sk6

Tuesday, December 22, 2009

M.P. Chapter 17: Pretender

M.P.

by Paul Diaz


Chapter 17: Pretender

Kinabukasan sa classroom may inuukit ulit si Monique sa kanyang armchair, ginulat siya ni Rose kaya napasigaw siya. “Sis nakausap ko siya kahapon” sabi ni Rose. “Ows? O ano sabi?” tanong ni Monique. “Hmmm I don’t know if I should say this eh kasi secret nga e” sabi ng kaibigan niya.

“Sige na sabihin mo na please” makaawa ni ganda. “First, busy siya talaga pero…” sabi ni Rose at nainis si Monique. “Sabihin mo na ano yon?” sabi niya. “Busy siya at…sige na nga. Tama ka last time nag walk out siya kasi na out of place siya” kwento ni Rose at nagulat si ganda. “Sabi ko na e, is he mad?” tanong ni Monique.

“No, more of jealous” sabi ni Rose at napangiti si Monique. “Talaga? Nagseselos siya? Really he said that?” tanong ng dalaga sa tuwa. “Parang natuwa ka pa ata, he didn’t say that directly pero yun ang point niya kaya he stayed away” paliwanag ng kaibigan niya.

“Nagseselos siya, that is good kasi diba pag ganon that means he really likes me diba?” sabi ni Monique. “Pero dapat hindi sana, di ko naman gusto magkaganon e. Alam mo naman ako sis e. Sana you told him na di ko kaya maging snob” sabi ni ganda. “E di ko na nasabi yon e. Pero he asked where you were yesterday and I said you were with Tim” dagdag ni Rose.

“Ows? O ano reaksyon niya?” tanong ng dalaga. “Natural nagseselos, bigla di maipinta itsura niya” kwento ni Rose. “Sana naman sinabi mo na di ko naman talaga gusto sumama don” sabi ni Monique. “I did naman” sagot ni Rose at natuwa si ganda. “O tapos tapos ano reaksyon niya?” tanong ni Monique. “Hmmm nagbago parang nakahinga siya ng maluwag” kwento ng kaibigan niya at tuwang tuwa naman si ganda.

“Then ano pa pinag usapan niyo?” hirit ni ganda. “Hay naku dapat itreat mo ako. He was losing hope, parang nadismaya pero I talked sense into him” sabi ni Rose. “Oo treat kita, so ano sabi niya? Ano dali grabe naman to wag nang suspense” sabi ni Monique. “Hmmm di ko pwede sabihin e baka masira diskarte niya” landi ng kaibigan niya at biglang kinilig si ganda. Niyakap ni Monique si Rose at talagang nanggigil, “Grabe akala ko talaga ayaw na niya sa akin, pero ano ibig mo sabihin diskarte? Are you saying na….ano?” tanong ni Monique.

“Grabe naman wag na pati yon, basta positive siya sis trust me” sabi ni Rose at lalong nanggigil si Monique. “Kailan? Ngayon ba? When? Ano pa sabi niya?” hirit ni ganda. “Tumigil ka na nga and just wait. Don’t spoil it naman for him, basta sis positive okay?” sabi ni Rose at tumigil si Monique pero di maalis ang ngiti sa mukha niya.

Dumating na ang lunch time at excited na pumunta si Monique sa hardin. Hinila niya si Rose pero bigla sila hinarang ng dean nila. “Miss Dela Videz may importante ka bang gagawin right now?” tanong ng dean. “Ah maam lunch lang po sana kasi I have a class at one” sagot ni Monique. “Don’t worry about lunch and your other classes, we need you to replace miss Chan for the Inter School Accounting Olympiad. It so happens miss Chan is absent and the contest is at one” sabi ng dean.

“Ah maam di po ako prepared e” palusot ni Monique. “Oh don’t worry I know you will do well. I will be accompanying you, you can bring miss Gregorio too” sabi ng dean at nagtinginan ang dalagang dalaga. “I know this is so sudden but I also could not find the higher years, all their classes are in ther afternoon” dagdag ng dean. “Oh sige po” sagot nalang ni Monique.

“Pano si Jayps?” bulong ni Rose. “Oo itetext ko nalang” sabi ni Monique at agad nilabas ang phone niya.

Sa may hardin di mapakali si Jp at nakatingin lang ang mga kaibigan niya sa kanya. “Ano ba problema mo at kanina ka pang ganyan?” tanong ni Jenna. “I got a feeling…that today is gonna be a good day” kanti ni Jp sabay tawa. “Tonight yon engot” kontra ni Leo. “Wag kang makikialam ng trip!” sigaw ng siga sabay inulit ang kanta niya.

“Tumigil ka nga, nakakahawa ka na. Ano ba talaga kasi?” tanong ni Jenna. “I think he is in love” sabi ni Oliver. “Ano? Bakit ganyan ka din ba nung nainlove ka sa akin?” tanong ni Jenna sabay tawa. “Yup ganyan na ganyan” sagot ng nobyo niya at lalo pa natawa ang dalaga.

“In love ka pare?!!!” tanong ni Leo at nilakasan pa ni Jp ang kanta niya. “So in love ka?” tanong ni Jenna. “Yep, I am in love with Monique. Dati like lang, ika nga nila paghanga. Ngunit itong nararamdaman ko di nalang paghanga…labis na…mahal ko na siya” biglang drama ng siga at silay nagtawanan.

“Di ko pa kaya sabihin love na to my friends. I like her, but right now its beyond like but I cant say its already love. You see my friends we barely know each other still but I would really like to know her more. In order to do that I have to be with her always…but I think its love already. Teka magulo isip ko di ko mastop magdaldal, what am I saying? Is this me?” hirit ng siga at wala nang naniniwala sa kanya pagkat halos magpagulong gulong na ang tatlo sa katatawa.

“Pero seryoso ako guys and gal, tama kayo. I cant just be friends with her anymore, I want to be more than that. Right now medyo wala ako confidence, eversince naman e. Torpe na kung torpe pero this is me and so far it has been working miraculously. I just hope di ako magkamali. Pero oo beyond like na nararamdaman ko para sa kanya” balik drama ng siga kaya nagseryoso narin ang mga kaibigan niya.

“So are you trying to say na liligawan mo na siya?” tanong ni Jenna at napangiti ang siga. “Madaming nakapaligid kay Monique, madami siyang manliligaw. Can you please tell me ano difference nila sa akin” sabi ng siga at napaisip ang lahat. “Ano to joke time?” tanong ni Oliver. “Hindi pare, I want your honest opinions. Please lang kailangan ko marinig to from you guys and gal” paliwanag ni Jp.

“Kahit na masakit sa damdamin mo tong mga sasabihin namin?” tanong ni Jenna. “Oo kahit masakit…teka parang ang dami naman ata sasabihin mo, grabe ganon ba kalala?” sagot ng siga at muli sila nagtawanan. “Pare di ko kaya, kaibigan kita e” sabi ni Leo. “Mas lalong gusto ko marinig sasabihin mo, sige na tell me what I am facing. Sabihin niyo sa akin sino sino ang makakaharap ko. What is the difference between them and me?” sabi ng siga.

“May kotse” banat ni Oliver at ngumiti si Jp. “Hon excuse ha, may itsura ka naman e pero mas may itsura yung iba sa kanila, sorry friend ha” sabi ni Jenna. “Okay mga friends, I need to hear this. Wag kayo mag alala di bababa kumpiyansa ko” sabi ni Jp.

Huminga ng malalim si Leo at niyuko ang ulo niya, “Pare may pera sila” bulong niya sabay yuko ng ulo. “Ayan nabanggit na niya so isa pa ay maporma sila. They look decent compared to your chosen fashion” sabi ni Jenna sabay kindat at natawa ang siga.

“So in short ang sinasabi niyo may face value sila, may CARakter at may PESOnality” sabi ni Jp at nagtawanan sila. “Pero di niyo parin nasasagot ang tanong e, yang mga yan totoong hadlang ba yan? Kailangan ba talaga meron niyan? Kasi pag yan ang sinasabi niyo parang iniinsulto niyo na si Monique e at magagalit ako talaga sa inyo” sabi ng siga at kinabahan ang mga kaibigan niya.

“I don’t think Monique is like that. Tinanggap niya ako bilang kaibigan, look at me. So yung mga sinabi niyo panlabas na anyo mga yan. I wanted to hear from you yung difference about sa what is inside” sabi ni Jp.

“E kung ganon wala kami masasagot. Kasi masyado kang masekreto” sabi ni Jenna. “Oo nga pare kahit ako bestfriend mo madami parin ako di alam tungkol sa iyo. Pero okay ka e. Brutal minsan pero ayos ka pare” sabi ni Leo at biglang tumawa ng malakas ang siga. “Yan ang gusto ko marinig, wala kayong alam about me. Yan ang tamang sagot” sabi ni Jp at tumawa siya ng malakas.

“Ano?! Pinagtritripan mo lang kami?” tanong ni Jenna. “Yup, ginugulo ko lang isip niyo” sabi ni Jp. “Tado ka naman pare e. Nagseryoso pa naman ako at nagdrama tapos joke lang pala” sabi ni Oliver. “Hindi nagbibiro yan, tuliro lang yan kaya di niya alam sinasabi niya. Lahat ng sinabi niya totoo. Yan ang napansin ko sa iyo pare. Pag seryoso na ang usapan ay lagi mo idadaan sa joke at iliiko” biglang sabi ni Leo.

“Pare ikaw bilib ako sa iyo, lagi kang nandyan pag kailangan kita. Kahit na di ko namamalayan e nandon ka lagi. Ilan beses mo na ako nailigtas at naipagtanggol. Yang style mo basang basa ko na yan. Pagdating sa pagseryoso at alam mo magigipit ka sa sagot idadaan mo sa joke. Pero pare di mo ba pansin handa ako lagi pag ganon, wing man kung tawagin, co-pilot, sa akin mo ibubuntong yung joke at ako naman todo arte. Ganon ang bestfriends diba? I got your back too pare kahit sa ganun lang na bagay”

“Alam ko ang gusto mo hilingin sa amin today, nakakatawa ka binabaluktot mo pa. You want us to boost your confidence. You want us to likewise discourage you. Kasi sa ngayon parang nasa gitna ka, gusto mo umabante na hindi. Gusto mo din sumuko na hindi kaya ka naghahanap ng rason para mamili sa dalawa” sabi ni Leo.

Gulat na gulat si Oliver at Jenna, ang dalaga halos napapaluha na. Si Jp nakayuko lang at tahimik kaya tinabihan siya ni Leo. “Pare ligawan mo na siya. Wag mo nang antayin pang maging tayo, please pare this feelings we have for each other might grow” biglang banat ni Leo at sumabog sa katatawa ang tatlong lalake samantala si Jenna nagpunas ng luha at pinaghahampas ang tatlo.

“Bwisit ka! Akala ko ayos na tapos babanat ka pa ng ganon!” sigaw niya. “Bestfriend nga e, e di nahawa na ako sa style niya!” sumbat ni Leo sabay tawa. “Leo…” sabi ni Jp. “Jayps…” bawi ng bestfriend niya at bigla sila nagharap. “Sa mundong para sa isa, di pwede tayong dalawa” banat ng siga at nagholding hands pa ang dalawa. Tatawa sana si Jenna pero lalo niyang pinaghahampas ang dalawa. “Diyan kayo magaling sa kalokohan! Bwisit! Oliver tara na nga iwanan natin tong…isa ka pa! Tawa ka ng tawa diyan!” galit ng dalaga.

Nilabas ni Jp ang phone niya at binasa ang text. “Di pala sila makakarating e. Tara na lunch na tayo” sabi niya.

Dismissal na at di pa nakabalik si Monique pero nagpasya pang mag antay sa hardin si Jp. “Pare mauuna na ako then” sabi ni Leo at saktong nakatanggap ang siga ng text. “Teka baka siya na to” sabi ni Jp. Ang bilis ng pangyayari at biglang tumayo ang siga at hinila ang bestfriend niya. “Pare ano problema?” tanong ni Leo at galit na galit ang mukha ni Jp. “My sister is in trouble” sabi niya at nagmadali sila lumabas ng campus.

Sa loob ng mall naglalakad si Trisha kasama ang bestfriend niyang si Nicole pero may sumusunod sa kanilang dalawang lalake. “Badtrip naman ang tagal ni kuya” bulong ni Trisha. “Bakit kasi ang kukulit niyan? Sinabi mo na nga na no sunod ng sunod parin” bulong ng kaibigan niya. “Tara dun nalang tayo sa malapit sa entrance” sabi ni Trisha sabay text sa phone niya.

“Sige na Trish, kain lang naman e” sabi ng isang binata at nagsimangot si Trisha. Biglang may umakbay sa kanya at nagulat ang dalawang lalake. “Ano tara na labs?” tanong ni Jp at umakbay naman si bunso sa kanya. “Ang tagal mo, labs this two napakakulit o” sumbong ni Trisha at natatawa na si Nicole at Leo.

Humarap si Jp sa dalawang lalake at isa isa silang tinitigan. “Ano ba problema natin mga tol? Di ba kayo nakakaintindi ng isang salita? Kung sinabi ng siyota ko na hindi, dapat isaksak niyo sa baga niyo na hindi. Gusto niyo ba mga kamao ko pa makiusap sa inyo?” banat ng siga at takot na takot ang dalawa.

Umalis ang dalawang lalake, si Trisha dumikit sa kuya niya at kumapit sa kamay. “Kuya masyado kang harsh” sabi niya. “Trish, kailangan ko na umuwi” sabi ni Nicole. “Tara na sabay sabay na tayo” sabi ni Jp. “Kuyaaaahh…treat mo ako. Hatid natin si Trish sa labas then treat mo ko” lambing ng bunso at walang nagawa ang siga.

Pagkatapos ihatid si Nicole ay bumalik ang tatlo sa loob. Dumikit parin si Trisha sa kuya niya pagkat nandon parin yung dalawang lalake. “Doon tayo kuya, gusto ko ng chicken” sabi ng bunso. “Kuya gusto ko din ng chicken” banat ni Leo at napangisi ang siga. “Tado ka, kuya kuya ka diyan ha” sumbat niya.

Pagpasok sa resto ay agad nakitabi si Leo kay Trisha, “Pare, kapatid ko yan” sabi ng siga kaya mabilis tumayo si Leo at natawa. “Biro lang naman e, to naman o” sagot ng bestfriend niya. “Ako na kukuha ng pagkain kuya, kasi umaaligid pa yung dalawa. Di ata naniniwala na magsyota kayo” sabi ni Leo. Inakbayan ni Jp ang kapatid niya at si Trisha sumandal naman sa dibdib ng kuya niya. Tinuro ni Jp ang dalawang lalake at sa takot tumalikod sila agad at tuluyan nang sumuko.

“Dapat pala kuya kasama kita araw araw e” sabi ni Trisha. “Oo nga pare, mas maniwala pa akong magsyota kayo kesa magkapatid” banat ni Leo at tumaas ang kilay ng siga at agad dinampot ni Leo ang pera sa lamesa at nakipila na. Tawa ng tawa si Trisha at nilambing ang kanyang sigang kuya.

“Trisha, manliligaw mo mga yon?” tanong ni Jp. “Yep pero more of pests. Binasted na nga ang kulit pa” sagot ng bunso. “Madami ka manliligaw for sure” hirit ni siga. “Kuya naman, manliligaw lang naman pero di ko naman sila pinapansin e” sagot ng dalaga. “Okay lang naman e, pero meron na ba yung isa na talagang gusto mo sa kanila?” tanong ni Jp. “Meron isa pero ayaw ko pa e. Don’t worry kuya wala pa ako balak” sagot ni Trisha.

“Its not that, I want to ask bakit siya napili mo? I mean what makes him stand out?” tanong ni Jp. “hmmm bakit mo tinatanong? Liligawan mo na si Monique ano?” tanong ng dalaga at napangiti ang siga. “Uy sa wakas liligawan na niya” tukso ng bunso at natawa na si Jp.

“Hmmm si Raymond kasi di siya makulit. Then I can feel na sincere siya. Matalino din siya, mabait, gentleman, at di ko na alam kasi wala akong time sa ganyan pa. Pero sweet siya kuya at ang importante ay ramdam ko na tunay siya” paliwanag ng dalaga.

“I see, pano ka niya nililigawan?” biglang sabi ni Jp at natawa na si Trisha. “Kuya di pa diniretso kasi, alam mo walang tamang sagot diyan. Just be yourself and show you are sincere” payo ni Trisha at mahigpit na niyakap ni Jp ang kapatid niya at hinalikan sa noo.

Sa labas ng resto naglalakad sina Monique at Rose, “Grabe ang bait din pala ni dean no. Di ko inexpect na treat niya tayo kahit second place lang nakuha ko” sabi ni Rose. “Oo nga e, kalog din pala pero pag nasa school super terror. Galing din nila magpretend…shet!” sagot ni Monique at bigla siyang nanigas at natulala.

Pagtingin ni Rose pati siya napatigil at nagulat sa nakita niya. “Oh my God sis…kaya naman pala…” sabi ni Rose. “No wonder lumayo…she is high school…but she is prettier than me…” bigkas ni Monique at nanginginig siya sa galit.

“Sis tara na lets get out of here” sabi ni Rose sabay hila sa kamay ng kaibigan niya. “Ang sweet nila…sis bakit ganito?” tanong ni Monique at dahan dahan kumukunot na ang mga labi niya. Nilabas ni ganda ang phone niya pero pinigilan ito ni Rose, “Wag na sis, don’t waste your time. Nakikita mo naman na e, ayan o in your face” sabi ng kaibigan niya.

“Tara don, magpapakita ako sa kanya” sabi ni Monique. “Wag na sis! And what do you think will happen? Oo magugulat siya na makikita ka pero ayan na nga o. Ano pa gusto mo malaman? Gusto mo makilala sino yon? Or gusto mo makarinig ng palusot? Look at them. My God sis maliwanag pa sa full moon o” sabi ni Rose at napapaluha na si ganda.

“I cant believe naniwala ako sa kanya kahapon. Shet I fell for it. Sabi niya liligawan ka na niya pero obviously that was just an excuse or make believe conversation. I told you he is not worth your time” sabi ni Rose. “I thought he was different…” sabi ni Monique.

“…akala ko mabait siya…”


(Di niyo pa nagamit tissue? Mag order na kayo. Sali sa diskusyon sa Facebook, PINDOT DITO )