Bespren: Pipoy and Annika (Preview)
Madaming tao ang nagtipon sa gymnasium ng paaralan. Sa entablado, isang magandang babae ang nakatayo at naghahandang magsalita. Siya ang Valedictorian ng graduating class at di siya makapagsimula pagkat magabo ang palakpakan at sigawan ng mga kapwa graduates niya.
“Pagkatapos ng apat, sa wakas natapos din ang ating paghihirap. Pansamantala tayo makakahinga pagkat may bagong landas tayo tatahakin, at yun ang College. Panibagong paghihirap ang ating haharapin, ngunit kailangan natin ito para sa ikakaunlad natin”
“Apat na taon dito sa High School, inihanda nila tayo para sa susunod na laban natin kaya dapat tayo magpasalamat sa ating mga minamahal na guro. Maraming salamat po sa inyong gabay, alam naming pasaway kami pero dahil sa sipag at tiyaga niyo, eto kami ngayon, handa nang humarap sa susunod naming pagsubok sa buhay”
“Kailangan din natin magpasalamat sa ating mga magulang, sila ang nagsipag upag tayo ay pag aralin. Araw araw nila tayo inaalagaan at ginagabayan, kaya sa aming mga magulang maraming salamat po. Sa pagharap naming sa susunod na pagsubok inaasahan naming ang inyong suporta at walang sawang gabay at pangako namin di naming kayo bibiguin”
“Kailangan din natin magpasalamat sa ating mga kaibigan at mga kaklase pagkat hindi kumpleto ang high school life experience kung wala sila. At higit sa lahat, magpasalamat din tayo sa nagbigay inspirasyon sa atin. Ako, kaya ako nagtagumpay dahil alam ko lagi siyang nandon para sa akin. Wala akong takot madapa pagkat alam ko nandon siya para ibangon muli ako. Kaya sa iyo…maraming salamat”
“Poy! Tignan mo naman ako, ikaw tinutukoy ko!” sigaw ni Annika at biglang nagtawanan ang lahat ng tao sa gym. Napakamot nalang si Pipoy sabay tayo at nag bow at mga kaklase nila tinutukso sila at kinakantyawan.
Pagkatapos ng graduation ceremony tinabihan si Pipoy ng class advicer niya. “Ikaw dapat yung nakatayo sa stage kanina at nagbibigay ng speech. Di mo kasi sinagot yung page 3 ng exam mo, sinadya mo ata” bulong ng guro. Ngumiti si Pipoy at napakamot, “Tama lang yon mam, siya ang number one at ako ang number two. Ganun dapat talaga pagkat dito sa puso ko siya nauuna. Siya lagi uunahin ko bago sarili ko” sagot ng binata.
“Hay naku Paul Francis, sayang scholarship” sabi ng guro niya. “Maam tama lang yon para di na gagastos mommy niya. At may nakuha din naman akong scholarship dahil sa basketball” sabi ni Pipoy. “But different schools kayo” sabi ng guro at nagulat ang binata. “Well the schools are good, best choices there is. I wish you two good luck at Paul Francis alagaan mo siya” sabi ng guro niya.
“Hello mam! Ano pinag uusapan niyo?” tanong ni Annika nang tumabi kay Pipoy. “I was just congratulating him, pati ikaw Annika. Good luck sa inyong dalawa sa college” sabi ng guro. Dumating narin ang ibang kaibigan ng dalawa at nagsaya sila.
“Madaming girls sa college!” masayang sinabi ni Vashty. “Madami ding boys!” bawi ni Betchay at nagtawanan silang lahat maliban kay Pipoy na napatingin kay Annika. “Uy, whats wrong?” tanong ng dalaga ngunit nginitian lang siya ni Pipoy.
“Alam ko may problema ka, nararamdaman ko yon Poy, tell me” bulong ni Annika. “Tara ikutin natin tong campus one last time” alok ng binata at holding hands silang lumabas ng gym.
Lumayo ang dalawa at naglakad lakad sa palibot ng campus. “Tell me whats wrong Poy” sabi ni Annika. “Wala lang, I was just thinking of college” sagot ng binata. “Yun lang? Ewan ko bakit madaming natatakot, ako hindi kasi alam ko kasama kita araw araw. So no worries at all” sabi ng dalaga at napangisi nalang si Pipoy at tinignan siya.
Naupo ang dalawa sa kanilang bangkong tambayan, nagkwentuhan at nagtawanan ng kanilang nakaraan sa paaralan na yon. Nakatanggap ng text si Annika at tinignan si Pipoy.
“Poy, pinapabalik na tayo nila, ano tara na?” tanong ni Annika.
“Ayaw ko pa, dito muna tayo Annika” sagot ni Pipoy sabay mahigpit hinawakan ang kamay ng dalaga.
“If you are worried about College, don’t be. I will be by your side always and I know you will be by my side too, right?”
“Always Annika, always”