M.P.
by Paul Diaz
by Paul Diaz
Chapter 7: Ang Panimula
Nakahiga si Jp sa kanyang kama, natatawa siya at napapangiti dahil sa nangyari kanina. Biglang nagbukas ang pinto niya at tinitigan siya ng kanyang kapatid. “Hmmm parang may nangyari ah” sabi ni Trisha at pangiti ngiti lang ang siga.
Dala ni Trisha ang laptop niya, naupo siya sa tabi ng kuya niya at inaasar ito. “Kuya, bihira kita makitang ganyan, what happened?” tanong ng dalaga. “Wala naman, lagi naman akong ganito ah” sabi ng binata. “Weh! Usually pag sinisilip kita di maipinta lagi itsura mo, ngayon nakangiti ka at para kang baliw na tumatawa mag isa. Last time na ganyan ka nung…” sabi ni Trisha at biglang nagpigil.
“Its alright you can say it, I don’t mind” sabi ni Jp. “Sorry” sabi ni Trisha. “Sira okay lang. The past is the past, last time mo ako nakitang ganito nung meron pa si Vanessa” sabi ng binata. “Oo nung meron pa si ate Vanessa, alam ko dapat di natin siya pinag uusapan so what gives kuya at parang masayahin ka ulit? May nagpatibok ulit ba heart mo?” landi ng kapatid niya.
“Anong pinagsasabi mo?” sagot ni Jp sabay ngiti. “Uy kuya, sino siya?” tukso ni Trisha at di niya tinantanan kuya niya. “Fine, yeah maybe I like someone” sabi niya sabay tawa. “Uy kinikilig ka, sino naman siya?” tukso ng bunso.
“Ha? Eh ah wala naman, basta siya” sagot ni Jp at nagsimangot ang kapatid niya. “Ano yan? Facebook? Tignan mo nga kung meron siya diyan” sabi ni Jp at lalong tumabi sa kanya kapatid niya. “O game ano name niya?” tanong ni Trisha. “Monique Dela Videz” sabi ni Jp at agad nagtype ang dalaga.
“Yup meron isa, teka nga click natin” sabi ni Trisha at lalong nilapit ni Jp ang mukha niya sa screen. “Kuya atat ka naman e” tukso ni Trisha at biglang nagbukas ang profile ni Monique. “Siya ba to? She is very pretty” sabi ni Trisha pero ang kuya niya nakangiti lang at nakatitig sa screen.
“Yan lang ba pwede makita?” tanong ni Jp at natawa ang kapatid niya. “Gusto mo add ko siya as friend para makita natin page niya?” tanong ng dalaga at super ngiti naman si siga at natawa ang bunso. “O ayan nagsend na ako ng request, antayin natin na accept niya” sabi ni Trisha.
“Matagal ba? Ilang minutes?” tanong ni Jp. “Hala kuya she has to be online to be able to accept no. Teka do you know her?” sabi ni Trisha at napangisi lang si siga. “Hala! Bakit di mo pa kilalanin?” tanong ng dalaga. Huminga ng malalim si Jp at muling nahiga sa kama. “Saka na” sabi niya.
“O ayan she accepted it” sabi ni Trisha at mabilis nakitabi si Jp pero tawa ng tawa si Trisha. “Uy excited, biro lang no. Wala pa kaya” sabi niya at natawa nalang si siga. “How will you tell her you like her if you don’t know her?” tanong ni Trisha.
“I like her, o may magbabago ba if I know her or not?” sagot ng kuya niya. “So hanggang ganun lang na like ang gusto mo?” hirit ng bunso. “Hindi” sabi ni Jp sabay ngisi. “O you see, you are so malabo kuya, bakit mahirap ba makipagkilala?” tanong ni Trisha.
Napapailing lang si Jp at natatawa, “In due time” banat niya. “Alam mo kuya madaming nakikipagkilala sa akin na guys” pasaring ni Trisha at tumaas ang kilay ng kuya niya. “Relax kuya, nakikipagkilala lang sila. Ang point ko is madali lang naman makipagkilala ah” sabi ng bunso. Muling natatawa si Jp at huminga ng malalim, “If it was that easy nagawa ko na” bulong niya.
Biglang natawa si Trisha at tinitigan ang kuya niya, “Don’t tell me kuya torpe ka” banat niya at talagang natawa na si Jp. “I am not!” sagot niya. “Ows? E bakit hindi mo kayang kilalanin? Lately mo lang ba nakita si Monique?” tanong ng bunso.
“Last sem pa” sabi ni Jp. “Ang you liked her since last sem?” interoga ng kapatid niya pero si Jp ngingiti ngiti lang. “Torpe ka nga!” sabi ni Trisha. “Di nga ako torpe, kaya ko naman pag gusto ko e” palusot ng siga. “Ows? So what is stopping you?” tanong ni Trisha.
“Priority ko ang pag aaral” sabi ni Jp at napalakas ang tawa ng bunso at kinurot niya ang pisngi ng kuya niya. “Torpe ka” bulong niya at natawa si Jp. “Ang hirap kasi e!” sabi ng siga. “Anong mahirap? Lalapitan mo then introduce yourself or ask her name that’s it” sermon ng kapatid niya. “Ang hirap nga! Basta ang hirap!” ulit ni Jp sabay tawa.
“Torpeeeehhhh” bulong ni Trisha at muling natawa si Jp. “Sis trust me if it was that easy nagawa ko na” sabi niya. “Ano nga ang mahirap? Explain mo nga!” sabi ni Trisha. “I don’t know! If I see her I feel so weak, ni di ko siya kaya titigan kahit malayo pa siya. I don’t know why I feel so scared” paliwanag ni Jp sabay napabuntong hininga.
“You really like her don’t you?” tanong ni Trish at napansin niya ang pagkaseryoso sa mukha ng kuya niya. “Yeah, I really like her and I cant do anything about it” sagot ng siga. “Kuya you can, you just have to get to know her first. Magpakilala ka na kasi” sabi ni Trisha. “In due time” ulit ni Jp at napangisi ang bunso.
“Talagang in due time? Sige kung di ka gagalaw ako gagalaw para sa iyo” banta ng bunso at nagulat ang siga. “As if kilala mo naman” sabi ni Jp. “Di ko siya kailangan kilalanin” sabi ni Trisha. “Ows? Ano naman daw gagawin mo?” tanong ng kuya niya.
“Easy, gagawan kita ng Facebook account mo tapos add ko siya as friend!” sabi ni Trisha sabay lumayo sa kama. “Hoy! Wag na wag mong gagawin yang Trisha!” sabi ni Jp at pareho silang tumatawa.
“Tapos pag na add niya na ako liligawan ko siya sa net para sa iyo!” landi ni Trisha sabay takbo sa kwarto niya. Mabilis siya hinabol ng kuya niya, agad sinara ng bunso ang laptop niya sabay tinago sa ilalim ng unan at nahiga. “Trisha! Wag ganon!” sabi ni Jp sabay tawa.
“Magulat ka nalang kuya kung lapitan ka niya one day” hirit ni Trisha at nagbubungisngisan ang dalawa. “Wag! Ako na promise. I will get to know her basta wag mo lang gagawin yan” sabi ni Jp. “Weh! In due time nanaman?” tanong ni Trisha.
“Just give me time sis okay?” sabi ni Jp. “No! Bukas kilalanin mo na dapat or else sige ka” banta ni Trisha at nahiga si Jp sa tabi niya at natatawa. “Wow pressure, wag ganon naman” sabi ni Jp. “Last semester pa dapat e! Bukas dapat! At wag na wag kang magsisinungalin kasi pwede ko itext si Leo” banta ni Trisha.
Huminga ng malalim si Jp at talagang natatawa siya sa sarili. “Oh my God, sis naman e” sabi niya. “Kuya di ako nagbibiro, yang excuse mong due time due time nay an bulok! In due time too late ka na so act now!” sermon ng bunso at napangiti si Jp at niyakap ang kapatid niya. “Sis, baka ako” bulong niya at bigla sila nagtawanan.
“Kuya seryoso ako” sabi ni Trisha. Huminga ng malalim ang siga at pinikit ang kanyang mga mata, “Ako din sis, I really like her” bulong niya.
Sa mga sandaling yon kauuwi lang ni Monique sa kanila. Madami siyang dalang shopping bag at pagpasok niya sa kwarto niya agad siya sinundan ng mommy niya. “Patingin nga ng binili mo anak” sabi ng mommy niya.
“Sige lang ma” sabi ni Monique at humarap agad siya sa laptop niya at agad ito sinindi. “Bakit ganito anak?” tanong ng mommy niya at pagharap ng dalaga ay nakita niya na binuklat ng nanay niya ang tattered jeans na kanyang binili.
“Ma uso yan” sabi ng dalaga. “Parang gutay gutay na anak, ano ba naman to. Sana yung desenteng pantalon naman” sabi ng mommy niya. “Ma, I want to try something different naman” sabi ni Monique. “Ano yung magmukhang gusgusin? Nicka naman sayang ang ganda mo anak pag ganito isusuot mo. Ano nalang sasabihin ng mga makakakita sa iyo? Sabihin nila di ka namin mabilhan ng damit” drama ng nanay niya.
Natawa si Monique at humarap sa laptop niya, “Hay naku ma, fashion lang yan. At gusto ko lang naman subukan e” sagot niya. “O pati tong mga shirt bakit panay itim? At bakit ganito ang design anak naman?” sabi ng mommy niya. “Ma sabi ko nga I just want to try” pilit ni Monique at tila sumuko ang mommy niya at lumabas na ng kwarto.
Binuksan ni Monique ang kanyang Facebook account, nakita niyang may 300 friend requests. Di na niya pinapansin basta click nalang siya ng click ng accept habang sa isang kamay ay nagtetext siya.
“Sis ano ba real name nung siga?” tanong niya sa text. “Dichavez ata sis why?” sagot ni Evi. “Ah kasi may kamukha siyang nag add sa akin dito sa Facebook pero okay na sis iba apelyedo e” palusot ni Monique.
Mabilis na tinype ng dalaga ang pangalan ng siga sa search bar, “Juan Pablo Dichavez” at naclick ang go. Ilang saglit lang at may resulta na nilabas. “Wala siyang Facebook” bulong niya sabay huminga ng malalim.
Pinuntahan ni Monique ang mga damit na nabili niya, agad niya sinukat ang mga ito sabay lumabas ng kwarto at nirampa sa harap ng nanay niya. “What do you think ma?” tanong niya at napasimangot ang matanda. “Tapos bukas magpapatattoo ka narin?” sabi ng nanay niya at nagtawanan sila.
“Ma naman, sabi ko nga for a change lang” sabi ni Monique at tinignan siya ng nanay niya. “Oo nga nag change ka nga” sabi ng matanda. “Wait, teka I forgot something” sabi ng dalaga at tumakbo ito papunta sa kwarto niya.
Pagbalik ni Monique ay may suot na itong dark shades at siga siga itong lumapit sa nanay niya. “Hi mom, whats for dinner?” pasigang tanong ng dalaga. “Who you?” sumbat ng nanay niya at nagtawanan ang mag ina.
“Bakit ka ba nagkakaganyan Nicka?” tanong ng mommy niya. Nikakap ni Monique ang nanay niya sabay nilalambing. “Ma, pano kung siga ang maging boyfriend ko okay lang ba sa inyo ni daddy?” tanong niya at biglang tumaas ang kilay ng nanay niya.
“Kaya ka ba nagsusuot ng ganyan para pareho kayo?” tanong ng mommy niya. “Hindi, kasi di niya ako pinapansin” sabi ni Monique at nagulat ang nanay niya. “Baka hindi babae ang hanap niya” sabi ng matanda at natawa si Monique. “Ma naman, okay lang ba pag siga?” tanong ulit ng dalaga.
“Kahit ano basta mabait, pero anak bakit mo kailangan magbago para mapansin niya? E pano kung ganyan ang gusto niya ibig mo sabihin ganyan ka na lagi? Di ba mas maganda pag napansin ka niya kung sino ka talaga? Kasi alam mo anak mahirap magpanggap ng di ikaw. He must like you for who you are, and if he doesn’t then its his lose” payo ng nanay niya.
“If he doesn’t then I will try harder” banat ni Monique at tinignan siya ng masama ng nanay niya. “Joke lang ma ito naman di na mabiro” sabi ng dalaga. “Ay magbihis ka na nga at maligo ka! Bakit mo sinusuot yang bagong bili. Ipalaba mo muna yan bago mo isuot” sabi ng matanda.
Pagkatapos maligo ni Monique, sinuot niya ang malaking black shirt na nabili nila sa mall kasama ng nanay niya. Tumayo siya sa harapan ng salamin at napangiti sa sigang design na smiley sa haparan.
Binuksan niya ang pinto ng walk in closet niya at nagsimula mamili ng damit. Agad niya kinuha ang paborito niyang dress saka dinala sa may salamin.
“Sorry siga, ako to e”
(Di ko kayo matiis ahahaha o ayan 2nd chapter for the day. Join the Facebook discussions, CLICK HERE )