M.P.
by Paul Diaz
by Paul Diaz
MP FULL VERSION AKA MPEX
Chapter 20: M.P.
Tumama ang sinag ng araw sa mata ni Jp, namulat siya at huminga ng malalim. Araw ng pasko ngunit di niya nararamdaman, inakala niyang masaya siya sa araw na ito ngunit hindi. Nakita ni siga ang regalo niya sa kapatid niya sa kanyang study table kaya kinuha ito at dinala sa kwarto ng kapatid niya.
“Trish, bakit hindi mo pa ito kinuha?” tanong niya. “Kuya, nahihiya ako kasi wala akong regalo sa iyo. I wanted to get you something pero naubos pera ko e” sabi ng bunso. “Hay naku sis, kaya nga gift ito e. I gave this to you and not expecting anything in return” sabi ni Jp. “E kahit na kuya, dapat naman meron kahit papano” sabi ni Trisha.
“So ayaw mo pala tong regalo mo? Akin nalang then” sabi ni Jp sabay ngisi. “Kuyaaa gustong gusto ko yan” lambing ng bunso. “E di kunin mo na, wag ka na magdrama diyan na wala kang gift sa akin, sapat na yung tinulungan mo ako sa project ko” sabi ng siga. “Failed project” bulong ni Trisha at nagbingi bingihan nalang ang binata.
“Juan Pablo! Hahayaan mo nalang ba yung mga plants mo sa labas? Matagal mo nang di inaasikaso!” narinig nilang sigaw ng mommy nila. “Kuya ako nalang dun, yun nalang gift ko” sabi ni Trisha. “Ako nalang sis, I want to keep myself busy. I hope you understand” sabi ni Jp sabay labas ng kwarto.
Samantala sa isang bahay sa subdivision na yon ay lumabas si Monique ng bahay. “Saan ka pupunta apo?” tanong ng isang matandang babae. “Lola, maglalakad lakad lang po, matagal narin ako di namasyal dito e” sagot ng dalaga. “Bumalik ka agad apo at may nag imbita sa atin na kapitbahay para sa lunch. Lahat tayo pupunta don” sabi ng matanda. “Opo, pakisabi nalang kina mommy at daddy maglalakad lang po ako saglit” sabi ng dalaga sabay lumabas ng gate.
Ilang hakbang palang nakatanggap ng text si Monique, agad niya ito binasa at galing it okay Tim. “Good Morning, Merry Christmas” nakasaad sa mensahe. Napabuntong hininga ang dalaga sabay agad nag dial sa telepono niya.
“Hello?” sagot sa kabilang linya. “Good Morning sis, Merry Christmas!” bati ni Monique. “Uy sis Merry Christmas! Just woke up grabe late na ako natulog” sabi ni Rose. “Nagising ba kita?” tanong ni ganda. “Not really, anyway ano kumusta na? Sinagot mo na ba si Tim?” tanong ni Rose.
“Nagtext siya just now pero di ko pa sinagot” sabi ni Monique. “O bakit hindi pa? Ano inaantay mo?” tanong ni Rose. “Ewan, alam mo ba nandito ako sa bahay ng lola ko. Pero right now naglalakad lakad ako sa subdivision nila. Grabe ang dami nang bahay dito sis. Last time nandito ako bata pa ako” sabi ni Monique.
“Hindi ba malapit lang yan sa inyo?” tanong ni Rose. “Oo pero sina lolo at lola ang laging dumadalaw sa amin. Pero medyo mahina na sila kaya kami na ang dumalaw sa kanila. Pero last night doon sila sa amin” kwento ni Monique. “Sis baka naman sayang load mo, mukhang magsesenti ka pa ata diyan” biro ni Rose at nagtawanan sila. “Sira hindi ah, naka unli tawag ako ng five days, buti nga nakapasok registration ko e” sabi ni ganda.
“Uy talagang pinaghahandaan ang ahem ahem…baka naman di mo na ibaba yang phone pag kayo na ni Tim” tukso ni Rose at napabuntong hininga si Monique. “Shet!!!” bulong bigla ni ganda. “Sis bakit?” tanong ni Rose. “Demet sis, yung biyatch nandito” sabi niya.
“Ha? Yung highschool?” tanong ni Rose. “Oo sis and she is waving at me, ang kapal talaga niya. Oh wait she is coming closer…teka sis ha teka lang. Call you back” sabi ni Monique at si Trisha nakangiting lumapit sa kanya.
“Wow ikaw si Monique diba?” tanong ni Trisha. “Ah yeah, why?” tanong ni ganda. Tuwang tuwa si Trisha at halos mabitawan na niya ang netbook niya. “Ate bakit mo ako inalis sa friends list mo?” tanong ng kapatid ng siga.
“Ha? Do I know you?” sumbat ni Monique sabay taas ng kilay. “Ahmm not really pero ate halika dali dali” sabi ni Trisha at hinila ang kamay ng dalaga. “Ano ba? Wait where are you taking me?” tanong ni ganda. “Sige na ate dali matutuwa siya talaga” sabi ni Trisha.
Pumiglas si Monique at nagalit, “Teka ha, ikaw hindi kita kilala. Sino ka ba?” sabi ni Monique at galit na galit na ito. “Please ate, please. Matutuwa talaga siya pag nakita niya na dala kita, ate please” makaawa ni Trisha at naguguluhan si Monique. “Sinong siya? Bakit siya matutuwa?” tanong ni ganda. “Please ateeeh, sige na please please” sabi ni Trisha sabay lumuhod na sa kalsada.
Masakit ang dibdib ni Monique pero naawa siya sa kilala niyang karibal. Alam niya sino tinutukoy ni Trisha, kunwari galit siya ngunit nais narin niya masilayan ang sigang namimiss niya. “Fine, pero I cant stay long” sabi ni ganda at agad tumayo si Trisha sabay hinila siya. Sa likod ng bahay sila nagtungo at tama ang hinala ni Monique pagkat nakita niya si Jp nag aayos ng halaman. “Ayan ate o” bulong ni Trisha. “Yeah, your boyfriend” sagot ng dalaga. “No ate, my kuya” sabi ni Trisha at biglang nanghina si Monique at tila nayanig ang kanyang pag iisip.
“Your brother?” tanong niya at ngumiti si Trisha. Dahan dahan lumapit si bunso sa likod ng kuya niya sabay tinakpan ang kanyang mga mata. “Trisha! Cant you see I am busy” sabi ni Jp. Kuyaaaahhhh…may regalo ako sa iyoooo” lambing ng bunso. “Hay naku, sabi ko di kailangan ng kapalit diba?” sabi ni Jp. “Ready ka na?” tanong ni Trisha at sinenyasan niya si Monique lumapit, ang dalaga natatakot at nahihiya.
“Fine, sige o ano yon?” tanong ng siga. “…Merry Christmas…Jayps” sabi ni Monique at nanigas ang binata. “Imposible” bigkas niya at inalis ni Trisha ang mga kamay niya at nakita ni J psi Monique nakatayo sa tabi niya. Dahan dahan siyang tumayo, puso niyay lumukso nang makita niya ang ngiti ng magandang dilag. “Merry Christmas…Nic…Monique” bigkas niya. “Nicka” sabi ni ganda at nagngitian sila.
Hiyang hiya si Jp pagkat naka apron pa siya at gloves, “Ah sorry I was gardening” sabi niya at napatawa si Monique. “Siga ka ba talaga?” tukso ni ganda at napatawa ang binata. “Not really, eto ako Nicka. This is me” sagot ni Jp.
Masama ang loob ng dalaga, si Trisha dahan dahan lumayo para maiwan ang dalawa. “May kasalanan ako sa iyo” sabi ni Monique at niyuko niya ulo niya. “Ano yon?” tanong ni Jp. “I feel so embarrassed right now, I feel so stupid” sabi ni ganda. “Uy wag mo sasabihin yan. You are not stupid, ano ba kasi yon?” tanong ni siga.
“Two weeks ago…sa mall…I thought she was your girlfriend” bulong ni Monique. “Ah I see, kaya pala laging parinig mo ng high school” sabi ni Jp. “Sorry talaga, I realized just now how dumb of me to quickly judge you” sabi ni ganda. Inalis ni Jp ang gloves niya at niligpit ang tools. “Its okay, I understand. At least now alam mo na ang katotohanan. Malambing lang talaga kapatid ko, pero its okay. Tara sa loob meryenda tayo…don’t get mad I skipped breakfast” sabi ng siga at tumaas ang kilay ni ganda pero bigla siyang natauhan at naisip na wala na siyang karapatan magalit. Kahit sumunod siya sa binata may halong guilt parin siyang nararamdaman at di niya maintindihan bakit ganon nalang kadali siya napatawad ng siga.
Magulo ang isip ni Monique, kakaibang Jp ang nakikita niya ngayon. Mula suot at pananalita nanibago siya at di niya maitugma ang kilalang itsura ng siga sa nakikita niyang bahay. Kahit madami siyang tanong sa kanyang isipan, siya parin yung lalakeng nasa puso niya ngunit dahil sa nangyari matatanggap parin ba siya ng siga?
Pumasok ang dalawa sa loob at pinaupo ni Jp si Monique sa sofa. “Teka lang kuha ako drinks at food” sabi ng binata pero biglang tumawa si Monique at tinuro ang dingding. Di nalang pinansin ni Jp yon at dumiretso sa kusina para kumuha ng maiinom at makakain. “Eto kuya ready na” sabi ni Trisha sabay kindat. “Nagdadalaga na ulet ang anak ko, ipapakilala mo ba siya sa amin?” biro ng nanay niya.
“Mamaya konti ma, let them patch things up first” sabi ni Trisha at ngumiti si Jp sa kanya. Dinala ni siga ang pagkain sa living room kung saan nagpipigil ng tawa si Monique. Pagkaupo ni Jp ay sumabog na sa katatawa ang dalaga at sorry ng sorry.
“Hala sorry ahahaha ay ahaaha, teka ahahaha ay ahaahah” tawa ni Monique at tinuro muli ang higanteng stocking sa dingding. “Yeah, yan yung project ko” sabi ni Jp at talagang nagpigil si Monique pero di niya kaya. “Grabe ka, hanggang dito nagpapatawa ka pala sa inyo. Ang laki ng stocking mo” sabi ni Monique sabay tawa ulit.
“Grabe ka naman makahiling kay Santa, talagang tinodo mo na sa dami” sabi ni Monique. “Isa lang nga ang hiniling ko e” sabi ni Jp. “Oh? Ano naman yon?” tanong ng dalaga. “Ikaw” sabi ng siga at biglang napatahimik si Monique at nagkatitigan sila. Halong tuwa at pagsisisi ang nararamdaman ng dalaga, wala tuloy siyang masabi.
“Oo, kasya ka diyan. It was meant as a joke konti para mapatawa kita like the way you did. Tapos yung MP sana names natin. Pero di ko alam ano nangyari bigla, di ko alam talaga. Now I know why. But it was painful how we just fell apart like that. I don’t blame you, naiintindihan kita”
“Pero nung last day ng classes, I made a last effort. I left you a card sa locker mo, to explain I lost my phone and that I have a new number. Nagsorry ako sa di ko alam na kasalanan ko at sabi ko don na kung pwede mag usap tayo. Pero mukhang di mo ata nakita yung card”
“Pero I still waited, nagbabakasakali na baka itext mo ako para makausap. Dumaan ang mga araw I was losing hope, the meaning of MP started to change already” kwento ni Jp at nakayuko lang si Monique at lumuluha.
“Pero I still waited and waited…pero wala. Kaya tuluyan nang napalitan ang ibig sabihin ng mga titik sa stocking…sabi ko pasko naman kaya kung pwede sana once lang ako humuling naman…sana ibigay naman sa akin ang aking…”
“..Minimithing Pamasko…at ikaw yon”
Pinunasan ni Jp ang mga luha ni Monique pero di na napigilan ng dalaga ang mapahagulgol. “Don’t cry, please. Its not your fault. Please don’t cry” sabi ni Jp pero di na talaga mapigilan ng dalaga. “I am sorry. Sorry talaga” iyak ni ganda at lumapit si Jp sa kanya para haplusin ang likod niya.
Binaon ni Monique ang mukha niya sa dibdib ni Jp at niyakap naman siya ng binata. “Sorry talaga, ang tanga ko” sabi ni Monique. “Shhhh wag ka nang umiyak, okay lang yon” bulong ng binata. “Kahit sino naman siguro makakita sa amin ng sis ko would say baka magsyota kami. Di kasi kami magkamukha e at talagang close kami” dagdag ng siga.
“Jayps nandito naman na ako e” sabi ni ganda. “You are here, but not here. Its here where I want you to be” sabi ng binata sabay turo sa puso niya. “Yan stocking na yan, representation lang ng puso ko, oo kasya ka diyan, sukat mo talaga yan pero mas kasya ka dito sa puso ko Nicka. I really wanted you in my heart, and I wanted to be inside yours” paliwanag ng siga.
“I really got hurt when I saw you with her, labis ako nasaktan kasi gusto talaga kita. At kahit galit na ako sa iyo gusto parin kita. I thought I lost you but still ikaw hinahanap ko. Pero di sana mangyayari ito pag nagtanong nalang ako agad, di ako dapat nagreact ng ganon. I am really sorry. I still like you…just like you I crossed my fingers and waited, I wished na sana magparamdam ka bago pasko at papatawarin kita at okay na ulit tayo”
“I really really like you still, if you could just forgive me. If we could just forget what happened. Can we please start again? I know we ruined this Christmas…pero its still Christmas…Jayps can we start a clean slate…please” makaawa ni Monique at napaluha narin ang siga at napayakap sa kanya ng mahigpit.
Sa may kusina nagmamasid ang mag ina, “Ano ba binabalak ng kuya mo? Bigyan kami agad ng apo?” bulong ng nanay nila at napabungisngis si Trisha. “Ma, bati na sila. Okay na sila. Binigay na ni Santa ang hiling ni kuya, yan si ate Monique” sabi ng bunso at binulaga niya ang dalawa sa salas.
“Uy bati na sila” tukso ni Trisha at biglang naghiwalay ang dalawa sabay punas sa mga mata. “Monique, this is my sister, Trisha” sabi ni Jp. “Uy, holding hands na, kayo na ba?” tukso pa ni Trisha at nagkatinginan si ganda at siga pero di parin sila nagbitaw ng kamay. Tumayo si Monique at lumapit sa stocking, “May camera kayo?” tanong niya.
“Teka ate kunin ko” sabi ni Trisha sabay takbo. “Bakit?” tanong ni Jp at kinuha ni Monique ang stocking at bigla siya pumasok sa loob. “If this is the representation of you heart, then I want in” sabi ng dalaga at nangngitian sila.
“O Kuya game hawakan mo dulo ng stocking, tingin kayo dito!” sabi ni Trisha at kinunan ang dalawa ng letrato. “Teka isa pa, pero ikaw naman sa loob” sabi ni Monique. “Ha? Bakit pa?” tanong ni Jp. “From now on, di mo lang puso to, puso ko narin, kaya dali pasok ka na” utos ni Monique at pumasok si Jp sa loob at si ganda naman ang humawak ng dulo.
“Ready?” tanong ng bunso at pinigilan siya ni Monique. “Teka may kulang e” sabi niya sabay naglakad papunta sa bag niya at may nilabas na maliit na regalo. “Matagal ko na binili to, I wished I could see you again so I could give it to you” sabi ng dalaga at pinunit na niya ang wrapper. Isang bagong shades ang laman at sinuot ito kay Jp, “O ayan that’s better” sabi niya.
Nakunan ni Trisha ang litrato nila pero humirit pa si Monique, “Isa pa Trisha ha” sabi niya. Yumakap si ganda kay siga at nagpose sila, nang iclick na sana ni Trisha ang camera ay biglang humalik si ganda sa pisngi ng siga. “Nice!!! Ipopost ko to sa Facebook!” sabi ni Trisha na talagang kinikilig. “Tag mo ako!” sabi ni Monique. “Ate! Inalis mo nga ako diba?” sabi ng bunso. “Akin na netbook mo upload natin tapos add kita” sabi ni Monique sa kanya.
Pinakilala ni Jp si Monique sa kanyang mga magulang, ilang sandali pa ay may nagdoorbell. “Baka ito na sila” sabi ng nanay ni Jp. Pagbukas ng pinto nagulat si Monique pagkat nakita niya ang lolo at lola niya kasama ang kanyang mga magulang.
“O nandito pala yung apo naming si Nicka” sabi ng lola. “Ay opo magkakilala ata sila ni Pablo” sabi ng tatay ni Jp. “They call you Pablo?” bulong ni Monique sabay bungisngis. “Yeah makaluma kasi grandparents ko” sabi ng siga sabay simangot. “Please don’t tell me magkamag anak tayo” bulong ni Monique at natawa si Jp. “Lola at lolo mo pala sila? Don’t worry neighbors lang namin sila. Clients ata sila ng dad ko, I do the garden of your lola” sabi ni Jp at napangiti si Monique. “Tara sa labas, madaldal mommy ko. Nakakahiya tara dali” bulong ni Monique.
Sa hardin naglakad ang dalawa at biglang natawa si Monique. “I cant believe nag gardening ka” sabi ng dalaga. “Hobby lang pag bored” sabi ni Jp at humarap si Monique sa kanya. “So this is the real you? Face is the same pero nakakapanibago suot mo at pananalita mo” tanong ng dalaga. “Yeah, sorry sa pagpapanggap, explain ko sana pero long story” sagot ng binata.
“I don’t care ano totoong anyo mo, kilala ko naman sino yung nandito” sabi ni Monique sabay turo sa puso ng binata. “At gusto ko siya” dagdag niya at pareho sila napangiti. “At gusto ko din yung nandito” bawi ng siga pero ituturo sana ang dibdib ng dalaga pero bigla siya kumabig, “Basta diyan” sabi niya at nagtawanan sila.
Hinawakan ni Monique ang kamay ni Jp at naglakad sila paikot ng hardin. Pagdating sa may dulo ay nakatanggap ng text ang dalaga. Agad niya binasa at nagbago bigla ang itsura niya. “Who is it?” tanong ni Jp. “Si Tim…” sabi ni Monique at napansin niyang nagbago din ang mood ng siga.
“Jayps, what we had was a misunderstanding right?” tanong ng dalaga. “Oo naman, sige lang itext mo lang siya” sabi ni Jp. “May aaminin ako sa iyo, please understand” sabi ng dalaga at hinawakan niya kamay ni Jp at naglakad sila pabalik ng hardin. “I was mad at you, oo alam ko di dapat pero sabi mo you understand diba? I was mad at you and for one whole week me and Tim dated. He has been courting me for two years. Di sana nangyari ito kung di ako tanga” kwento ni Monique.
“Alam mo kahit nasa date kami ikaw parin iniisip ko. Dala dala ko nga gift mo wishing makikita kita by chance. He has been waiting for two years and I have been stalling. He seems to be perfect, parang walang mali. Sinasabi na nga nila sagutin ko na pero alam mo kahit minsan parang gusto ko there is something inside me that says hindi pa”
“He kept waiting and so did I. Then you came along and my heart told me ikaw talaga. Then my katangahan kicked in, at nangyari na yung nangyari. Sumama lang ako sa kanya to take my mind away from you pero alam mo while I was with him lalo kita namiss. He was not you, ayoko sana mag compare pero iba pakiramdam ko pag kasama kita, masaya ako pag kasama kita. Hinahanap ko yon sa kanya pero I realized he was not you. I waited for you talaga. Yesterday he asked me, alam mo na. I told him bukas bibigyan kita ng sagot. Kasi inaantay pa kita”
“Kagabi nag antay ako, sabi ko baka sosorpresahin mo ako pero wala. Rose called me ng umaga na and I told her sasagutin ko na si Tim” kwento ni Monique at pumikit si Jp at huminga ng malalim. “Sige na sagutin mo na” sabi ng siga at tumingin sa malayo. Agad nagtext si Monique at pagkatapos kinalbit si Jp. “Basahin mo” sabi niya.
“Wag na” sabi ng siga. “Basahin mo please” hiling ng dalaga kaya napabuntong hininga si Jp at napatingin sa cellphone ng dalaga.
“I am sorry. You were right. I am in love with Jayps” bigkas ng binata at dahan dahan napapangiti. Pinindot na ni Monique ang send sabay tinago ang phone niya. “Mahal mo ako? E pano yan mahal din kita” sabi ni Jp at todo ang ngiti niya.
“Mahal mo ako?” tanong ni Monique. “Oo at kailangan ko patunayan sa iyo muna yon” paliwanag ng binata. “So how are you going to prove it?” tanong ni Monique. “Liligawan kita” sabi ni Jp at nagulat si ganda. “Bakit pa?” tanong niya.
“Madami kang manliligaw, gusto ko mapatunayan na I deserve to chosen, that I am the one who should be in your heart. I want to prove to you na di ka nagkamali sa pagpili sa akin over Tim and the rest”
“Ang isang taong nabigyan ng diyamante matutuwa ito pansamantala pero sa kalaunan ay ibebenta niya din lang ito. Ang taong nagpakahirap magbungkal ng lupa at nakatagpo ng diyamante, matutuwa ito ngunit di niya magagawang ibenta yon. Itong diyamanteng pinaghirapan makuha mariin niyang iingatan at itatago. Tulad mo, isa kang diyamante, kailangan ko paghirapan makamtan ka upang habang buhay kitang iingatan” bigkas ni Jp.
Kinilig si Monique at humarap sa binata, nilagay niya mga kamay niya sa balikat ng siga sabay lalo pa siyang lumapit. “Siga” bulong ni Monique. “Ganda” bawi ni Jp at nagngitian sila. “Liligawan mo talaga ako?” lambing ng dalaga. “Oo, di na ako magpapakatorpe” sagot ng siga. “E di saka narin yung kiss mo” sabi ni Monique sabay ngiti. “Oo kaya ko mag antay, I am sure its going to be sweeter” sabi ni Jp.
“You can wait?” bulong ni Monique. “Yes I can” mariing sinabi ng siga. “Well I cant” sabi ni ganda at hinila niya ang siga at hinalikan sa labi. Nagyakapan ang dalawa at mga labi nila nagtagpo. Ilang segundo ang lumipas ay nagbitaw ang mga labi nila at tanging natira sa kanila mukha ay mga ngiting napakatamis.
“Siga tara na sa loob gutom na ako” lambing ni ganda. Hinawakan ni Jp ang kamay ni Monique at naglakad na sila pabalik. “Liligawan mo ako?” ulit ni ganda. “Yup” sabi ng siga. “E bakit mo hinahawakan kamay ko e di pa tayo?” banat ni Monique kaya bumitaw agad si Jp at natawa ang dalaga. Hinawakan ni Monique ang kamay ng siga sabay ngumiti, “Ito naman di na mabiro o” sabi niya at napakamot ang siga.
“Okay lang ba talaga to kahit di pa tayo?” tanong ni Jp. “Ayaw mo?” sagot ni ganda. “Ahihihihihi gusto” sabi ni Jp at nagtawanan sila. “E kung di pa tayo e ano tayo?” hirit ng binata. “Semi tayo na” biro ng dalaga. “Ahihihihihi e di may semi benefits?” banat ng siga at napahalakhak ang dalaga.
“Are we going to tell them?” tanong ng siga. “Nope, not yet” sabi ni Monique. “So sa pasukan e dedmahan tayo?” tanong ni Jp. “Pag nakatingin sila, pag hindi…” landi ni Monique at natawa ang siga. “Yes yes I feel ya. Baka sirain pa nila diskarte ko e” sabi ni Jp.
“Liligawan mo ako talaga?” tanong ni ganda. “Oo nga” sagot ng siga. “Sige nga pano naman?” tanong ni Monique.
“Watch and be amazed”