sk6

Friday, December 18, 2009

M.P. Chapter 10: Friends

M.P.

by Paul Diaz


Chapter 10: Friends

Sabado ng umaga nakatunganga lang si Monique sa folder niya habang naglelecture ang propesor. “Hoy kanina ka pa diyan nakatanga sa napkin” bulong ni Rose pero nakangiti lang si ganda at di siya pinapansin.

Di namamalayan wala na ang propesor nang matauhan si Monique. “Alam mo sis that guy is so torpe. Kung di mo pa siguro sinulatan din ay wala mangyayari. Alangan na ganon nalang lagi sis” sabi ni Rose at napabuntong hininga si ganda.

“Oo alam ko di mo kailangan sabihin yan. I know what he is feeling. Alam mo dati mahiyain ako. Parang may wall in between at pag di pa ako papansinin ay wala di rin ako mamansin” kwento ni ganda. “Pero sis look, you like him sabi mo, how sure are you he likes you too?” tanong ni Rose.

“Duh! Torpe siya diba? So kalian ba magiging torpe ang guy? Kung may type siya diba? Minsan ganon din naman tayo girls ha” sabi ni Monique. “Ay oo nga sorry naman. Pero look, don’t tell me na ikaw gagawa ng moves lagi. O lets say he likes you and obviously you like him, ikaw mag first move ganon? Wag mong isusumbat na iba na ang panahon ngayon ha” sermon ni Rose.

“Hay, I can wait. Okay lang kasi siguro eventually ma out grow din niya pagkatorpe niya. Maybe I just have to show signs na interested din ako sa kanya para lalo siya mag gain ng confidence” sabi ni Monique. “Sis you don’t get it, di maganda talaga tignan if you do that” pilit ni Rose. Napasimangot nalang si Monique at napatingin sa labas ng bintana.

Dismissed na sila, parang walang mood si Monique na lumabas ng classroom. “Sis sorry na” sabi ni Rose. “Hindi sis tama ka, and I agree with you. Its just sad lang” sagot ni Monique. “Hay naku sis ganyan talaga sa buhay minsan pero look at the bright side you can still be friends with him. Yun lang wag kang mag expect” payo ni Rose at biglang napangiti si Monique.

“Yeah youre right, its not nice to lead him on. Babae tayo so they should make the first move. Tama ka sis thank you” sabi ni ganda. “Of course sis that’s what friends are for diba?” sabi ni Rose. “Yup kaya tara na sa garden” sabi ni Monique at nagulat ang kaibigan niya. “What?! Bakit tayo pupunta don?” tanong niya. “To be friends with him” sabi ni ganda at nagmadali na siya maglakad.

“Wait sis akala ko ba okay na?” tanong ni Rose nung malapit na sila sa hardin. “Okay na nga, I wont lead him on. Hang out lang naman like friends do kaya tara na” sabi ni Monique. “Itong gagawin mo diba parang leading him on narin?” tanong ni Rose. “Hindi ah, friends nga e. Ano ka ba?” pilit ni ganda.

Sumulpot ang dalawa sa hardin at nabigla ang siga, “Hi, pwede makitambay?” tanong ni Monique sabay nginitian niya si Jp. Napanganga ang siga, “Ah madumi dito e okay lang?” sagot niya. “Yeah its okay, maganda kasi dito may shade na puno” hirit ni ganda at uupo na sana siya sa tabi ni siga nang ilabas ni Jp ang folder niya. “Eto upuan mo nalang” sabi niya.

“Uy hala medyo mabigat ako” sabi ni Monique. “Its okay go ahead” sabi ni siga kaya naupo na si ganda. Si Rose nasa kabila ni siga at nakatingin sa damuhan. Naglabas si Jp ng panyo sabay binuklat at nilatag sa damo. “Wow gentleman ka pala” sabi ni Rose at naupo na.

Tinaas ni Jp ang panyo at tiniklop ito, nakita yon ni Rose kaya agad niya tinignan ang inuupuan niya. “Bakit mo inalis? E di madumi na pwet ko” reklamo niya at biglang natawa si Monique sa ginawa ng siga. “Ilagay natin ulit?” tanong ni Jp pero nagsimangot na si Rose.

Halos di makagalaw si Jp, napag gitnaan siya ng dalawang babae. Ang nagpalala sa sitwasyon yung nasa kanan niya ay babaeng gusto niya. Tahimik lang ang tatlo at tila nagpapakiramdaman. “Nag lunch ka na?” tanong ni Monique. “Di pa e, inaantay ko pa mga kasama ko” sagot ni Jp. “Bakit di mo ba kaya maglunch ng wala sila?” biglang banat ni Rose at ang sama ng tingin ni Monique sa kanya.

“Di e, kasi sinusubuan nila ako. To be honest special child ako” sagot ni siga at biglang natawa si Monique. “Duh, ilang beses ka na namin nakita kumakain e kaya mo naman mag isa” sabi ni Rose. “Alam mo naman palang kaya ko nagtanong ka pa” bawi ng siga at lalong napahiya ang dalaga.

Sa malayo napatigil si Jenna at Oliver, “Oh my God nananaginip ba ako?” tanong ng dalaga. Ilang saglit lang patakbo sa kanila si Leo. “Shet look o grabe totoo ba to?” tanong niya. Tatlo silang tulala at nakatingin sa hardin, kitang kita nilang napag gitnaan si Jp nina Monique at Rose.

“Ano bang nangyayari talaga?” tanong ni Jenna at natawa si Oliver. “O ayan hinamon niyo kasi. Ano kayo ngayon e di kayo natameme” sabi niya. “Wow as in wow talaga. Ano yon? Nagkukunwari lang siyang torpe? Tapos sa totoo pala e…wow grabe all this time dapat talaga nagpaturo ako sa kanya e” sabi ni Leo. “Tara na don” sabi ni Jenna pero pinigilan siya ng boyfriend niya.

“Hon, wag. This is his moment so we let him be. And look Monique seems to be having fun, kanina pa tawa ng tawa o” sabi ni Oliver. “Tsk idol talaga. Shet tapos inaasar pa natin na bakla at torpe kaya pala matinik din. So mga sinasabi niyang in due time totoo pala e” sabi ni Leo at napangiti si Jenna. “Oo nga tara na, makibalita nalang tayo mamaya” sabi ng dalaga.

Sa may hardin muli nanahimik ang tatlo, biglang tumayo si Monique at tinignan ang siga. “I think your friends are not coming, would you like to have lunch with us?” alok ni ganda at nagulat si Rose. “Ah I have to wait for them” sagot ni Jp at naupo muli si Monique.

Tumayo si Jp at hinarap si ganda, “Di na ata sila darating, tara treat ko kayo lunch” alok niya at naguluhan ang dalawa. Tumayo ang dalawang dalaga at sinoli ni Monique ang folder ni Jp. “Ang gulo mo ding kausap no? Kanina I have to wait tapos ilang seconds lang treat ko kayo lunch” sabi ni Rose. Talagang masama ang tingin ni Monique sa kaibigan niya pero si Jp natawa lang.

“Kanina siya nag alok, usually kung sino nag aalok siya magbabayad. Di naman ata pwede yon kasi ako lalake” sabi ng siga sabay naglakad na. Biglang kinilig si Monique at dinilatan ang kaibigan niya. “In fairness sis napahanga niya ako don, okay one point” bulong ni Rose at sinundan na nila ang siga.

Sa labas ng campus sila naglakad at pagkatapos ng limang minuto ay pumasok sila sa isang restaurant. Pagkapasok palang nila ay lahat napalingon kay Monique, mga lalake nag siayos pero pagkapasok ni siga tila nanghina sila lahat ng sabay sabay. Napansin yon ni Monique at Rose kaya di nila mapigilan ang mapabungisngis.

“Kuha kami table” sabi ni Monique. “Okay pero ano gusto niyo?” tanong ng siga. “Ikaw na bahala” sabi ni Rose. Pumila na si Jp habang nakahanap na ng lamesa ang dalawang dalaga. Nagkataon na kapapasok ni Victor at agad nakita si ganda. Nakiupo agad ang basketbolista sa kanila kaya napailing si Monique.

“Uy bakit di pa kayo pumila?” tanong ni Victor. “May kumuha na ng food namin” sagot ni Monique. “Ah sino si Evi?” tanong ng binata. “Hindi, you should stay para mameet mo siya” sabi ni Monique at nagbungisngisan ang dalawa.

Ilang sandali ay nakabalik si Jp, nakatayo siya sa likod ng basketbolista at napansin niyang badtrip si Monique. “Akala ko ba sa puno lang namamalagi ang mga kapre? Ay oo nga pala gawa pala sa kahoy yang upuan kaya pala pwede din ang kapre diyan” sabi ng siga at natawa ang dalawang dalaga.

“Gago ka ha” sabi ni Victor sabay tumayo at tumalikod. Matangkad ang basketbolista, hanggang dibdib lang niya si Jp pero tila siya ang nanliit nang makita niya ang siga. “Ah kasama niyo siya?” maamong tanong ni Victor kina Monique at ngumiti lang ang dalawa sa kanya. “Hay naku di pa umalis, pag lumalig lang tong ulam naku ewan ko lang talaga” banat ni Jp at agad tumabi si Victor.

Naupo ang siga at si Victor hinila ang isa pang upuan pero agad pinatong ni Jp ang paa niya don. “Sorry ha, sanay ako kumain nang nakataas ang isang paa ko. I hope you don’t mind” sabi niya at agad sumubo. Si Victor di niya alam ang gagawin niya, naghahanap siya ng extra na upuan pero wala nang bakante. “Ah sige don nalang ako” sabi niya.

“Sa wakas nakaintindi din. Tambay ka minsan sa garden, I am sure bagay ka don” sabi ng siga. “Bakit naman?” tanong ng basketbolista. “May malaking puno don” sagot ng siga at sumabog sa katatawanan sina Monique at Rose. Nagdabog si Victor at nangggagalaiti sa galit pero agad tumayo ang siga at tinignan siya. Napayuko nalang ng ulo si tangkad at nagmumurang pabulong na umalis.

“Hay thanks, ang kulit non sobra” sabi ni Monique. “Halata ko nga itsura mo kanina e, mukhang badtrip ka” sagot ng siga pero tuloy ang pagkain niya. “Hmmm teka so anong real name mo?” tanong ni Rose. “JP” sagot ng siga.

“As in Jp na J at P lang?” hirit ng dalaga. “Yup kasi sabi ng parents ko ayaw nila ako mahirapan magspell” sagot ni Jp at natawa si Monique. “Fine, ano naman surname mo?” tanong ni Rose. “Dy” sagot ni Jp. “As in D na letter D lang?” dagdag ng dalaga. “Hindi, as in Dy tanga. May apelyedo bang letter D lang?” banat ni Jp at napakatindi ng tawa ng ni Monique.

“Ang sama ng bibig mo, di ako tanga. So ano naman ang middle name mo?” tanong ni Rose. “Sy” sabi ni Jp at nagsimangot na ang dalaga. “Okay I get it. Ginugudtaym mo na ako. Imposible naman na ito. JPCD” sabi ni Rose. “Sy as in S Y, hay naku” banat ng binata. “So Chinese ka” hirit ni Rose. “Nope” maiksing sagot ni siga.

“Haller! Sy tapos Dy, edi lahi kayong Chinese” pilit ni Rose. “JPCD ang initials ko” sabi ng siga at nahilo na ang dalaga pero si Monique panay ang bungisngis. “Ang gulo mong kausap talaga bwisit ka. Kanina sabi mo Dy apelyedo mo tapos ngayon initials lang” bawi ni Rose.

“Baka di ka naglilinis ng tenga” sabi ng siga sabay tingin kay Monique. “Bakit may sinabi ba akong ganon?” tanong niya. “Wala” sagot ni Monique. “Oh you see, ikaw ang may sira” dagdag ng siga at tawa ng tawa si Monique. “Ah ganon, pinagkakampihan niyo ako. Parang close na kayo” sabi ni Rose sabay kindat sa kaibigan niya. Kinurot siya ni Monique pero di yon napansin ng siga.

“May napapansin ako, pag ako kumausap sa iyo ang harsh mo sa akin. Pero pag si Monique ay ang bait bait mo” banat ni Rose at muli siyang kinurot ng kaibigan niya. Biglang humarap ang siga kay Rose sabay sabi “Sorry.” Napangiti si Rose sabay kindat sa kaibigan niya, “Apology accepted” sabi niya.

“Ah di para sa iyo yon” sabi ng siga bigla. “Duh! Nakatingin ka kaya sa akin” bawi ni Rose sa kanya. “Ulo siguro nakaharap sa iyo pero mata ko nakatingin sa kanya. Sorry pala last time ha” sabi ng siga at halos mamatay na sa tawa si ganda pagkat nabara ulit ang kaibigan niya.

“Hay naku ewan ko sa iyo bwisit ka. Bakit nga ba lagi kang naka shades?” tanong ni Rose. Biglang nalungkot ang itsura ng siga at napayuko ng ulo. “Kasi baka pagtawanan ako ng tao, duling kasi ako e” drama niya at nagkatinginan ang magkaibigan. “Oh my God I am sorry” sabi ni Rose at biglang natawa ang siga. “Uto uto ka din pala” banat niya at napahawak na si Monique sa tiyan niya at sumabog sa katatawa.

“Hay ewan, so hindi ka duling?” hirit ni Rose. “I wish I was” sabi ng siga. “Bakit naman?” tanong ng dalaga. “So I can see God twice” sabi ni Jp at si Rose naman ang biglang napahalakhak ng malakas pero si Jp ay seryosong nakatingin sa kanya. Si Monique nagseryoso din ng itsura kaya napatigil sa tawa si Rose.

“Bwisit kayong dalawa! Talagang pinagkakaisahan niyo ako” reklamo niya at bigla nalang yung dalawa naman ang tumawa. Si Monique biglang tumayo at may kinuha sa bag niya at nagmadaling nagpunta sa cr. Napatayo si Jp at kinabahan pero pinaupo siya ni Rose.

“Relax, ganyan talaga yan pag nasobrahan sa tawa, hinihika” sabi niya. “Ha? Shet sorry, okay lang ba siya?” tanong ng siga at kinakabahan siya. “Oo she will be fine, nahihiya lang yan mag sprayer in public kaya nagtatago yan. Wag mo sabihin na sinabi ko sa iyo ha” bulong ni Rose sa kanya.

“Oh shet what have I done, sorry ha. Nagpapatawa lang talaga ako. Sumobra ata” sabi ng siga. “Oh no, okay nga e. To be honest ngayon ko lang ulit nakitang ganyan kasaya yang bruhang yan” sabi ni Rose. “Oo pero hinika naman” sabi ng siga. “Don’t worry ganyan talaga yan. She will be fine” sabi ng dalaga.

“So duling ka ba talaga?” tanong ni Rose at napangiti ang siga. “I wish nga” ulit niya. “Hmmm joke nanaman yan alam ko” sabi ni Rose. “Hindi, yung to see God twice yun ang joke. Pero palitan mo yung word na God, replace mo sa name niya then yun yon” paliwanag ng siga.

“…for they shall see Monique twice” bigkas ni Rose at saktong nakabalik si Monique. “Ano yon?” tanong ni ganda. “Hmmm wala I don’t get it” sabi ni Rose.

“Parang kung may gustong gusto kang bagay, lagi mo ito tinitignan. Gusto mo lagi mo ito tinitignan. Lagi lagi tinitignan, minsan sa sobrang pag iingat sa bagay na ito dinadasal mo na sana dalawa ang ganon mo” sabi ng siga at napangiti si Rose. “Ano pinaguusapan niyo?” tanong ni Monique. “Tungkol sa duling” sagot ni Jp at natawa si Rose.

“So close narin kayo ganon?” tanong ni ganda at super ngiti ng kaibigan niya sa kanya.

“I think he is worth your attention” bulong ni Rose sa tenga ni ganda. “Ha? Bigla ka ata nagbago” bulong ni Monique. “Basta wag ka nang epal okay” sabi ni Rose sa kanya. “Okay pero alam mo its kinda sad” sabi Monique. “Ha? Sad? Bakit naman? Diba eto na nga gusto mo” bulong ni Rose.

Huminga ng malalim si Monique sabay pinaglaruan ang pagkain niya, napatingin siya kay Jp sabay ngumiti, “Oo nga pero Sunday bukas at di natin siya ka NSTP” bulong ni ganda. “Gaga yun lang pala, ang drama mo” sabi ni Rose at nagtawanan sila.


(Join our Facebook discussion, CLICK HERE )