sk6

Monday, December 21, 2009

M.P. Chapter 15: Siga Unleashed

M.P.

by Paul Diaz


Chapter 15: Siga Unleashed

Lunes, walang klase buong lingo pagkat Foundation week na. Madaming mga aktibidad sa buong campus kasama na doon ang quiz bee na sasalihan ng grupo ni Monique. Di mapakali si ganda sa kalalakad sa hardin, pinapakalma siya ni Rose at Tim habang ang ibang kagrupo niya kampante lang.

“Nasan nanaman siya? Di nagrereply sa text. Alam naman niya alas otso yung contest e. Twenty minutes nalang magsisimula na” sabi ni Monique. “Baka na traffic lang yon” sabi ni Rose. “Maybe he chickened out, takot” sabi ni Tim at biglang umangal si Leo. “Hoy ingatan mo yang sinasabi mo” sabi niya. “Fine, baka tinamad lang pumasok” sagot ni Tim.

Limang minuto pa dumating si Jp at relax itong naglalakad habang may kinakain na sandwich. Pagdating niya sa hardin at siya sinugod ni Monique. “Alam mo naman na alas otso ang competition tapos late ka pa dadating!” sigaw ng dalaga. “Maaga ako dito kaya ayaw ko na magalit ka pag nagpalipas ako gutom kaya pumunta ako kumain, sorry napalayo. Nakarating naman ako pero galit ka parin, sorry ulit” mahingang sabi ng siga. “Ah okay, di ka kasi nagrereply sa text ko” sabi ni ganda. “Ayun, sa sobrang pagmamadali naiwan ko phone ko” paliwanag ng siga.

Nagtungo na ang grupo sa gym, doon magaganap ang competition. Pagkapasok palang nila nagulat sila sa dami ng tao. Agad nagpalakpakan ang mga estudyante nang makita si Monique, nakita nila na sila ang huling grupong dumating kaya medyo nahihiya sila.

Sa gym floor may 40 na lamesang mahahaba, may isa nalang na bakante kaya doon naupo ang grupo nina Monique. Nagsimula nang ipakilala ang mga kalahok, isa isa tinawag ang pangalan nila. Huling pinakilala ang grupo ni Monique, at nang tawagin ang pangalan niya napakalakas na sigawan at palakpakan ang dumagundong sa buong gymnasium. Nang si Jp na ang pinakilala ay biglang tumahimik ang lahat.

“May I have your attention. The first round will be composed of ten questions. Each of you will be provided a small whiteboard and marker. You all can answer but once we ask for the final answer you should choose only one. Marshalls will be assigned to each table to check if you have the correct answer. The top twenty teams will advance to the second round”

“For the second round, same mechanics shall be applied. The top ten teams shall advance to the third round. The remaining ten teams shall be seeded according to their total score. For the third round, a knock out system will be applied, top team facing the tenth team, second top team facing the ninth team and so on. Same mechanics again will be followed for the showdown”

“We will have five teams remaining for the fourth round, the top team will be rewarded an automatic seat to the final round. The four other teams shall go into a knock out stage. The winners shall face each other until we have the last team to complete the final round”

“For the final round, the two teams will choose one representative each. These two individuals will slug it out for the final round in what we call the brain drain match. Twenty five questions shall be given, topic shall be from different courses but here is the catch. We shall give more questions in accordance to the course of the top team representative, so there will be ten question of that person’s course and the rest fifteen from the different courses”

“In short it pays to get more answers correctly from the first round because the top team will have many rewards and advantages. So without further adieu lets get this Brain Drain rolling!!!” sabi ng dean at biglang umingay sa buong gym.

Nagsimula na ang first round, si Jp relax na relax na nakaupo at inaayos ang shades niya. “Okay show your answers” sabi ng quiz master. Lahat tinaas ang white board nila, siniko ni Leo si Jp at tinaas din ng siga ang white board niya. Biglang sumabog ng katatawanan ang mga nanonood nang basahin nila ang sagot ng siga.

“Busog ako” bigkas ng quiz master at lalo pang nagkatawanan. “Is that your team’s final answer?” biro ng quiz master pero napili ang sagot ni Oliver at nag thumbs up ang marshall. “You see that is a perfect example of team play, even if one member does not get it right, you can choose your final answer. So everyone got it right, we move to the second question”

Natapos ang first round at naaliw ang crowd dahil sa mga sagot ng siga. “What are you doing? Magseryoso ka naman” sabi ni Jenna. “Pasok parin naman tayo sa next round ah” sabi ni Jp. “Oo pero kulelat tayo, 20th place, mga engineering questions ikaw inaasahan namin di mo naman sinasagot” galit ni Leo. Paglingon ni Jp kay Monique ay tahimik lang ang dalaga at nilalaro ang marker niya. “Sorry di ko alam e” sabi nalang niya.

Halway ng second round ay kinabahan si Monique, “shet kung 10th place tayo we have to face the top team” sabi niya at napatingin ang siga sa giant screen kung saan nakikita ang mga score nila. “Tignan mo yung top two teams perfect so far, dapat iwasan natin ang grupo nung Galvindo so we should aim for 9th or better” paliwanag ni Oliver. Napatingin si Monique kay Jp at halatang dismayado siya.

Huling dalawang tanong na para sa second round, “Engineering questions” sabi ng quiz master. “Shet tenth tayo, kahit magkamali tayo we still get tenth” sabi ni Leo. “Top parin sila e, so we should get them right and pray magkamali ang ninth twice para ninth tayo” sabi ni Jenna. Si Jp nakatingin sa grupo nina mister Galvindo, at si mister Galvindo napalingon din sa kanya.

Masama ang tinginan ng dalawa at napansin yon ng mga kasama ng siga. “Hoy ano ginagawa mo?” tanong ni Leo. “Wala, gusto ko sila maka knock out” bulong ng siga. “Ano? Sira ulo ka ba?” tanong ng kaibigan niya. “Ikaw na bahala, di na ako sasagot. Kung ano sagot mo yun na final answer natin” sabi ni Monique at tuloy ang titigan ng dalawang lalake.

Second to the last question, halos magsisitalon na sina Monique nang nakita nila nakatama din ang siga. Halos lahat ng team nakuha ang tamang sagot maliban sa ninth place kaya may tabla na sa ninth place. “Yes! Nagkamali sila, Jayps get this right at sana mali ulit sila para tayo na ang ninth” masayang sabi ni Monique pero ang siga nakatitig parin kay mister Galvindo. Perfect parin ang score ng grupo nina mister Galvindo at grupo ni Tin, “So it seems we already have a top ten, but we have two teams tied at the top spot and two teams tied at the ninth place. For the teams eleventh place downwards you may opt to not answer anymore since even if you get the correct answer you will not be able to catch up to tenth place. For the last question…” sabi ng quiz master.

Tapos na sumagot ang lahat pero para daw may suspense ay isa isa tatawagin at ipapakita ang mga sagot. Natawag ang kapwa ninth place team at tama sila kaya medyo kinabahan si Monique. Halos lahat ang tama ng lahat at pagpakita ni Tin ng sagot ay tama din sila. Dalawang grupo nalang ang natira, kina Monique at kina Mister Galvindo. Sabay nila pinakita sagot nila at pareho sila mali, “Ayos lang di natin sila makakaharap!” sigaw sa tuwa ni Monique pero nagulat sila nang sumugod si Jp kina Mister Galvindo.

“Sinadya mong imali!” sigaw ng siga, “Kasi alam ko mamaliin mo din!” bawi ni mister Galvindo. Di maintindihan ng lahat ang nangyayari, napaghiwalay na ang dalawa at nang nakabalik sa lamesa si Jp at agad siya pinalibutan ng team mates niya. “Ano ba problema mo? Di naman na natin sila makakaharap, second na sila so makakaharap natin grupo nina Tin” sabi ni Jenna pero tahimik lang ang siga.

“Wow tension! Anyway before we start the third round we shall have a fifteen minutes break” sabi ng quiz master. Nang pabalik si Monique sa gym galing sa cr ay nakatabi niya si Tin. “Uy hello, congrats ha top kayo pero maghaharap tayo sa knock out” sabi ni Monique.

“Yun na nga e, top nga kami pero parang baliktad e” sagot ni Tin. “Ha? Ano ibig mo sabihin?” tanong ni ganda. “E kayo kasi kaharap namin sa next round, nasa amin ang pressure sobra” sabi ni Tin. “Di kita maintindihan, kamai nga ang may pressure kasi perfect kayo o” sabi ng dalaga.

“Alam mo ba bakit sila nag away?” tanong ni Tin sabay turo kay siga na nakatitig kay mister Galvindo. “Oo nga bakit nga ba?” tanong ni Monique. “Kasi sadyang minali ni Galvindo yung last para di nila kayo mahaharap. Alam ni Galvindo na imamali ng sadya ni Jayps din kasi yung last” paliwanag ni Tin. “Ano? Ang labo mo” sabi ni ganda. “Alam mo bakit di sumasagot si Jayps? Kasi gusto niya makaharap sa knock out round sina Galvindo. Si Galvindo naman nabasa niya yon kaya sa last question alam niya imamali ni Jayps so minali din niya para di kayo magharap. Ako naman si tanga di ko naisip yon, kung alam ko lang minali na namin yung last three questions” sabi ni Tin.

“Alam mo ang labo talaga, goal naman ng lahat abutin yung first, e bakit ayaw niyo?” tanong ni Monique. “Kasi nga kayo yung tenth place” sabi ni Tin. “E so what kung tenth kami? Don’t tell me its about the seeding last time, oo nag top kami pero look where we are” angal ni ganda.

“Ganito kasi yan, si Galvindo ang parang best student ng engineering, top dean lister since first year. E dumating si Jayps, binura niya record average ni Galvindo nung first year siya. Dati lahat ng bukang bibig ng mga prof ay Galvindo, pero now Dichavez na. Lahat ng mga engineering contests dati automatic Galvindo pero now wala siyang natanggap ni isa, lahat inassign kay Japys”

“Attention seeker si Galvindo, gusto niya lagi siya pinupuri, pasikat pa yan at feeling super talino na. Nung natigil lagi siya naghahanap ng pwede panira kay Jayps pero wala siya mahanap. Kaya nung nalaman niya may Brain Drain happy siya lalo na alam niya wala si Jayps. Pero last meeting super badtrip siya nung nakita team mo. He cant accept defeat to Jayps, di niya matanggap yon so ayaw niya magharap kayo kasi if they lose it will prove that Jayps owns him. Si Jayps naman gusto bumawi dahil sa mga pinagsasabi ni Galvindo” kwento ni Tin.

Di makapaniwala si Monique kaya natatawa nalang siya, “Si Jayps? Oh come on, hello he isn’t even with us remember?” sabi niya. “Mali ka, ako dapat ang di kasama. He opted out and forced the dean to send me to join instead” sagot ni Tin at natulala si Monique at napatingin sa siga. “If you don’t believe me then ask kuya Toto don sa computer para makita mo proof. Jayps never retaliated kahit sinisiraan siya ni Galvindo, pero lately…Galvindo has been saying bad things about you, making up stories. Kasi lagi kayo nakikita magkasama ni Jayps. Kaya I think that is why Jayps started accepting all offers ng profs to piss off Galvindo at eto look at him galit na galit siya” bulong ni Tin.

Bumalik si Monique sa lamesa at tinitigan si Jp, mula pala noon tama ang hinala niya kaya napapangiti siya. “Ano problema niya?” bulong ni Jenna. “Defending me” sagot ni Monique at nagtaka si Jenna. “Ano?” tanong niya. “Basta, sabihin mo sa iba na panoorin siya maigi…magpapakilala na ata siya sa atin” bulong ni Monique. Lalong nalito si Jenna pero napansin niya ang tunay na paghanga ni Monique sa siga.

“For the knock out stages, if two teams end up with the same score after the last question there will be no knock out question. The team with the higher gross score shall be declared the winner” paliwanag ng quiz master. Ilang sandal pa ay nagharap na ang grupo ni Monique at grupo ni Tin.

Maraming engineering questions ang natanong, kakaibang Jp ang nakita nila pagkat lahat nakuha niya tama. Pagkatapos ng huling tanong ay lumapit si Tin at kinamayan si Monique. “See, as expected. Naniniwala ka na?” sabi ni Tin at napangiti si Monique.

Laglag sina Tin, nanalo ang grupo nina Galvindo kaya sila ang top team at pasok na sa finals. Apat na teams agad nagharap sa knock out stage ulit, nanalo sina Monique at haharap pa sila sa final knock out para malaman kung sino ang makakaharap ng grupo ni Galvindo sa finals.

Dalawang lamesa ang natira sa gitna ng gym. Biglang dami ang estudyante na pumasok at lahat nagsisigawan at nagpapalakpakan para sa grupo nina Monique. Kumalat kasi ang balita sa engineering community na may tsansang magharap sina Galvindo at Jayps sa finals kaya agad sila sumugod sa gym para manood.

Walang engineering questions sa round na yon kaya walang naitulong si Jp. Lamang sila sa score na 15-14 at isang tanong nalang ang natitira. Sa kurso ni Leo napunta ang tanong at lahat sila humarap sa kanya. “Pare pag tama ka dito pasok na tayo. Pag mali ka at tama sila, kahit tabla score talo tayo” sabi ni Oliver. “Lalo mo lang ako pinakaba e” sabi ni Leo. “Leo, pag di mo yan nakuha bubugbugin talaga kita kahit magtago ka pa sa likod ni Monique” biglang banta ng siga. “Pare naman e, much pressure naman” reklamo ng bestfriend niya.

“Jayps ano pangalan niya?!!!” may babaeng nagtanong mula sa crowd. Lumingon ang siga, “LEO!!!” sigaw ng siga at isang grupo ng engineering ladies ay sinigaw paulit ulit ang pangalan na Leo. Napapapangiti na ang bestfriend ng siga at biglang kinabog ni Jp ang dibdib niya. “Aray pare naman!” reklamo ni Leo. “Pampatanggal ng nerbyos pare…at para malaman mo yung sakit na nadadatnan mo pag mali ka” sabi ng siga.

Nang kumalma ang lahat ay tinanong na ang huling tanong. Masama ang pinapakita ni Leo, di pa siya nagsusulat sa whiteboard at ilang segundo nalang ang natira. Last ten seconds napailing si Leo pero may sinulat siya sabay yuko ng ulo.

Nauna nang pinakita ng kalaban ang sagot, tama sila kaya table na ang score. Tahimik ang gym at inaantay si Leo para ipakita ang sagot niya. Tinaas ni Leo ang whiteboard niya, biglang umingay ang gym at lahat ng engineering students ay nagsigawan. Magaganap narin sa wakas ang gusto nila nila makita. Tumayo si Jp at tinuro si Galvindo, lalong lumakas ang sigawan.

Madaming estudyante ang sumugod at pinagyayakap si Leo, nagmistulang piyesta sa gym at kahit di pa tapos ang laban ay napakadami ang nagsisiyahan. Pinakalma ng quiz master ang crowd, lumipas ang ilang minuto tumahimik narin at pinabante ang dalawang lamesang natira.

“Chosen finals representatives take your sits at the respective tables please” sabi ng quiz master at nagulat ang lahat ng iba ang pinapunta ni Galvindo sa lamesa. Nagalit ang crowd at biglang naglakad si Jp papunta sa kabilang grupo. “Tara! Madami kang satsat pag nakatalikod ako. Eto na o, its your chance to prove them wrong. Takot ka ata e” sigaw ng siga. Kinantyawan ng crowd si Galvindo, huminga siya ng malalim at nagtungo na siya sa lamesa.

Bumalik si Jp kina Monique at hinarap niya ang dalaga. “I am sorry, pero okay lang ba na ako?” tanong ng siga. “Rip him apart” sagot ni Monique sabay nagngitian sila. “Wait” pahabol ng dalaga sabay hinawakan niya ang shades ni Jp sabay dahan dahan inalis. Nagkatitigan sila ng matagal at bigla sila tinukso ng crowd. Kinuha ni Jp ang shades sabay sinuot ito kay Monique. Lalo pa sila tinukso ng crowd at pati quiz master nakisama na.

Nagpunta na si Jp sa may lamesa pero sinitsitan siya ni Monique. “Hoy siga! Umbagin mo yan men!” sigaw niya at biglang sumabog sa katatawanan ang buong gym. Imbes na sa lamesa niya dumireto, nagtungo ang siga kay Galvindo sabay hinila ang mesa niya. Pinagharap ni Jp ang dalawang mesa saka siya naupo. Magkaharap na ang dalawa sa wakas at ramdam ng buong gym ang tensyon.

Benteng tanong, at pagkatapos ng huli ay nakayuko ang ulo ng siga habang si Galvindo nakatingin sa scoreboard. Tumayo siya at naglakad papunta kay Jp at inabot ang kamay niya. Tumayo ang siga at nakipag kamay sa nakakatanda sa kanya. Palakpakan ang lahat ng tao pagkat pinakita ng dalawa na sport sila pero biglang ngumisi ang siga sabay tinuro ang scoreboard, tila pinagdidikdikan ang malaking lamang niya kay Galvindo, 20-11.

Nainis ang mas matanda at nag ingay nanaman ang crowd at sabay sabay nilang sinigaw “Siga! Siga! Siga!” Muling nagsalita ang quiz master at tinawag ang bawat pangalan ng grupo ni Monique. Tuloy ang sigaw ng “siga” ng crowd at si Monique dahil suot parin ang shades nakitabi kay Jp at nag acting na siga. Bumawi naman si Jp at nagbakla baklahan sabay kumaway sa crowd na parang beauty queen.

Humarap si Monique kay Jp at nagalit, “anong sabi ko sa iyo dati?!” sigaw niya. “E inagaw mo role ko e, e di agawin ko din role mo” sagot ni Jp at nagtawanan sila. Inalis ni Monique ang shades at isusuot na sana ito sa binata pero nagpigil. “Bakit mo pa kinailangan isekreto?” tanong ng dalaga. “Kung nalaman mo ba agad may magbabago?” sumbat ng siga.

Naging maingay masyado sa gym at madaming sumugod kay Leo at pinagtripan siya. Habang binubuhat ng mga engineering students si Leo ay bumulong si Jp kay Monique. “You accepted me as a friend because of who I am and not what I can do, that is why I like you” bulong ng siga at napapikit si Monique at biglang kinilig.

Haharapin na sana niya si Jp pero ang siga naman ang pinagbubuhat ng ibang estudyante. Nakasingit narin si Rose at Tim at nakitabi sa dalaga. Nakangiti si Monique habang pinapanood sina Oliver, Leo at Jp na tinatapon sa ere.

“I like you for who you are…pero knowing that I like you even more” biglang bigkas ni Monique at napatingin si Tim sa kanya. “Sino kausap mo?” tanong ng binata at biglang natauhan si ganda at natawa sa sarili at biglang sabi...

“Malamang hindi ikaw”

( Join our Facebook discussion, CLICK HERE )