sk6

Tuesday, December 15, 2009

M.P. Chapter 5: Ang Torpe

M.P.

by Paul Diaz


Chapter 5: Ang Torpe

Lunes ng umaga, tumigil ang jeep sa tapat ng back gate ng unibersidad. Bumaba ang isang lalake, nakayuko ang ulo at pumasok sa gate. “Good Morning kuya” bati niya sa matandang security guard.

“O Jayps, O ano nanaman ito?” tanong ng guard at kinuha ang inaabot ng binata na pagkain. “Pandesal lang kuya” sabi ni Jp. “Naku lagi nalang ganito, tataba ako nito” sabi ng matanda. “Sige kuya pasok na ako” sabi ng binata at nakayuko parin ang ulo niya papasok sa engineering building.

Diretso ang binata sa locker area, binuksan niya bag niya at nilabas ang kaniyang folder. Pinasok niya ang bag niya sa locker sabay dumiretso na siya sa kanyang classroom. Maaga pa masyado, siya palang ang estudyante don. Binuklat niya ang kanyang folder at nagsimula mag aral.

Trenta minutos lumipas may pumasok na sa klasroom, agad tinago ni Jp ang folder niya sabay napatingin nalang sa labas ng bintana. Dumating na ang professor nila, pinatago lahat ng gamit at agad sinimulan ang kanilang quiz.

Kinse minutos palang lumipas ay tumayo na si Jp at pinasa sa professor ang kanyang papel. “Tapos na?” tanong ng matanda. “Opo” sagot niya at lahat ng kaklase niya napatingin sa kanya. Tinignan ng propesor ang kanyang mga sagot, napangisi ito sabay tingin sa binata. “Nung una natawa ako nang makita ko ang listahan, pero I can see why now” sabi ng matanda. “Ano po yon sir?” tanong ni Jp.

“Ah kapopost lang kanina sa labas ng deans office, napadaan ako don kanina. You should check it out” sabi ng propesor. “Can I go?” tanong ng binata at pinayagan na siyang umalis. Nagmadali si Jp pumunta sa deans office, may nagkukumpulan na mga estudyante at may binabasang listahan.

“Wow Tin number two ka o, ang galing mo. Shet 95.3 average o” sabi ng isang babae at si Jp sinusubukan makasingit. “Oo nga e, kumusta naman yang number one na yan? 98.7 average, first year palang robot na ata” sabi ni Tin. “Juan Pablo Dichavez, kilala mo?” tanong nung isang babae. Inabot ni J pang papel at inalis sa wall, napatingin sa kanya ang lahat pero agad umalis si Jp at tinapon sa basura ang listahan.

“Mister Dichavez” sabi ng isang malalim na boses. Huminga ng malalim si Jp at humarap. Si Engr Madrid ang dean nakatayo sa pinto ang tumawag sa kanya. “May I talk to you for a minute” sabi ng dean at walang magawa si Jp kundi pumasok sa opisina.

“Di ba yung siga yon?” tanong ng isang babae. “Oo, siya ang number one? Di nga?” tanong ni Tin. Tatlong minuto makalipas lumabas si Jp at may dalang listahan, pinaskil niya ito sa dingding at mga ibang estudyante natatakot lumapit sa kanya. Naglakas loob si Tin at tinignan ang listahan. Nakita niyang parehong listahan iyon, “Pahiram ballpen” sabi ng siga at sa takot mabilis na naglabas ng ballpen ang dalaga.

Binura ni Jp ang pangalan niya saka pinalitan ang numbering ng listahan. Humarap siya kay Tin sabay sinoli ang ballpen. “Ikaw si Christine Tavera?” tanong niya. “Oo” patakot na sagot ni Tin. “O yan congratulations number one ka na, at tawag ka ni kalbo” sabi ng siga. “Sinong kalbo?” tanong ng dalaga. “E di yung kalbong tumawag sa akin kanina” sabi niya sabay talikod at umalis.

Lumapit ang kaibigan ni Tin at agad bumulong sa kanya. “Ano problema niya?” tanong niya. “Ewan ko dun, teka tawag daw ako ni kalbo” sabi ni Tin. “Sinong kalbo?” tanong ng kaibigan niya at natawa si Tin. “Ah sorry, si dean pala” bawi niya at bigla nagtawanan lahat ng estudyante.

Lunch time na at kalalabas ni Jp ng klase niya. Diretso siya sa kanyang locker at tinago ang folder. Pagkalabas niya ng building tumingin siya sa araw sabay nilabas ang shades niya at sinuot. Biglang nagbago ang asta ni Jp, siga siyang naglakad papunta sa hardin.

Sa hardin nandon si Leo, Jenna at si Oliver. “Yo!” bati ng siga at nagbungisngisan bigla ang tatlo. “Ano pinagtatawanan niyo?” tanong ni Jp. “Wala pre, nagpustahan kasi kami ni Jenna e” sabi ni Leo. “Oh? Anong pusta yon?” tanong ng siga. “Ah wala yon, anyway pre treat daw ni Oliver ang lunch” sabi ng kaibigan niya.

“Ay buti naman Oliver, alam mo di medaling bantayan ang girlfriend mo kaya dapat busugin mo kami” sabi ng siga. “Tara na?” alok ni Oliver. “Sa labas daw tayo e” sabi ni Jenna. “O what are we wasting time here for?” banat ni Jp sa nakakatawang ingles kaya nagtawanan ang mga kaibigan niya.

Habang palabas sila ng campus ay siniko ni Jp si Leo. “Anong pusta yon?” tanong niya. “Wala pare, relax ka lang” sabi ni Leo. “Isa! Alam mo na ayaw na ayaw kong nagbibilang e” banta ng siga. “Fine, sabi ko kasi na crush mo si Monique. Ayaw maniwala ni Leo” sabi ni Jenna at natawa ang siga.

“Monique who?” sagot niya. “Aysus o, kunwari pa siya” tukso ni Jenna. “O sabi sa iyo e” banat ni Leo. “Kaya sabi ko kaya ko patunayan, so nagpustahan kami” sabi ni Jenna. “Bayaran mo na si Leo, talo ka na” sabi ng siga. “I don’t think so” bawi ng dalaga. “Saka na yan, ano dito na tayo?” tanong ni Oliver nang natapat sila sa isang fastfood resto.

Pumasok ang apat at agad nakahanap ng table. Si Oliver ang nag order habang ang tatlo tuloy ang bangayan tungkol sa pusta. “Bayaran mo na kasi si Leo” pilit ng siga. “Alam mo Jayps, obvious naman na you like her e. Bakit masama ba? Its normal kaya to have a crush on someone” paliwanag ni Jenna.

“Yeah yeah, and what made you say I have a crush on that girl?” banat ng siga at muling napabilib ang dalawa at natawa. “Grabe pare marunong ka din pala mag English ha” sabi ni Leo. “Hay naku Jayps, pag meron siya lagi kang nawawala. O kaya madami kang excuses like sumasakit tiyan, tumitingin sa relo kahit walang relo, alam ko na yang style na yan” sabi ni Jenna.

“Ano bang pinagsasabi mo? E may family sickness kami kaya. Inborn to, walang gamot ang biglang sakit ng tiyan namin” palusot ng siga. “Wala din gamot ang pagkatorpe” banat ng dalaga. “Hay naku babae ka, pag ako sa iyo bayaran mo na si Leo. Sinasabi ko na sa iyo nagkakamali ka” sabi ni Jp. Dumating na si Oliver dala ang pagkain, “Sabi ko tama na yan e, o eto kain na” sabi niya.

“Jayps, o sige ganito nalang. Kasi there is only one way to prove na di totoo sinasabi ko e” sabi ni Jenna. Kunwari di nakikinig ang siga at todo banat sa pagkain niya. “Oy nakikinig ka ba?” tanong ng dalaga. “Uy Oli salamat sa foods pare ha” sabi ng siga. “You see ngayon palang pinapakita mo na tama ako” pasaring ni Jenna.

Huminga ng malalim ang siga at tinignan ang dalaga, “Fine, sige pano ko papatunayan na mali ka?” tanong niya. “Pag meron si Monique you have to stay put. Di ka pwede magpalusot ng kahit ano man” sabi ni Jenna. “Yun lang ba? Yun lang? Sure bring it!” sagot ng siga.

“Sabi mo yan ha” sabi ni Jenna. “At pag napatunayan ko na mali ka ano meron para sa akin?” tanong ni Jp. “Treat kita ng lunch for one week” sabi ng dalaga at ngumisi ang siga at humawak sa tiyan niya. “Wow busog max ng isang lingo, sige game!” sabi ng siga. “Teka hon, and if you win what do you get?” tanong ni Oliver. “Relax pare I wont lose” sabi ng siga.

“Oo nga di sapat yung pusta namin ni Leo, dapat may makuha din ako from you” sabi ni Jenna. “Alam mo di ako matatalo pero sige treat din kita ng lunch for a week” sabi ni Jp pero biglang nagtinginan ang tatlo. “Wag ganon, iba nalang” singit ni Leo. “Oo nga, if I win then you have to change your image for one week” sabi ng dalaga.

Napailing si Leo at pasimpleng nagsimangot, biglang natauhan si Jenna at naalala ang sitwasyon ni Jp. “Wait, palitan yan, you have to wear the clothes I tell you to wear. Ako magdadala at kailangan mong isuot” bawi ng dalaga at nakahinga ng maluwag si Leo.

“Kahit palda pa o hang shirt dalhin mo e talo ka din lang naman so for the sake of the agreement sige” sabi ni Jp. Napansin ng siga na biglang nagtawanan ang tatlo, naghihinala na siya at pagtingin niya sa entrance ng resto ay papasok si Monique at Rose.

Napayuko ang siga at para siyang nanghihina, “Hanep set up” bulong niya. “Ano yon pare? May sinasabi ka ba?” tukso ni Leo sabay tawa. “Wow speaking of Monique, there she is” sabi ni Jenna at tawa ng tawa si Oliver at Leo. Napalunok si Jp at nagmatigas, “Nasan?” tanong niya.

“Aysus, nasan daw o” tukso ni Leo. “Di nga, nasan ba? Pano ko malalaman sino siya kung di niyo ituro?” sagot ng siga. Bago pa makasagot si Jenna ay naupo sina Monique at Rose sa katabing lamesa nila. Nagkatinginan saglit si Jp at Monique pero mabilis yumuko ang siga at kumain.

“O ano e di talo ka” bulong ni Jenna. Tinignan ng siga ang dalaga at ngumuya, “Ano pinagsasabi mo? Nasan ba siya?” tanong niya at nagtawanan ang mga kaibigan niya. “Ayan o sa next table, as if di mo kilala” sabi ni Jenna. “Ah siya ba? Oh now I know sino tinutukoy niyo” sagot ng siga at tinuloy ang pagkain niya.

“Grabe ka ni di mo pa nga tinignan e” banat ni Jenna. “Ano pare sumasakit ba tiyan mo?” tukso ni Leo. “Naiwan mo ba yung imaginary watch mo sa bahay?” hirit naman ni Jenna. “Lunch time pa at sure walang klase at this time” sabi ni Oliver na sumama narin sa pang aalaska sa siga.

Kakaiba ang nararamdaman ni Jp, di niya makayanan ituwid tingin niya pagkat pag ginawa niya yon sigurado masisilayan niya si Monique. “Pare ubos na pagkain mo bitawan mo na yang tinidor at kutsara” bulong ni Leo. “At bakit ka pa nakatingin sa plato? Wala nang pagkain diyan” bulong din ni Oliver at nanginginig si Jp at natatawa na.

“Akala ko ba siga ka? Ha? O bakit ka tumatawa mag isa?” banat ni Jenna at tuluyan nang natawa si Jp, naupo siya ng tuwid at huminga ng malalim. “O ayan okay na ba?” tanong niya pero kay Jenna siya nakatingin. “Hmmm di pa e, bakit di mo siya kaya tignan?” tanong ng dalaga.

“Bakit ko siya titignan? Sus baka pag tinignan ko siya baka mainlove pa siya sa akin o baka isipin niya may gusto ako sa kanya” sagot ng siga. “Bakit wala ba pare?” tukso ni Leo at napangiti ang siga. “Uy wow, very rare occasion na napapangiti ka namin ha” hirit ni Jenna.

“E kasi nakakatawa kayo e” palusot ng siga. “O para mapatunayan mo na wala tala napakasimple, tignan mo siya and that’s it” sabi ng dalaga. Huminga ng malalim ang siga at talagang natatawa siya. “Oo na oo na eto na o” sabi niya. Malalalim ang hininga ng binata, naninigas ang mga kamay at napakapit sa lamesa. Humarap siya kay Monique at napabilib ang tatlo.

“Tagalan mo para maniwala kami” sabi ni Oliver. Napangisi ang siga at matagal niyang tinignan si Monique na kumakain. “O ano ayos na ba?” tanong niya. Pasimpleng ginalaw ni Leo ang shades ng siga at nakita nila na nakapikit ito. “Wah ang daya o” sabi ni Leo at mabilis na tumingin sa malayo ang siga at natawa.

“Hay naku, that’s it there is only one way to prove it. Pupunta ako don at sasabihin ko gusto mo siya makilala. Look makilala lang naman so wala naman problema don right? Kung wala ka talaga gusto sa kanya then there is no harm” sabi ni Jenna sabay tayo.

Nahawakan ni Jp ang kamay ni Jenna, hinila niya ito at napaupo muli ang dalaga. “O bakit? Tama naman diba? If you say wala talaga then pakikikaibigan lang tong gagawin ko” dagdag ng dalaga.

“Kahit ano isusuot ko wag lang palda. Please wag na”


(You can now leave your comments at the Facebook page discussion board. CLICK HERE )