sk6

Sunday, December 20, 2009

M.P. Chapter 13: Numbers

M.P.

by Paul Diaz


Chapter 13: Numbers

Isang gabi nakahiga lang si Jp sa kanyang kama at nakatulala. Pumasok si Trisha at may dalang notebook. “Kuyaaa di ko talaga magets e” lambing niya sabay naupo sa tabi ng kuya niya. “Kuya!” sigaw ng bunso at natauhan si Jp.

“Uy, ano yon?” tanong ng siga. “Hala, iniisip mo nanaman si Monique, uy” tukso ni Trisha at tumawa si Jp. “Wala, iniisip ko lang kung ano ginagawa niya right now” sabi ng binata. “Eh di itext mo kasi” sabi ng bunso at tatawa tawa lang kuya niya.

“Let me guess di mo alam number niya” sabi ng bunso at huminga ng malalim si Jp. “E wala namang rason para kunin ko number niya e” sagot ng kuya niya. “Kailangan ba ng rason? Just ask her” sabi ni Trisha. “And what? Isipin niya na may gusto ako sa kanya?” sagot ni Jp.

“Duh! As if naman hindi” sabi ng bunso at natawa ulit ang binata. “Oo I like her but right now she does not have to know that. Friends muna dapat” palusot ng siga. “O bakit bawal ba magtext ang magkaibigan? I am sure you have Leo’s number at nagtetext kayo, don’t tell me di mo siya tinetext baka isipin niya may gusto ka sa kanya” sermon ng bunso at nagtawanan sila.

“Sa totoo ang laman lang ng phone book ko ay number mo, number ni mom and dad” sabi ni Jp. “You deleted her number?” tanong ni Trisha at napansin niya ang pagbago ng mood ng kuya niya. “At siya pa pala” dagdag ng siga. “Sorry kuyaaa” lambing ng bunso sabay yakap sa kuya niya. “Its okay sis, past is past” bulong ni Jp.

“Why don’t you have your friends’ numbers? Si Leo, si ate Jenna ganon” tanong ni Trisha. “E kasi nga iba prinoproject kong image” sabi ni Jp. “Oo nga bakit nga ba kuya?” kulit ng bunso at huminga ng malalim si Jp. “Ano yung pinapaturo mo? Akin na turo ko” liko ni Jp.

Nang maintindihan na ni Trisha ang lesson niya ay sinara niya notebook niya at tumayo. “Alam mo kuya you should ask her number. Friends can text about anything naman e. Sa text you can suppress your feelings, unlike pag nag usap kayong magkaharap at mabubuking ka sa pagtitig mo palang. Sa text di ka niya nakikita kuya” payo ni Trisha at napangiti si Jp.

Kinaumagahan ay nagpahatid si Monique sa kanyang kuya. Sa back gate siya binaba at nainis ang dalaga. “Bakit dito?” tanong ng dalaga. “Sige na at may pupuntahan pa ako” sabi ng kuya niya. “Ayaw ko, ihatid mo ako don sa main gate” sabi ni Monique sabay simangot.

May jeep na tumigil sa tapat nila, nakita ni Monique si Jp na bumaba. “Dito na pala ako, thanks kuya” sabi ng dalaga sabay labas agad ng kotse. Mabagal naglalakad si Jp, si Monique malayo ang agwat pero sinusundan ang binata. Nakita niya na inabot ang siga sa guard, kinailangan pa niya magtago dahil nag usap pa at nagtawanan ang dalawa.

Nang pumasok na ang siga agad sumunod si Nicka at napansin niya na kumakain yung guard ng pandesal na bigay ng siga. Pumasok si Jp sa back entrance ng engineering building kaya maingat na sumunod si Monique.

Sa third floor tumigil ang dalaga pagkat nawala bigla si Jp. Nakita niya sa hallway na naglalakad ang siga kaya tumigil muna siya at nagtago. Sa may locker area si Jp nagtungo at habang abala siya nag aayos ng gamit ay dahan dahan siya binulaga ni Monique. “Aha! Dito pala locker mo ha” sabi niya at nagulat ang siga at naisara bigla ang pinto.

“You scared me” sabi ni Jp sabay tawa. “Bakit mo sinara? Patingin nga ano laman?” tanong ni Monique at pilit hinihila ang pinto. “Wag na, wala ka makikita sa loob” sabi ni Jp. “Sus, nakita ko bag mo kanina wag ka na mahiya” sabi ni Monique at natatawa ang siga. Sumandal si Jp sa may locker at natatawa. “Isa! Di ka aalis? Hmmm” banta ni Monique at biglang may dumaan na lalake.

“Aga aga LQ kayo” banat ng lalake. “Tanga! FQ!” sigaw ni Jp. “Oo nga FQ, friends quarrel!” dagdag ni Monique. “Bakit mo sinabing friends quarrel, wala na wala na” sabi ng siga. “E bakit? Tama naman diba?” sagot ng dalaga. “FQ as in minumura ko siya. Ganito o, hoy FQ!” banat ng siga at bigla siya tinapik sa noo ni ganda.

“Wag ka nang magmumura or mag pick fights okay?” sabi ng dalaga. “Owkaay” sagot ng siga. “O alis diyan at titignan ko laman ng locker mo. Dali!” utos ni Monique at parang maamong tuta binuksan ni Jp ang kanyang locker. Agad nagkalkal si Monique sa loob pero panay libro lang at bag ang laman. “Ano laman ng bag mo?” tanong niya pero binubuksan na ito ng dalaga.

“Notebooks and more books” sabi ni Monique sabay nagtakip ng bibig at natawa. “O bakit ka natatawa?” tanong ni Jp. Kinuha ni Monique ang bag sabay sinabit sa balikat ng siga at lalo siya natawa. “Parang di ikaw” sabi ng dalaga at napahalakhak. “Well concerned din naman ako sa studies ko no” sabi ni Jp.

“Very concerned nga e” biro ng dalaga at sabay sila natawa. “Pero sana wag mo ipagkalat, you know my image” pakiusap ng siga at lalo natawa si Monique. “Don’t worry if ever ikalat ko walang maniniwala sa akin” sagot niya. “Thanks” sabi ni Jp sabay sara sa locker niya.

Tahimik ang dalawa at nakatayo lang, si Jp di makatitig sa dalaga. “Uhm ano oras class mo?” tanong ni Monique. “Mamaya pa actually, gusto ko lang pumasok ng maaga” sagot ni Jp. “Ah okay, sige” sagot ng dalaga sabay tumalikod at naglakad palayo. Di mapakali ang siga, huminga siya ng malalim at hinabol si ganda.

Magkatabi na silang naglalakad at napatingin si Monique kay Jp, “San ka pupunta?” tanong niya. “Hatid na kita sa building niyo” sabi ng siga. “You don’t have to I can manage” sagot ng dalaga pero tahimik lang si Jp at naglalakad parin sa tabi niya. Pagkalabas nila ng building ay magkatabi parin sila naglalakad, “Hala di mo na talaga ako kailangan ihatid” sabi ni Monique.

“Ah papunta ako sa garden, dito din ang daan e” sabi ng siga sabay diretso lang ang tingin. Napapangiti si ganda pero nagpigil, lumiko na siya papunta sa building nila pero katabi parin niya ang siga kaya napangiti na siya ng todo.

Pagdating nila sa entrance ng accounting building tumigil si Monique at tinignan ang siga. “Malayo na ang garden dito” sabi niya. “Ha? Oo nga no, hala nawawala na ako. Di pa ako napapadpad sa lugar na to” biglang patawa ng siga at natawa si ganda pagkat todo panic ang itsura ng siga.

“Lagi mo nalang ako napapatawa” sabi ni Monique. “Inborn e, pagkalabas ko sa nanay ko natawa na yung doctor at mga nurse. Nabitawan tuloy ako ni doc at di napansin na nakabalik sa tiyan ng nanay ko. Tinahi uli mom ko then naririnig nila ako umiiyak sa loob kaya binuksan ulit siya akala nila twins” seryosong sinabi ni Jp at napatingin ang dalaga sa kanya. “Totoo ka?” tanong niya. “Hindi, pero ang saya pag ganon no? Two times kang pinanganak” bigla banat ng siga at pinagpapalo siya ni Monique sabay tawa.

“Halika tour kita dito sa building” alok ni Monique at pumasok na sila. Nakaabot sila sa may dean’s office at nakita ni Jp ang nakapaskil na listahan. “Tsamba lang yan” sabi agad ni Monique. “Hambakulaw ka” banat ng siga. “Ano?” tanong ng dalaga. “Hambakulaw, as in humble” paliwanag ng siga at muli siyang pinagpapalo ng dalaga sabay tawa.

Next stop nila sa may locker area, “Eto locker ko” turo ni ganda. “Ano laman niyan? Siguro may mini library sa loob no?” sabi ni Jp. “Hindi, kung mahulaan mo may prize ka. Ay wait lang ha, cr lang ako” sabi ni Monique sabay takbo papunta sa dulo ng floor. Ilang minuto nakabalik si ganda at nadatnan niya si siga nakasandal sa pader.

“Dali hulaan mo na” sabi ng dalaga. “Ano prize?” tanong ng siga. “Hmmm pag mahulaan mo kahit isang laman then treat kita. Bigyan kita three tries then pag di mo makuha ako naman itreat mo” sabi ni Monique at nilagay ni Jp ang isang daliri niya sa noo niya at tila nag concentrate. “Ahmmmm Ahmmmm wait wait I am feeling it” sabi niya at natawa si ganda.

“Siyempre I know its not that easy kasi you gave me three tries. So sure ako di common na bagay mga yan kasi sabi mo kahit isa. Meaning you are confident that di ko mahuhulaan…hmmm first guess ay…lunchbox?” sabi ng siga. “Mali! Pero grabe ka mag isip ha, two more tries” sabi ni ganda.

“Hmmm non common, so hindi libro mga yan, okay second guess is kikay kit!” sabi ni Jp. “Sorry mali, last try” sabi Monique. “Wow, eto last na is it clothes?” sabi Jp at dinilatan siya ni Monique. Agad binuksan ng dalaga ang locker niya at sumilip si siga, “Demet sabi ko na e folder notebook” sabi ni Jp at natawa si ganda. “Yung books ko at home, kakatamad dalhin e” sabi ng dalaga.

“Mamaya pa pasok mo diba? Halika tambay tayo sa classroom ko” alok ni ganda. “Ha? E di naman ako taga dito e” sabi ni Jp. Halika na tatambay lang naman e. Ang aga pa kasi, usually sa library ako pumupunta” sabi ni Monique.

Sa loob ng classroom agad naupo si Jp sa isang arm chair, naupo din si Monique at naglabas ng ballpen. Muling nagsulat sa arm chair ang dalaga at biglang tumunog ang phone niya. “Nice message tone” sabi ni siga. Agad binasa ni Monique ang message, galing kay Rose at hinahanap siya. Pagkatapos sumagot ay napatingin si ganda sa siga at nakita niya itong naglipat ng arm chair.

“Ano message tone mo?” tanong ni Monique. “Wala normal lang, titit titit” sagot ng siga at natawa si ganda. “Ano naman wallpaper mo?” hirit ng dalaga pero iba talaga ang gusto niyang mangyari. “Wallpaper? Wala din, normal lang” sagot ni Jp at muling naglipat ng silya. Nainis si Monique pagkat parang di interesado si Jp, “Minsan naiisip ko wag na magcellphone e. Kasi naman dami nagtetext na useless people. Pagdating text delete ko agad” parinig ni ganda.

“E di magpalit ka number” sagot lang ng siga at nagpalit ulit ng upuan. “Ayaw ko kasi gusto ko tong number ko madali imemorize” hirit ni Monique at sadya na siyang nagpapaarinig. “Wag mo palitan pero sabihin mo sa kanila nagpalit ka na” sabi ni Jp at banas na talaga ang dalaga kaya sumuko na.

Dumating si Rose at nagulat pagkat nandon si siga, “Aga niyo namang dalawa” sabi ni ng dalaga sabay ngisi kay ganda. Tumayo si siga at agad dumiretso sa pinto, “Sige thanks sa tour, text text nalang” sabi ng siga sabay alis.

“Uy text text daw” tukso bigla ni Rose. “Slow! Torpe!” biglang sigaw ni ganda. “O bakit nanaman?” tanong ng kaibigan niya. “Hay napaka slow niya grabe! Nagpaparinig na nga ako kanina. We were talking about phones, ringtones, wallpapers at di man niya tinanong number ko!” paliwanag ni Monique at natawa si Rose.

“E torpe nga e! E di sana ikaw nagtanong number niya” sabi ng kaibigan ni ganda. “Duh! Bwisit yan” sabi ni Monique sabay may napansin si Rose. “Sis you invited him here, sa tingin mo nakita niya yung mga vandal mo na name niya?” tanong ni Rose sabay turo sa armchair. “Shet!!! Oo nga no! Nasulatan ko lahat ng armchair!” sigaw ni ganda sabay nagpanic.

“Shet! Baka nabasa niya kaya ganon nalang inugali. Shet! Baka naturn off na siya! Ang tanga ko!” sigaw ni Monique. “Eto o ang laki pa ng pagkavandal mo dito” sabi ni Rose. “Kagagawa ko lang yan” sabi ni Monique kaya napatingin si Rose sa katabing armchair at napansin na malinis ito.

“Ah sis di mo pa ata nabibiktima tong classroom na to. Yan palang ata ang first” sabi ni Rose. Napalingon si Monique sa ibang armchair at nakita na malinis sila, nakahinga siya ng maluwag sabay tawa. “Please remind me na wag na siya imbitahin sa building na to” sabi niya sabay nagtawanan sila.

“Sis pakopya na yung assignment” sabi ni Rose at binuksan ni ganda ang folder notebook niya. Muli napasigaw ang dalaga at napatayo. “Oh my God! Oh my God!” sabi ni ganda sabay turo sa notebook niya. “Bakit?” tanong ni Rose sabay tingin din.

“Hambakulaw ka…whats hambakulaw?” tanong ni Rose nang binasa niya ang nakasulat sa notebook. “Oh shet! He wrote this, nabuksan niya locker ko…he knew what was inside pero minali niya mga sagot niya” bigkas ni Monique sabay niyakap ang kaibigan niya at biglang kinilig.

“Ano?” tanong ni Rose. “Kanina sa locker, it was closed. I told him kung mahulaan niya laman he gets a prize. If he gets one object right treat ko siya. Pag hindi treat niya ako” paliwanag ni Monique. “O tapos pano niya nabuksan?” tanong ng kaibigan niya. “Ah oo kasi nag cr ako, baka don niya inopen” sabi ni ganda at lalong kinikilig.

“May kandado diba? Don’t tell me he knows your 4 digit combination” sabi ni Rose. “Birthday ko diba?...Alam niya birthday ko!!” sigaw ni Monique at lalo niya niyugyog kaibigan niya. “Ah sadya niya minali kasi ayaw niya manalo at ikaw magtreat” dagdag ni Rose at lalo pang kinilig ang dalaga.

Madami nang nagpasukan na estudyante, lumipat ng pwesto ang dalawa. “Sis was he seated here a while ago?” tanong ni Rose. “Oo, tapos nagpalipat lipat ng upuan” sagot ni Monique. “Look here, he wrote hambakulaw din and 0917” sabi ng kaibigan niya kaya agad lumapit si ganda. Biglang tumawa si Monique at nilabas ang phone niya, lumipat siya ng upuan at tinuro ang nakasulat. “Torpe talaga yon grabe, 0917 diyan, dito naman 6…then he sat here din…4…then here…0…” sabi niya.

Nakaabot sa huling armchair si Monique na inupuan ni Jp at pagtingin niya sa phone niya at sobra siya natawa. “09176404799! Number niya!” sigaw ni ganda at napatingin sa kanya ang mga kaklase niya. Sinave agad ni ganda ang number at agad ito nagcompose ng text, sumilip si Rose at agad nilayo ni ganda ang phone niya. “Uy, ano itetext mo?” tanong ni Rose at natawa si ganda. “Tsk basta, mamaya na nga lang” sagot niya sabay tago sa phone.

“Napaka weird ng taong yan ever” sabi ni Rose. “Che! At least di siya garapal tulad ng iba na can I have your number, pahingi number mo, duh!” sumbat ni Monique. “Tapos hihingiin sa iba number mo tapos itetext ka nalang bigla, mga epal na ewan” dagdag ni ganda. “E ano tawag mo sa kanya? Kapal face? Siya pag nagbigay ng number, feeling naman niya importante siya at gusto itext” banat ni Rose.

“Tawag don mautak! At dapat ganon talaga para may choice ang babae, kung gusto niya itext then go, kung ayaw then bura. Di yung garapal na tatanong number mo tapos mag iisip pa ako palusot kasi ayaw ko ibigay. At least ito parang calling card, may choice ako” bawi ni Monique. “Oo na oo na sige na itext mo na siya” sabi ni Rose at natawa si Monique, “Hmmm mamaya na pag uwi para kunwari di ko nakita” sagot niya sabay tawa.

Pagkauwi ni Jp ay lagi siyang napapatingin sa phone niya. “Wow himala! Expecting a text? Or di ka nireplayan?” tukso ng kapatid niya sabay tawa. Inabot ng siga ang phone niya sa kapatid niya, “O ayan abangan mo text niya” sabi niya. “Text nino?” tanong ni Trisha at napangisi ang kuya niya.

“Si Monique?” tanong ng bunso. “Ahuh” kampanteng sagot ng siga. “Weh! I am looking at your phone book at wala nadagdag e” sabi ni Trisha. “Sus, just wait for it” sagot ng kuya niya.

After dinner ay dumiretso na si Jp sa kwarto niya, muling nagpaturo si Trisha at lagi tinitignan ni siga ang phone niya. “Sus hindi tutunog yan” sabi ng bunso. “Wait for it…wait for it” sabi ni Jp. “Ikaw pa, sus if I didn’t force you e di mo pa siya makikilala. Ano pa kaya paghingi ng number niya” sabi ni Trisha.

“Huh, I didn’t ask for her number” kampanteng sabi ni Jp. “Weh! You gave your number?” tanong ng bunso. “Hmmm parang ganon nga” sagot ng kuya niya. “Dali kwento mo pano” sabi ni Trisha at pangiti ngiti lang ang siga. “Sige na kasi ikwento mo!” kulit ng bunso.

Biglang tumunog ang phone ng siga at agad ito kinuha ni Trisha. “Hi…yun lang?” sabi niya. “I told you magtetext siya” pasikat ni Jp. “teka teka para sure…who you?” sabi ng bunso sabay text. “Ikwento mo na kasi pano nangyari ito” hirit ni Trisha nang saktong dumating ang isa pang text kaya agad nila binasa. “Its me, Monique” basa ng bunso at super ngiti ang binata. Agad tumakbo si Trisha, “Kung di mo ikwekwento lagot ka” sabi niya sabay tawa.

Hinabol ni Jp ang kapatid niya pero agad nito naisara ang pinto ng kwarto niya. “Trisha! Uy wag mo replayan ng kung ano ano please” makaawa niya. “Dali na kasi ikwento mo!” narinig niyang sagot ng kanyang kapatid. “E nakasara tong pinto e” sagot niya. Nagubkas ang pinto konti at sumilip si Trisha. “Ikwekwento mo o hindi?” tanong niya. “Ikwekwento pero wag mo na replayan” makaawa ulit ni Jp. “Di ko pa siya sinagot, o dali kwento na” sabi ng bunso.

Mabilis na naagaw ni Jp ang phone niya sabay mabilis tumakbo sa kwarto sabay lock ng pinto. Tumalon siya sa kama at muling binasa ang text ni Monique. “Kuya! Buksan mo to! Madaya ka!” sigaw ni Trisha. “Shut up! Go to bed!” sigaw ni Jp. “Mommy!!! Si kuya o!!!” sumbong ng bunso kaya napilitan si Jp buksan ang pinto.

“Trisha naman long story yon at syempre di ko pwede ikwento ang special teknik ko” sabi ni Jp. “Alam ko, gusto ko lang kayo makita magtext. Dali reply na” sabi ng bunso at nahiga ang dalawa sa kama. “Ano kaya sasabihin ko?” tanong ni Jp at natawa si Trisha. “Tangek e di mag hello ka” sabi niya. Nagtext si Jp at pangitingiti ito, sinilip ni Trisha at binasa ang nakasulat.

“Hi!...yun lang?” tanong ni Trisha. “E syempre it’s a start no” sabi ni Jp. “Grabe ka naman dagdagan mo naman show some enthusiasm naman. Hi lang parang napaka cold mo” sermon ng bunso. Inedit ni Jp ang text niya at nang natapos siya nanginginig ang daliri niya. Bigla pinindot ni Trisha ang send at nagpanic si Jp. “Bakit mo pinindot?” tanong ng binata. “Gust ko na mabasa sagot niya, wag kang magulo! Akin na nga ako na magtetext ikaw nalang mag dictate, teka di ko nakita ano tinext mo napindot ko agad send…sent items…akala ko naman ang haba ng tintext mo ito lang pala!”

“Hi Nicka!”


(Join our Facebook fan page and discussion, CLICK HERE )