sk6

Sunday, January 31, 2010

Twinkle Twinkle 2: Bagong Delubyo Epilogue

Twinkle Twinkle 2: Bagong Delubyo
by Paul Diaz

Epilogue

Isang maaliwalas na umaga sa harapan ng palasyo. Nagtipon ang maraming tao at nilalang para makinig sa mensahe ng reyna. Nakatayo si Nella sa entablado at sa harapan niya ay si Bombayno. “Sige magsalita ka lang, ako bahala. Maririnig ka ng buong kaharian” sabi ng bampira. “Sigurado ka?” tanong ni Nella at ngumiti si Bombayno.

“Magandang Umaga Plurklandia!!” sabi ni Nella at dumagundong ang boses ng reyna sa buong kaharian na kinabilib ng lahat.

“Tayo ay nabiyayaan ng bagong umaga. Bilang Reyna ng kaharian…at napiling Reyna ng mga nilalang…nais ko magtalaga ng pagbabago! Pagbabago para sa kinabukasan nating lahat para sa ikauunlad ng ating kaharian”

“Una sa lahat para sa mga tao…hindi na natin iaasa lang ang pangangalaga sa kalikasan sa mga nilalang. Kailangan natin tumulong. Para sa mga nilalang naman…ninanais kong magbati na ang nilalang ng liwanag at mga nilalang ng kadiliman. Mula ngayon iisa nalang kayo at kung may susuway…” sabi ni Nella sabay lumingon siya sa likuran niya kung saan nakatayo ang ibang mga disipulo. “Mananagot kayo sa kanila”

“Hindi ako nagbabanta, ayaw ko na makarinig at makakita ng mga nilalang na naglalaban laban para sa kapangyarihan. Gusto ko kapayapaan ang manaig sa ating kaharian para sa ikabubuti ng lahat”

“Alam ko magkakaroon parin ng bangayan at di pagkakaunawaan pero normal lang yon. Lahat nadadaan sa usapan at hindi sa pagpapasiklab ng kapangyarihan. Dahil sa tiwalang binigay niyo sa akin bilang reyna ng buong kaharian ay aaminin ko na di ko kaya gampanan ito mag isa. Kailangan ko ang tulong niyong lahat…tao at nilalang”

“Magtatayo ako ng konseho ng makakapangyarihan para bantayan ang lahat ng may kapangyarihan. Sila ang mamamahala kung may magmamalabis o mananamantala, lahat ng mahuhuli agad matatanggalan ng kapangyarihan. Trabaho din nila magmasid para malaman kung may kakaibang pwersa ulit na nabubuo dito sa kaharian upang maagapan natin lahat. Tama na ang pagpapalakas, tama na ang laban dahil sa kapangyarihan!”

“At isa pa…tinatanggal ko na ang batas na nagsasaad na ang tao ay sa tao at nilalang ay sa nilalang!!” sabi ni Nella at inabot niya ang kamay niya at nagpaharap si Tuti at naghawakan sila ng kamay.

Nagpalakpakan ang lahat ng tao at nilalang at tinukso ang dalawa sa entablado. “Sabihin niyo na makasarili ako pero sigurado ko madami din naman sa inyo ang patagong nagmamahal…tao at nilalang…ngayon di niyo na kailangan magtago. Di natin pwede hadlangan ang pagmamahalan!!!” dagdag ng reyna at lalo pang nagpalakpakan ang lahat.

“Kapayapaan at Pagmamahal ang mamumuno sa Plurklandia!!!”

Kinagabihan non sa mahiwagang gubat magsisimula na ang seremonya para maghalal ng mga bagong pinuno. Nakatayo sa gitna ng gubat si Nella at ang mga matatandang mga nilalang para mabasbasan ang mga mapipili. Madaming nilalang ang nagtipon kasama narin ang mga tao na unang beses lang mapayagan makapasok sa gubat.

“Dahil sa pinakitang niyang kagitingan at sakripisyo, napagpasyahan naming lahat kasama narin ng lahat ng bampira na si Tutilous ang mahalal na punong bampira” bigkas ng matandang bampira at agad nagsaya ang mga disipulo pero si Tuti halos nanigas at napanganga.

“Bossing bakit ako? Dapat ikaw” sabi ni Tuti. “Kaibigan ikaw ang nararapat. Nagsimula ka saw ala at pinatunayan mo na lalaban ka kahit wala kang kapangyarihan. Ngayon na ikaw ang ultimo bampira alam kong hindi ka magmamalabis dahil bukal sa puso mo ang kabaitan. Mamuno ka ng tapat at maayos Tuti” sagot ni Paulito at niyakap ang kaibigan niya.

Tinulak ng mga disipulo si Tuti patungo sa gitna para mabasbasan. Nagsagawa ng konting dasal ang mga matatanda at may mga ugat mula sa lupa at bumalot sa paa saglit ng bampira para makilala. Pagbalik ng mga ugat sa lupa nagsimula na ang palakpakan at sigawan ng mga bampira at mga disipulo.

Humarap ang matandang diwata at nagsimulang magsalita. “Ang napagpasyahan naming maging punong diwata ay maaring di niyo matatanggap kaya hayaan niyo ako ipaliwanag ang aming desisyon”

“Lahat nagkakamali, lahat nasisilaw ng kapangyarihan pero lahat pwede magbago. Naipakita na niya na nagsisisi siya. Sa karamihan maaring hindi pa sapat ito pero nais din niya magbago at burahin ang masamang memorya sa mga nagawa niya”

“Kung nais natin ng pagbabago, dapat magsisimula ito sa atin mismo. Patawarin natin siya at bigyan pa siya ng tsansa para magbago…ang napili naming bilang Punong diwata ay si Aneth!!!” sabi ng matanda.

Di makapaniwala ang lahat sa naging desisyon pero agad pumalakpak si Monica at Anhica. Umiyak si Aneth at napaluhod sa lupa pero tinulungan siya ng dalawa para makatayo. “Pero bago ka magtungo doon may kailangan tayo gawin” sabi ni Paulito at sinensyasan ang mga disipulo na agad pinalibutan sila.

Nilabas ni Berto ang libro ng mga diwata at nilapag sa lupa. Pinatong ni Aneth ang kamay niya sa libro at agad nagdasal si Anhica. Agad nagliwanag ang katawan ni Aneth at dahan dahan lumutang sa ere. Nabighani ang lahat ng nilalang at tao sa gubat nang may mga pakpak ng paru paru ang lumabas sa likuran niya.

Pagbalik ni Aneth sa lupa agad niya tinignan si Monica. “Ayos lang?” tanong niya. “Oo ate ikaw nalang…at di ko mahaharap yan pagkat may iba akong haharapin” sagot ni Monica sabay tingin kay Paulito at kumindat. “Pero di niyo ba aalisin ang itim na kapangyarihan na naaral ko?” tanong ni Aneth.

“Aneth, ang kapangyarihan ng sugo galing sa kadiliman. Alam ko gusto mo magbago kaya pati kami may tiwala sa iyo” sabi ni Paulito at napangiti ang diwata. Nagpunta na siya sa gitna para mabasbasan at di niya inaasahan bigla siya pinalakpakan ng lahat.

Pagkatapos ng seremonyas nagsasaya ang lahat ng tao at nilalang sa gubat. Sa sulok ng gubat nakatayo ang apat na nilalang at naglalakad lakad. “Sigurado kayo ayaw niyo manirahan dito?” tanong ni Wookie.

“Gusto din pero gusto ko magpahinga at malagay muna sa tahimik” sabi ni Paulito. “E saan kayo pupuntang dalawa?” tanong ni Anhica. “Bakit di ka sasama sa amin?” sumbat ni Monica at biglang dumikit ang dalaga sa mambabarang at naghawakan ng kamay.

Napangiti lang si Paulito at tinapik ang balikat ni Wookie. “Alagaan mo kapatid ko Punong mambabarang” sabi ng binatang bampira. “Malay mo pagbalik naming may pamangkin ka na” biglang banat ni Monica at napahawak si Paulito sa ulo at lahat sila nagtawanan.

Tumalikod na ang dalawang bampira at sabay lumabas ang mga pakpak nila. “Ano pala sasabihin ko sa kanila pag hinanap kayo?” tanong ni Wookie. “Nagpunta sa langit” sagot ni Monica at muli sila nagtawanan. “Pare sabihin mo nalang na di niyo alam at di niyo kami nakita” sabi ni Paulito at hawak kamay sabay ang dalawa lumipad patungo sa langit.

Napatingala sina Wookie at Anhica at pinanood ang dalawang bampira hanggang sa di na sila makita. “Ay sayang iisa lang yung bitwin na naidagdag don o. Alam mo dati dalawang matingkad na bitwin yan, sabi naming yung isa si Paulito at yung isa si Anhica. Bata pa kami noon e. Pero ngayon tatlo na kasi may Monica na” sabi ni Anhica.

“E pano naman ako? Dapat apat yan, madaya” reklamo ni Wookie at nagtawanan yung dalawa. “Wag kang mag alala bata pa kami noon, at yang mga tala parang simbolo lang naman e. Ang mahalaga yung nandito” sabi ng dalaga sabay turo sa puso niya.

Mabagal na lumilipad ang dalawang bampira at masayang pinagmamasdan ang bagong sigla ng kaharian. “Paulito…bakit mo hinawakan kamay ko?” tanong ni Monica. “Baka kasi di ka marunong lumipad at mahulog ka” sagot ng binata. “Yung totoo?” hirit ng dalaga at napangisi nalang ang sugo.

“Bakit kasi ang bagal natin lumipad at saan ba tayo pupunta?” tanong ulit ni Monica. “Mabagal para di natin makalimutan ang lugar na ito” sagot ni Paulito. “Ow? Bakit saan ba talaga tayo tutungo?” hirit ng dalaga. “Ewan ko pa” sagot ng binata.

“Ha? Hindi mo alam? Ikaw walang plano? Lagi kang may plano diba? So sigurado may balak kang puntahan” sumbat ng dalaga. “Sa totoo di ko alam. Bahala na…kahit saan na basta kasama kita” sabi ni Paulito. Kahit hindi sila nagkatinginan sabay naman sila napangiti at lalong humigpit ang hawakan nila habang patuloy ang paglipad nila sa buong kaharian.

Sa bundok ng mga bruha, isang matandang babae ang tumatakbong papasok sa kweba. “Yailda! Lumitaw na yung pangatlong tala sa langit!” sigaw niya at agad lumabas ang tatlo para tignan ang mga tala.

“Ay oo nga…kung dati dalawa lang yung talang yan ngayon tatlo na sila. Mga kapatid tagumpay tayo…malamang sa gubat nanaman babagsak ang pangatlong taong tala kaya dapat nandon tayo” sabi ni Yailda. “Pero Yailda pag makuya man natin yung bata hindi natin siya mapapalaki dito pagkat mapapansin nila ang kapangyarihan niya” sabi ng isang matandang bruha.

“Oo alam ko, wag kang mag alala hindi natin siya dito papalakihin. Ang importante sa ngayon ay makuha natin siya. Hindi natin alam ang saktong araw at oras ng pagdating niya pero kailangan nandon tayo. Ngayon magandang gamitin ang bagong tuklas nating kapangyarihan” sagot ng punong bruha.

Naghawak kamay ang tatlo at biglang nagbago ang kanilang mga anyo. Ang dating matatandang bruha naging magaganda at dalagang diwata.

“Tara na manirahan sa gubat habang inaantay siya”


=WAKAS= Sana nagustuhan niyo ang kwento ko. Twinkle Twinkle 3: PILIPINAS ABANGAN!!!

Twinkle Twinkle 2: Bagong Delubyo Chapter 27: Asul na Buwan

Twinkle Twinkle 2: Bagong Delubyo
by Paul Diaz


Chapter 27: Asul na Buwan

Ang buong kaharian ng Plurklandia nagmistulang lumapain ng mga patay. Lahat ng nilalang at tao sa kaharian halos nawalan na ng pag asa dahil di nila namumukaan ang lupang kinatatayuan nila.

Ang dating mahiwanag gubat na kay daming mga halaman at puno nagmistulang desyerto at masangsang ang amoy ng kamatayan sa umiihip na hangin. Sa gitna ng gubat nakatayo ang hari ng kadiliman at dahan dahan siya pinalibutan ng mga disipulo.

“Hindi naming alam bakit mo binigay sa kanya ang katawan niya. Hindi naming maintindihan bakit binalik mo pa kami para lang magtraydor!” sigaw ni Chado. “Bakit hindi ka sumama dito sa amin at harapin itong malignong ito? Kampon ka na ba niya?” tanong ni Sarryno na duguan ang mga kamay.

Si Paulito naglakad palayo kasama ni Monica at Anhica. Si Wookie naupo sa lupa at nagsimulang magdasal. “Pati ikaw Wookie? Tuti? Tinatalikuran niyo na ang inyong tungkulin?” tanong ni Bashito. Maski si Virgous na wala nang apoy sa katawan humarap parin sa hari ng kadiliman.

“Hmmm nag aaway away kayo? Paano niyo ako matutumba pag ganyan kayo? Bweno nakikita kong matamlay ang inyong katawan. Sugo hahayaan mo nalang ba ang mga kasama mo? Akala ko ba magtutuos tayo? Takot ka na pagkat naramdaman mo na gaano ako kalakas?” tanong ng hari at tumawa siya ng malakas.

Tahimik lang si Paulito kaya nagalit ang mga disipulo. “Bweno hindi maganda ang laban na ito pag mahina kayo. Mabait din naman ako e. Hayaan niyo ako gamutin ang mga sugat niyo, bibigyan ko kayo ng lakas para makipaglaro sa akin…wala naman gana makipaglaro pag di patas ang laban diba?” pasikat ng hari at sa isang iglap nakaramdam ang mga disipulo ng panibagong kapangyarihan. Ang mga kuko nina Sarryno at Bashito tumubo muli habang si Virgous nanumbalik ang mga apoy sa katawan niya.

“Hoy Paulito! Panoorin mo kami. Hindi kami duwag na tulad mo!” sigaw ni Virgous at agad siya nagpaapoy at tinosta ang katawan ng hari. Nagkalat ang ibang disipulo at isa isa nilang inatake ang malign.

Tanging naririnig sa buong kaharian ay ang malakas na tawa ng hari. Kahit anong sigaw ni Bombayno, kahit gano kabilis umatake si Mhigito ay di natitinag ang hari at tila nakikiliti pa ito. Sumubok bumulong ni Chado sa tenga ng hari pero ngumiti lang ito at tumawa. “O tapos? San yung punch line?” tanong ng hari.

Kahit ilang palo ng higanteng maso ni Bobbyno ay di ito iniinda ng hari. Sinbukan ni Darwino magpaulan ng mga golden balls at nabuhayan ang mga disipulo pagkat pumasok ang mga ito sa katawan ng kalaban at bumagsak siya sa lupa at nagsisigaw. “Yes!!!” sigaw ng dwende kaya lalo pa siya tinira ang kalaban gamit ang mahiwagang tirador niya.

Dahan dahan tumayo ang hari at ngumiti, “Acting lang” sabi niya at ang mga golden balls na bumaon sa katawan niya mabilis na lumabas lahat at ang mga disipulo ang tinamaan.

Bagsak ang mga disipulo at tinaas ng hari ang kanyang kamay. Mula sa lupa nagsilabasan ang mga anino at isa isang sinakal ang mga bida. “Itigil mo yan!!!” sigaw ni Paulito at napatingin siya kay Wookie na nagbigay ng thumbs up sign.

“Pakawalan mo sila at ako ang haharap sa iyo” sabi ng sugo at natuwa ang hari kaya mabilis niya tinapon ang mga katawan ng mga disipulo palayo. “Yan ang gusto ko! Makikipaglaro na ang sugo sa akin! Halika! Teka baka gusto mo palakasin din kita” alok ng hari pero biglang pinalakpak ni Wookie ang kamay niya at tinuro ang kalaban. Panandaliang nanigas ang katawan ng maligno kaya agad pumiglas ito.

Nakagalaw ulit ang hari at mabilis sinugod si Wookie pero pumagitna si Paulito. “Anong ginawa mo sa akin kutong lupa?” tanong ng hari. “Soul lock! Para hindi na mahihiwalay ang kaluluwa mo sa iyong katawan” paliwanag ng mambabarang at umatras ang hari at tumawa. “Soul lock? Ibig mo ba sabihin hindi na maalis ang kaluluwa ko sa katawan na ito?” tanong niya.

“Ganun na nga” sagot ni Wookie at natuwa ang maligno. “Oooh dapat pala pasalamatan pa kita. May kahilingan ka ba? Sabihin mo at ibibigay ko” alok ng hari ng kadiliman. “Hindi mo din ibibigay, papayag ka ba kung sasabihin kong mamatay ka?” hamon ni Wookie at tumawa ang hari. “Makulit kayo, paano mamamatay ang nilalang na di pwedeng mamatay?” bawi niya.

“Binigyan kita ng oras para magpalakas, binigay ko ang katawan mo. Tulad ng sabi ko lalabanan kita sa tunay kong lakas. Bibigyan mo ba ako ng sapat na sandali para makamit ko yon?” tanong ni Paulito at tumaas ang kilay ng maligno.

“Tunay mong lakas? Hmmm…ramdam ko ang kapangyarihan mo. Alam ko malakas ka kaya gusto kita subukan. Sabi mo may ilalakas ka pa? Sige! Interesado ako sa sinasabi mo. Magpalakas ka pero alam ko kahit anong lakas pa yan hindi mo ako matatalo” sumbat ng hari.

“Parang natatakot ka ata? Ipapatikim ko sa iyo ang sakit na di mo pa natitikman” sabi ng sugo at tumawa ng malakas ang hari ng kadiliman. “Tama na ang satsat sugo, show me what you’ve got!” hamon ng maligno.

Agad tumabi si Anhica sa kapatid niya at naghawakan sila ng kamay. “Mukhang nakita ko na ito kanina…balak mo ata ako traydorin…pero aminado ako malakas yung nagawa niyo kanina pero nakiliti lang ako” sabi ng hari.

Pinikit ni Paulito at Anhica ang kanilang mga mata at agad nagliwanag ang kalangitan. Naglakad dahan dahan paatras ang hari ng kadiliman at agad nagliyab ang mga mata at kamao niya. “Traydor!!!” sigaw niya.

May naipong malakas na liwanag sa langit at bigla ito nagpababa sa lupa. Mabilis lumayo ang hari pero agad tumayo sa harapan ng magkapatid si Monica. Kay Monica tumama ang malakas na pwersa galing sa kalangitan. Mabilis nagbitaw ng kamay ang magkapatid ang inalalayan si Monica at hinarap siya pulang buwan.

Sa katawan ng dalaga naipon ang buong pwersa galing sa langit at umaapaw na ito. “Pakawalan mo na!!!” sabi ni Paulito at sumigaw ng napakalakas si Monica at mula sa katawan niya kaparehang pwersa ng liwanag ang lumabas at nagtungo papunta sa pulang buwan.

“Bwahahahahaha mga tanga!!! Basang basa ko kayo. Iipunin ang lakas galing sa langit sa katawan niya at dagdagan pa bago itira sa akin. Bwahahahaha pero hindi niyo nakontrol at tignan niyo ang kalokohan na nagawa niyo. Ang buwan? Buti kung umabot don ang lakas na bwahahahaha” tawa ng hari.

Bagsak ang katawan ni Monica at agad siya binuhat ni Paulito at tinabi kay Wookie. Bumalik ang sugo at hinarap ang hari ng kadiliman na tawa parin ng tawa. “Ano kailangan mo pa ba ng sapat na oras? Mukhang palpak ang nagawa niyo” sabi ng maligno.

“Alam mo ba may mas malakas sa akin?” tanong ni Paulito sabay tinuro si Tuti. Lalong natawa ang maligno kaya agad tumabi si Tuti sa kaibigan niya. “Tanong ko panghuli, tapos ka na ba sa pagpapatawa? Kahit dalawa pa kayo kaya kong tirisin sa isang iglap!” pasikat ng maligno.

“Mahina ka! Wala kang ibabatbat sa aming dalawa!” sigaw ni Paulito. “Oo nga! Fafatayin ka naming! Hindi ka na makakavalik!” sigaw ni Tuti at nagulat siya pagkat nawala na muli ang mga ngipin niya at ang buhok niya inaagnas muli. Dahil dito halos mamatay na sa tawa ang hari ng kadiliman pero bigla siyang dinuro sa noo ni Paulito.

“Ikaw ang bibigyan naming tsansa…sige itira mo ang pinakamalakas mong galaw at di kami uurong!” hamon ng sugo at pati siya nagpapalit na ang kulay ng buhok at din a nagbabaga ang katawan niya.

“Tarantado ka! Sino nagsabi sa iyo na duruin mo ako at hamunin ng ganyan?!! Eto tikman niyo!!!” sigaw ng hari at tinaas niya kamay niya pero walang nangyari. Pinalakpak ng hari ang mga kamay niya pero talagang walang nangyayari, tinignan niya ang mga kamay niya at di niya maintindihan kung bakit hindi gumagana ang kapangyarihan niya.

“Anong ginawa niyo!!!” sigaw niya ang mapulang langit biglang nagpalit ng kulay. Ang buong paligid sa gubat nag iiba din ang kulay at bahagyang lumiliwanag. Napatingin ang lahat sa kalangitan at napansin nila ang pulang buwan biglang nagpapalit kulay. Ang dating kulay dugo na buwan unti unting napapalitan ng asul.

“Asul na buwan?!!! Anong ginawa niyo?!!!” tanong ng hari at lalo itong nagwala. “Yan ang kapangyarihan ng asul na bato, nilipat naming sa buwan. Kaya mula ngayon lahat tayo wala nang kapangyarihan habang may liwanag ang asul na buwan. Sabi ko sa iyo ipapatikim ko sa iyo ang tunay kong lakas, wala akong sinabing tunay na kapangyarihan. Kaya eto tikman mo ang lakas ng aking kamao!!!” sigaw ni Paulito at agad sinuntok ang hari sa mukha. Kaliwat kanan na kombinasyon ang pinakawalan ni Paulito kasabay ng isang tuhod sa baba ng kalaban.

Natumba sa lupa ang hari at napahawak sa duguang ilong niya. Sinipa siya sa mukha ni Paulito at pumutok naman ang mga labi niya. “Isa pa…sabi ko sa iyo na mas malakas ang kaibigan ko pero tinawanan mo lang ako. Si Tuti simple lang yan dati, wala siyang kapangyarihan kaya pinalakas niya katawan niya para lang makapagsabayan sa amin. Sa lahat ng disipulo siya ang pinakamalakas…sige Tuti tirahin mo!” utos ni Paulito.

“Imposible ito!!!” sigaw ng hari pero agad siya binuntal sa mukha ni Tuti at talagang nahilo ang maligno sa lakas ng kamao ng bampira. Talagang binuhos ng bunging bampira ang buong galit niya at talagang binugbog niya ang hari ng kadiliman. “Shinaktan mo ang Nella ko!!!” sigaw ng bunging bampira at napabilib niya ang lahat sa malarapidong mga suntok niya kasabay ng di mabilang na roundhouse kick.

Dahan dahan lumabas si Aneth at lumapit kay Tuti, nagkatinginan sila saglit at tumayo ang bampira at nagulat ang lahat ng nagwala si Aneth at binugbod ang maligno. Pinagbubunot ng diwata ang buhok ng maligno, di nakuntento pinatayo pa niya ito at sinipa sa may ari na talagang ininda ng hari ng kadiliman.

Nakayukong lumapit ang mga disipulo pero pinigilan sila ni Paulito. “Wag na kayo makisawsaw. Kung ano man ang nasabi niyo kanina bale wala yon pagkat nilihim naming ang tunay naming intensyon. Alam ko ganon ang magiging reaksyon niyo at pasensya na kung ginamit ko kayo pagkat kinailangan ni Wookie ng oras para mabuo ang ritual ng soul lock. Patawad, pero sana maintindihan niyo” sabi ng sugo.

Biglang lumitaw si Berto at tumabi kay Wookie, “At sa huli ang humarap sa hari ng kadiliman ay ang pinakamalakas na bampira at diwata” bigkas niya. Napangiti si Wookie pero napakamot, “Oy wag ka na magtaka mahinhin ako, ganyan talaga ate ko may pagka tomboy” sabi ni Monica at biglang nagtawanan ang lahat.

Mula sa paligid biglang nagsisulputan ang mga nilalang para makiusyoso. Si Nella tumabi kay Paulito at inabot ng bampira sa kanya ang espada. “Mas maganda ilagay sa libro pag ang reyna ng kaharian ang siyang papaslang sa hari ng kadiliman” sabi ng bampira at nanginig ang kamay ng reyna.

“Tama Nella, ikaw na ang magtapos diyan” sabi ng matandang tikbalang at tumawa ang hari ng kadiliman. Tumigil si Aneth at lumayo, nakayanan pa ng maligno ang lumuhod pero kitang kita ng lahat ang lasog lasog na mukha niya na duguan.

“Nagpapatawa ba kayo? Maaring mapatay niyo ang katawan ko pero ang kaluluwa ko makakalaya parin!” bigkas ng hari. “Soul lock” bigkas ni Wookie at dahan dahan niya nilapitan ang maligno.

“Pag ang kaluluwa hindi nakalabas sa katawan bago ito mamatay…mamatay narin ito kasama sa katawan. Kulungan ng kaluluwa mo ang katawan nay an at wala ka nang laya. Yan ang huling tinuro sa akin ng lolo ko…Soul lock…paalam” sabi ng mambabarang at biglang nanginig sa takot ang maligno.

Dahan dahan lumapit si Nella at sinipa ang katawan ng hari at itoy napahiga. Dinikit niya ang dulo ng espada sa puso ng maligno. Nanginig ang kamay ni Nella at di niya matuloy ang pagsaksak sa espada. Lumapit ang mga disipulo at pinalibutan ang dalawa, “Sige Nella wala nang ibang nakakakita sa gagawin mo” sabi ni Chado pero di talaga hindi matuloy ng reyna.

“Hindi ko talaga kaya” sabi ni Nella kaya agad lumapit si Paulito at kinuha ang espada. Nakihawak din si Monica sa epsada, ganon din ang ginawa nina Wookie, Tuti at Anhica. Sabay nila tinaas sa ere ang espada at mabilis na sinaksak sa puso ng hari ng kadiliman.

Binalik ni Paulito ang espada sa kamay ni Nella para magmukhang siya ang pumaslang sa maligno. Agad lumayo ang mga disipulo para makadaan ang reyna. Hindi nakita ng ibang nilalang ang nangyari pero tinaas ni Nella ang espada at kitang kita ng lahat ang itim na dugo sa dulo nito.

Nagsaya ang lahat ng nilalang sa gubat pagkat sa wakas natalo nila ang hari ng kadiliman. Hindi nagtagal ang kasayahan pagkat halos patay na ang buong kaharian. Tumamlay ang karamihan pagkat alam nila matagal muli manunumbalik sa dati ang estado ng lahat sa buong kaharian.

“Wag kayong malungkot! Makakaahon muli tayo. Maibabalik din natin sa dating sigla ang buong kaharian sa takdang panahon” sigaw ng reyna. “Hindi niyo na kailangan mag antay pa” bulong ni Monica at tinuro niya ang buwan.

Ang asul na kulay nito naglalaho at lumalabas na muli ang natural at tunay nitong liwanag. Dahan dahan bumabalik ang kapangyarihan ng bawat nilalang at nagulat ang lahat nang si Aneth agad nagpalabas ng pulang liwanag sa mga kamao niya.

Pinuntahan niya ang katawan ng hari ng kadiliman at binalot ito sa pulang liwanag. Umangat sa ere ang katawan at unti unti itong nalalagas at nagiging abo. Ang mga abo sumama sa hangin at nagkalat sa buong paligid hanggang tuluyan nang walang natira.

Naglakad si Monica at hinanap ang pinakamalaking puno sa gubat. Binaon niya ang kamay niya sa lupa at humawak sa mga ugat nito. Nagliwanag ang katawan ng dalaga at dumaloy ang enerhiya mula sa katawan niya papunta sa mga ugat. Ang patay na puno muling nabuhay at nakita ng lahat na may liwanag na gumagapang sa lupa at inaabot ang mga ugat ng ibang puno. Agad lumapit si Anhica at ibang diwata at ginaya ang ginagawa ni Monica kaya lalong lumakas ang enerhiya.

Nagliwanag ang malaking puno at kumalat ang kapangyarihan nila sa buong kaharian. Napansin ng karamihan na bumabalik na ang sigla ng gubat, ang mga halaman muling nabuhay at ang masangsang na simoy ng hangin napalitan ng halimuyak ng mga bulaklak.

Ilang minuto lang bumalik ang dating sigla ng buong kaharian. Ang lahat ng tao at nilalang nagsaya at magkakasamang sinalubong ang bagong umaga.

Twinkle Twinkle 2: Bagong Delubyo Chapter 26: Ang Magigiting

Twinkle Twinkle 2: Bagong Delubyo
by Paul Diaz


Chapter 26: Ang Magigiting


Nawala na ang liwanag na bumalot sa gubat, wala nang natirang mga nilalang doon maliban sa anim na magigiting at makapangyarihang mga nilalang. Humarap si Paulito at tinuro ang langit kaya agad nagdasal ng sabay si Monica at Anhica.

Lumakas ang hangin at may mga ulap na nagtipon sa langit. Biglang bumuhos ang ulan at sumugod ang milyong kampon ng kadiliman. Nagpaatras si Wookie at pinunit ang damit ni Paulito. Nagsimula siyang magdasal at nagbaga ang isang kamay niya. Ang nagbabagang kamay niya hinawak niya sa tattoo sa likod ng sugo at mula sa katawan ni Paulito lumabas ang matingkad na pulang liwanag.

Paghupa ng liwanag tumayo sa harapan nila ang Mananabas na agad sumugod sa kalaban. Napatigil ang anim na nilalang sa bangis ng mananabas, kay bilis nitong gumalaw at ramdam ang kakaibang kapangyarihan sa paligid. “Sensya na bossing, ikaw lang ang may sapat na lakas para mapalabas siya kaya sa likod mo nilagay ni lolo ang marka niya” paliwanag ni Wookie.

Higante ang mananabas at nag aapoy ang mga mata nito. Gamit ang malaking kumpay niya bawat wasiwas ay libo libong mga kalaban ang mamatay. Di nakuntento si Wookie at pinalabas narin ang trese Diablos na agad tumulong sa Mananabas. Sabay nagliyab si Tuti at Paulito, magkatabi sila sumugod ng mabilis at pati sila din a umawat.

Napansin ng tatlong dalaga ang ngiti sa mukha ni Tuti habang nakikipaglaban, “Di parin makaget over sa halik ni Nella” sabi ni Monica. “Hindi, yan ang pangarap niya, lumaban katabi ni Paulito…hindi bilang alalay…kundi bilang kapareha” paliwanag ni Anhica.

Biglang nagtinginan sina Monica at Aneth, nagngitian sila saglit at sabay din nagliyab ang kanilang mata. Sandaling nagulat si Monica pagkat itim ang mga mata ng ate niya, “Mamaya na ako magpapaliwanag” sabi ni Anhica kaya sabay silang tatlo sumugod sa kalaban.

Ang itim na nilalang na pinapatapis ni Paulito sinasalo ni Tuti at sinasaksak sa puso. Halatang nagsasaya ang dalawa sa kanilang team work. Ang Mananabas at trese Diablos ginamit ang laki nila at pinatpuputol ang katawan ng mga kampon ng kadiliman habang si Wookie nagpakawala pa ng libo libong mga espiritu para tumulong.

Si Monica tumatawang parang bruha sa ere habang ginagamit niya ang malalakas na hangin para hatiin sa dalawa ang katawan ng kalaban. Si Anhica ginagawang yelo ang bawat katawan ng kalaban na namatay at si Aneth winawasak ang mga nahulmang yelo.

Lahat napatigil nang biglang may sumabog na liwanag sa kalangitan. “Nakawala na siya!!!” sigaw ni Paulito. Madami parin kalaban ang natira kaya kailangan nila magmadali. Si Anhica nakatingin parin sa langit at di napansin ang pasugod na aswang. Masasaksak na sana siya sa likod ngunit may isang lobong kumagat sa aswang at pinababa sa lupa.

“Bossing were back!!!” sigaw ni Bombayno sabay sumigaw ng malakas at nabingi ang kampon ng kadiliman. Nainis ang mananabas pagkat ang mga balak niyang patayin biglang nalang nagbabagsakan dahil sa mabilis na kilos ni Mhigito at mga bulong ni Chado.

Isang grupo ng mga itim na nilalang ang biglang nagsayawan at ginagaya ang bawat indak ni Vandolphous, dinala sila ng aswang sa isang lugar kung saan nag aantay si Virgous na mabilis sila tinosta.

Nagliparan ang mga golden balls sa ere at nagbagsakan ang mga aswang. “Hoy!! Akin lang ang mga aswang!!!” sigaw ni Darwino na tawa ng tawa. “Shut up ka nga, dati gusto mo malaman sino sa atin ang malakas, ano contest tayo?” hamon ni Bobbyno na humarap sa isang higanteng taong lupa. “Bring it on dwende!” sagot ni Darwino.

“One!!! Two!!! Three!!!” sigaw ni Bobbyno habang isa isa niyang pinapabagsak ang mga higante gamit ang kakaibang maso niya. Sa taas ng puno nagpasikat si Darwino at tira ng tira ng golden balls gamit ang tirador niya. “Tweni…tweniwan…twenitoo…twenitri…” sabi niya sabay tumawang parang bakla.

Nagulat ang lahat nang kakaibang Nyobert ang sumugod, napakabangis niya at tila napakalakas. Hindi pa niya suot ang armor niya pero nakikipagbakbakan siya sa mga kalaban. “Ano nakakain niya?” tanong ni Paulito at biglang may tumabi sa kanya na kamukha niya. “Nakaimbento siya ng isang inumin, ewan ko diyan sabi niya tawag don Pulang Toro” sagot ni Louis.

Isang tikbalang sinipa ang lobo palayo, sa ere palang biglang nagbagong anyo si Sarryno. Naging tao ulit siya pero naglabasan ang mga kuko niyang gawa sa bakal. Naglanding sa lupa si Sarryno at mabilis siyang sumugod at pinaglalaslas ang katawan ng tikbalang.

Si Bashito di nagpahuli, humarap sa isang kapre at susuntukin na sana niya pero bigla ito nahiga sa lupa at nakatulog. Nagtaka ang kalaban at kinalbit ang katawan niya, agad bumangon si Bashito at binigyan ng malakas na uppercut ang kapre. Lipad sa ere ang kapre, tumalon ng mataas si Bashito, “Wag mo ako gagalawin pag natutulog ako!!!” sigaw niya at biglang nagbago ang anyo sa isang dragon.

Muling nabuo ang mga disipulo, nadagdagan pa sila ng malalakas na kasama kaya mabilis naabo ang mga kalaban. Ilang libo nalang ang natira, lahat sila nagtago sa likod ni Bombayno na humugot ng buong lakas niya, huminga siya ng malalim at naglabas ng napakalakas na sigaw.

Lahat ng natirang kalaban nanigas sa kanilang kinatatayuan, humarap si Aneth at pinagdikit ang dalawang kamay niya. Mula sa lupa muling lumabas ang itim na usok at unti unting naagnas ang mga kalaban. Nagsanib pwersa si Anhica at Monica at nagpasabog sila ng malakas na liwanag kung saan ang abo ng kalaban naging yelo.

Parang kumintab bigla ang gubat dahil sa milyong pirasong yelo na nagkalat. Muling pumorma ang lahat pagkat nararamdaman na nila ang galit at kapangyarihan ng hari ng kadiliman.

“Alam niyo na ba itong haharapin natin?” tanong ni Paulito. “Oo bossing, sinabi na ni Aneth sa amin. Siya ang nagpatawag sa amin at pinaliwanag niya lahat” sagot ni Louis na bumalik ang anyo niya sa normal.

May aninong gumapang sa lupa at dahan dahan nabubuo ang katawan ng hari. Bago pa ito mabuo sumugod na ang Mananabas at mga Diablos, sumunod narin si Paulito at Tuti.

Isang pitik lang ng kamay agad napatapis ang dalawang bampira. Ang trese Diablos agad naglaho habang ang mananabas ay bumalik sa tabi ni Wookie. “Pasensya ka na ultimo mambabarang ngunit masyado ito makapangyarihan” sabi ng multong mandirigma.

“Bossing mukhang hindi na ako makakatulong sa laban na ito…yun na ang mga pinakamalakas kong espiritu” sabi ni Wookie. “Relax ka lang pare makakaisip ka din” sagot ng sugo habang dahan dahan siyang bumangon.

“Dating gawi!” sigaw ni Paulito at agad nagkalat ang mga disipulo at pinalibutan ang hari. Sumulpot bigla si Bombayno sa tabi ng hari at nagpakawala ng malakas na sigaw. Hindi natinag ang hari at tinignan lang si Bombayno, siya naman ang sumigaw ng malakas halos malasog lasog ang katawan ni Bombayno na napatapis palayo.

Humarap si Vandolphous at sinubukan paamuhin ang hari. Akala ng lahat gumana ito pero tumalikod ang bampira at sinakal niya ang sarili niya. Sinipa ng hari si Vandolphous at napalipad ito sa malayo kaya sa galit agad tinosta ni Virgous ang kalaban ngunit tumawa lang ang hari at hinigop ang lahat ng apoy.

Ubos ang apoy sa katawan ni Virgous, mula sa bibig ng hari lumabas ang kakaibang kulay ng apoy at binuhos niya lahat ito sa taong santelmo. Mabilis gumalaw si Mhigito para ilayo si Virgous. Ang punong malapit ang natamaan ng apoy at wala pang isang segundo naging abo ito.

Sumulpot si Monica sa likod ng hari pero agad tumalikod ang malign at sinuntok ang dalaga sa dibdib. Talsik si Monica pero napasigaw ang hari pagkat nasaksak siya ni Sarryno sa likod. Agad tumalon si Nyobert at dinagok ang ulo ng hari, nagpalit anyo si Bashito at isang malaking oso na may matatalim na kuko ang lumabas. Sinaksak niya rin ang mga kuko niya sa katawan ng hari sabay kinagat ang leeg niya.

Nagpaikot ang hari ng kadiliman at nagpumiglas. Naputol ang mga kuko ni Sarryno at Bashito at nahawakan ng hari ang mga ulo nila. Pinag umpog ang dalawa pero nayakap ni Chado ang hari at binulungan sa tenga.

Tumawa lang ang hari sa narinig niya, “Paano mo papatayin ang nilalang na di pwedeng mamatay?” tanong niya. Pumitik ang hari at lahat ng nilalang ay napatalsik muli. Tumawa siya ng malakas pero mula sa langit nakita nila si Anhica may hawak na malaking bolang liwanag. Agad lumihis ang hari pero nahulog siya sa bitag ng sugo.

Nasaksak ni Tuti sa puso ang katawan ng hari habang si Paulito dalawang kamay niya ang binaon sa dibdib. “Tuti alis!!!” sigaw ng sugo at nagsimulang magbaga ang buong katawan ni Paulito at sumigaw ng malakas ang hari ng kadiliman.

“Anhica!!!” sigaw ni Paulito at agad tumabi ang dalaga at humawak sa balikat ng sugo. Biglang nagliwanag ang kalangitan at namangha ang lahat pagkat sabay nagliwanag ang katawan ng magkapatid. Ang madilim na kalangitan biglang lumiwanag at isang napakalakas na liwanag ang nagpababa sa lupa at tinamaan ang katawan ng hari ng kadiliman.

Sabay napasigaw ang magkapatid at pinanood ng lahat kung paano maagnas ang katawang ng kalaban dulot ng kapangyarihan ng mga taong tala. Ilang segundo pa wala na ang katawan ng hari kaya tumigil na ang liwanag. Nakahinga ng maluwag ang lahat pero agad pinalibutan ni Monica ang mga natirang abo ng kalaban sa yelo.

“Nanigurado lang baka mabuhay ulit” sabi niya at sa wakas lahat sila nagsimula nang magsaya.

“Hindi pa tapos” biglang sabi ni Paulito at lahat napatingin sa kanya. “Anong ibig mo sabihin?” tanong ni Monica at ang maliwanag na langit biglang dumidilim ulit. Ang buwan na kulay dugo at lalong dumilim ang kulay niya at muling nabalot ng takot ang lahat pagkat may kakaibang hangin silang naramdaman sa paligid.

Umangat sa ere ang mga abo ng hari, ang mga yelong nakabalot sa kanila biglang nagputukan. “Uulitin ko ang tanong ko…paano niyo papatayin ang nilalang na di pwedeng mamatay? Akala ko natuto na kayo sa mga dating lumaban sa akin” sabi ng boses na narinig nila sa paligid.

Unti unting nabubuo muli ang katawan ng hari kaya sumugod si Tuti at pinagwawasiwas ang espada niya. Tumawa lang ng malakas ang boses kaya lumipas ang ilang segundo hinawakan na ni Paulito sa balikat ang kaibigan niya at pinatigil. “Wag kang magpapagod” sabi niya.

“Sa wakas tumama ka rin sugo!” sigaw ng boses at tuluyan nang nabuo ang katawan ng maligno. “Naalala mo ba ang sinabi ko sa alagad mo?” tanong ni Paulito. “Na ikaw ang papaslang sa akin?” sumbat ng hari at biglang natawa.

“Lahat kayo lumayo sa butas, hayaan niyo siyang makuha ang katawan niya” utos ni Paulito at agad nagreklamo ang iba. “Sira ulo ka na ba? Sinasaniban ka na ba niya?” tanong ni Aneth.

Biglang nanigas ang katawan nina Monica, Anhica at Wookie at napatingin sila kay Paulito. “Oo hayaan niyo siyang makuha ang katawan niya. Tiwala lang mga kasama” sabi ng mambabarang.

“Sugo! Ano ang binabalak mo? Kung sa katawan na ito hindi niyo na ako kaya ano pa kaya kung nakuha ko na ang tunay kong katawan?” tanong ng hari at si Paulito naman ang tumawa.

“Nagpipigil lang kami. Hindi mo pa nakita ang tunay na lakas namin. Sige kunin mo ang katawan mo! Gusto ko pag maglaban tayo nasa tunay kang lakas at ako din lalaban sa tunay kong lakas!” sabi ng sugo at tumawa ito ng malakas.

Hindi maintindihan ng mga disipulo ang nangyayari kaya umatras sila, mula sa butas lumabas ang dalawang dwende na masayang lumayo na tumatawa. Nalusaw ang katawan ng hari at naging anino at mabilis itong pumasok sa butas sa lupa.

Yumanig ang buong kaharian kaya lahat napakapit. Ilang sandali pa ay may katawan na lumabas mula sa butas at lumutang sa ere. Tawa ng tawa ang dalawang dwende pagkat tinanggal pala nila ang mga kamay ng katawan.

Ang mga tawa nila napalitan ng pagkatulala nang unti unti nabuo muli ang mga kamay sa katawan. Lahat ng yelo sa lupa biglang nagputukan at ang mga abo ng lahat ng itim na nilalang hinigop ng hari ng kadiliman.

Lahat ng puno at halaman sa kaharian nagsimulang maagnas. Ang lupa tumuyo at ang katubigan lahat naubos. Walang magawa ang mga disipulo kundi mapaluhod pagkat damang dama nila ang malagim na kapangyarihan na bumabalot sa katawan ng hari.

“Kung hindi kayo diyos, hindi ko alam paano kayo mananalo sa akin!!!”


--BUKAS ANG HULING KABANATA NG KWENTO...ANO SA TINGIN NIYO ANG MANGYAYARI? ISULAT ANG INYONG HAKA HAKA SA ATING FACEBOOK DISCUSSION PAGE, PINDOT DITO --

Twinkle Twinkle 2: Bagong Delubyo Chapter 25: Lagim

Twinkle Twinkle 2: Bagong Delubyo
by Paul Diaz


Chapter 25: Lagim

Ang mga pwersa ng liwanag nabalot ng takot nang makita nila ang dami ng kampon ng kadiliman na pasugod sa gubat. Kung kanina ilang daan lang ang bilang ng kalaban, ngayon libo libo na at parami pa sila ng parami.

Sa ere lumutang ang hari at pinagmamasdan ang nagaganap sa lupa, bahagyang pinatigil niya ang mga alaga niya para bigyan tsansa pa sumuko ang mga pwersa ng liwanag.

Sa isang tabi nilaslas ni Tuti ang kamay niya at pinainom kay Nella ang kanyang dugo. Ang mga sugat ng dalaga sa dibdib agad naghilom at ilang sandal pa minulat na niya ang kanyang mga mata. “Tuti?” bigkas niya. “Sige inom ka pa ng dugo ko, ganito ang dugo ng bampira nakakagamot at papalakasin ka niya. Wag kang mag alala tao ka parin” sabi ng bampira at napangiti ang dalaga sabay sumipsip pa sa kamay.

“Hindi natin pwede ibigay nalang sa kanya ang katawan niya. Kung dito na ako mamatay ayos lang basta di ko ibibigay ang katawan niya” sabi ng matandang tikbalang. “Mga diwata gawin niyo lahat ng makakaya niyo para takpan ang butas, ang mga malalakas pa haharap sa mga kampon niya” sabi ni Wookie.

Dahan dahan bumangon si Nella at pinulot niya ang kanyang espada. Tumabi siya kay Wookie at tinuro ang hari ng kadiliman gamit ang espada. “Bring it!!!” sigaw ng dalaga at nairita ang hari kaya sa isang indak ng kamay niya sumugod na ang kampon ng kadiliman.

Ang mga diwata agad pinalibutan ang butas sa lupa ng matingkad na liwanag habang ang mga mandirigma ng liwanag sumugod narin para salubingin ang mga kalaban. Yumanig muli ang lupa sa dami ng itim na nilalang na pasugod, sa ere nagharap ang mga itim na aswang at mga bampira na tinawag ni Tuti.

“Tumabi kayo!!!” sigaw ni Wookie at bigla siyang sumayaw ng Macarena habang nagbibigkas ng mga dasal. Bawat indak ng katawan niya may isang Diablo ang lumalabas. Pag kembot ng mamababarang ang huling Diablos nakawala na at nabighani ang mga nilalang sa lakas ng mga mandirigmang espiritu na napalabas niya.

Mabangis ang trese Diablos at kay dami nilang napaslang na kalaban. Ang hari ng kadiliman hindi makapaniwala sa nakikita niya pero naaliw siya. Mga higanteng diablos ang pumaslang sa kalahati ng kalaban, nagpalabas ang hari ng mga itim na higante pero mabilis sila natalo ng mga diablos.

“Hindi pa panahon para magdiwang!!! Sugod pa!!!” sigaw ng mambabarang at tindo na ng mga nilalang ang pakikipaglaban. Mula sa mga puno nakaposisyon ang mga dwende at tinitira ang mga kalaban gamit ang mga mahiwagang pana at tirador. Isa isang nagbagsakan ang mga aswang at mananaggal dahil sa bangis ng mga bampira sa ere.

Sumugod ang mga itim na taong apoy pero nagulat ang lahat nang nagsilabasan ang mga water dragon ng mga sirena at siyokoy. Pakonti ng pakonti ang kampon ng kadiliman pero tumatawa lang ang hari at lalo pang naaliw.

“Mga mangmang!!! Pinapalakas niyo lang ako lalo!!! Sa bawat dugong pumatak, sa bawat masamang intensyon sa pag iisip niyo, sa bawat buhay na nawawala lalo lang ako lumalakas. Sige pa palakasin niyo pa ako!!!” sigaw niya.

Tila walang nakarinig sa sinabi ng hari maliban kay Aneth na nakatayo sa harapan ng kweba. Tumakbo siya papunta kay Anhica na tumutulong sa pagpapalabas ng liwanag para matakpan ang butas sa lupa. “Kailangan ko ang tulong mo” bigkas niya at napatingin sa kanya si Anhica. Agad sila nagtungo sa kweba habang ang gera sa labas patuloy na sumisiklab.

Akala ng pwersa ng liwanag ay nakakaangat na sila pagkat kokonti nalang ang natirang mga kalaban. Nagbabaga na ang katawan ng hari at may kuryenteng dumadaloy sa kanyang katawan. Nang mamatay ang huling kampon niya pagod na pagod na ang mga mandirigma ng liwanag kaya tumawa ng malakas ang hari.

“Nakakatayo pa kayo? Eto pa!!!” bigkas niya at halos nadismaya na ang mga nilalang nang makita nilang muling bumangon ang mga patay na kalaban nila. “Pagod na ako, di ko na kaya” sabi ng matandang dwende at pati si Wookie hinihingal na. “Parang padami sila ng padami…wala na atang hinto itong laban na ito” sabi ng matandang tikbalang.

Nagtipon ang mga diwata at binuhos nila ang kapangyarihan nila sa pag gamot at pagpapalakas sa mga mandirigma. Habang sila ay gumagaling ang ilang daang libong kalabang naging milyon na at kahit bumalik ang sigla ng lahat unti unti nang nadudurog ang kaisipan nila sa dami ng kalaban.

Pinasugod na ng hari ang mga kampon niya pero biglang lumakas ang hangin sa gubat at may itim na usok ang nagsimulang lumabas mula sa lupa. Pakapal ng pakapal ang usok at ilang sandal pa wala nang makita ang lahat. “Ito ang wakas natin” sigaw ng isang boses.

Sa ere nagtataka ang hari ng kadiliman sa pangyayari. Napanood niyang napalibutan na ang buong gubat ng maitim na usok at wala na siyang makitang nilalang pati ang mga kampon niya.

“Ano to? Anong nangyayari?!!!” sigaw niya at malalakas na sigaw ang narinig mula sa paligid. Mga sigaw na tila sumasakal sa mga nilalang at nauubusan sila ng hininga. Tumawa ang hari at kahit hindi niya alam ano nangyayari nararamdaman niyang madami ang namamatay at lalo siyang lumalakas.

Mas madami pa ang sumisigaw pero unti unting humuhupa ang itim na usok. Nagulat ang hari nang makita niyang nakatayo parin ang mga pwersa ng liwanag. Nang lumiwanag ang paligid nakita ng hari na ang lahat ng kampon niya nakahiga sa lupa at wala nang buhay.

“Pano nangyari ito?!!!” sigaw ng hari at at pati mga mandirigma ng liwanag hindi makapaniwala sa nangyari. Paghupa ng usok nagulat ang lahat nang makita nila si Aneth sa isang tabi, mga mata niya itim at mga kamay nababalot ng itim na liwanag.

Agad tumabi si Anhica kay Wookie, “Inaral niya ang libro ng kadiliman, wag kayong mag alala kontrolado ko siya” sabi ng dalaga at nagulat ang lahat. “Bakit mo ginawa yon?!!” sigaw ng mambabarang. “Siya ang nakaisip niyan! Para bigyan tayo ng oras para maghilom ang mga sugat at magpalakas pa!” sumbat ni Anica at dinig nila ang sigaw ng hari.

Muling bumangon ang mga kampon ng kadiliman pero lalo pa sila dumadami. “Pag nabuhay pa kayo dito sa huling hirit ko ako na mismo ang tatapos sa buhay niyo!” bigkas ng hari.

Muling lumabas ang usok sa lupa pero biglang bumagsak ang katawan ni Aneth sa lupa. Muling lumutang ang katawan niya at nagpaangat sa ere. Lumapit ang katawan niya sa hari ng kadiliman at sinubukan niya suntukin ang hari pero agad siya nasakal. “Ikaw pala ang may pakana nung usok…paalam!” bigkas ng hari.

Ang isang kamay ng hari naging matalim na itim na espada, sasaksakin na sana niya sa dibdib si Aneth pero napatigil siya at napatingin sa paligid. “Sugo!!! Ramdam kita!!! Alam ko nandyan ka!!! Magpakita ka!!!” sigaw ng hari at binitawan niya ang katawan ni Aneth. Nalaglag si Aneth pero mabilis siya sinalo ng mga bampira at nilipad palayo.

Nabuhayan ang mga mandirigma ng liwanag at napalingon lingon sa paligid at hinahanap ang tagaligtas nila. Sa isang iglap biglang lumitaw si Paulito sa harapan ng hari, nagsigawan at nagpalakpakan ang mga nilalang sa baba kaya natawa ang hari ng kadiliman.

“Tinatanggap ko ang hamon mo” sabi ng sugo at lalong natawa ang hari. “Pero hindi ako nag iisa” sabi ni Paulito at biglang lumitaw sa likod ng hari si Monica at niyakap ang katawan niya. Nanghina ang hari ng kadiliman at sinubukan makapiglas, “Wala ka din pala laban sa kapangyarihan ng asul na bato…Paulito ang usapan natin dali!” sigaw ni Monica.

Agad lumipad palayo Paulito kaya nagtaka ang mga nilalang sa baba. “Saan siya pupunta?” tanong ni Wookie. Biglang narinig nila ang bulong ng sugo sa buong gubat at agad nagtipon sa isang lugar ang mga diwata at humulma ng malaking bola ng liwanag. “Oo naiintindihan ko” biglang bigkas ni Anhica at lalong nagtaka ang iba pagkat wala naman siyang kausap.

“Kausap ni Bossing ang mga diwata, hindi natin siya naririnig…sila lang” paliwanag ni Tuti. Nagliyab ang katawan ni Anhica at binuhat ang malaking bola ng liwanag saka siya lumipad sa ere. Tumayo siya sa harapan ng hari na agad binitawan ni Monica at lumipad palayo.

Mabilis kumilos si Anhica habang nanghihina pa ang hari at agad sya kinulong sa loob nito. Agad nagpapababa ang dalaga at napakalakas na hangin ang narinig nilang paparating. Pagtingin nila sa ere nakita nila ang napakabilis na Sugo palipad palapit sa bola. Nakita nilang nagbagang pula ang kamay niya at sinuntok ng malakas ang bola at tumapis ito patungo sa langit.

Lumapag sa lupa ang sugo na agad binati ng nagsasayang mga nilalang. Nagulat ang lahat nang napalibutan ng malakas na liwanag ang buong gubat at hindi makalapit ang mga kampon ng kadiliman.

Lumapag narin si Monica at Anhica sa lupa at tinabihan ang sugo. “Hindi pa oras para magsaya. Gumawa lang kami ng paraan para makakuha pa tayo ng konting oras para magplano” sabi ni Paulito at lahat nakinig sa kanya.

“Hindi pa makakalabas ang hari ng kadiliman sa bola ng liwanag. Umeepekto parin ang kapangyarihan ng asul na bato sa katawan niya. Pero ilang minuto lang ito magtatagal kaya kalian niyo makinig sa akin”

“Ang mga diwata sundan niyo si Monica at ipapaliwanag niya sa inyo ang kailangan niyong gawin” utos ni Paulito. Nagdadalawang isip pa ang mga diwata nang tignan nila si Monica, “Sundin niyo siya!” utos ng matandang diwata kaya agad tinipon ni Monica ang mga diwata sa may batis.

“Kailangan ko kayo lumikas sa lugar na ito” sabi ni Paulito at nagulat ang mga nilalang. “Wag na kayo kumontra, ang mga gustong maiwan dito para lumaban hindi ko kayo pipigilan. Unahin niyo atupagin ang kaligtasan ng pamilya niyo, magiging madugo ang laban na ito at kahit nandito ako hindi ko maipapangako ang magandang resulta…pero gagawin ko lahat para mapigilan ang hari ng kadiliman” sabi ng sugo.

Halos walang nagkikibuan pero may mga nilalang na dahan dahan tumalikod at naglakad palayo. “Pati kayong matatanda dapat umalis na. Kailangan kayo sa paghulma ng kinabukasan pag nagtagumpay tayo dito” sabi ni Paulito at nagtinginan ang mga matatandang nilalang.

Tanging natira sina Wookie at Tuti at ilang sandali pa bumalik na sina Monica at Anhica. “Mukhang nakasalalay itong laban sa atin” sabi ni Paulito at biglang lumapit si Nella at niyakap ang sugo. “Buhay ka” bigkas niya at napayakap din ang sugo sa kanya.

Tumaas ang kilay ni Monica at nagsimangot kaya tumalikod nalang. “Nella kailangan ka ng mga tao, ng mga nilalang, kailangan ka ng buong kaharian kaya kailangan mo narin lumikas” bulong ni Paulito. “Pero may kailangan akong sabihin sa iyo” sabi ng reyna. “Kung ano man sasabihin mo pwede mo sabihin pagkatapos ng laban” sagot ng sugo. “Hindi…kasi…mahirap ipaliwanag e” hirit ni Nella.

“Sinabi na ngang mamaya na e” biglang entrada ni Monica kaya bumitaw si Nella napangiti. “Ipagdadasal ko ang kaligtasan niyo, alam ko magwawagi kayo. Mag ingat kayong lahat” sabi ng reyna at naglakad patungo kay Tuti. “Lalo na ikaw Tuti” bulong ni dalaga at bigla niyang hinalikan sa labi ang bampira.

Tulala ang lahat at gulat na gulat sa nakita nila. Biglang natuwa si Monica at napangiti. Pagbitaw ng mga labi ng dalawa ay agad tumakbo palayo si Nella at si Tuti halos magduling ang mga mata at napakalaking ngiti sa mukha.

“Tuti baba sa lupa” sabi ni Anhica at lahat sila nagtawanan. “Nakahinga ka ng maluwag no?” bulong ni Wookie kay Monica pero agad siya siniko ng dalaga. “Shut up kalbo!” bawi niya.

Muling nagulat ang grupo nang lumapit si Aneth at hinarap ang kapatid niya. “Anhica anong ginawa mo?” tanong ni Monica pero agad yumakap si Aneth sa kapatid niya. “Patawarin mo ako…sorry sa lahat ng nagawa ko” bigkas niya at nagsimulang umiyak.

Nanigas ang katawan ni Monica at di alam ang gagawin niya. Tumalikod nalang ang iba kaya napayakap narin ang bunso sa ate niya.

“Pasensya na sa inyong dalawa pero kokonti nalang oras natin para mapatay ang mga kampon niya bago siya makawala sa bola” sabi ni Paulito at tumabi na si Monica sa sugo. Tumayo sa kanan si Wookie at tumabi sa kanya si Anhica habang si Tuti ay nasa ere parin dahil sa halik ni Nella. Sa tabi ni Monica tumayo si Aneth at lahat sila huminga ng malalim. “Wala nang atrasan ito…”

“Ibaba na ang liwanag!!!”

Twinkle Twinkle 2: Bagong Delubyo Chapter 24: Yanig

Twinkle Twinkle 2: Bagong Delubyo by Paul Diaz

Chapter 24: Yanig

Lahat ng matatandang nilalang nagtipon sa may batis upang panoorin ang mga alagad ng kadiliman maghasik ng lagim sa buong kaharian. “Mukhang ditto sila lahat papunta” sabi ng matandang dwende. “Oo pero lahat ng dinadaanan nila kinakawawa nila. Ano sa tingin niyo? Lumabas nalang tayo para harapin sila bago pa buong kaharian madamay” sabi ng matandang tikbalang.

“Mahirap ang gusto mo mangyari. Mas malakas tayo pag magkakasama, pag kalat kalat delikado tayo. Hayaan mo masira ang mga bahay at mga puno, kaya natin ibalik mga yan. Pero ang buhay di na natin maibabalik. Nailigtas naman na nina Nella ang lahat ng tao at yun ang mahalaga” sabi ng matandang diwata.

Sa may kweba di parin makapaniwala sina Wookie at Tuti sa nagawa ni Anhica. “Bakit mo binalik ang isipan niya?” pabulong na tanong ng mambabarang. “Hindi ko mahanap ang mga pag iisip ng mga disipulo, naisip ko pag nagising siya baka maari niyang sabihin sa atin” sagot ng dalaga. Napabuntong hininga si Wookie habang pinanood nila si Aneth na naglalakad lakad sa paligid at natutuwa sa pag amoy ng mga bulaklak.

“Pero di ganon kabilis bumalik ang tamang isip niya kaya siya ganyan. Sana bumalik na agad ang isipan niya” bulong ni Anhica. “Pero sigurado ka wala na siyang kapangyarihan diba?” tanong ng mambabarang at napasimangot ang dalaga. “Sana tama nagawa ko” sagot niya.

May sumigaw na grupo ng mga diwata kaya madami ang lumapit sa kanila sa batis. “Bakit anong nangyari?” tanong ni Wookie. Nagpalakpakan at nagsayahan ang mga diwata at tinuro ang isang palabas sa tubig. “Panalo sina Paulito pero may kasama siyang babae malakas din” sabi nila. Agad lumapit ang mga matatanda at agad sila nagalit.

“Bakit kasama ng sugo ang bruha?!!! Si Monica yan!!!” sigaw ng matandang tikbalang. “Kasama na natin si Monica at hindi na siya bruha” paliwanag ni Wookie at lahat ng matatanda tinignan siya. “Anong ibig mo sabihin? Kailan pa nangyari ito? Bakit hindi niyo sinabi agad sa amin?” tanong ng matandang dwende.

“Kasi alam naming hindi kayo maniniwala. Tignan niyo ang reaksyon niyo ngayon, ganyan ang naisip naming na iaasal niyo. Pero kailangan niyo magtiwala na kasama na natin si Monica” paliwanag ng mambabarang. “Imposible!!! Baka nagpapanggap lang yan. Hindi makakalimutan ng lahat ang kanyang nagawa!” sigaw na pagalit ng matandang diwata.

“Bakit kayo ganyan? Bakit hindi kayo naniniwala na nagbago na siya? Tandaan niyo dati siyang taga dito at kapatid siya ni Aneth!” sigaw ni Anhica at biglang lumapit si Aneth at lumuhod. Bigla niya tinuro ang tubig kung saan nakitang lumilipad ang sugo at si Monica. “Kapatid ko” bigkas niya.

Nagulat ang mga nilalang sa sinabi ni Anhica at Aneth, di sila makapaniwala na magkapatid sila maliban sa mga matatanda. “Oo magkapatid sila. Noong panahon na lumayas dito si Monica at sumanib sa mga bruha hindi na binanggit ang pangalan niya dito at hindi na siya tinuring na taga dito” paliwanag ng matandang dwende.

“Dapat lang pagkat dapat siyang ikahiya dahil sa pagpapalakas niya kay Fredatoria” dagdag ng matandang tikbalang. “Hindi siya yon. Ako ang nagbigay lakas kay Fredatoria. Pinagbintangan ko lang si Monica” biglang sabi ni Aneth at nagulat ang mga matatanda.

“Kasi naiinggit ako sa kapatid ko. Namana niya ang kapangyarihan ng punong diwata. Gusto ko sana ako pero hindi pala ganon yon. Kaya may nakilala akong matanda at tinuruan niya ako pano lumakas, madami siyang hiniling na kapalit at binigay ko naman sa kanya. Di ko akalain na siya pala si Fredatoria. Patawad po aking nagawa” sabi ni Aneth sabay tinignan ang mga matatanda at ngumiti.

Agad tinakpan ni Tuti ang bibig ni Aneth at nilayo. “Hindi totoong naglayas si Monica dito. Wala kasi gusto magpabuhay kay Paulito noon kaya siya nagtungo sa mga bruha para humingi ng tulong para buhayin siya. Ngunit mapaglinlang ang mga bruha at dahil sa pagbintang ni Aneth kaya nagrebelde na ng tuluyan si Monica” paliwanag ni Wookie at tulala lang ang mga matatanda at di sila makapaniwala sa narinig nila.

“Oo naging bruha si Monica at madami siyang nagawang masama sa kaharian pero binago na siya ng kapatid ko. Ginawa niyang bampira si Monica at at nawala narin ang pagkontrol ng mga bruha sa kanya” dagdag ni Anhica at lalong nalito ang mga matatanda.

“Kapatid mo? Si Paulito? Sandali nga!! Pinagloloko niyo ba kami?!!” galit ng matandang tikbalang pero umentrada ang matandang diwata. “Oo magkapatid sila, dalawa ang nilalang na binigay ng mga tala, nauna si Anhica at tinago naming siya. Pagbalik naming para kunin si Paulito nandon na karamihan ng mga nilalang” sabi niya.

“Kayong mga diwata talaga!!! Dapat hindi kami nagtitiwala sa inyo!!! Mga sakim!!!” sigaw ng matandang dwende at biglang pumorma. “Hindi ngayon ang oras para magbangayan! May hinaharap tayong matinding kalaban! Kailangan natin magkaisa!” sigaw ni Anhica. “Pano pa kami magtitiwala sa mga diwata?” tanong ng matandang tikbalang at pati siya pumorma na.

Biglang yumanig ang lupa at nagsigawan ang mga nilalang na nanonood sa batis. “Nandito na sila!!!” sigaw nila. Lahat napatakbo sa batis at nakita nila ang mga higanteng taong apoy at lupa na sinusubukan gibain ang mahiwagang liwanag na nakapalibot sa gubat.

Nagkagulo sa loob ng gubat at lahat naghanda, agad tumakbo si Anhica sa gitna ng batis at pinalayo ang ibang nilalang. “Ano gagawin mo? Wala na tayong oras, lahat ng kayang lumaban dapat kumalat na sa palibot ng gubat pagkat din a magtatagal ang liwanag na prumropotekta sa atin!!!” sigaw ng matandang diwata.

Hindi nakinig si Anhica, pinikit niya ang kanyang mga mata at biglang kumulo ang tubig ng batis. Nagliwanag ang buong katawan ng dalaga at sa likod niya nagpataas ang tubig at may dalawang higanteng taong tubig ang nahulma. Lahat nabighani sa nagawa ng dalaga at ang mga matatanda muling natulala.

“Naalala ko ang ganyang kapangyarihan…ganyan ang kapangyarihan ng punong diwata noon!” sabi ng matandang tikbalang habang pinanood nila ang dalawang higante na maglakad papunta sa dulo ng gubat.

“Hindi ito oras para matulala at mabighani, mas madami pa kayong makikita na kakaiba kaya mamaya na ang kwentuhan…oras na para lumaban!” sigaw ni Wookie at nagpakawala siya ng isang daan na espiritung mandirigma.

Nabasag ang liwanag at may mga itim na nilalang ang nakapasok sa butas. Agad sila sinalubong ng mga mandirigmang dwende at diwata at ilang saglit pa tuluyan nang gumuho ang liwanag at nakapasok na ang mga higante.

Libo libong mga itim na nilalang ang nagsidatingan mula sa ere at lahat ng nilalang ng gubat naging abala sa paglaban. “Masyado sila madami!!! Kailangan natin tumawag ng tulong mula sa ibang gubat!” sigaw ng isang diwatang mandirigma.

Agad nagtungo sa batis ang isang diwata at tinignan ang kalagayan ng ibang gubat. “Wala umaatake sa kanila! Dito talaga papunta ang lahat!” sigaw niya. “Dalian mo magtawag ka ng tulong!! Hindi natin kakayanin ito sa kalagayan natin!” sabi ng matandang tikbalang.

Agad nagtungo si Anhica sa pinakamalaking puno ng gubat kasa ang ibang diwata. Lahat sila binaon ang kamay nila sa mga ugat ng puno at nagpadala ng mensahe ng tulong sa ibang mga gubat.

Ang mga higanteng taong apoy nakipagbakbakan sa mga higanteng taong tubig. Mabilis nalusaw ang mga higanteng lupa pero napalitan sila ng mga taong lupa na mandirigma. Nagpaapoy ang dalawang higante pero kinontra ito ng mga higanteng taong tubig. Mula sa katawan ng mga alaga ni Anhica naglabas sila ng espadang gawa sa yelo at agad pinuksa ang mga apoy ng dalawang higante.

Nagsaya ang mga mandirigma ng gubat nang nakita nilang nawala na ang mga higanteng taong apoy. Pero hindi nagtagal ang saya nila pagkat dumating ang mga higanteng ahas at agad pinalibutan ang mga higanteng taong tubig.

Sa kweba tinago ni Tuti si Aneth, biglang nagbago ng anyo ang bunging bampira at naglabasan ang mga ngipin niya. “Dito ka lang, wag kang lalabas dito. Kailangan nila ako sa laban” sabi niya. “Kasalanan ko lahat ito ano?” tanong ni Aneth at niyuko niya ulo niya.

“Oo pero wag mo na problemahin, mananalo tayo” sabi ni Tuti at hinaplos ang likod ng diwata. “Masamang nilalang ako ano?” hirit ni Aneth at lumuhod ang bampira sa harapan niya. “Siguro noon, pero pwede ka naman magbago. Hindi pa huli ang lahat. Wag kang mag alala tutulong ako sa laban para mas malaki tsansa ng pagkapanalo at para malaki ang tsansa na magkaroon ka ng kinabukasan para magbago. Wag ka na malungkot Aneth, sige kailangan na talaga ako sa labas” sabi ni Tuti. Huminga ng malalim ang diwata at pinagmasdan ang mga kamay niya, “Tuti…gusto ko magbago…bigyan niyo ako ng tsansa para makapagbago” hiling ni Aneth at nginitian siya ng bampira.

Ang daan daan na itim na nilalang biglang nagsibagsakan sa lupa, mga mandirigma ng gubat nagugulat pagkat wala naman sila ginagawa. May isang mandirigma ang sasaksakin na sana ng isang aswang pero biglang lumitaw si Tuti at naunahan ito. Nabilib ang mga mandirigma sa bampira at lalo silang namangha nang mabilis ito gumalaw at kay daming kalaban ang napatay.

Ginanahan ang mga mandirigma kaya todo bigay sila sa pagpapalabas ng kapangyarihan para mapuksa ang pwersa ng kadiliman. Mula sa ere may mga nilalang na lumilipad na paparating kaya natakot muli ang lahat sa dami nila. “Ang dami nila!!!” sigaw ni Wookie.

“Relax pare, tinawag ko sila…sugod mga bampira!!!” sigaw ni Tuti at ang mga bampira nakinig sa Ultimo bampira at tumulong na sa gera. Natuwa ang mga matatanda at halos naiiyak sila nang makita nila ang mga bampira. “Ganito din noon, lahat ng nilalang nagsama sama” sabi ng matandang dwende. “Tara na! Tulong na tayo, pakita natin na kahit uugod ugod tayo may kapangyarihan parin tayo!!!” sigaw ng matandang tikbalang at nakisali narin ang mga matatanda sa gulo.

Ilang oras nagtagal ang labanan, mga bampira, tikbalang, kapre at dwende ang humarap sa mga itim na nilalang habang ang mga diwata naging abala sa pagpapagaling ng mga nasugatan. Parang hindi nauubos ang mga kalaban, pagod na ang mga mandirigma pero nabuhayan sila nang dumating na ang mga mandirigma galing sa ibang gubat.

Lalo pa sila ginanahan lumaban nang nakita nila si Nella na nagbalik para maki isa sa kanila. Parang nasaniban ang mga mandirigma ng liwanag, mas lalo sila naging mabangis at matapang. Isang oras ang lumipas at isang itim na nilalang nalang ang natira, tumalon sa ere si Nella hawak ang espada ni Paulito. Buong pwersa niya nilaslas ang itim na nilalang.

Pinunasan ng reyna ang dugo sa kanyang pisngi sabay tinaas ang espada. Nagsigawan at nagsayahan ang lahat ng nilalang sa gubat at sinigaw ang pangalan ni Nella. May mga diwata na lumapit sa reyna at agad hinilom ang mga sugat niya, habang nagpapahinga at nagsasaya ang karamihan biglang dumilim ang lupa.

Lahat napatingin sa langit at wala naman silang makitang nilalang na lumilipad. Muli sila napatingin sa lupa at dahan dahan nasasakop ng itim na anino ang buong gubat. “Anong nangyayari?” tanong ni Nella.

Bago pa may makasagot biglang tumapis ang mga diwata sa tabi ng reyna. Mula sa anino lumabas ang hari ng kadiliman at agad niyakap si Nella at binaon ang kamay nito sa dibdib ng dalaga. Napasigaw ng malakas ang reyna, walang nilalang ang makalapit pagkat mga paa nila hinawakan ng mga anino.

Si Tuti sinubukan makapiglas ngunit bumagsak lang siya sa lupa. Si Wookie at Anhica wala din magawa kundi mapaluha pagkat pinanood nilang si Nella mawalan ng malay sa kamay ng hari ng kadiliman.

“Nahulog kayo sa aking bitag!!!” sigaw ng hari sabay tumawa. “Kailangan ng dugo ng mga nilalang pumatak dito sa gubat at dugo ng taong naghahari sa kaharian para matanggal ang sumpa. Sumpa na iniwan ng mga tumalo sa akin noon para hindi ganon kadali mahanap ang tunay kong katawan” sigaw ng hari.

Lahat napatingin kay Nella at nilabas ng hari ang kamay niya at pinatulo ang dugo ng dalaga sa lupa. Biglang yumanig ang lupa at mula sa gitna ng gubat gumuho ang lupa at lumakas ang tawa ng hari.

Binitawan ng hari ang katawan ni Nella, ang anino sa buong paligid biglang nawala kaya nakagalaw na ulit ang lahat. Mabilis gumalaw si Tuti at kinuha ang katawan ng reyna at agad nilayo. Natawa ang hari at nagsimula maglakad papunta sa gitna ng gubat pero bigla siyang hinarang ni Wookie at ni Anhica.

“Ano to? Akala niyo kaya niyo ako pigilan?” tanong ng hari at muling natawa. Lahat ng nilalang nagtipon sa likod ng dalawa, “Kailangan mo kami harapin lahat!!!” sigaw ni Wookie.

“Mga peste!!! Talagang sinusubukan niyo ako…bweno…eto tikman niyo ang kapangyarihan ko!!!” sigaw ng hari. Lumipad siya sa ere at binuklat ang dalawang kamay niya, mainit na hangin ang bumalot sa gubat at ang mga namatay na itim na nilalang muling nabuhay.

Mula sa lupa mas madami pang mga kalaban ang lumabas at muling yumanig ang lupa dahil sa libo libong mga itim na nilalang na pasugod sa gubat.

“Gusto ko sana ako mismo ang papaslang sa inyong lahat ngunit sayang lang ang aking lakas para sa mga kutong lupa na tulad niyo. Kaya eto ipakita niyo sa akin na karapat dapat ko kayong harapin”

Mula sa katawan ng hari naglabasan ang ilang daang mga itim na espiritu at anino, tumawa ng malakas ang hari at tinuro ang mga mandirigma ng gubat.

“Kampon ng kadiliman!!! Wag kayong magtitira ni abo!!!”

Twinkle Twinkle 2: Bagong Delubyo Chapter 23: Delubyo

Twinkle Twinkle 2: Bagong Delubyo
by Paul Diaz


Chapter 23: Delubyo

Sa isang sulok ng kaharian tinipon ni Paulito ang mga itim na nilalang na nagrebelde. Sinusubukan niya sila pakampatehin pagkat takot na takot sila. “Mga kaibigan wag kayong matakot. Tutulungan ko kayo at ililigtas ngunit sa ngayon dadalawa lang kami” sabi ng bampira nang may isang paniki ang dumapo sa kanyang balikat.

Bumulong ang paniki sa tenga ng bampira at biglang kumunot ang noo ni Paulito. “Bakit ano sabi niya?” tanong ni Monica. “Alam ko na bakit gusto ng sugo ang katawan ko. Ang tunay na katawan niya nasa ilalim ng mahiwagang gubat. Maaring pansamantala niya gusto ang katawan ko habang wala pa ang tunay na katawan niya” sabi ng binata.

“Kailangan natin magtungo sa mahiwagang gubat!” sabi ng dalaga at napailing ang mga itim na nilalang. “Hindi natin sila pwede maiwan. Malaking problema ito” sabi ni Paulito. “E di ikaw magpunta doon, maiiwan ako at ako magtatanggol sa kanila” alok ni Monica at napatingin sa kanya ang binata.

Tumalikod ang sugo at natahimik, lumapit sa kanya si Monica at tinitigan. “O ano nanamang drama yan?” tanong niya pero seryoso ang mukha ni Paulito at biglang tinakpan niya ang bibig ng dalaga. “Sabihin mo sa akin na di mo naramdaman yon” bulong ng binata. “Ramdam naman” sagot ng dalaga sabay haplos sa dibdib ng sugo. “Monica hindi yan, paparating na ulit sila!” sigaw ng sugo at agad hinarap ang mga nilalang.

“Ako na bahala sa kanila” sabi ni Monica. “Ano gagawin mo?” tanong ni Paulito. “Lahat kayo makinig sa akin! Magtungo kayo lahat sa batis. Bilisan niyo!!! Doon sa tubig mismo. Sa mga tiyanak magpabuhat muna kayo! Mga disipulo…basta kayong sampu sumama kayo sa kanila dalian niyo!” sigaw ng dalaga.

Lahat nagtakbuhan papunta sa batis habang si Paulito mariing na nagbantay. Pati mga disipulo binuhat na ang kasama nilang mabagal at nagsasaya pang nagtungo sa tubigan. Nang ang mga nilalang ay nasa gitna na ng tubig ay muling nagpakitang gilas ang dalaga. Tumaas ang tubig sa paligid ng mga nilalang at humulma na mistulang kulungan. Lumiwanag ang paligid at nagsilutangan ang mga bato at lupa at pinalibutan ang kulungan. Huling hirit ng dalaga at nagpakawala siya ng malakas na liwanag na bumalot sa nagawa niyang kulungan. “Ligtas kayo kayo diyan” sabi niya sabay bumalik sa tabi ng sugo.

Mula sa kalangitan nakita ng dalawa si Rayisha na paparating, pagbaba niya sa lupa ay agad nila hinarap ang aswang. “May pinaparating na mensahe ang hari ng kadiliman” sabi ni Rayisha. “Tinatanggap niya ang hamon mo! At doon daw kayo sa mahiwagang gubat maghaharap…kung makadaan ka!” sigaw ng aswang at mula sa langit daan daan na mga aswang ang biglang lumitaw. Yumanig ang lupa at nagsilabasan ang mga daan daang tiyanak at tikbalang.

“Sus, di na kayo natuto. Dating gawi!” sabi ni Monica at agad sila pumorma. “Wag kayo magpapakasigurado!!!” sigaw ng isang boses at mula sa langit tatlong nilalang na may pakapak ang dumating. Tumayo ang tatlo sa harapan ni Rayisha at agad nila nilabas ang kanilang espada.

“Vampire hunters…binuhay pala kayo” sabi ni Paulito. “Jackpot!!! Makakabawi narin ako sa iyo!!!” sigaw ng isang boses ng babae mula sa langit, lahat napatingin sa taas at nagulat si Rayisha. “Raika…ate?” bigkas niya.

“Akin ang bruha!!!” sigaw ni Raika at nagliyab ang mga mata niya, humaba ang mga kuko at lumipad pababa at sinugod si Monica. Lumabas din ang mga kuko ng dalagang bampira, humaba ang kanyang mga pangil at tumalon ng mataas at sinugod ang aswang.

Napatingin sa langit si Paulito para mapanood ang pagharap ni Monica at Raika, mga vampire hunter biglang sumugod gamit ang kanilang mga espada at sinaksak ang binata sa katawan. Magsasaya na sana sila pero ang katawan ng sugo biglang naging mga paniki na nagkalat. Napalingon ang tatlo sa paligid at naamoy nila ang sugo sa isang puno.

Bago sila makatingala ay palipad na pababa si Paulito, parehong kamay nagbabaga at sinaksak sa dibdib ng dalawa. Nakaligtas yung isa at agad winasiwas ang kanyang espada.

“Ano pang tinatayo tayo niyo? Sugod!!!” sigaw ni Rayisha at mga kampon ng kadiliman lahat sinugod ang sugo. Sa ere naging mabangis ang paghaharap ni Monica at Raika. Ramdam ng aswang ang bagong kapangyarihan na bigay ng hari kaya ang bibilis ng mga atake niya.

Naglabas ng apoy sa kamay si Monica sabay ngumisi, isasaksak na sana niya ito sa dibdib ni Raika pero nginisian din siya ng aswang. “Ibahin mo na ako ngayon!” sigaw ni Raika at mula sa bibig niya lumabas ang mas malakas na apoy at tinamaan ang dalagang bampira.

Narinig ni Paulito ang sigaw ni Monica, paglingon niya nakita niya ang dalaga sa lupa at pinapaapuyan pa ng aswang. Susugod sana siya papunta doon pero nalaslas siya sa braso ng vampire hunter. Mga tiyanak humawak sa mga paa niya at pinagbubugbog siya ng mga tikbalang.

Iba na ang mga nilalang na kalaban nila, kung dati kaya ni Paulito makawala, ngayon hirap na siya at nararamdaman niya ang bagong dulot na kapangyarihan galing sa hari ng kadiliman.

Si Rayisha nagtago sa likod ng puno habang pinapanood niya ate niya tostahin pa lalo ang bruha. “Rayisha manood ka ng maigi! Weak ka! Panoorin mo pano ko papaslanging tong bruhang ito! Manood ka!!!” sigaw ni Raika.

“Pakawalan niyo ang sugo!!!” sigaw ng vampire hunter at bagsak si Paulito sa lupa at hinang hina. “Di mo dapat pinagawa yon” bulong ng sugo at tumawa ang kalaban niya. Sinipa ang bampira sa baba at napalipad ito sa ere. Agad lumipad ang vampire hunter at paikot na winawasiwas ang espada niya. Kay daming laslas ang natamo ni Paulito sa katawan, lumipad pa lalo pataas ang vampire hunter at dinagod ang bampira sa ulo at muling bumagsak ang sugo sa lupa.

“Sige karnehin niyo na yan!!!” sigaw ng vampire hunter at dinumog ang katawan ng sugo ng mga kalaban. Tumigil si Raika sa pagpapawala ng apoy at pinanood nalang ang nasusunog na katawan ni Monica. Nagtabi ang aswang at vampire hunter sa ere at tuwang tuwa sila sa nagawa nila.

“Mukhang di niyo na kami kinailangan” sabi ni Tikyo. “Doon nalang tayo sa mahiwagang gubat bumawi. Mukhang tapos naman na ang misyon natin dito” sabi ni Dwardo na nakatayo sa balikat ng tikbalang.

“Hindi pa tapos…may naamoy pa akong mga bampira. Di ko sila mapapatawad sa nagawa nila sa mga kapatid ko. Doon sila batis!” sabi ni Giorgo. Agad nagtungo sa batis ang apat at pinagmasdan ang mahiwagang kulungan.

“Dito ko masusubukan ang kapangyarihan ko!” sigaw ni Tikyo at agad niya kinabog ang kulungan at dahil sa bagong kapangyarihan niya agad nagkaroon ng biyak ito. “Baka maunahan pa kita!” sigaw ni Dwardo at agad siya sumisid sa tubig para magpapilalim sa lupa.

Tumulong narin si Raika at Giorgio sa pagpapatumba ng kulungan at kitang kita sa loob na takot na takot ang mga nilalang. Mas madami pang kalaban ang dumating, ang iba tumulong sa pag gulpi sa sugo habang yung iba tumulong sa pag giba sa kulungan.

Lumabas si Rayisha at nilapitan ang namamatay nang apoy. Agad niya napansin ang maliit na burol na gawa sa lupa at unti unti itong gumuguho. May lumabas na kamay kaya agad siya napasigaw. “Ate!!! Buhay pa siya!!!” sigaw niya at agad sumugod si Raika kasama ang ibang mga aswang.

Tumayo si Monica at pinagpag ang natitirang lupa sa katawan niya. Galit ang itsura niya at nanlilisik ang mga mata. Napatingin siya sa mga nagkumpulang mga nilalang pero agad siya napangiti. “Tama na ang paglalaro Paulito” bigkas niya at biglang nanigas ang lahat ng kalaban nang nakarinig sila ng bulong sa paligid.

“Ayos ka lang ba Monica?” sabi ng bulong at tumawa ang dalagang bampira. “Sino ba ang kausap mo? Siyempre ayos na ayos pero galit na galit!!!” sagot ni Monica at bigla siyang sumigaw ng malakas at nagpalutang sa ere.

Ang mga pangil niya nawala at mga kuko bumalik sa mga daliri. Mga pulang baga sa mga kamao niya napalitan ng dilaw at ang mga pulang mata niya napalitan ng puti. “Wag kayo matakot!!! Sugurin ang bruha!!!” sigaw ni Raika.

“Ang kulit mo!!! Sinabing hindi ako bruha!!!” sigaw ni Monica at lumipad siya sa ere at sinalubong ang mga aswang. Sa lupa nakatayo lang ang mga kalaban at hinahanap ang nawawalang katawan ng sugo. Naririnig parin nila ang bulong pero di nila alam kung saan nanggagaling.

“Ako ba hinahanap niyo?” tanong ng sugo at lahat napatingin sa taas ng puno at nakita nila ang nagbabagang nilalang. Ang bilis nagpapababa ng bampira at agad ulit nawala. Pasulpot sulpot si Paulito sa tabi ng mga kalaban at bumubulong sa mga tenga nila. Sa sobrang bilis ng galaw niya agad nagsibagsakan ang mga kalaban sa lupa at nakalahati agad ang bilang nila.

Nakita ni Giogio ang nangyari kaya agad siya napasugod habang patuloy ang pagtama ni Tikyo sa kulungan na malapit na mabasag. Napansin ni Paulito ang pasugod na kalaban kaya agad siya sumigaw ng malakas at ang mga natirang kalaban nanigas at nagtakip ng tenga. Muli siyang nagpaikot ng mabilis at isa isang pinatay ang mga nilalang.

Pagkalapit ni Giorgio ay nagulat siya pagkat silang dalawa nalang ng sugo ang nakatirang nakatayo. “Lalaban ka pa ba o hahayaan nalang kita tumakas?” tanong ng sugo at huminga ng malalim si Giorgio at hinawakan ng mahigpit ang kanyang espada.

“Yan ang desisyon mo…sige” bigkas ng sugo at bigla siyang nawala. Napalingon sa paligid si Giorgio at inamoy ang paligid. “Hindi mo ako kaya taguan!!!” sigaw niya at agad siya humarap sa kanan pero kamao ni Paulito ang natikman niya. “Bobo wala ako balak magtago” sagot ng sugo at muli siya nawala.

Dahan dahan bumangon si Giorgio at hinihimas ang panga niya. “Yan lang ba ang kaya mo?” tanong niya at mula sa kanan nasapak ulit siya ng sugo. Muling bumangon ang vampire hunter at tumawa habang nilalasap ang dugo sa bibig niya. “Duwag ka! Duwag ang sugo. Bakit di mo ako kayang harapin? Bakit mo kailangan magtago?” sabi niya at biglang sumulpot si Paulito sa harapan niya at agad niya pinikit ang mga mata niya pagkat akala niya tatamaan siya.

Dinuro lang ni Paulito ang noo niya at nainsulto agad si Giorgio. “Minamaliit mo ako hayop ka!!!” sigaw niya at winasiwas niya ang espada niya at tumama ito sa dibdib ng sugo. Ngumiti lang si Paulito kaya paulit ulit tinamaan ng vampire hunter ang sugo pero napansin niyang hindi nagagalusan ang katawan nito.

“Anong nangyayari? Imposible na to! Ang espadang ito sadyang ginawa para sa mga bampira” sabi ni Giorgio at tumawa ang sugo. “Walang duda…pero sino ba ang tinatawag mo para makaharap? Tinawag mo ang Sugo kaya ang Sugo ang mismong haharap sa iyo at hindi bampira!!!” sigaw ni Paulito at agad niya nasakal sa leeg si Giorgio at tinaas.

Hindi na makahinga ang vampire hunter at ang lahat ng lakas niya tila sinisipsip ng kamay ng sugo na nakahawak sa leeg niya. “Kanina pinagbibigyan ko lang kayo…hindi basta basta lumalabas ang kapangyarihan ng sugo. Tinago ko ang kapangyarihan ng sugo sa loob ko at lalabas lang ito pag nasa panganib ako o sa puntong sobra ang galit. Bilang bampira aminado ko hindi ko kayo kaya harapin, maaring natalo niyo ako pero hindi naman ako ang tinatawag niyo para harapin. Ang tinawag niyo ang sugo kaya eto tikman mo ang kapangyarihan ng Sugo!!!” sigaw ni Paulito at lalo pang nasipsip ang lahat ng lakas ni Giorgio.
Ilang sandal pa papayat ng papaya ang katawan niya at unti unting nagiging abo. Tumingin si Paulito sa langit at tinignan si Monica. “Ayos ka lang ba diyan?” tanong niya gamit utak niya. Nagulat ang dalaga pagkat ngayon niya lang nakausap si Paulito gamit ang utak lamang. “Oo ayos lang ako, yung kulungan malapit na magiba” sagot ng dalaga. “Ako bahala don” sabi ng sugo at dahan dahan naglakad palapit sa kulungan.

Nakapasok na ang kamao ni Tikyo sa kulungan at pinagkakagat ito nina Darwino at Bobbyno. Tawa lang ng tawa ang tikbalang pero biglang tumigil ang mga kagat kaya nilabas niya ang kamay niya at sumilip siya sa loob. “Bakit napagod na ba ang mga panga niyo?” tanong niya sabay tawa. “Hindi…pero lagot ka paparating na siya o…bleh!!!” sabi ni Darwino sabay tawa.

Tumawa si Tikyo pero bigla siyang nakaramdam ng init sa kapaligiran. Dahan dahan niya nilingon ang ulo niya at nakita niyang may nagbabagang nilalang na dahan dahan naglalakad palapit. Hinahangin ang buhok ng sugo at nag aapoy ang mga mata niya. Nanginig bigla ang katawan ni Tikyo pero agad siya tumayo ng maigi at tumawa.

Bago pa makalabas ang tawa niya sumulpot sa harapan niya ang sugo at nahawakan siya sa leeg. “Bitawan mo ako Sugo kung ayaw mo saktan ng kasama ko ang mga nasa loob” banta ni Tikyo. Sa loob ng kulungan nakalabas na si Dwardo mula sa lupa, nagsisigawan na ang mga nilalang doon at nang susunggabin na ng tiyanak si Bobbyno ay pumasok ang kamay ng sugo sa loob at nahuli sa leeg si Dwardo.

Nilabas niya si Dwardo at tinaas ang dalawang nilalang. “Kayo lang ang pinadala ng hari ng kadiliman? Ano tingin niya sa akin bata?” tanong ni Paulito. “Ayos lang sugo, itong panalo sa iyo na pero tandaan mo ibabalik naman kami ng hari kaya maghaharap ulit tayo…kung maunahan mo siya sa mahiwagang gubat. Wala ka nang oras…pagkat ngayon palang sumusugod na siya doon” sabi ni Tikyo sabay tumawa.

Nagalit si Paulito at pinag umpog ang ulo ng dalawang nilalang. Sa sobrang gigil paulit ulit niya pang pinag uumpog ang dalawa at kahit wala na silang buhay di parin niya tinantanan ang dalawa.

Yumakap ang dalawang dwende sa paa ng sugo, pati si Nyobert sinubukan awatin ang sugo. “Tama na bossing, kawawa na sila” sabi ni Bobbyno at biglang natauhan si Paulito. Agad niya binitawan ang patay na katawan ni Tikyo at Dwardo at huminga ng malalim. Muntik na siya nagpaagos sa kapangyarihan ng sugo at muntik na siya bumigay sa kadiliman nito.

“Maraming salamat mga kaibigan ko” bigkas ng sugo at humupa na ang pagliliyab niya. “Monica tama na ang paglalaro mo, kailangan natin magpunta sa mahiwagang gubat ngayon din” sabi ng sugo gamit ang utak niya.

Si Monica lasog lasog ang katawan biglang nagpaikot ikot at nagulat ang mga kalaban niya pagkat ni isang bakas ng sugat nawala. Ang bilis niya kumilos at pinagsasaksak ang mga aswang sa dibdib gamit ang nagbabagang kamao niya. Yung ibang sumubok tumakas hinabol ng hangin na kontrolado ni Monica, nanigas sila sa ere at pinaglalaslas ang katawan nila gamit ang malakas na hangin.

Tanging si Raika nalang ang natira at hinawakan ni Monica ang leeg ng aswang saka pinalipad pababa sa lupa. Bagsak ang katawan ni Raika at lumipad pataas si Monica upang kumuha ng bwelo. Naglabas siya ng malakas na bola ng liwanag mula sa kamay niya at tinitigan ang aswang. “Tikman mo ang kapangyarihan ng kalikasan!!! Isa akong diwata!!!” sigaw niya.

Lumipad pababa si Monica, sa kamay niya ang malaking bola ng liwanag. Itatama niya sana ito sa katawan ng aswang pero bago pa tumama ito ay bigla siyang tumigil at tumayo. Humupa ang bola ng liwanag at huminga ng malalim.

“Bakit hindi mo pa ako tinapos?” tanong ni Raika at biglang napatingin si Monica sa malapit na puno. “Ayaw ko mapanood ng kapatid mo” sagot niya at tumawa ang aswang. “Walang kwentang kapatid yan! Weak siya!!!” sigaw ni Raika at nagalit si Monica.

Hinawakan ng dalagang bampira ang noo ng aswang at biglang nagliwanag ang kamay niya. Lumabas si Rayisha mula sa puno at sumugod palapit para humingi ng tawad. “Wag mo siya papatayin please!!!” sigaw niya.

Bagsak si Rayisha sa lupa kasabay sa pagbagsak ng ulo ng ate niya. Tumayo si Monica at tumalikod. “Hindi ko siya pinatay. Binago ko lang ang kaisipan niya. Nagmalupit din ang ate ko sa akin kaya alam ko ano ang tunay mong nararamdaman. Ayaw ko umabot sa punto na ituturing mo siyang kalaban at din a kapatid. Magsaya ka sa bagong ugali ng ate mo” sabi ni Monica at agad niyakap ni Rayisha ang ate niya. “Maraming salamat…Monica” bigkas ni Rayisha sa nanginginig na boses. Lumingon si Monica at nagliliyab pa ang mata niya, natakot ang aswang pero bigla siya nginitian ng dalagang bampira.

“Tara na Monica, kinakailangan tayo sa mahiwagang gubat” seryosong sinabi ng sugo. “Paano sila?” sagot ng dalaga sabay napatingin sila sa mga nilalang na naglabasan sa nabasag na kulungan.

“Ako…ako dadalhin ko sila sa ligtas na lugar” sabi ni Rayisha at lahat napatingin sa kanya. “Magtiwala kayo sa akin, ito lang ang maigaganti ko dahil sa pagligtas mo sa ate ko. Ako magtatanggol sa kanila pag kailangan” sabi ng aswang.

“Lalaban narin kami kung kinakailangan!” sigaw ng isang tiyanak at nagsigawan ang mga nilalang pati na ang mga disipulo. Napangiti si Paulito at tinitigan si Rayisha. “Aasahan kita” sabi niya.

Siniko ni Monica si Paulito at tinaas niya kilay niya. “Pangiti ngiti ka pa dyan” bulong niya at natawa ang binata. “Ano nanaman?” reklamo ng sugo. “Wala, tara na!” sabi ng dalaga.

Biglang niyakap ni Paulito si Monica at napangiti ang dalaga. “May gana ka pang maglikot ha” sabi niya. “Kapit ka maigi” sabi ng sugo at biglang napunit ang damit niya at naglabasan ang malalaking pakpak ng paniki sa kanyang likod. Kay bilis nila lumipad sa ere at wala nang magawa ang mga naiwan kundi mapatingin sa langit at panoorin ang kanilang tagaligtas.


( LAST 4 CHAPTERS!!! Join Our Facebook Discussion, CLICK HERE )

Friday, January 29, 2010

Twinkle Twinkle 2: Bagong Delubyo Chapter 22: Ang Hamon

Twinkle Twinkle 2: Bagong Delubyo

by Paul Diaz



Chapter 22: Ang Hamon

Nakabalik si Rayisha sa pinakamadilim na sulok ng kaharian. Takot na takot siya pumasok sa kweba pagkat bigo siya sa kanyang tungkulin. Tahimik ang kweba at dumikit ang aswang sa may batuhan ang kinapa ang daanan niya papasok sa loob.

“Bigo ka sa iyong tungkulin. Bilib ako at may lakas ka pa ng loob bumalik dito” sabi ng malalim na boses na dumagundong sa buong kweba. Napaluhod si Rayisha sa lupa at nanginig sa takot. “Patawarin niyo po ako mahal na hari. Wala po kasi ako alam sa laban kaya nanood lang ako at namuno” sabi ng aswang.

“Nagrarason ka pa. Tinanggap mo ang misyon kaya umaasa akong ng magandang resulta. Pero bigo ka! Bakit di pa ba sapat yung binigay kong tauhan para sumama sa iyo?” tanong ng boses.

“Mahal na hari malakas po ang sugo. Tapos hindi po lahat ng itim na nilalang ang sumama sa atin. Yung iba ayaw nila kaya kokonti lang ang nakasama ko” paliwanag ni Rayisha at biglang lumiwanag ang kweba at nakita niya si Ikaryo sa malapit.

“Sabi ko naman sa inyo malakas ang sugo e. At mukhang mahina ang bulong niyo para makumbinsi ang ibang nilalang” sabi ni Ikaryo at bigla siyang napalipad ng malayo. “Iniinsulto mo ba ako Ikaryo?!!!” sigaw ng malalim na boses at agad tumakbo ang aswang sa tabi ng bagsak na lalake.

“Lumapit ka sa akin Rayisha” sabi ng boses at napalingon lingon sa paligid ang aswang. “Nasan po kayo?” tanong niya. Lumitaw ang itim na usok sa malapit at agad tumayo ang aswang at nagtungo doon.

Napalibutan ng itim na usok ang katawan ni Rayisha, ilang sandali pa pumasok ito sa loob ng bunganga niya. Pinikit ng aswang ang kanyang mga mata at sa muling pagmulat niya buong itim na ang mga mata niya.

May liwanag na lumabas sa mga mata ng aswang at tumama ito sa isang gilid ng kweba. Mga imahe ng nang nangyari sa katatapos na laban ang lumitaw at agad lumapit si Ikaryo para manood.

Lumipas ang ilang minute ay biglang tumawa ang hari nang makita ang mga nagkalat na yelo sa lupa. Agad namatay ang liwanag at bumagsak ang katawan ni Rayisha sa lupa. “Mahusay! Gusto ko siya talaga! Napabilib niya ako” sabi ng hari.

“Pero mahal na hari parang may mali sa napanood natin” sabi ni Ikaryo. “Mali? Anong mali ang sinasabi mo?” tanong ng boses. “Kasi hindi diwata ang sugo, pero yang huling kapangyarihan na nagamit ay kapangyarihan ng malakas na diwata” paliwanag ng lalake.

“Hmmm…ngunit yun lang ang nakita ko sa isipan ni Rayisha. At wala naman ibang nilalang ang kasama ng sugo sa napanood natin” sabi ng hari. “Kaya nga ho e. Kaduda duda ang kapangyarihan na yon. Ang sugo ay bampira, at ang kapangyarihan niya kasintulad lang ng kapangyarihan ng kadiliman” dagdag ni Ikaryo.

“Anong ibig mo sabihin? Na kaya ng sugo sumagap pa ng ibang kapangyarihan? Mas maganda pag ganon. Mas lalo kong gusto ang katawan niya pagkat pag ganon nga siya ay halos kapareho na niya ang tunay kong katawan” sabi ng boses at tumawa ng malakas.

Di mapakali si Ikaryo at di parin makapaniwala sa napanood niya. “Mukhang may duda ka talaga Ikaryo. Nakakainsulto na yang pag asta mo. Parang sinasabi mo na palpak ang pagpasok ko sa isipan ni Rayisha ganon ba? Lahat ng nakita mo ay galing mismo sa napanood ng aswang kaya talagang naiinsulto na ako sa iyo” sabi ng hari at agad lumuhod si Ikaryo at humingi ng tawad.

“Patawad po mahal na hari. Di ko lang talaga maipagtagpi kung bakit kaya ng sugo magmanipula ng kapangyarihan galing sa paligid. Ngunit baka tama din ang hinala niya at kaya niya sumagap ng ibang kapangyarihan” sabi ng lalake at niyuko ang ulo niya.

“Oo at lalo ko na siyang gusto kaya magpapadala ako ng mas malalakas na kampon pero Rayisha ikaw parin ang mamumuno sa kanila!” sigaw ng boses at natakot ang aswang. “Hindi ko na po kayo bibiguin…pero mahal na hari may pinapaabot na mensahe ang sugo sa inyo” sabi ng aswang at muling lumitaw ang itim na usok at lumapit sa kanya.

“Magsalita ka!” utos ng hari. “Sabi po niya na hindi mapapasainyo ang katawan niya at siya daw po ang papaslang sa inyo” sabi ni Rayisha sa nanginginig na boses. Tahimik ang buong kweba pero biglang umiinit ang hangin at ramdam ang kapangyarihan ng hari.

Dumikit si Rayisha kay Ikaryo at kumapit dito pagkat ramdam nila ang galit ng hari ng kadiliman.

“Siya ang papaslang sa akin? Hinahamon ba niya ako? Sigurado ka yan ang mga salitang binigkas niya?” tanong ng hari. “Opo, kaya niya ako di pinatay para ipaabot ko sa inyo ang mensaheng iyon” sagot ng aswang at lalong nagalit ang hari.

“Ikaryo pabalikin mo ang mga anino ngayon din!!!” sigaw ng hari at tumayo ang lalake at agad nagsagawa ng ritwal. Ilang sandali lang mabilis na nakabalik sa katawa ni Ikaryo ang mga anino at agad pumasok ang itim na usok sa bibig ni Ikaryo.

“Naghahanda narin sila sa gubat. Nandon parin ang katawan ko. Ngunit hindi ko nakikita doon ang mga nilalang na nakalaban ko” sabi ng hari. “Mahal na hari matagal nang panahon ang lumipas. Yumao na po ang mga malalakas na nilalang na yon” sabi ni Ikaryo at parang natuwa ang hari.

“Ganon ba? Mahusay kung ganon. Magbabago ang plano ko!” sabi ng hari at agad siya lumabas ng katawa ni Ikaryo. “Rayisha bumangon ka at balikan mo ang sugo. May mensahe akong nais iparating sa kanya” sabi ng hari at agad tumayo ang aswang.

“Sabihin mo sa sugo na magkita kami sa mahiwagang gubat at doon kami magtutuos” sabi ng hari at nagulat si Rayisha. “Hindi niyo na puntirya ang katawan niya?” tanong ng aswang. “Wag kang sasabat pag di pa ako tapos!!!” sigaw ng hari at agad nalaslas ang dibdib ng aswang kaya napasigaw siya ng malakas.

Unti unti nahilom ang laslas at muling nakahinga ng maayos ang aswang. “Sasabihin mo sa kanya sa mahiwagang gubat kami magtutuos…kung malusutan niya kayo. Bibigyan kita ng makapangyarihan na mga kasama. Alam ko na ang mga pwedeng tumalo diyan sa sugong yan kaya wag kang mag alala iha” sabi ng hari.

“At sabihin mo sa kanya na mauuna na ako sa gubat at aantayin ko siya don! Tiyak magugulo ang isipan niya sa laban. Hindi ko gagalawin ang mga nilalang sa gubat, akoy mag aantay lang doon sa pagdating niya”

“Pag nalusutan niya kayo maghaharap kami sa gubat at doon ako mismo ang tatalo sa kanya at aangkinin ko ang katawan niya. Susubukan ko ang katawan niya at papasalangin ko ang lahat ng nilalang sa gubat gamit ang katawan ng sugo. At pag nagustuhan ko ang katawan niya yon na ang magiging permanenteng katawan ko. Pag hindi ay pwede ko naman hukayin ang tunay kong katawan para akoy makapaghari na dito sa Plurklandia!!!” sigaw ng boses sabay tumawa ng malakas.

“Ano pang inaantay mo? Layas na!!!” sigaw ng boses at agad lumabas ng kweba ang aswang. Tumayo si Ikaryo at naglakad lakad. “Mahal na hari pano niyo maabot ang mahiwagang gubat? Sabi niyo hindi kayo makakalabas sa dito pag wala kayong katawan” tanong ni Ikaryo.

Di siya pinansin ng hari at naramdaman niya na may namumuong malakas na kapangyarihan sa kweba. Nabingi si Ikaryo sa binibigkas na dasal ng hari kaya nagtakip siya ng tenga niya.

Muling kumalat ang bulong sa buong kaharian, dinig na dinig din ito sa mahiwagang gubat. Sa isang dako ng kaharian ay gumalaw ang lupa. May mga patay na nilalang ang lumabas at muling bumangon.

Tatlong nilalang ang tumayo at muling nakahinga, pulang pula ang mga mata nila at natuwa sila sa bagong buhay na binigay sa kanila ng hari ng kadiliman. “Kamiy tapat na maglilingkod mahal na hari” sabay sabay nila binigkas at biglang nagsilabasan ang mga pakpak nila at sabay sabay sila lumipad patungong langit.

Lumindol ng malakas sa buong kaharian, ang mga bulkan biglang gumuho at sa loob nagsilabasan ang mga higanteng taong apoy. Mula sa karagatan nagsilabasan ang mga higanteng ahas at lahat sila nagtungo sa mahiwagang gubat.

Mula sa buong kaharian nagsibangong ang mga patay na nilalang, at sa bundok ng Asura naghilom ang mga sugat ng mga napaslang na nilalang at muling bumangon. Ang nagkalat na laman ng isang aswang muling nabuo at nang makahinga ito nagpakawala ito ng malakas na sigaw.

“Dwardo, Tikyo, bangon!!! Binigyan tayo ng panibagong buhay ng hari ng kadiliman. Nagtagumpay si Ikaryo!!!” sigaw ni Raika at agad niya tinipon ang mga kasama niyang aswang at manananggal at binuhat ang mga ibang nilalang at lumipad sila sa ere.

“Saan tayo pupunta Raika?” tanong ni Dwardo na nakasakay sa likod ng isang manananggal. “Pupuntahan natin ang kapatid ko at papaslangin natin ang sugo!” sabi ni Tikyo. “At sana nandon din si Monica pagkat ipapatikim ko sa kanya ang kapangyarihan ko! Sige sugod!!!” sigaw ng aswang.

Mga higanteng taong lupa at mga higanteng taong bato ang nagpayanig sa buong kaharian. Sa mahiwagang gubat lahat ay abala pagkat ramdam na nila ang paparating na delubyo.

“Mga diwata! Agad palibutan ng liwanag ang gubat!” utos ng matandang dwende. Ang mga matatanda tumakbo patungo sa batis kung saan may isang diwata na nagpakita ng mga kaganapan sa tubig. Ang tubig ng batis nagmistulang malaking papanooran kung saan nakikita ang bawat sulok ng kaharian.

“Naku po, mga higante pinakawalan niya” sabi ng tikbalang. “Lahat ng mga napaslang na nilalang binuhay niya…pati kaya mga ninuno?” tanong ng isa. “Hindi, ang mga ninuno ay yumao na at naglaho na ang katawan nila. Siguro alam nila ganito ang mangyayari at ayaw nila magamit ang katawan at kapangyarihan nila” paliwanag ng isang matanda.

Ang mga grupo ng mambabarang nagtipon upang magsagawa ng seremonyas para maipatawag ang lahat ng espiritu na lumaban para sa kanila. “Maayos ang mga espiritu, mukhang hindi sila pinatawag ng hari ng kadiliman” sabi ng matandang mambabarang at nakahinga ng maluwag si Wookie.

“Anong balita sa kampo ng mga bampira? Aanib ba sila sa atin o sa kalaban?” tanong ng isang nilalang at lahat napatingin kay Tuti. “Ango nga bahala, fufuntahan ko sila at tifunin” sabi ng bunging bampira at agad siya nawala.

“Kumusta ang estado ng ibang gubat? Kumusta na kaya sina Nella?” tanong ng matandang tikbalang at tinuro ang diwata ang saktong lugar sa tubig. “Maayos ang lahat ng gubat at nakahanda na sila. Mukhang dito patungo ang lahat ng kampon ng hari ng kadiliman. Ang reyna ay nasa maayos na kalagayan at patuloy ang paglilipat nila ng mga tao sa mga gubat” paliwanag ng diwata.

May sumigaw na bata at tinuro ang buwan, lahat ng nilalang napatingin sa langit at nagulat sila sa nakita nila. Ang pulang buwan nagbabago at ang matingkad na kulay nito napalitan ng mala dugong pula.

“Ito na nga ang nakasaad sa libro ng mga ninuno. Ang pagdugo ng buwan ay hudyat ng simula ng pagsalakay ng hari ng kadiliman” sabi ni Berto at lahat napatingin sa kanya. “Ikaw multo sabihin mo sa amin ang lahat ng magaganap! Pano magwawakas ang lahat ng ito?” tanong isang matanda.

Napailing si Berto at pinakita ang libro sa mga nilalang. “Nakikita niyo ito? Ito ang libro ng Magigiting. Ito ay sinusulat ko palang para makwento sa mga nilalang at tao sa kinabukasan ang lahat ng naganap dito. Sinusulat ko dito ang mga kwento niyo, kwento ninyong mga magigiting na mandirigma na haharap sa hari ng kadiliman”

“Sa tingin niyo ba magsusulat pa ako ng ganito pag alam ko hindi maganda ang kalabasan ng laban na ito? Tanging masasabi ko ay hindi madali ang laban na ito at kakalat talaga ang dugo. Wag kayong makapante sa sinabi ko, imbes na makapante ay todo niyo pa ibigay ang lahat para masigurado na mabasa nga ng mga nilalang at tao ng kinabukasan ang librong ito” sabi ni Berto.

Nagtinginan ang mga matatandang nilalang at napabilib sila ng multo. “Tama siya, sisiguraduhin natin na mababasa ng madami ang libro ng magigiting!” sigaw ng dwende at lahat ng nilalang tila nabuhayan.

Lumabas si Anhica sa kweba at lahat napatingin si Wookie at Berto sa kanya. Gulat na gulat ang dalawa sa nilalang na lumabas kasunod ng dalaga kaya si Anhica niyuko nalang ang ulo niya. Biglang natuwa ang ibang nilalang at sabay sabay sila sumigaw.

“Gising na ang punong diwata!!!”

Sa malayong sulok ng kaharian nagsasaya ang hari ng kadiliman habang si Ikary palakad lakad sa loob ng kweba. “Mahal na hari, hindi ko maintindihan ang plano mo. Paano tayo susugod sa mahiwagang gubat pag wala pa ang katawan ng sugo? Sabi mo hindi ka pwede lumabas pag wala kang katawan” sabi niya.

Biglang tumahimik ang kweba at ilang sandal pa may itim na usok ang muling namuo sa harapan ni Ikaryo. Kakaiba ngayon pagkat humulma ng katawan ng tao ang uso at nanlaki ang mga mata ng nilalang nang nagkaroon din ng mukha ang hari.

“Madami ka masyado tanong Ikaryo. Mapalad ka pagkat ikaw palang ang pinakitaan ko ng aking mukha. Alam mo ba sino lang ang nakakakita ng mukha ko? Tanging mga nilalang na nais kong saniban!!!” sigaw ng hari.

Napanganga si Ikaryo at nanginig ang buong katawan. Nanigas siya at biglang sumugod ang itim na usok sa bunganga niya. Lumutang sa ere ang katawan ni Ikaryo habang patuloy pumapasok ang itim na usok sa kanya.

Nagsara ang mga mata niya at tila nagbabago ang katawan. May kuryenteng dumaloy sa buong katawan ni Ikaryo at pagmulat ng mata niya itoy pulang pula at nag aapoy. Isang malakas na tawa ang dinig na dinig sa buong kweba, boses parin ng hari ng kadiliman pero itoy nanggagaling na sa bunganga ni Ikaryo.

Ilang sandali pa lumabas si Ikaryo ng kweba at huminga ng malalim. Muli siyang napatawa ng malakas at ito ay dinig na dinig sa buong kaharian ng Plurklandia. Kasabay ng sigaw ay malakas na pwersa mula sa katawan niya ang nakawala upang iparamdam sa lahat ang kanyang kapangyarihan.

“Maghanda kayo lahat!!!”


( Join our Facebook page, CLICK HERE . SEE YOU ON MONDAY FOR CHAPTER 23 )

Thursday, January 28, 2010

Twinkle Twinkle 2: Bagong Delubyo Chapter 21: Pakitang Gilas

Twinkle Twinkle 2: Bagong Delubyo

by Paul Diaz


Chapter 21: Pakitang Gilas

“Bantayan mo sila” sabi ni Paulito. “Hindi, ayos lang sila basta nasa loob sila ng liwanag. Lalaban ako at wag mo nanaman ako ikukulong!” sabat ni Monica. “Paano ako lalaban ng maayos pag alam kong nakikipaglaban ka din?” sabi ng binata. “So concerned ka talaga?” landi ni Monica. “Oo! Kaya dito ka lang sa likod ko” sumbat ni Paulito. “Mas madali tong laban pag dalawa tayo…o baka natatakot ka baka mas malakas ako kesa sa iyo?” hamon ng dalaga at natawa si Paulito.

“Alam mo tama ka, mas madali pag dalawa tayo. Sige papayag ako pero wag kang lalayo sa tabi ko” sabi ng binata at papalapit na ang mga kalaban nila. “Show me what you got” hamon ni Monica at napangisi ang binata.

Humarap si Paulito at huminga ng malalim, nagliyab ng apoy ang mga mata niya sabay nagpakawala siya ng malakas na sigaw. Lahat ng mga tiyanak napalipad paatras at mga sumusugod galing sa ere ay lahat nagtakip ng mga tenga at nagbagsakan sa lupa.

“Weak! Eto kaya mo?” sabi ni Monica at nagliyab ng dilaw ang buong katawan niya at bigla siyang lumutang sa ere. Pinikit ng dalaga ang kanyang mga mata at biglang lumakas ang hangin sa paligid. Lahat ng kalaban nila lumutang sa ere at pinaglalaslas ng hangin ang mga katawan nila. Tumawa ng malakas si Monica at napatingin sa kanya si Paulito. “Bakit ka tumatawa na parang bruha?” tanong niya kaya napatigil ang dalaga.

“Kasi talo ka, weak ka!” sumbat ni Monica at biglang nag apoy ang mga kamay ng sugo at hinarap niya ang mga nakalutang na kalaban. “Sinong weak? Baka ikaw!” sigaw niya at pinaharap niya ang dalawang kamay niya at may mga apoy na lumabas.

Tinosta ni Paulito ang lahat ng kalaban na nakalutang sa ere, ilang sandali pa tumigil siya at nilipad ng hangin ang mga abong natira. Sigang tumayo si Paulito at nginitian niya si Monica, “Sila ang weak” bigkas niya pero nakatulala lang si Monica kaya muling humarap si Paulito.

Ang mga nagkalat na abo muling nagtitipon at nabubuo muli ang mga katawan ng kalaban. Parehong di makapaniwala ang dalawa sa nakikita nila at ilang sandali pa buhay ulit ang lahat ng napatay nila. “Paano mo papatayin ang mga ganyan?” bulong ni Monica at huminga ng malalim ang binata. “Mukhang mahihirapan tayo dito, tara na bago mabuo pa yung iba” sabi ni Paulito at nauna na siyang sumugod.

Sumalubong kay Paulito ang mga malalaking itim na tikbalang, pinaglalaslas niya ang mga katawan nito at naging abo sila ngunit muling nabuo ang mga katawan ilang sandali pa. Parang tuloy hindi nauubusan ng kalaban ang sugo, sumugod narin sa kanya ang mga tiyanak at mga aswang.

Si Monica nakatayo lang at pinapanood ang laban at kahit may bumagsak na aswang sa tabi niya, hindi siya ginagalaw. Totoo ang sinabi ng tatlong tiyanak, puntirya lang nila ang katawan ni Paulito. Biglang may naisip ang dalaga at sumugod narin siya.

Di pa nakaabot si Monica ay napatapis paatras si Paulito. Nasalo ng dalaga ang binata at mabilis sila sinugod ng mga kalaban. Agad naglabas ng bolang liwanag si Monica at doon sa loob nagtago ang dalawa. Kahit anong gawing atake ng kalaban ay di nila mabasag ang bola ng liwanag.

“Nagsasayang tayo ng oras dito sa loob” reklamo ng sugo. “Makinig ka sa akin. Pinapagod ka lang nila” sabi ni Monica. “Oo alam ko pero sinusubukan ko lahat pero talagang nabubuhay ulit sila e” sabi ni Paulito. “May plano ako pero kailangan ko ng tubig” sabi ng dalaga. “Tubig? Aanhin mo ang tubig?” tanong ni Paulito.

“Basta, kaya sana dalhin mo ang laban malapit sa batis” sabi ni Monica. Napansin ng dalawa na palakas ng palakas ang pagtama ng mga tikbalang sa liwanag, “At Paulito, wag kang magpipigil, kailangan ko abuhin mo sila lahat ng mabilis” dagdag ng dalaga at napatingin sa kanya ang binata. “O sige, may tiwala ako sa iyo. Umatras ka konti” sabi ni Paulito.

Mula sa isang puno sumilip si Rayisha, hindi siya sumasama sa laban at nagmamasid lang. “Ano pang inaantay niyo?!!! Sirain niyo ang liwanag na yan!!!” sigaw niya. Ang mga higanteng itim na tikbalang lalong nilakasan ang pagsuntok at pagtadyak sa bolang liwanag pero nagulat sila nang kumislap ng pula ang bola. Palakas ng palakas ang pulang liwanag at ilang sandali pa sumabog ito.

Napatalsik paatras ang lahat ng kalaban, muling nagtago si Rayisha sa puno. Pagsilip niya nagulat siyang makita ang si Paulito, nagbabagang pula ang buong katawan at ramdam na ramdam ang kakaibang kapangyarihan niya. Mabilis na binuhat ng sugo si Monica at tumakbo papunta sa batis. “Habulin niyo siya!!!” utos ni Rayisha at agad humabol ang alagad niya.

Pag abot ng mga kalaban sa batis nakita nila si Monica na nakatayo sa gitna ng tubig at nagliliyab ng dilaw ang buong katawan. Hindi nila mahanap ang puntirya nila pero biglang nakarinig sila ng kakaibang bulong mula sa paligid. Naintriga si Rayisha kaya lumapit, narinig niya yung bulong kaya siya napasigaw. “Hindi yan bulong ng hari ng kadiliman! Bulong ng sugo yan at wag niyo papakinggan!!!” sabi niya.

Agad nagtakip ng mga tenga ang mga kalaban, magtatakip narin sana ng tenga si Rayisha pero nagulat siya ng may yumakap sa kanya mula sa likod. Sisigaw sana muli ang aswang pero ang matatalim na kuko ni Paulito nakatutok sa puso niya. “Wag kang maingay. Ititira kita” sabi ng bampira at bigla siyang nagbulong sa tenga ng aswang.

Nanigas si Rayisha at sumugod si Paulito sa mga kalaban. Habang nagpapalingon lingon ang mga tikbalang, aswang at tiyanak at napakabilis gumalaw ng sugo at isa isang inabo ang lahat ng kalaban. Nang naabo niya na lahat agad siya tumayo sa likod ni Monica. “Ikaw na!” sigaw niya.

Muling lumutang sa ere ang mga abo pero mula sa batis ay naglutangan din ang mga patak ng tubig. Tinaas ni Monica ang isang kamay niya at biglang sumugod ang mga patak ng tubig at naghalo sa mga abo ng kalaban. Sinara ni Monica ang kamao niya at biglang naging yelo ang mga patak ng tubig. Nakulong sa mga yelo ang mga abo, nagpumilit magdikit dikit ulit ang mga abo ngunit hindi na sila magdugtong pagkat yelo na sila.

Nabilib si Paulito sa naisip ng dalaga, sabay humupa ang liyab sa katawan nila. Sa paligid nagkalat ang mga yelo at nakita ni Monica ang nanigas na aswang. “Bakit mo siya tinira?” tanong niya sabay tumaas ang kilay.

“Kasi parang siya ang boss nila at may binabalak ako” sagot ng binata. “Anong balak? Maitim na balak no? In fairness maganda siya…sa akin mo nalang gawin yung binabalak mo” landi ng dalaga at natawa si Paulito. “Sira! Magpapadala tayo ng mensahe sa hari ng kadiliman kaya ko siya tinira” paliwanag ng binata.

“Nagpapatawa lang ako!” sumbat ni Monica at pareho sila natawa. Humarap si Paulito kay Rayisha at nilapit ang mukha niya. “Subukan mo lang halikan yan, hmp” bulong ni Monica. “Papaamuhin ko lang, ano ka ba?” sabi ng binata.

Humarap ang sugo sa aswang at nagliyab ang mga mata niya. “Bakit gusto makuha ng hari ang katawan ko?” tanong ni Paulito. Napasigaw si Rayisha at nilalabanan ang pagkontrol ng bampira sa utak niya. “Hindi ko alam!!! Umalis ka sa ulo ko!!!” sigaw ni Rayisha. “Nagsasabi siya ng totoo” bigkas ng bampira at huminga siya ng malalim.

Nagkatitigan ang mata ni Rayisha at Paulito, “Babalik ka sa hari at ikwekwento mo sa kanya ang mga nangyari dito. Pero hindi mo sasabihin na may kasama ang sugo. Ikwekwento mo sa hari kung gaano ako kalakas at sabihin mo sa kanya ako ang papaslang sa kanya” bigkas ni Paulito sabay lumayo.

Nakagalaw na muli ang aswang at mabilis lumipad palayo. “Monica sana naintindihan mo bakit ko sinabi na ako lang ang nakita niya” sabi ng sugo. “Oo alam ko, ayaw mo malaman ng hari na may mas malakas sa iyo” sagot ng dalaga at pareho sila nagtawanan. “Oo alam ko, ayaw mo bigyan ng bagong pagtutuunan ng pansin ang hari. Gusto mo ikaw ang puntirya niya” sabi ng dalaga. “Oo ganon na nga. Mas madali pag ako lang ang gusto niya makuha” sabi ni Paulito.

“Pero bakit ka niya gusto makuha? Makapangyarihan na siya, aanhin ka niya?” tanong ni Monica. “Hindi ko din alam, baka gusto niya manilbihan ako sa kanya. Susubukan niya ako baliktarin siguro pero hindi niya kaya gawin yon” sagot ni Paulito. “Malamang yun nga siguro ang rason. Tara na kalian natin maibalik ang mga kaibigan mo sa mahiwagang gubat” sabi ng dalaga.

Pagkabalik nila sa dating lugar ay nagulat sila pagkat madaming tiyanak at ibang nilalang ang nagtipon. Agad pumorma ang dalawa pero dinig na dinig nila ang mga sigaw ng tatlong tiyanak sa bola ng liwanag. “Sila ata yung mga kasama ng tiyanak” sabi ni Monica. “Hindi tayo nakakasigurado e” sabi ni Paulito at humarap siya sa mga nilalang.

“Nandito ba kayo para labanan ako?!!!” tanong ng sugo at biglang lumuhod ang lahat ng nilalang. Pinakawalan ni Monica ang tatlong tiyanak at agad sila tumayo sa harap ng sugo at pinipigilan siya. “Wag po!!! Kasama namin sila. Kami yung mga hihingi ng tulong sa iyo” sabi nila.

Mas madami pang nilalang ang nagsilabasan at nagulat ang mga bampira sa dami nila. “Wag mong sabihin dadalhin natin sila lahat sa paglakbay” bulong ni Monica at huminga ng malalim si Paulito at napakamot. “Malaking problema ito” sabi niya.

Samantala sa mahiwagang gubat patuloy ang pagplaplano ng mga mandirigma kasama ang mga matatandang nilalang. Si Tuti nagbabantay sa pinakamataas na puno at may nakakuha ng atensyon niya. Parang may nakita siyang aninong gumalaw pero paglingon niya wala naman nilalang doon sa paligid. Napakamot nalang ang bampira at may dumapong paniki sa balikat niya.

Bumulong ang paniki sa tenga ng bampira at agad bumaba ng puno si Tuti. Nahanap niya si Anhica at Wookie at agad sinabi ang balita. “Nagfadawa ng mengshahe shi boshing!!!” sigaw niya at nakita ng dalawa ang paniki sa balikat ng bampira.

“Ano sabi niya?” tanong ni Wookie. Napakamot si Tuti at agad hinawakan ang mukha ng mambabarang. Tinitigan ni Tuti si Wookie at bigla nalang napaamo ang mambabarang. “Pasensya na Wookie kailangan ko gawin ito para maintindihan ako” sabi ng mambabarang at natawa si Anhica.

“Nahanap na daw nila ang mga disipulo pero wala ang pag iisip nila. Nakuha daw ni Aneth mga tamang isipan nila. Inatake na daw sila ng mga kampon ng kadiliman at gusto nila makamtan ang katawan ni bossing” sabi ni Wookie at nanlaki ang mga mata ni Anhica.

“Kailangan natin magpunta doon para tulungan sila!” sigaw niya. Bumalik na ang tamang isip ni Wookie at binatukan niya si Tuti. “Wag mo na uulitin yon ha!” sabi niya at napangisi ang bunging bampira. “Teka teka, kailangan natin ipaalam sa lahat na umatake na sila” sabi ni Wookie at saktong lumapit ang mga matatandang nilalang.

“Narinig namin ang sigaw, ano nangyari?” tanong ng matandang dwende. “Nakatanggap kami balita galing kay Paulito. Inatake na sila ng mga kampon ng hari ng kadiliman” sabi ni Wookie. “Pero sabi pa niya puntirya ang katawan niya” dagdag ng mambabarang at humarap ang matandang diwata.

“Tama ang hinala natin, naghahanap siya ng pansamantalang paninirahan ng kapangyarihan niya. Ang sugo ang napili niyang saniban habang wala pa ang tunay na katawan niya. Ipaalam mo ito kay Paulito at sabihin mo mag ingat siya at wag magpapahuli. Kailangan na natin maghanda pagkat gumalaw na pala sila” sabi ng matanda at tinipon na nila ang mga mandirigma.

“Magpadala narin tayo ng mensahe sa lahat ng gubat. Pero tayo ang dapat maghanda ng maigi pagkat sigurado dito siya pupunta para makuha ang katawan niya” sabi ng matandang tikbalang.

Muling napalingon si Tuti at may nakitang mga anino. “Nangdito nga ata siwa” sabi niya. “E di sana naramdaman ko na, may mga iniwan akong bantay na espiritu sa bawat sulok ng gubat” sabi ni Wookie. Kinausap na ni Tuti ang paniki saka pinakawalan. Si Anhica hinila ang dalawa papunta sa kweba para bisitahin ang katawan ni Aneth.

“Bakit tayo nandito?” tanong ni Wookie. “Tinanggal ko lahat ng kapangyarihan ni Aneth pero wala akong napansin na pag iisip o kaluluwa ng mga disipulo” sabi ni Anhica. “Baka naiwan pa sa katawan niya” sabi ng mambabarang. “Yun na nga e, bantayan niyo ang papasok ng kweba at susubukan ko hanapin ito sa katawan niya. Baka kasi isipin ng iba na sinasaktan ko siya” paliwanag ng dalaga at nagbantay ang dalawa sa labasan.

Pinatong ni Anhica ang kamay niya sa ulo ng tulog na diwata. Nagliwanag ang buong kweba at sinimulan na niya ang paghahanap. Ilang minute ang lumipas at tumigil ang liwanag. Agad lumapit ang dalawa at nakibalita pero nakasimangot na mukha ng dalaga ang sumalubong sa kanila.

“Wala talaga don e” sabi ni Anhica. “Ha? Ano ibig mo sabihin? Ligaw na espiritu sila?” tanong ni Wookie. “Hingdi! Shavi ni voshing vuhay shila e” sabi ni Tuti. “Talang pag iisip lang nila ang wala. Ginawa ko na lahat ng makakaya ko para mahanap sila sa isipan at utak ni Aneth pero wala talaga sila doon” sabi ng dalaga.

“Anong ibig mo sabihin? Hindi na babalik sa tamang pag iisip ang ibang disipulo?” tanong ni Wookie at napayuko ng ulo si Anhica.

“Ganon na nga”