M.P.
by Paul Diaz
by Paul Diaz
Chapter 11: Mambabarang
Lunes ng umaga nakasandal sa puno si Jp at sinugod siya ng mga kaibigan niya. “Dali kwento na” sabi ni Leo nang naupo sa tabi niya. “Tell us all about it” dagdag ni Jenna. Relax na relax ang siga at humikab pa, “Tell you what? What are you talking about?” sagot ni Jp.
“Sus we saw you with Monique here last Saturday, dali na kwento na kasi” pilit ni Jenna. “Ayun nakita niyo naman pala e. Ano pang pwede ko sabihin? Oo magkasama kami” sabi ni Jp sabay ngumisi. “Ano pinag usapan niyo? Sige na kasi magkwento ka naman” kulit ng dalaga.
“Hay naku, di ako showbiz e. We hanged out here for a while then we went to have lunch. That’s it” mayabang na sabi ni Jp at muli siyang ngumisi. “Wow lunch, pare ikaw pa ba yan?” banat ni Leo at nagtawanan sila.
Tumayo ang siga at nag inat, “Mister Tree look at them, at first they doubted me. I proved them wrong and still they ask so many questions. Why mister tree, why?” drama ni Jp sabay tumawa mag isa. “Uy si Monique o” biro ni Oliver at si Jp palingon lingon naman sa campus tila hinahanap ang dalaga.
“Where? Where art thou my love?” bigkas niya at lalong nagtawanan ang mga kaibigan niya. “Hanep! Nagbago na siya o. Naks! Pero kaya mo bang sabihin yan pag nandito talaga siya?” sabi ni Jenna. “Oh are you daring me again? Di pa ba kayo natuto? What shall it take for you to have faith in me?” drama ng siga at aliw na aliw ang mga kaibigan niya.
“Oh shoot!!! May quiz pala kami today!!!” sigaw ng siga at gulat na gulat ang mga kaibigan niya. “Naniniwala na ako sa kapangyarihan ng pag ibig” sabi ni Leo na parang nasaniban. “Ako din, akalain mo first time ko narinig na concerned ka sa studies mo” dagdag ni Jenna. Nilagay ni siga ang mga kamay niya sa baywang niya sabay naglakad lakad na parang aburido.
“This is bad, tsk! Yesterday at NSTP I kept thinking of her. Deep inside I knew I was missing something. Yes! I miss her but there was something more! And last night I kept thinking about her but I knew I was missing something. Oh boy this is bad. Mister Tree what shall I do?” bigkas ng siga sabay humarap sa puno. Mga kaibigan niya halos magpagulong gulong na sa damuhan at tawa ng tawa.
“Hi Jayps!” biglang may bumati, nanigas bigla ang siga at yumakap sa puno. Mga kaibigan ng siga nanahimik at tinitignan ang dalawa. “Hi din” sabi ni Jp at kinaway niya kamay niya habang nakayakap pa sa puno. “Why are you hugging the tree?” tanong ni Monique. Humarap si Jp sa dalaga sabay nagkamot ng ulo, “Ah kasi I love the environment. I am just showing it some love” palusot niya
“Alam mo madaming puno sa bahay namin, magugustuhan mo don for sure” sabi ni ganda. “Ikaw puno ka din ba? Este you live in the forest?” sabi ni Jp at mga kaibigan niya nagpipigil sa tawa pero si Monique nagtakip ng bibig at bumungisngis. “Di naman, madami lang puno don sa amin. Sige late na ako see you later” sabi ni ganda sabay nginitian niya lahat ng nasa hardin.
“Bwahahaha akala ko nagbago na, torpe parin pala!” sabi ni Oliver. “Kahit na, idol parin kita!” sabi ni Leo. Si Jp nakatayo lang at sinusundan ng tingin si Monique, di na matanggal ang ngiti sa mukha niya. Tinabihan siya ni Jenna sabay niyuga. “Wag kang magulo at kumukuha pa ako ng inspirasyon para sa quiz ko!” sigaw ng siga. “Late ka na loko!” paala ni Leo. “Shut up! Konti pa, yes! I can feel the energy in my veins!” sabi ni Jp at tawa ng tawa mga kaibigan niya.
Pagkapasok ni Monique sa building nila ay tinaas ni Jp ang dalawang kamay niya. “Yes! I can do this!” sigaw niya sabay tumawa ng malakas na parang sira ulo. “See you later my friends” sabi niya sabay naglakad na pero tawa parin ng tawa mag isa. May grupo ng mga lalake na napatingin sa kanya pero agad tumigil ang siga at tinignan din sila. “May problema?!” tanong niya at ang mga lalake yumuko nalang sabay nagmadaling lumayo. “Bwahahahahaha scared!” sigaw niya sabay takbo papunta sa building niya.
Lunchbreak at katatapos kumain ng apat na magkaibigan, bumalik sila sa tambayan at biglang duman si Tin sa hardin. “Uy, ikaw nalang kasi mag attend don” sabi niya sa siga. “Ayaw ko, may klase ako” sagot ni Jp. “Half day lang tayo engineering today may meeting mga prof” sabi ni Tin. “Ows? Kahit na ayaw ko parin. Ikaw na! Period” sagot ng siga at nagsimangot si Tin sabay umalis.
“Sino naman yon? Maganda din yon ah” tanong ni Leo. “Oh she is just a girl” sagot ng siga sabay ngisi pero bigla siya siniko ni Jenna. “Wag mong sasabihin na babaero ka din” sabi ng dalaga. Binuntal ni Jp ang braso ni Oliver at napailing ang binata. “Aray pare ang sakit” sabi ni Oli. “Sorry pre, di ko pwede bawian si Jenna kasi babae kaya ikaw nalang. Di ako babaero! I told you she is just a girl, period!” sagot ng siga.
“Pare baka pwede mo ako ipakilala don” sabi ni Leo. “Ganda niya din no?” sagot ng siga at kinurot siya ng malakas ni Jenna. “Di babaero ha, di daw babaero!” gigil niyang sinabi. Muling binuntal ni J psi Oli sa braso, “Nagbibiro lang ako!” sigaw ng siga. “Wag mo naman na kasi sasaktan yan, ako ang kakawa e!” pagalit na sabi ni Oliver at nagtawanan ang mag bestfriend.
Malapit na ang ala una at naghahanda nang umalis ang tatlo, biglang dumating si Monique at Rose kaya pati ang siga kunwari nag aayos din. “Makikitambay ha” sabi ni Monique. “Sure, by the way I would like you to meet my friends and believe wala silang Mercedes Benz” biglang rap ng siga at nagtawanan sila. “Maka Andrew E ka pala pare” banat ni Leo.
“Anyway, ito pala si Jenna, and her boyfriend Oliver. This guy beside me is Leo, my bestfriend” sabi ni Jp. “My friends this is Monique and her bestfriend Rose” dagdag ng siga. “Aalis na kayo?” tanong ni Rose. “Oo kasi may klase kami, pero pag sinabi mo wag ako aalis di ako aalis” banat ni Leo at inirapan siya ng dalaga.
“Pati ikaw Jayps?” tanong ni Monique. “Ah oo e may klase ako ng one” sagot ng siga. “Diba sinabi ng magandang babae na suspended klase niyo” sabi bigla ni Jenna. “Sinabi mo ba yon?” tanong ng siga kay Monique at nagulat ang dalaga. “Hindi siya, yung dumaan kanina dito” liwanag ni Jenna. “Sabi mo kasi maganda e! Linawin mo kasi” banat ng siga at biglang namula ang mga pisngi ni Monique at napangiti.
“So you mean to say kami ni Jenna di maganda?” tanong ni Rose. “Beauty is in the eye of the beholder nga diba?” sagot ni Jp. “You will always be beautiful…” biglang kanta ng siga habang nakatingin kay Monique pero bigla niyang hinarap si Leo, “…in my eyes…you will always be beautiful in my eyes” tinuloy niya kanta niya at nagbakla baklahan ang mag bestfriend.
“Hay naku pasensya na kayo at ganyan talaga yang dalawang yan” sabi ni Jenna. “Okay nga e” sabi ni Monique. “Tara na Leo late na tayo” sabi ni Oliver kaya nagpaalam na yung tatlo at ang siga naiwan kasama si Monique at si Rose.
“Sigurado kayo gusto niyo dito? Mainit kasi dito pag ganitong oras e” sabi ni Jp. “Oo nga e, don nalang tayo sa covered courts” alok ni Rose. “Wala ka na palang klase baka uuwi ka na” sabi ni Monique. “Ah…maaga pa. Baka pag uwi ko bawiin lang allowance ko kaya tambay muna ako. Tara don” sagot ni Jp sabay nauna nang naglakad.
Sa bleachers naupo ang tatlo, si Jp medyo lumayo sa dalawa at todo sandal na parang totoong siga. Sa mga sandaling yon may practice ang varsity team, nandon si Victor at agad ito lumapit sa mga dalaga. “Eto nanaman po siya” bigkas ni Rose sabay tingin kay siga na parang walang narinig.
“Hi! Di ka ulet nanonood game namin kahapon” sabi ni Victor. “Let me guess, talo kayo” sumbat ni Rose. “Oo e, kasi naman wala di nanonood si Monique. Wala tuloy akong inspirasyon maglaro” banat ng basketbolista. “Buti naman at nakakahinga ka pa kahit wala kang inspirasyon” biglang sabi ng siga at natawa ang dalawang dalaga.
Nainis si Victor pero binalewala niya ang sinabi ng siga, “Kung sana noon pa tayo nagrecruit ng mga kapre e di sana naka gold na tayo sa Olympics” hirit ni siga at tumalikod na si Victor at bumalik sa practice. Nagpakitang gilas ang basketbolista, nag dribble dribble ng bola sabay ngiti kay ganda.
“I say we should really harvest our natural resources, look pwede naman palang gawing trained ang kapre e! Imagine pag may eleven pang ganyan, wow what a National team we would have. Go Team Kapre!!!” sigaw ng siga at todo halakhak ang lahat ng nakatambay sa covered court.
“Dati kasi mga elemento, mga nuno at ibang di nakikitang nilalang ay ginagawang spiritual advisers lang e. Pero dapat ingatan ang mga yan kasi rare species na. Nauubos na ang mga puno, nawawala ang kanilang tirahan!” dagdag ni siga at biglang nagalit si Victor. Nagdribble siya ng malakas at tumakbo papunta sa ring, lumipad si tangkad at dinakdak ang bola pero niluwa ito ng ring.
“BWahahahahaha shet niluwa!!! BWahahahaha!!!” tawa ni siga at halos lahat ng nanonood sa gym nahawa sa kanya at nagsitawa narin. Pati team mates ni Victor ay natawa kaya hiyang hiya siya. “Kahit sampung Monique pa inspirasyon mo kung ganyan ka maglaro talo talaga kayo!!! Bwahahahahaha!!!” dagdag ng siga at pikon na pikon na si Victor. Pati ang coach nila nakikitawa kaya wala na magawa si tangkad kundi lumapit kina Monique.
“Why are you friends with this a-hole?!” pagalit na tanong niya sabay turo sa siga. “May lahi kasi kaming mambabarang. Ikaw engkanto, ako mambabarang, gets mo? Panlaban niya ako sa tulad mo!” sagot ng siga at lumapit na si Victor sa kanya. “Ang yabang mo ah! Ano gusto mo patunayan?!” sigaw ng basketbolista at lahat ng atensyon napunta sa kanila.
Tumayo ang siga at bumaba ng bleachers, hinarap niya si tangkad saka tiningala. “Akala mo porke sumigaw ka na kaya mo na ako!!! Porke napahiya ka akala mo kaya mo idaan sa tangkad at sigaw para makabawi ka?!!! Sigaw ni Jp at nagpaatras ang basketbolista. “Ano?!!! Akala mo kaya mo ako idaan sa sigawan? Ha! Ha! Hoy Bangko sumagot ka!!! Alam mo bakit di ka pinaglalaro at lagi kang nasa bangko?! Kasi bagay ka don! Gawa sa kahoy kasi yon! At home na at home ka sa bangko!!! Kung ayaw mo tanggapin na kapre ka e di tanggapin mo na wala kang talent sa paglaro! Matangkad ka lang!!!” banat ng siga at sobrang halakhakan ang lahat ng tao sa paligid.
Nanggagalaiti sa galit si Victor pero hiyang hiya din siya, nagdabog nalang siya sabay nag walk out. Huminga ng malalim si Jp at tumingin kina Monique, “Sorry ha, got carried away” sabi niya pero nginitian lang siya nung dalawa. “I think we better get out of here” sabi ni Rose kaya tumayo na ang dalawang babae.
“Hoy siga!” biglang may sumigaw at kinabahan ang dalawa pagkat yung coach ng basketball team yon. Humarap si Jp sa coach pero pinasahan lang niya ng bola ang siga. Nagdribble konti si Jp sabay tinira mula sa malayo ang bola, pasok ang bola at napakalakas na sigawan at palakpakan ang naganap sa paligid.
Si Monique at Rose nagwawala sa at nagsisitalon, ang siga tinaas ang kamay niya sabay ngumisi. Ang matandang coach napangiti nalang at natawa sabay bigay ng thumb up sign sa siga. “I think we can stay here longer” sabi ni Jp kaya muli naupo sina Monique pero di parin maka get over sa nangyari.
“Alam mo dapat pala lagi kang kasama ni Monique, kailangan niya ng mambabarang” sabi ni Rose at kinurot siya ni ganda. “Bakit madami bang masasamang espiritu sa paligid?” tanong ni Jp. “Madaming madami” sagot ni Rose sabay tawa. Sumandal lang ang siga sa bleacher sabay ngumisi habang si Monique lumapit sa kaibigan niya. “Gaga ka naman dapat di mo na sinabi yon e” bulong niya. “Bakit? Tama naman ako diba?” sumbat ni Rose. “Oo pero dapat di mo na sinabi yon” ulit ni ganda.
“Pero he just proved he likes me” bulong ni Monique sabay kinilig. “Pano naman?” tanong ni Rose. “Well nakita mo naman binara niya agad si Victor, alam niya kasi threat yon” kwento ni ganda. “Malay mo naiirita din siya sa style nun, at hello remember last Saturday he said napansin niya na badtrip ka kaya maybe that is why he did that” paliwanag ni Rose. “Kahit na, I still think he did that kasi he was getting rid of competition” bulong ni Monique. “Hay naku sige na sakyan ko na pantasya mo kahit weird” sabi ni Rose.
“Gaga ikaw nga nagsabi na kailangan ko ng mambabarang e” sabi ni Monique. “Oo pero to get rid of those suitors you don’t like or that are annoying no” ani Rose. “E what if siya nalang yung suitor na gusto ko?” tanong ni ganda. “Bakit nililigawan ka ba niya? Akala ko ba just friends kayo” tukso ni Rose at nagsimangot si Monique at napatingin kay siga.
“Jayps player ka din ba ng basketball?” tanong ni Monique. “Nope” sagot ng siga. “Ows? Feeling ko magaling ka” hirit ni ganda at napatingin sa kanya si siga. “Kung ibase mo dun lang sa isang tira ang skills ko then mali ka. Tsamba lang yon no. Marunong ako, siyempre lalake e pero di ako player. Parang sa buhay din, porke nakagawa na ang isang tao ng magandang bagay sa iyo feeling mo na okay na siya? Hindi diba? Wag mong sabihin magaling ang isang tao base sa isang napakaganda o kabilib bilib na nagawa niya. Sabihin mo magaling siya pag lagi siya nakakagawa ng ganon at di niya pinapaalam sa iba. Yun ang magaling, wala lang gusto ko lang magpaliwanag” sabi ng siga sabay ngumisi.
“Wow deep” bulong ni Rose pero si Monique napahanga ng siga at biglang niyakap ang kaibigan niya at pinanggigilan. “Nicka!!! Tumigil ka nga!” sigaw ni Rose. “Ayeeee shet I reaaalllly like him as in. Grabe may substance siya grabe talaga” bulong ni Monique at kinikilig. “Gaga obvious ka na tumigil ka nga” sabi ni Rose kaya si Monique muling napatingin sa siga.
Sumapit ang alas tres at umalis si Rose para makipagkita sa boyfriend niya. Naglakad na palabas ng campus ang dalawa at nag antay ng jeep. May kotseng tumigil sa tapat nila at agad bumaba ang bintana, “Hi Monique, tara hatid na kita” sabi ng driver. Si Jp pasimpleng dumistansya kay Monique sabay nilihis ang tingin.
“Hindi na, may maghahatid sa akin” sabi ng dalaga kaya napatingin ang siga. “Sino naman?” tanong ng driver at biglang tinuro ni Monique si Jp. “Siya” sabi niya. Gulat na gulat si Jp pero nakita niya ang mukha ni Monique na sumesenyas. “That guy Monique?” tanong ng driver at biglang lumapit si Jp kay ganda. “Oo pare may problema?” tanong ng siga. Di na sumagot ang driver at binarurot nalang paalis ang kotse niya.
“Sino ba yon?” tanong ni Jp. “Isang masamang espiritu” sagot ni Monique sabay tawa. Pinara ng dalaga ang isang jeep at agad siya sumakay. Napalingon si ganda at nakita na papasok din ang siga. “Ah its okay, I just said that to get rid of him” sabi ni Monique. “Baka may ibang masamang espiritu sa daan” sagot ni Jp at napangiti ang dalaga. Pumasok narin si Jp sa jeep pero tanging bakanteng lugar ay sa tabi ni ganda. “Dali na upo na” sabi ni Monique kaya agad siya naupo pero muling inatake ng hiya at katorpehan.
Nakita ni Jp na kumukuha ng pera si Monique sa bag niya, “Shoelace mo” sabi ni siga at napatingin si ganda sa paanan niya. Natawa si Monique pagkat nakita niya di siya naka rubbershoes at wala siyang shoelace, “Loko ka naman” sabi niya. “Bayad pakiabot” sabi ni siga sabay ngisi sa dalaga. Napangiti si Monique at muling napabilib sa siga.
Tahimik lang ang dalawa sa jeep, pareho silang di makagalaw. “Nicka” biglang bulong ng siga kaya napatingin sa kanya si Monique. “Bakit?” tanong niya. “Wala, nice name” sagot ni Jp. “Ah nickname ko, tawag sa akin ng close friends ko” paliwanag ni ganda. “Ah okay, Monique then” sabi ni Jp. “You can call me Nicka if you want” sabi ni ganda pero si Jp di kumibo.
Ilang minute lang biglang pumara si ganda at si siga palabas sana ng jeep. “Uy wag na, dito na ako and I can manage” sabi ni Monique. “Ah okay” sagot ng siga at nakababa na si ganda. “Sige ingat” sabi ni Jp at ngumiti nalang si ganda. Pagkalayo ng jeep ay biglang nagsimangot si Monique,
“Bwisit ka, dapat bumaba ka e…hay”
Sa Jeep, dalawang minuto lumipas ay bumaba narin si Jp. Nilingon niya ang daan pabalik at nalaman na malapit lang pala ang bahay nina Monique sa kanila. Masayang naglakad ang siga pauwi at sa daan lagi binibigkas ang pangalan ni ganda.
“Nicka”
( Join our Facebook discussions , http://www.facebook.com/pages/A-Journey-Towards-Nowhere/204029593859 )