtungo sa bundok ng mga bruha.

Pagdating ni Monica sa paanan ng bundok ay pagod na pagod na ito. Agad siya inatake ng mga bruha ngunit bigla sila tumigil pagkat may kakaibang kapangyarihan silang nararamdaman sa dalaga. “Alam namin bakit ka nagpunta dito, gusto mo siya buhayin” sabi ng punong bruha.

“Opo, nakikiusap po ako kung pwede niyo siya buhayin” sabi ng dalaga sabay hingal. “Hindi ganon kadali ang magbuhay ng isang namatay na. Kailangan may kapalit” sabi ng bruha. “Ano po kapalit?” tanong ni Monica. “Kaming mga bruha ay kokonti nalang, para sa isang buhay kailangan mo kami bigyan ng isang buhay na sasanib sa amin. Isang nilalang na magiging bruha at yayakap sa itim na kapangyarihan” sabi ng matanda.

Napaisip ang dalagang diwata at huminga ng malalim. “Ibibigay ko sa inyo ang ate ko, salbahe yon at nababagay sa inyo” sabi ni Monica at nagtawanan ang mga bruha. “O siya sige, pero hindi madali ang magbuhay ng patay. May mahabang seremonyas ito, at habang hindi namin natapos ang seremonyas hindi ka pwede umalis dito” sabi ng matanda at kinabahan ang diwata. “Basta buhayin niyo siya” sagot niya.

Sa malayo nagpulong ang mga bruha, “Pinuno, ano ang binabalak mo? Alam mo naman na binuhay na siya ng mga bampira” sabi ng isang bruha. “Oo alam ko, pero hindi niya alam yon. May kinikimkim na galit ang diwatang yan at konting udyok lang mapapasaatin siya. Napansin niyo siguro na suot niya ang asul na bato, ibig sabihin niyan makapangyarihan yang dalagang yan”

“Ngunit pansin ko na peke ang suot niya ngunit ramdam ko ang kapangyarihan ng asul na bato sa katawan niya. Ngayon unang gagawin natin ay dapat mapasaatin siya ng kusa, saka natin siya tuturuan ng kapangyarihan natin. Tayo naman gagawa tayo ng paraan para masira ang kapangyarihan ng asul na bato sa katawan niya, alam ko mahirap pero kakayanin natin”

“Pag napukaw ang kapangayarihan ng asul na bato sa katawan niya mapapasaatin ang buong lakas niya, magdidiwang tayong mga bruha pagkat kikilalanin muli nila tayo. Siya ang pag asa natin” sabi ng matanda.

Dalawang araw nanood si Monica habang isinasagawa ng mga bruha ang pekeng seremonyas. Nagbagsakan ang katawan ng mga bruha at agad lumapit ang diwata. “Nabuhay niyo na ba siya?” tanong niya. Niyuko ng punong bruha ang ulo niya sabay naglakad palayo. “Nabuhay niyo ba siya?” ulit niya.

“Iha, patawad. Ipinamigay ng mga nilalang ng gubat ang bata sa mga bampira. Yang batang lalake ay buhay ngunit isa na siyang bampira” sabi ng matanda at natulala si Monica at nanggalaiti sa galit.

“Sinabi ko sa kanila na totoo yung panaginip ko pero hindi sila naniwala” bulong ng dalaga at mga kamao niya naninigas at mga bruha nakaramdam ng kakaibang lakas na bumabalot sa bata. “Ayaw nila maniwala sa akin at tinatawanan lang nila ako” bulong pa ng dalaga at mga mata niya nanlilisik at buong katawan niya biglang nagliliwanag.

Takot na takot ang mga bruha ngunit lumapit ang punong bruha sa dalaga. “Pinamigay nila ang bata sa mga bampira” ulit niya at lalong nagalit si Monica at palakas ng palakas ang kapangyarihang lumalabas sa katawan niya.

“Pinuno! Lumayo kayo! Delikado diyan!” sigaw ng isang bruha. “Wag kayong mag alala, hindi makakalabas ang kapangyarihan niya dahil sa asul na bato. Iha, pinamigay nila ang bata sa mga bampira at tignan mo ang ginawa nila sa iyo. Pinigilan ka nila lumakas. Hindi makalabas ang kapangyarihan mo. Ayaw nila sa iyo” hirit ng matanda.

“Binabale wala nila ako? Tinawanan lang nila ako!!! Punong bruha!!! Ako ang sasanib sa inyo! Turuan mo ako! Palakasin mo ako! Gusto ko sila magsisi sa ginawa nila. Gawin niyo akong bruha!!!” sigaw ng dalagang bruha at napangisi ang matanda.

Ilang taon ang lumipas at lumakas ng todo si Aneth. Nakikipag duelo siya sa matandang lalake sa gubat at nananalo siya. “Baka gusto mo alisin yang asul na bato sa katawan mo, minamaliit mo ata ang estudyante mo” sabi ng diwata at natawa ang matanda.

“Suot ko nga to hirap ka pa manalo sa akin” sagot ng matanda sabay nagpalabas ng pulang apoy sa kamay niya at natamaan si Aneth. Di nasaktan ang diwata pagkat mabilis ito nakapaglabas ng puting liwanag na kumontra sa apoy. “Sa tingin ko kaya ko na kahit wala yang asul na bato” sabi ng diwata at tumigil bigla ang matanda.

“O bakit ka tumigil?” tanong ng diwata. “Ikaw na ang pinakamakapangyarihang nilalang dito sa gubat” sabi ng matanda at natawa si Aneth. “Oo alam ko, takot ka ata e” sabi ng diwata at natawa ang matanda at humawak sa asul na bato.

“Suot ko ito pero hirap ka na talunin ako. Alam mo ba sino kinakatakutan ko dati?” biglang sabi ng matanda. “Sino?” tanong ng dalaga. “Ang nanay mo, yung punong diwata…pero ngayon hindi na ako takot” sabi ng matanda.

“Bakit ka matatakot sa nanay ko?” tanong ni Aneth. “Kasi siya daw ang pinakamakapangyarihan. Hindi ko alam ano ang lakas niya pero sa tulong mo alam ko na ang lahat ng kaya ng punong diwata. Naipapasa sa anak ang kapangyarihan ng magulang, namana mo ang kapangyarihan ng nanay mo at ngayon alam ko na di niya ako kakayanin” biglang sabi ng matanda at natakot si Aneth.

“Pero alam mo nakasaad sa mga libro na sa angkan ng mga diwata, bawat isang daan taon lumalabas ang pinakamakapangyarihan na nilalang nila. Akala ko ikaw yon pero kapatid mo pala. Ngunit nagawan ng paraan at di siya magiging hadlang sa mga plano!!!” sigaw ng matanda sabay madaling sinira ang asul na bato.

Napaluhod si Aneth nang bigla niyang naramdaman ang tunay na kapangyarihan ng matanda. Napakalakas nung matanda at mula sa katawan niya pulang ilaw ang lumabas at sinunog ang mga puno sa gubat. Ang hangin biglang uminit at nanlisik ang mga mata ng matanda.

“Ipagpaalam mo sa buong Plurklandia!!! Ipaalam mo ang pangalan ko!!!” sigaw ng matanda huminga ito ng malalim at muling sumigaw.

“Fredatoria!!!”

Naglaho ang matanda at ilang segundo lang dumating ang mga punong nilalang sa lugar ni Aneth. Umiiyak ang diwata at agad yumakap sa nanay niya. “Aneth!!! Ano yon?!!!” sigaw ng punong diwata.

“Kailangan mo pa ba itanong yon? Dinig ng buhong kaharian ang pangalan niya, Fredatoria” sabi ng punong mambabarang. “Itong kapangyarihan na ito galing sa mga pulang bato, ikaw ang nagtago ng mga batong yon!” sabi ng punong kapre.

“Kinuha ni Monica nung umalis siya, baka siya ang nagpabuhay kay Fredatoria” sinungaling ni Aneth at galit nag alit ang punong diwata. “Ano ang ginagawa mo dito sa gubat?” tanong ng nanay. “Hinahanap ko po kapatid ko, bigla nalang siya lumabas at akala ko papatayin niya ako” iyak ng dalaga at niyakap siya ng nanay niya.

“Ipatawag ang lahat ng mandirigma ng lahat ng gubat, sabihin niyo pinapatawag sila ng punong diwata!!!” utos ng punong diwata at mabilis na umalis ang ibang nilalang.

Samantala sa bundok ng mga bruha, pinapanood nila ang lahat ng kaganapan sa isang mahiwagang lababo. “Ikaw ang pinagbibintangan na nagpakawala sa nilalang na yon kahit na kapatid mo mismo nagpalakas sa kanya” sabi ng punong bruha.

“Hindi ko siya kapatid! Hindi ako diwata! Isa akong bruha! Tama lang yan, sana mamatay sila lahat! Itigil mo na kapapanood diyan at tuturuan mo pa ako!” sigaw ni Monica at takot na takot ang mga bruha sa kanya.

“Alam ko ito ang napanaginipan mo mula nung dumating ka dito, paano magwawakas ang laban na ito?” tanong ng punong bruha at tumawa ng malakas si Monica.

“Ako ang magiging reyna ng kaharian!!!”


(Join our Facebook discussion, CLICK HERE )