M.P.
by Paul Diaz
by Paul Diaz
Chapter 14: Concern
Biyernes ng umaga sa main gate nahatid si Monique, pagkalabas niya ng kotse sinalubong siya ni Tim at Rose. “Hoy parang di ka masayang nakita kami” sabi ni Rose. “Ha? Ay di naman. Ah eh we had an argument with my kuya” palusot ng dalaga at agad niya nilabas ang phone niya. “Long time no see” sabi ni Tim at tinignan lang siya ni Monique at nginitian sabay nagtext.
“Bukas na yung screening niyo sa pageant” sabi ni Rose habang naglalakad sila. “Weh bahala sila ayaw ko nga” sabi ni Monique. “What pageant?” tanong ni Tim. “Dito sa school, tapos kung sino winner ilalaban sa ibang school” sabi ni Rose. “Che! Ayaw ko sumali, ayaw ko magsuot ng two piece. No way!” sumbat ni ganda.
“I think you should join” sabi ni Tim pero biglang tumawa si Monique at pinagpapalo si Rose. “Hala to parang baliw, ano naman tinatawanan mo?” tanong niya. “Ang loko nito e, kagabi pa to nagpapatawa. Di nauubusan” sabi ni ganda sabay pinabasa niya sa kaibigan niya. “I think you should join” ulit ni Tim at napatingin sa kanya si Monique.
“Why?” tanong ng dalaga. “Hmmm sure win ka e. You have what it takes naman” sagot ng binata pero biglang sumabog sa katatawa si Rose. “Forward mo nga sa akin sis, okay yan ha” sabi ng dalaga. “Okay sige, pero siya may gawa ng mga joke na to” pasikat ni Monique. “Sino ba yan?” tanong ni Tim. “Si Jayps” sagot ng dalaga. “Wow, katext mo narin pala. Sige una na ako, see you tomorrow sa screening I will be cheering for you” sabi ng binata.
May mga lalakeng lumapit sa dalawang dalaga at pinapalakpakan si ganda. “Bukas ha” sabi nila at nainis si Monique. Di pa sila nakakalayo ay lumapit ang mga student council members, “Hi, its tomorrow don’t forget okay? Three ng hapon” sabi ng isang lalake.
“Sorry ayaw ko talaga” sabi ni Monique. “Wag naman, sige na kasi napaka rare tong chance ng school. Its really rare to find beauty and brains combined” hirit ng lalake. “I really don’t want to” sabi ng dalaga. “Sige na just attend the screening, di pa naman sure na ikaw mapipili e. Parang option ka lang diba?” dagdag ng lalake sabay umalis.
“Bwisit talaga! Bahala sila” sabi ni Monique at nakasalubong nila si Tin. “Hi, remind ko lang may meeting tayo ng lunch time sa conference hall. Ay wala ka last meeting so dapat humanap ka ng team mates mo” sabi ni Tin. “Ha? Team mates? Para saan?” tanong ni Monique.
“Kasi we will be having a Brain Drain competition, one team composed of five members. Dapat different courses lahat. Sayang ka if you were there last meeting sana nakabuo ka agad” paliwanag ni Tin. “Uy maganda yan, different topics siguro under the sun na quiz bee yan” sabi ni ganda. “Yup ganun na nga, dali hanap ka ng team mo” sabi ni Tin.
“Di ba pwede kapwa honor society? Ikaw may team ka na?” tanong ni Monique. “Pwede pero maximum of two only. Sayang sana nandon ka last time at nag team tayo, may team na ako e. Pero alam mo walang nag team up na iba, grabe ang pride ng iba don” kwento ni Tin at natawa sila. “
“Oo sige mamaya aattend ako hahanap na ako team ko” masayang sabi ni Monique. “Galingan mo mamili ha, kasi may top seedings based on averages. Yung isang fourth year ang top seed so far, grabe taas average nila” sabi ni Tin. “Ha? Bakit pa may ganon?” tanong ni Monique. “Ewan ko kay dean, sabi niya no bearing naman daw talaga ang ganon kasi we really cant base it on average pero para lang daw mas interesting ang contest at may pressure” paliwanag ni Tin.
“E yung team niyo anong seed?” tanong ni Monique at ngumisi si Tin, “Second” sagot niya. “Wow! Grabe, sige hanap din ako ng team ko” sagot ni ganda. Nakaalis na Tin at nagparamdam na si Rose. “Buti nalang one per course, kasi ayaw ko madiscover” biro niya. “Sira okay naman din e, hmmm gusto ko talaga sumali pero di ko alam sino mga isasama ko” sabi ni Monique. “E di sina Jayps and friends. O magkakaiba course diba?” payo ni Rose at nanliwanag ang mukha ni ganda.
Tanghali sa may garden ay lakad ng lakad si Monique pagkat wala pa si Jp. “Nasan na yon? Malapit na magstart yung meeting” sabi niya sabay tingin sa relo. “Pero okay lang kayo na sasali diba?” tanong ni ganda kina Jenna. “Oo naman, game kami no” sagot ni Jenna. “Nasan na ba kasi yon? Wala naman binanggit na may happenings” sabi ni Leo.
“E di itext mo! Sa sobrang excite mo di ka na makaisip ng matino” sabi ni Rose. “Ay oo nga, hay ang tanga ko” sabi ni Monique sabay nilabas ang phone niya. Nagulat si Leo at Jenna at nagkatinginan sila. “Si Jayps may phone?” tanong ni Jenna. “Ha? Ang alam ko nakikitext lang siya kay Trisha e” sagot ni Leo. “Oo baka ganun nga, hala e di pag tinext ni Monique e di si Trisha sasagot…hala sabihin mo dali” sabi ni Jenna.
“O ayan papunta na daw siya” sabi ni Monique at lalong nagtaka ang iba. “Sure ka siya yung sumagot?” tanong ni Jenna. “Yup, there he is o” sagot ni ganda at nakita nila ang siga naglalakad na palapit. “Yo! Whats the commotion?” tanong ng siga. “Ang tagal tagal mo! San ka ba galing? Tara na late na tayo” sermon ni Monique at nagulat ang siga.
“Go where?” tanong ni Jp. “Basta tara na, sasali tayo sa quiz bee” sabi ni Monique at sinusundan na siya ng iba. “Kayo nalang” sabi ni Jp. “Di pwede, kailangan five members at different courses pa” sabi ni Leo. “Teka may kakilala ako don tawagin ko” sabi ng siga. Nagsimangot si Monique at bumalik sa garden at naupo. “Sige wag nalang pag di ka kasama” biglang drama niya.
Tinuro ni Leo ang siga sabay nagsimangot, si Jp napakamot at huminga ng malalim. “Tara na then” sabi niya at agad tumayo si Monique at ngumiti. “Galing ko umarte no?” tanong niya. “Pag may gusto tayo ipagawa kay Jayps remind me na ipadaan natin kay Monique” bulong ni Leo at natawa si Oliver. “Nasan si Rose?” tanong ng siga. “Naglunch, different courses nga diba?” sabi ni Monique. “Oo alam ko pero hinahanap ko lang siya” sagot ng siga. “At bakit mo siya hinahanap?” tanong ni ganda.
“Wala kasi ako maasar e” banat ng binata. “Di pa nga sila talagang under na siya no?” bulong ni Oliver. “Nagsalita ang di under” banat ni Leo at biglang sumingit si Jenna. “Ano binubulong niyo diyan?” tanong niya sabay tinuro ni Oli sina Monique at Jp sa harapan. “Kulang nalang magholding hands sila” sabi niya at pasimple silang tumawa.
Pagpasok nila sa conference hall ay madaming estudyante doon. Kung kanina maingay ang hall ay bigla ito nanahimik nang nakita nila ang siga. “Miss Dela Videz! Akala namin di ka na sasali. Come on proceed to the computer set up over there to have your members listed so your averages shall be computed. Oh ilista mo nalang sa paper names nila at bahala na si Toto” sabi ng dean.
Nagsiupuan na sila at si Monique sinumite ang papel. Bumalik si ganda sa grupo niya at napansin niyang nakasimangot si Tin sa malayo. “Grabe naman mga to, masyado ata nila sineseryoso tong competition” bulong ni Monique.
“By the way people, we changed the averaging system, pinili lang yung top two sa group but still the group of mister Galvido has the top seed” sabi ng dean at biglang nagpalit ang mga pigura sa projector screen at nag iba ang seedings.
Biglang nag ingay ang hall at napatingin lahat sa grupo ni Monique. “Why are they looking at us?” tanong ni Oliver. “Oh it seems the group of mister Galvido does not have the top seed anymore. Miss Dela Videz’ group now has the top seed. Aba mukhang maganda ang pressure sa mga fourth years. It says here on the computer that the top seed members are all first year members” sabi ng dean.
“Okay, that will be all see you on Monday. Good luck to everyone and please do invite your friends to watch” sabi ng dean at nagsimula nang magsialisan ang mga tao pero ang sasama ng tingin nila sa grupo nina Monique. “Top seed thanks to Monique” sabi Leo. “Hello average daw so dalawa” sabi ni Jenna. “And Jenna!” dagdag ng siga at nagtawanan sila.
Kinabukasan kahit wala nang pasok ay nakatambay sina Leo at Jp sa hardin. “Grabe pare ang tagal ng alas tres” sabi ni Leo. “Alas dos na bakit ano meron sa alas tres?” tanong ng siga. “Parang di mo naman alam, today ang screening ng pageant at kasama si Monique! Gosh makikita natin siyang naka two piece kasama ng ibang pretty girls pare” sabi ni Leo. “Ano sabi mo?!” tanong ni Jp at biglang napatayo.
“Oo pare madaming manonood mamaya, siguro nga puno na yung gym right now e” kwento ni Leo. “Ah okay” sabi ni Jp sabay nilabas ang phone niya. “Pare may phone ka talaga!” sabi ni Leo. “Matagal na, sige may pupuntahan ako saglit” sabi ng siga. “E bakit di mo sinasabi na meron ka? Akala ko nakikitext ka lang sa sister mo?” tanong ni Leo. “Di ka nagtatanong e. At that time oo nakitext ako kasi naubos load ko. Pag may load ako naman wala naman ako gusto sabihin sa iyo so whats the point diba? Sige” sagot ng siga sabay alis.
Sa back gate tumambay si Jp, busy siya nagtype sa phone niya.
Jayps: Punta ka school today?
Nicka: Yup, on my way. Why?
Jayps: Don’t pass through the main gate. Dami bad spirits
Nicka: LOL! Okay sa back gate ako.
Jayps: Ingat!
Nicka: Thanks
Ilang sandal pa ay may jeep na tumigil sa back gate, nakita ni Jp bumaba si Monique kaya umalis na ito sa guard house at sinalubong ang dalaga. Nakita ni Monique ang siga pero napansin niyang matamlay ang itsura. “Hey, may sakit ka?” tanong niya. “Ah walaaa….ouch” sagot ni Jp sabay napaluhod sa semento. “Uy! Napano ka? Napaaway ka ba?” tanong ni Monique at tinutulungan niya bumangon si Jp.
“Hindi…masakit tiyan ko bigla..ouch” sagot ng siga sabay kitang kita ng dalaga na may dinadamdam ito. “Sige lang kaya ko to…may lakad ka pa ata e” sabi ni Jp. “Are you okay? Masakit talaga? Tara sa clinic” alok ni ganda. “No…sige na okay lang ako. Ouch…sige na baka malate ka sa lakad mo. Tatambay nalang ako diyan sa resto saglit baka madaan sa pagkain to” sabi ni Jp.
“Samahan nalang kita” sabi ni Monique sabay umakbay sa kamay ng siga. “Uy di na, sige na go” pilit ni Jp. “Isa! Wag ka na kumontra!” sermon ni ganda at nagtungo sila sa resto. “Nagpalipas ka ng gutom ano?” tanong ni Monique. Si siga hiniga ang ulo sa lamesa at nanginginig. “Kasi nanood kami ng game sa gym” sagot niya.
“Hay naku! Wag na wag ka magpalipas ng gutom. Kakain tayo” sabi ni ganda. “Hindi” sabi ni Jp. “Eto nanaman tayo, hindi kasi gusto mo ikaw mag alok?” tanong ni Monique at napangiti konti ang siga. “Style mo, this time its my treat and I remember I owe you kasi talagang nagpatalo kang sadya last time. O wag ka na kokontra or else!” sermon ng dalaga at agad siya nag order ng pagkain.
Sila lang ang customer sa oras na yon, nakaupo na ng maayos si Jp pero matamlay parin ang itsura. “Baka pwede ka pa humabol sa lakad mo, I will be fine” sabi ni Jp. “Shut up, gutom din ako e. Kain nalang tayo” sabi niya. Dumating na ang pagkain nila at mabagal na sumusubo ang siga at may nararamdaman parin itong kirot.
“Okay ka lang?” tanong ni Monique. “Yeah, medyo nawawala na. Baka nga gutom lang” sagot ni Jp. “Hay naku kasi naman baka walang laman tiyan mo at tinutunaw na ng acid ang laman loob mo” sermon ni ganda. “Sorry, di na mauulit…salamat ha” sabi ni Jp. “Salamat saan?” tanong ni ganda. “Sa concern mo” bulong siga sabay ngiti. Di na sumagot si Monique kundi sumubo nalang at nginitian din ang siga.
Natapos sila kumain at napatingin si Monique sa relo niya. “Four na pala” bulong niya. “Yes!!!” biglang sigaw ng siga at sumigla ang pakiramdam niya. “Bakit naman?” tanong ng dalaga. “Tapos na ang screening e!” sagot ng siga sabay tawa.
Kumunot ang labi ni Monique at natakot bigla si Jp pagkat ang sama ng tingin ng dalaga sa kanya. “So nag acting ka na may sakit ka para lang di ako makapunta sa screening?” seryosong tanong ni Monique at napayuko ng ulo ang siga. “Yeah, I am really sorry” bulong niya.
“Bwisit ka, akala ko kung napano ka na. Nag acting ka lang pala” dagdag ni Monique at tahimik lang si Jp. “Tignan mo nga ako pag kinakausap kita” sabi ng dalaga at dahan dahan humarap ang siga. “You didn’t want me to join the pageant?” tanong ni Monique. “Yeah, sorry talaga” sagot ni Jp.
“Tell me why?” hirit ni ganda. “Ano ba point ng mga pageant? Para ipakita nila na may standard ang beauty? Tapos sasabihin nila beauty is in the of the beholder? Tapos beauty is skin deep? So ano talaga gusto nila ipahiwatig? Mix them all together, yes beauty is in and out, pero yung inner ang dapat important. Kung ganon ang contest sure win ka. Don’t get me wrong pero sasali ka doon, oo sa nakikita nila oh yes you really are damn pretty” sabi ng siga at napapangiti na ang dalaga.
“But yun panlabas mong kaanyuhan lang ba dapat? Tatawagin kang beautiful dahil sa outer shell mo? Alam ba nila gaano ka kabait? Yeah I made a stupid act but I learned that you have a good heart today. Alam mo Nicka you don’t have to join pageants in order to know you are beautiful. If you want ako nalang magsasabi sa iyo niyang araw araw, and when I say beautiful I mean the inside and the outside. Kaya never kitang sinabihan na maganda ka kasi pag panlabas na itsura di ko na kailangan sabihin sa iyo kasi given na yon e. Pero ngayong nakita ko panloob mong anyo pwede na kita tawaging maganda, loob at labas that is”
“at…madaming exploitations sa mga ganyan. Making you wear two piece tapos ipaparada kayo sa harapan ng mga manyakis. Tsk, di naman kayo karne e, babae kayo. Sorry pag gusto mo sumali, nagsasabi lang ako ng saloobin ko” sabi ni Jp.
“Thank you” sabi ni Monique at nagulat si Jp pagkat isang napakatamis na ngiti ang nasa mukha ng dalaga. “Everyone was forcing me to join, except you so thank you. Di ko talaga gusto sumali. Thank you for looking at me differently, salamat talaga at alam mo ba na napasaya mo ako ngayon dahil ikaw palang nagpakita ng ganyang concern sa akin” sabi ni Monique at napakamot ang siga sabay napangiti.
Bigla nalang sumabog sa katatawanan si Monique at pinagpapalo ang kamay ng siga. “Pero grabe ka nag acting ka lang para pigilan ako” sabi niya at hiyang hiya ang binata. Nakitawa narin si Jp pero biglang hinawakan ni ganda ang kamay niya, “Hoy, next time wag mo idadaan sa ganon na acting ha! Pinagnerbyos mo talaga ako e. Sa susunod sabihin mo lang sa akin diretso na ayaw mo okay?” sabi ni Monique.
“E kung di ka pala sasali e san ka dapat pupunta?” tanong ni Jp. “Ay oo tara baka nandon pa sila. Meeting ng honor society ng three. Tara dali samahan mo na ako” sabi ni Monique at agad sila umalis.
Wala na sila nadatnan sa conference hall pero nakasulat sa board ang mga sakop ng contest nila. Nagpasya ang dalawa na tumambay muna sa garden at ilang saglit lang ay dumami ang tao sa campus pagkat tapos na ang screening.
Madami ang nakapansin kay Monique at madami ang nagturo sa kanya. “Badtrip madami sigurado mangungulit” bulong ng dalaga. “Chill ka lang ako bahala” sabi ni Jp. May grupo ng lalake ang lumapit at binate si ganda. “Bakit wala ka don? Ikaw pa naman inaabangan namin e” sabi ng isa. “Kasi nandito siya” sabat ng siga. “Di ikaw kinakausap ko” sabi ng lalake. Biglang tumayo ang siga at hinarap ang lalake, hinawakan ni Monique ang braso ni Jp sabay bulong. “Wag na”
“Kung gusto mo siya kausapin kailangan mo ako daanan muna” sabi ng siga at umatras ang lalake. “That’s right children, move along quietly” dagdag ng siga at natawa si Monique. Madaming lumapit pero napaalis sila ni Jp, yung iba di na nagbalak dahil sa takot. “Grabe Nicka, para kang artista ang dami mong fans ha” biro ni Jp. “Alam mo natutuwa ako pag tinatawag mo akong Nicka” sabi ni Monique. “Ha? Bakit naman?” tanong ni Jp. “Wala lang” sagot ng dalaga sabay ngiti.
May lumapit na grupo ng student council officers at huminga ng malalim ang siga. “Ako na” sabi ni Monique sabay tayo. “Monique! Bakit di ka pumunta? Anyway screening lang yon. Namili kami ng top twenty pero okay lang isama ka parin namin” sabi ng lalake. “No thanks, and that is final. Ayaw ko so please respect my decision” sagot ng dalaga.
“Please reconsider” sabi ng lalake. “So parang basura lang yung screening? Nakapili ng top twenty tapos pwede magsingit? Pati sa student council may corruption din?” banat ni Jp. “This does not concern you so shut up” sabi ng lalake at tatayo na sana si Jp pero pinigilan siya ni Monique.
“I have made up my mind. My decision has been no, it is still no and it will never change” sabi ng dalaga. “Please Monique” hirit ng lalake. “No! N-O! And besides I already won” sabi ng dalaga. “Nanalo ka na? Saan?” tanong student council leader.
“Sa kanya”
(Uy kinilig sila!!! Ahahaha join the Facebook discussions, CLICK HERE )