sk6

Tuesday, December 22, 2009

M.P. Chapter 16: Change

M.P.

by Paul Diaz


Chapter 16: Change

Pumasok na ang Disyembre at malungkot si Monique. “Sis tapos na ang November 1, bakit parang nagluluksa ka pa?” biro ni Rose. “I miss him…di na natin siya nakakasama” sabi ni Monique. “E alam mo naman na sunod sunod ang competitions niya out of school diba?” sabi ni Rose.

“Oo pero araw araw ba meron? Imposible naman na araw araw. Last time nagsama is the day after the Brain Drain” sabi ni ganda. “Ah oo yung umalis siya bigla diba? Ikaw naman kasi e. Kung bakit mo pa inentertain yung iba, tuloy na out of place siya” sabi ng kaibigan niya. “E siya naman gusto ko talaga makasama e pero tsk di ko naman masabi sa iba na go away” bulong ni ganda.

“Baka wala yon, baka busy lang talaga siya. Don’t worry pag makita ko siya I will tell him. Teka tinetext mo ba siya?” tanong ni Rose. “Yeah, pero he does not reply. He does naman pero bihira” kwento ni Monique. “O ayan na si Tim, bakit ka pa kasi pumayag na sumama diyan? We could have looked for Jayps together” bulong ni Rose. “Hay…kung meron lang sana si Jayps kanina e di mabilis ko natanggihan siya. Ewan ko bahala na, kung bakit pa kasi ako kailangan isama nito e” sabi ni Monique at nagsimangot.

“Ready to go?” tanong ni Tim. “Yeah lets go” sabi ni Monique. “O parang napipilitan ka ata?” tanong ng binata. “Hindi, bad mood lang. Tara na bago magbago isip ko” sabi ni ganda kaya nagpaalam na si Tim kay Rose at umalis na sila.

Naglakad lakad si Rose sa campus at nakita niya si Jp sa may hardin mag isa. Agad niya pinuntahan ang siga sabay tinabihan sa bangko. “She misses you” sabi niya agad. “I miss her too” sagot ng siga. “Why are you avoiding her? Lagi kita nakikita dito after school di ko lang sinasabi sa kanya. I want to know why first before I tell her” tanong ni Rose.

“Alam mo ba nung Brain Drain I told her that I liked her?” sabi ng siga at nagulat si Rose. “Ows? Bakit di niya nababanggit yon?” sagot ng dalaga. “Ewan ko, I was able to tell her I like her” ulit ng binata sabay tinanggal ang shades niya at sumandal sa puno. “Do you really like her?” tanong ni Rose at huminga ng malalim ang siga. “I am in love with your friend” sagot ng siga at nagulat si Rose pagkat ngayon niya lang nakakausap ng matino si Jp.

“Wow, if you say you are then bakit mo siya iniiwasan?” tanong ni Rose at matagal napaisip si Jp at napabuntong hininga. “Kasi ayaw ko nang masaktan…natatakot ako” sabi ng siga at lalo naintriga si Rose. “What do you mean?” tanong niya.

“I will trust you and I hope you keep this a secret” sabi ni Jp at pumayag si Rose.

“The day after I told her I like her, I was ready to show her that I meant what I said. Kaya lang that day bigla ako na out of place. Doon ko narealize na madami ako karibal sa kanya. Natatakot lang ako kasi baka maulit nanaman yung nangyari sa akin e” kwento ng binata. “Bakit ano ba nangyari sa iyo?” tanong ni Rose.

“Alam mo ba di ako ganito noon. Good boy, laging nasa tama, boy scout, nerd, geek, ewan ko basta iba ako noon. I fell in love before, I used to have a girlfriend. Alam mo madami talagang masamang tao sa mundo. Mga walang respreto. Alam na nga nila na may boyfriend na ang babae pilit parin nililigawan”

“This stupid bastard pretended to be someone good and befriended my girlfriend pero noon palang ramdam ko na iba pakay niya” kwento ng siga. “Wala ka ginawa?” tanong ni Rose. “I told my girlfriend about it, she said he was just a good friend. Stupid me I believed her” sabi ng siga.

“Then we were happy for a while until naramdaman kong nag fade na…pano ka magrereact kung di mo nakikita ang nangyayari? Pano ka lalaban pag inaahas na girlfriend mo habang nakatalikod ka?”

“The next thing I knew I saw them holding hands…I saw them kiss. Then wala na siya sa akin” sabi ni Jp sabay pinikit ang mga mata. “Kinaya niya ako kasi feeling niya mabait ako. Si babae naman siguro nagsawa sa kabaitan, mas pinili ang ahas” kwento ni Jp.

“So nagbago ka at naging siga ka?” tanong ni Rose at natawa si Jp. “Accidental. I saw them hold hands ang kiss nung first day of enrollment. Alam mo we planned to go to the same college para di kami magkakahiwalay…potek enrollment palang hiwalay na” sabi ni Jp at muling natawa.

“E bakit ka natatawa?” tanong ni Rose. “Kunwari tumatawa pari di ako maiyak. Ganyan ang style, pag nararamdaman mong naiiyak ka na pilitin mo tumawa, kahit pekeng tawa lang titigil ang iyak” paliwanag ni Jp.

“O pano yung sinasabi mong accidental?” tanong ni Rose para maiba agad ang usapan pagkat pati siya naiiyak na. “Alam mo wala ako ginawang mali sa kanya. Maybe I was not just good enough. Alam mo tanggap ko naman na nasulot siya e, maybe he was better than me. On the spot kahit masakit talaga nirespeto ko parin siya. The mere fact na she was holding his hand and the fact that she accepted his kiss was enough sana for me to back off and leave her happy”

“Pero that guy, he even had the guts to smile at me. Parang minaliit niya ako ng todo at that moment. At that moment makita ko ngiti niya di ko alam ano nangyari sa akin. Never ako pala away, kung may away lalayo ako. Hindi ako marunong makipagsuntukan pero that time hindi ko alam ano nangyari”

“SInugod ko siya at sinutok sa mukha. Natumba siya at pumatong ako at pinagsusuntok ko mukha niya. Di ko maalis sa isipan ko yung ngiti niya at pilit ko yon binubura. Suntok ako ng suntok…I stopped and saw him bloody pero naalala ko ulit ngiti niya kaya tinuloy ko pa”

“Kung hindi pa ako pinigilan ni Oliver di ko alam ano na nangyari” kwento ng siga. “Nilayo ako ni Oliver at Jenna, by the way di pa kami magkakilala that time. Ang daming nakatingin sa akin non, natauhan ako at check ko sana kumusta siya pero something changed me”

“I saw fear sa mga mata ng mga nakapaligid. Pati ex ko she looked at me differently. Oh wow is that my boyfriend…gosh I thought he is so lampa and weak but he also can brutalize…oooh” patawa ng siga at natawa si Rose ng todo. “Ito naman okay na nga drama e nagpatawa pa” sabi ng dalaga at dalawa sila nagtawanan.

“Hehe at that moment talaga parang she wanted to come back to me, nakikita ko sa mata niya pero di ako tanga no. Helloooo!” hirit ng siga. “I saw fear sa mga mata nila at I actually enjoyed it. For the first time in my life people looked at me differently. Alam mo ba yon? Alam mo pano kami trinatratong mga nerd or whatever you call us? Parang tingin sa amin, weak, or fragile pero that moment wow feeling ko ako si Hercules” sabi ni Jp.

“So pinanindigan ko na, as in mega punas ang blood sa pants ko sabay evil stare at sigang lakad palayo. Akalain mo naniwala sila” dagdag ni Jp sabay tawa. “Buti di ka naexpell” sabi ni Rose. “Sa labas nangyari e at maaga pa non” paliwanag ng siga.

“Pero alam mo nagtago ako and I cried. Masakit yung nangyari, yeah I did really cry coz it freaking hurt so much. Akala ko nakabawi na ako sa kanya pero di eh. Masakit parin talaga. That’s the time nagulat ako at nahanap ako nina Jenna at Oliver kasi nalaglag ko pala wallet ko and watch. Yeah they found me crying” sabi ni Jp.

“So nakwento ko sa kanila ang totoong nangyari. Up to this day they kept my secret well” sabi ng siga. “Pero nagulat naman sila dun sa Brain Drain” sabi ni Rose. “Ah yeah I never told them na ganon ako. Akala nila weak lang ako” sagot ni Jp.

“So if it was just acting that day, bakit up to now siga ka?” tanong ng dalaga. “I wanted to change. I wanted people to treat me differently. I wanted to be left alone kasi I was hurting. Ewan ko ganun ata pag heart broken ka feeling mo gusto mo mapag isa. Tapos sabi ko wala na ako tiwala sa love love na yan. At okay tong ganito na siga to repel the girls ahahah feeling ko naman no” paliwanag ng siga.

“Then came Monique. Bwisit yan, masisira image ko sa kanya. Well said to myself crush ko lang siya and that’s it. Pero ewan ko, first sem lagi ko siya nakikita. Then I had a friend sa Student Affair’s office and I got her details like birthday, full name ganon hahaha. Lagi nga ako don kaya akala ng iba lagi ako natatawag sa office dahil may nagawa akong bad. Pero in fairness nakatulong sa pag build up ng image ko bilang siga” kwento ni Jp at sobrang natawa si Rose.

“Then after a while natauhan ako, I said she will never like me kasi ganito ako. Nagalit ako sa sarili ko talaga. Kung sana di ako nagpanggap na siga…pero di ko din siya kaya makilala kasi torpe ako…oo aminado kaya sige wag mo na itago yang tawa mo” sabi ni Jp at talagang sumabog sa katatawa si Rose.

“But…nung naglakas loob ako…wow she accepted me as a friend kahit ganito ako…doon ko nalaman mabait siya” dagdag ng siga. “Hay naku kung alam mo lang sana” sabi ni Rose. “Kung alam na ano?” tanong ni Jp. “Wala nevermind, anyway bakit mo nasabi na natatakot ka? Are you judging her nag anon siya tulad ng ex mo?” tanong ni Rose.

“No I am not judging her. Pero ang dami masyadong nakapaligid sa kanya” sabi ni Jp. “So ganon nalang susuko ka?” tanong ni Rose. “May takot lang ako na baka maulit yung nangyari sa akin. Sorry if I feel this way pero ayaw ko na maramdaman yon” paliwanag ng siga.

“Stupid ka, if you are afraid then don’t let it happen. So what if madaming nakapaligid sa kanya? If she chose you…teka di ko sinasabi na sasagutin ka niya at di ko din sinasabi na hindi…if she chose you then prevent it from happening. You have to show her na tama ang decision niya sa pagpili sa iyo at wag mo siya bibigyan ng space for second thoughts. Akala ko siga ka, pag siga ka then fight fight fight” sermon ni Rose.

“E di nga ako siga diba?” sabi ni Jp. “So susuko ka na ganon ba weakling? Ha ano weakling?” tukso ng dalaga at natawa si Jp. “Di ako weakling!” sigaw ng siga. “Then prove it! Nasabi mo na palang you like her tapos aatras ka, tama ka show that you meant what you said. Ang arte mo bwisit ka! Monique misses you” sabi ni Rose.

“I miss her too, san nga pala siya?” tanong ni Jp. “Kasama si Tim, nag attend ng kasal” sagot ng dalaga at napasimangot ang siga. “Sumama siyang pilit okay? If you were around e di hindi na siya sumama don. Kaya wag kang magdradrama at kasalanan mo yan” sabi ni Rose at natawa si Jp. “Opo master, sorry po” sagot ng siga.

“Teka may gusto ako itanong” sabi ni Jp. “Ano yon?” tanong ni Rose. “Nung umpisa, napansin ko di ka boto sa akin. What made you change? Bakit parang ang bait mo na sa akin?” tanong ng siga. “Kasi…ah wala naman kasi okay ka naman e” sabi ni Rose.

“Hmmm baka may alam kang di ko nalalaman. Want to share?” sabi ni Jp sabay ngisi. “Ano pinagsasabi mo?” tanong ni Rose. “Wala naman, baka may nasasabi lang si Monique about me ganon” hirit ng siga. “Wala siya binabanggit no” sagot ni Rose at nangulit ang siga. “Tayo lang naman e, secret natin” sabi ni Jp. “Wala no as in wala at kung meron man I wont tell you” sabi ng dalaga.

“Nagbibiro lang ako. Its getting late, nasan boyfriend mo?” tanong ni Jp. “Ewan ko, susulpot lang yon pag may kailangan siya” sabi ng dalaga. “Since you helped me out, gusto mo baguhin ko siya?” alok ng siga at napangiti si Rose. “Hindi na, pero alam mo matagal ko nang gusto hiwalayan yon. Everytime I do nagmamakaawa at lagi ako nauuto” kwento ni Rose. “Nadadaan ka sa drama? Normal sa ating mga tao yan, we always have a soft spot lalo na pity” sabi ni Jp.

“Magbabalikan kami tapos away ulit. Then pag napuno ako sasabihin ko break na kami then magmamakaawa siya. Routine na e parang cycle lang. I gave him all the chances to change pero still he does not” kwento ni Rose. “O ganun naman pala e, what is stopping you from leaving him? Nadadale ka sa pity e. Kung sawa ka na talaga and you gave him all the chances then leave him. Be firm with your decision, magmatigas ka. Alam mo na ngang he will resort to makaawa tapos nagpapauto ka naman” sermon naman ng siga.

“Tama ka! Pero nakakaawa siya e” sabi ni Rose. “Siya ba o ikaw? Nakakaawa siya pag nagmamakaawa pero most of the time ikaw naman ang kawawa diba? Sabi mo weak ako, ikaw naman martyr. Nice to meet you miss martyr” sabi ng siga at natawa si Rose.

“Tama! Dapat magmatigas na ako!” sabi ni Rose. “Correct! We must accept change. Both of us will change!” sabi ni Jp at napatingin ang dalaga sa kanya. “Ano nanamang change mo?” tanong niya.

Biglang natawa si Jp at napakamot, “E liligawan ko na si Monique!” sabi niya. “E anong change don?” tanong ni Rose. “Di ako marunong manligaw, first time ko manligaw if ever” sabi ng siga at nagduda ang dalaga.

“Sabi mo may ex ka” sabi ni Rose at natawa si Jp. “We were classmates since elementary. Naging super close kami then nung high school it just happened naging kami na” kwento ng binata at natawa si Rose. “Naku delikado ka, si Monique since twelve years old nililigawan na yan”

“That is a big challenge you are facing” dagdag ni Rose. “Oo alam ko, una problema di ako marunong manligaw. Second, kailangan ko mag stand out and prove myself worthy” sabi ni Jp sabay ngisi.

“Parang may plano ka ata” sabi ni Rose. “Huh! I will do it my way! Wala ako tiwala diyan sa mga style nila. Papasagutin ko siya in my own way and I will make sure na kakaiba” pasikat ni Jp. “Pano naman?” tanong ni Rose at natawa ang siga. “Ewan ko pa, pano ka pala niligawan ng boyfriend mo?” tanong ni Jp at si Rose naman ang natawa.

“The usual way, sabi mo kakaiba gagawin mo so sige nga. Aasahan ko yan ha” sabi ni Rose. “Since twelve years old…di man ako marunong pero sige…sisiguraduhin ko na kakaiba at talagang mag stand out ako”

“Mark my words!”

( Uy excited sila ahahaha...wag masyado...paging Sarry 1-800-TISSUE. Sali kayo sa diskusyon sa Facebook, PINDOT DITO )