Twinkle Twinkle 2: Bagong Delubyo
by Paul Diaz
by Paul Diaz
Chapter 4: Pagbangon
Isang gabi, tahimik ang buong kaharian nang may isang nilalang na tumayo sa harapan ng lumang palasyo. Maliwanag ang buwan at ang simoy ng hangin ay mahalimuyak. Tinanggal ng nilalang ang kanyang hood at dinikit ang kamay niya sa malaking kometa.
“Bossing, nandito na ako” bulong ni Wookie nang nagpaatras siya. Humawak ang mambabarang sa kamay niya at sa isang iglap dalawang malaking higanteng espiritu ang lumabas at inutusan agad ni Wookie na alisin ang kometa.
Madaling naalis ng dalawang Diablo sang malaking kometa, napahanga si Wookie sa lakas nila. Agad pumasok ang mambabarang sa loob ng gumuhong palasyo, nagpakawala siya ng mga espiritu para hanapin si Paulito.
Ilang sandal pa ay kinalbit ni mini Wookie ang mambabarang at tinuro ang mahiwagang lababo ng bruha na nakataob. Agad pinaalis ni Wookie ang lababo sa mga espiritu at dalawang katawan na magkayakap ang natagpuan nila.
Agad binuhat ni Wookie ang katawan ng punong disipulo, dinala niya ito sa labas at pinahiga sa lupa. Nilaslas ng mambabarang ang leeg ng dala niyang baboy saka pinainom ang dugo sa bampira.
Madami nang napainom na dugo ang mambabarang sa bampira ngunit hindi parin ito nagigising. Pangalawang baboy na at biglang tinapik ni Wookie at noo ng bampira. “Bossing naman e” sabi ni Wookie at natawa si Paulito at dahan dahan niya minulat ang mata niya.
“Yo Kalbo” bati ng bampira at huminga ng malalim ang mambabarang at natawa. “Sorry naman, ngayon lang ako nakaranas na pinapakain ako e” sabi ni Paulito at napakamot ang mambabarang. “Buhay ka naman pala e, bakit di ka pa umalis diyan sa ilalim?” tanong ng mambabarang.
“Ewan ko, wala akong lakas. Ngayon parang bumabalik na. Pero nung nakakulong ako sa ilalim walang wala kahit ano gawin ko. Hindi ko maintindihan” paliwanag ng bampira. “E ngayon? Bumabalik na ba?” tanong ni Wookie. “Oo unti unti pero nanghihina parin ako talaga. At may isa pang problema” sabi ng bampira.
“Anong problema?” tanong ni Wookie at nagulat ang mambabarang nang may kamay siyang nakita na lumalabas sa butas. “Bakit mo ako iniwan doon mag isa?!!!” sigaw ng babae at agad naghanda ang mambabarang pagkat nabobosesan niya ang babae, yun ang bruhang si Monica.
Agad hinila ni Wookie ang mahinang bampira at nagpakawala ng isang daang espiritu para harapin ang bruha. “Bossing dito ka sa likod ko, ako bahala dito” sabi ni Wookie. Di pa sumusugod ang mga espiritu, si Monica naman ay nakatayo lang at pinagmamasdan sila at tumatawa. “Hoy kalbo pano mo nagawa to? Turuan mo nga ako” sabi ng bruha.
“Wookie pare, paatrasin mo na ang mga espiritu mo” utos ni Paulito. “Bossing nasisiraan ka na ba ng bait? Malakas na bruha yan!” sagot ng mambabarang. “Hindi na, paatrasin mo na sila” sagot ng bampira at di makapaniwala ang mambabarang pagkat nakikipaglaro ang bruha sa mga espiritu.
“Boss nasiraan ba ng bait ito?” bulong ni Wookie. “Parang ganon na nga. Monica gutom ka diba?” sabi ng bampira at nagulat si Wookie nang sa isang iglap katabi na niya ang bruha. Inamoy ni Monica ang mambabarang at halos nanlambot si Wookie nang maglabas ng pangil ang bruha. “Pau, pwede ba to? Maganda ang amoy ng dugo niya e” sabi ni Monica.
“Sabi ko sa iyo bawal kumain ng dugo ng tao, hayop lang. Ito may baboy dito” sabi ni Paulito at nagsimangot si Monica. Naupo ang bruha sa harap ng baboy at tinitigan ito. “Pano ko kakainin blood nito? So kadiri the piggy” sabi niya at napakamot si Wookie. “Bossing, isa lang naiisip ko kung pano naging ganyan yan pero di ko maintindihan bakit” sabi ng mambabarang.
“Mahabang kwento pare, may baso ka bang dala?” tanong ni Paulito at inutusan ni Wookie ang manika niya na kumuha ng niyog. “Wow! Ang cute naman niyan!!!” sigaw ni Monica at hinabol niya ang mini Wookie.
Habang wala yung dalawa ay naupo ang mambabarang sa tabi ng bampira. “Boss, bakit mo siya binuhay?” tanong ni Wookie. “Di ko naman ginusto e. Wala na talaga ako lakas noon sa ilalim. Kinailangan ko ng dugo kaya kinagat ko siya. E alam mo naman kaming mga bampira pag inubos mo ang dugo ng isang nilalang tapos nakabaon kayo sa ilalim ng lupa na magkasama…mabubuhay muli yun bilang bampira” kwento ni Paulito.
“May kagat ka sa leeg, bakit pati siya kinain dugo mo?” tanong ni Wookie. “Oo eh, mga tunay na bampira di magagawa yan pero pareho kaming…half half kung tawagin. Kaya para kaming nagpalitan ng kagat para lang mapanatiling buhay ang isat isa” sagot ng bampira.
“Malakas ata kumain ng dugo, hinang hina ka samantala siya nakalabas nga mag isa e” biro ni Wookie at nagtawanan ang dalawa. “Pero pare, wag mo sana ipaalala na bruha siya” sabi ni Paulito. “Ha? Bakit?” sagot ng mambabarang. “Pag nabuhay ka muli makakalimutan mo ang nakaraan mo. Ganon nangyari sa akin dati, naalala ko kabataan ko at kung paano ako pinatay ng isang bampira. Nung nakaraan lang sa muling pagkabuhay ko nanumbalik ang lahat ng nakaraan kong alaala. Sana sa kanya wag na bumalik” kwento ni Paulito.
“Oo sige pare, wag kang mag alala” sagot ni Wookie. “Pero meron akong hindi maintindihan” sabi ng bampira. “Ano yon pare?” tanong ng mambabarang. “Kilala niya ako e. Nakwento niya lahat hanggang sa pagkamatay ko nung bata ako” sabi ni Paulito.
“Ha? Akala ko ba pag naging bampira mabubura ang pag iisip?” tanong ni Wookie. “Yun na nga e, nakwento niya pano nila ako natagpuan sa gubat nung sanggol ako. Pati daw si Anhica natagpuan din daw nila pero tinago at pinag kunwaring diwata. Kuhang kuha niya pati detalye ng maliit kong tirahan noon at itsura nung gubat na kinalakihan ko. Hindi ko talaga siya maalala e. Sabi naman niya pinagbabawal daw sila makalapit sa akin” kwento ng bampira.
“Di ba kaya niyo malaman kung nagsisinungaling ang isang tao?” tanong ni Wookie. “Oo kaya namin, ginawa ko yon at bilang nagpabuhay sa kanya hindi siya pwede magsinungaling sa akin. Ako ang bumuhay sa kanya bilang bampira kaya ako ang amo niya at kailangan niya sundin ang lahat ng sasabihin ko. Nagsasabi siya ng totoo kaya di ko talaga maintindihan” paliwanag ni Paulito.
“Bossing baka nagpapanggap lang yan, kaya mag ingat tayo” sabi ni Wookie. “Oo alam ko pero may katotohanan sa mga sinasabi niya. Nung namatay daw ako doon siya lumayas sa gubat para humingi ng tulong sa mga bruha para buhayin ako. Doon ko din nalaman na si Aneth pala ang nagbigay lakas kay Fredatoria pero binintang sa kanya kaya gusto niya gumanti” sabi ng bampira at nagulat si Wookie.
“Si Aneth ang may kagagawan ng lahat? Oo nga pala bossing, si Aneth ang problema natin ngayon” sabi ng mambabarang. “Oo alam ko, siya din ang nagkulong sa amin at iniwanan kami para mamatay. Kaya nung nakwento ni Monica tungkol kay Aneth naniniwala ako sa kanya pero hindi ko maintindihan bakit naalala niya ang lahat e burado ang memorya niya” sabi ni Paulito.
“Kung naalala niya ang nakaraan niya, imposible naman na hindi niya maalala na naging masamang bruha siya. Parang di tumutugma ata” sabi ni Wookie. “Yun na nga e, pero wala talaga siya maalala, pati yung pagkakulong namin at huling laban wala siya maalala” sabi ni Paulito.
“Bossing parang bumabalik ata lakas mo ha” sabi bigla ni Wookie at tumayo ang bampira at huminga ng malalim. “Oo nga no, pero kulang pa to, di ko pa nararamdaman ang lakas ng iba nating kadisipulo. Dati dati alam ko lagi nasan kayo, pero ikaw ramdam ko malamang kasi katabi lang kita. Wala pa ako sa wastong lakas siguro kaya ganon” sabi ng bampira.
“Kailangan mo magpahinga, at habang binabawi mo lakas mo ikwekwento ko ang bagong delubyong hinaharap natin” sabi ni Wookie pero narinig na nila ang tawa ni Monica papalapit.
“Akin na yang buko para mahiwa ko na. Para may baso ka na maarte kang bampira ka” sabi ni Wookie. “Tse! Diwata ako, ako na maghihiwa dito” sabi ni Monica at nagulat ang dalawa nang may lumabas na dilaw na ilaw sa daliri ng dalaga at hiniwa ang buko sa dalawa.
“Kaya ba ng bampira ang ganon?” bulong ni Wookie. “Hoy! Naririnig kita wag kang bubulong bulong diyan” sabi ni Monica. “E di bampira ka nga!” sabi ng mambabarang. “Kasalanan ng katabi mo! Diwata na nga e gagawin pang bampira, gusto mo lang may kapareho kang napalitan ng anyo e” reklamo ng dalaga at napakamot nalang si Paulito.
Inabot ni Monica ang kalahating niyog kay Paulito, “Ikaw na mag get ng blood, kadiri e” sabi niya. “Kadiri daw, kung di naman iinumin patay ka” bulong ni Wookie at bigla siyang tinabihan ng dalagang bampira.
“Pauuu…sigurado ba na hindi pwede? Kahit konti lang na dugo nitong kalbong to” landi ni Monica. “Tsk sabi ko say o bawal ang tao!” galit ni Paulito pero tinaas ni Monica ang kilay niya. “Kahit isang patak lang, kasi matamis ang amoy ng dugo ng tao e” sabi niya. “Hindi pwede! Halika dito at ito ang inumin mo” sabi ng bampira at nagdabog ang dalaga.
Dinilatan ni Wookie ang dalaga, “Bwisit ka kalbo! Pasalamat ka nandito si Paulito. Pag wala siya…” sabi ni Monica. “Itigil mo yan, sundin mo ako pagkat ako ang amo mo!” galit ni Paulito kaya tumahimik ang dalaga. Pasimpleng natawa si Wookie at dinilatan ulit ang dalaga, “Demonikaaaa” tukso niya. “Paulito oh! Tignan mo yang disipulo mo!” sumbong ng dalaga. “Wookie itigil mo din yan!” sabi ng bampira at nanahimik ang mambabarang at siya naman ang dinilatan ng dalaga.
Ilang araw ang lumipas nagising si Paulito sa kweba, nakayakap sa kanya si Monica at hinang hina siya. “Kinagat mo ba ako ulit?” tanong ng binata. “Hindi” sagot ng dalaga. “E bakit ako nanghihina? Lagi nalang ganito pag magigising ako” sabi ni Paulito. Tumayo ang bampira at nagising din sina Wookie at Wakiz. “Pare may problema?” tanong ng mambabarang.
“Nanghihina ako lagi basta bagong gising e” sabi ng bampira. “Hoy bruha ano ginawa mo kay boss?” tanong ni Wookie. “Wala ako ginawa! Wala pa!” sagot ng dalaga sabay tawa. “Malamang may ginawa yan, sabi ko na nagpapanggap lang yan e” sabi ng mambabarang.
“Ay wait, naalala ko nung bata ako nilagyan ako ng asul na bato sa katawan” sabi ni Monica at biglang bumangon si Wakiz. “Asul na bato? Sigurado ka asul na bato?” tanong ng matanda.
“Opo lolo, kasi dati suot ng mommy ko yon. Pinapasa daw punong diwata yon sa anak niya na papalit sa kanya” paliwanag ng dalaga at nagising na ng tuluyan ang matanda. “Kaya naman pala nanghihina ka pag katabi mo siya. Nasa katawan pa niya ang kapangyarihan ng asul na bato. Pero pag nasa kanya pa yon e pano siya lumakas?” tanong matanda at natulala ang tatlo at tinignan ang dalaga.
“Ibig mo sabihin yung kapangyarihan niya nung bruha siya hindi pa yon ang tunay na kapangyarihan niya?” tanong ni Wookie at sinesyasan siya ni Paulito na manahimik. “Ganun na nga apo, pero di ko alam pano niya nagawa yon” bulong ng matanda.
“Ayan nanaman kayo bulong bulong bulong! Naririnig ko kayo at hindi ako bruha! Oo pumunta ako sa kanila para humingi ng tulong at nag aral pero wala na ako maalala pagkatapos non!” sigaw ni Monica at lalong naintriga ang tatlo.
“Kaya pala hindi ko maramdaman ang presesnya ng ibang disipulo, tinatanggal pala niya ang lakas ko” sabi ni Paulito. “Hindi ganon iho, gagana lang ang kapangyarihan ng asul na bato pag suot mo ito o katabi mo yung may suot nito” paliwanag ni Wakiz at nanigas ang bampira.
“Hindi totoo yan, sigurado ko may kinalaman siya dito kaya di ko nararamdaman yung iba” pilit ng bampira. “Alam ko natatakot sa isipin yung masama, pero iho ganun ang kapangyarihan ng asul na bato. Kung ayaw mo isipin ako magsasabi sa iyo”
“Maaring patay na ang iba niyong kadisipulo” sabi ng matanda.
Humarap si Paulito sa pasukan ng kweba, mga kamao niya nanigas at nanggagalaiti siya sa galit. Nagliyab ang mga mata niya at buong katawan niya nagbagang pula. “Oh shet, hindi maganda ito” sabi ni Wookie.
“Monica iha dalian mo yakapin mo siya bago makalabas ang sugo!” utos ni Wakiz at mabilis na gumalaw ang dalaga at mula sa likod niyakap ang binatang bampira. Tumigil ang pagbabaga ng katawan ni Paulito, mga mata niya nanumbalik sa normal at napaluhod ito.
“Bakit niyo ako pinigilan?!!!” sigaw niya at lalo pa siya niyakap ng mahigpit ni Monica.
“Paulito, alam ko galit ka. Pero hindi natin alam kung ano ang makakalaban natin. Pag hinayaan ka namin maging sugo ay mararamdaman ng buong kaharian ang kapangyarihan mo at maalerto si Aneth at yung isang grupo”
“Mas maganda na yung ganito muna at mag antay tayo bago tayo gumalaw. Mas maganda na alam nila na patay na kayong tatlo para alam nila wala silang makakaharap. Mahirap makipaglaban pag hindi mo alam kung ano ang kalaban mo”
“Sa ngayon sigurado ko hawak na ni Aneth ang mga libro. Sigurado ko nagsimula na siyang magpalakas at wala tayong magagawa kasi nakasaad yon. Hayaan mo na mag antay pa tayo konti para malaman natin ano ang balak niya”
“Lahat ng plano hindi perpekto, laging may pagkakamali. Kung wala man mali laging may kahinaan ang plano. Kailangan natin malaman ang plano niya bago tayo gumalaw. Kung ngayon tayo kikilos sino na ang lalaban sa kanila pag nabigo tayo?” paliwanag ni Wakiz.
Kumalma si Paulito at tinapik ang kamay ni Monica para bitawan siya. Tumayo siya at hinarap ang bukanan ng kweba.
“Sabi mo ang nakasaad lagi nasusunod. Sige sasang ayon ako sa iyo ngayon Wakiz. Pero ito tandaan mo…”
“Habang akoy buhay, gagawin kong libro ng kasinungalingan ang libro ng mga ninuno!”
( JOIN OUR FACEBOOK DISCUSSION, CLICK HERE )