sk6

Tuesday, January 26, 2010

Twinkle Twinkle 2: Bagong Delubyo Chapter 20: Kadiliman

Twinkle Twinkle 2: Bagong Delubyo

by Paul Diaz


Chapter 20: Kadiliman

Sumapit ang umaga at ramdam na ng buong kaharian ang nagbabantang delubyo. Namahinga na ang pulang buwan ngunit hindi na asul ang kalangitan. Nabalot ng takot ang lahat ng tao at nilalang sa buong Plurklandia pagkat pulang langit na ang nakikita nila at mainit at mabigat ang simoy ng hangin.

Sa pinakamadilim na parte ng kaharian ay nagdidiwang sina Ikaryo at ibang nilalang pagkat nabibiyayaan sila ng bagong kapangyarihan. “Sinasayang niyo ang oras! Bakit di pa kayo kumilos para kunin ang sinasabi mong katawan ng sugo?!!!” sigaw ng boses na dumagundong sa buong paligid.

“Mahal na hari malakas ang sugo, kulang kami kung kakalabanin namin siya” sabi ni Ikaryo. “Malakas? Gaano ba kalakas yang sugo na yan? Naiintriga tuloy ako sa kanya” sabi ng boses.

“Napanood ko lang siya lumaban, hindi ko pa natitikman ang kapangyarihan niya. Di ko alam kung sapat na ito para sa inyo pagkat lahat ng kinakalaban ng sugo ay namamatay” paliwanag ni Ikaryo at biglang tumawa ng malakas ang malalim na boses.

May itim na usok ang pumalibot sa katawan ni Ikaryo, ang karamihan ng usok umikot sa kanyang ulo. Napaluhod ang lalake at napasigaw sa sakit habang lalong tumawa ng malakas ang boses. “Gusto ko ang nakikita ko! Gusto ko itong sugo na ito! Naiintindihan ko ang takot niyo pero nabigyan ko kayo ng sapat na kapangyarihan para harapin siya. Wag kayong mag alala dadami ang kampon natin” sabi ng malalim na boses.

“Ikayo maiwan ka dito sa tabi ko. Rayisha, ikaw ang mamuno ng pagkuha sa katawan ng sugo” sabi ng hari ng kadiliman at napailing ang dalagang aswang. “Ngunit mahal na hari mas maganda pag si Ikaryo ang kumuha nung katawan pagkat mas madami siyang laban na napasukan na samantala ako kokonti palang pagkat ayaw ako payagan ng ate ko” reklamo ni Rayisha.

“Sinusuway mo ba ako?!!! O gusto mo wakasin ko na ang buhay mo ngayon at buhayin ko nalang ang ate mo na nalasog lasog daw ang katawan ayon sa nakita ko sa isipan ni Ikaryo?” tanong ng hari. “Hindi! Pupunta ako! Wag mo na ibalik ang ate ko, ayaw ko nang masakal! Ngunit kokonti lang kami mahal na hari” sabi ni Rayisha.

“Kung may inutos ako sundin niyo agad at wag kayo magreklamo! Magtiwala kayo sa kapangyarihan ko! Umalis na kayo ngayon din!!!” sigaw ng boses at agad umalis si Rayisha dala ang ibang mga aswang at manananggal.

“Bakit niyo ako pinaiwan mahal na hari?” tanong ni Ikaryo. “Nakita ko ang isipan mo at kaluluwa kanina at tapat ka nga sa akin. Alam ko din na naaral mo ang libro ng kadiliman kaya ramdam ko ang kapangyarihan mo”

“Kailangan ko gamitin mo ang kapangyarihan mo upang pasyalin ang mahiwagang gubat. Alam mo naman na di ako tatagal pag wala ako katawan” sabi ng boses. “Pero mahal na hari bakit hindi ka nalang muna mamili sa iba natin kakampi at saniban muna sila bago wala pa yung katawan ng sugo?” tanong ni Ikaryo.

“Hindi ako pwede basta basta sumanib sa kahit anong katawan. Kailangan ko sumanib sa katawan ng isang makapangyarihan na nilalang pagkat tiyak ko makakayanan niya ang aking kapangyarihan. Kung mahinang nilalang lang ang sasaniban ko di makakayanan ng katawan at tiyak ang aking kamatayan” paliwanag ng boses.

“At di ganon kadali sumanib…pag sasanib ako sa katawan ng sugo mawawalan din ako ng kapangyarihan konti. Kahit pag nakabalik ako sa tunay na katawan ko hindi ko agad maibabalik ang tunay kong kapangyarihan…kailangan ko ulet mag ipon ng madaming kaluluwa at kalahit ng populasyon ng Plurklandi ang kakailanganin bago bumalik ang tunay na lakas ko” sabi ng boses.

“Pero pag naubos ang tao dito sa Plurklandi pano ka na mabubuhay?” tanong ni Ikaryo. “Hahahaha basta bumalik ang tunay kong kapangyarihan hindi na ako mamatay! Pero pag nasakop ko ang buong Plurklandia at naipon ko lahat ng kaluluwa ng tao dito ay tiyak ko sapat na ang kapangyarihan na yon para mabuksan ko ang Gate ng Ibaba” paliwanag ng boses.

“Gate ng Ibaba?” tanong ni Ikaryo at natawa ang boses. “Oo, bakit akala mo ako na ang hari ng ibaba? Bobo! Gusto ko matuwa ang hari ng Ibaba sa akin! Pag nagawa ko buksan ang gate na yon makakalabas ang mga nilalang ng Ibaba at malaya silang makapaglalakbay at maghasik ng lagim sa buong mundo. Gusto ko dito sa Plurklandia mabubuksan ang gate na yon para pag lumabas ang hari ng Ibaba malalaman niya na ako ang naghahari dito tiyak na tatanggapin niya ulit ako bilang kapareha!” sabi ng boses at natakot si Ikaryo.

“Ibaba? Ang ibig mo ba sabihin Impyerno? Hindi ba ikaw na mismo ang hari doon?” tanong ng lalake at lalong natawa ang boses. “Bobo!!! Ako ang hari ng kadiliman! Iba ang hari ng ibaba at aaminin ko takot ako sa kanya, oo takot ako kay Satanas!!! Isa lang akong utusan niya dati, tumiwalag ako para ipakita sa kanya na makapangyarihan din ako at ayaw ko triatrato niya akong alipin niya”

“Oo gumagawa ako ng malalagim na bagay para sa ikatutuwa niya at para ipakita ko sa kanya na kayak o din. Gusto ko itrato niya ako higit sa alipin, kahit aminado akong hindi ko siya mapapantayan sa kapangyarihan…gusto ko itrato niya ako bilang kapareho man lang! Sa Ibaba sila nakakulong kaya bubuksan ko ang gate para makalabas siya at para makita niya na ako ang nagbukas ng gate!” sigaw ng boses.

“Ha? Akala ko ikaw na…” bigkas ni Ikaryo pero nagalit ang hari ng kadiliman. “Madami kang satsat sinasayang mo ang oras ko!!! Biglang may lumabas na mga anino mula sa katawan ni Ikaryo at may konting usok ang sumanib sa kanila. “Sige mga anino! Puntahan niyo ang mahiwagang gubat at hanapin ang aking katawan!!” sigaw ng boses.

Bumagsak si Ikaryo sa lupa at hinawakan ang dibdib niya, “Sinaniban mo ako?” tanong niya. “Bobo!!! Kinontrol lang kita! Bakit ako sasanib sa isang mahinang nilalang na tulad mo? Bweno, natatakot kayo pagkat kokonti kayo? Eto tatawagin ko ang lahat ng kampon ng kadiliman!!!” sigaw ng boses at biglang yumanig ang buong lupa ng Plurklandia.

May nadinig na bulong sa buong kaharian kaya lalong nabalot ng takot ang lahat ng mamamayan at mga nilalang. Maski sa mahiwagang gubat dinig na dinig ang bulong kaya muling nagtipon ang lahat ng mandirigma sa gitna ng gubat.

“Hindi na maganda ito! Tinatawag na niya ang mga kampon niya!” sabi ng matandang Tikbalang. “Tatagan niyo ang loob niyo! Wag kayong matatakot! Kung hinayaan niyo ang takot manaig ay malaki ang tsansa na makontrol niya ang isipan niyo at sumanib kayo sa kampo niya!!!” sigaw ng matandang dwende.

“Kailangan na natin kumilos! Anhica, Wookie at Tuti maiwan kayo dito! Ang ibang mga mandirigma sumama sa akin at lilibot tayo sa buong kaharian!!!” sigaw ni Nella. “Hindi ka namin pwede iwanan! Sasama kami sa iyo!” sagot ni Wookie.

“Narinig mo ang sinabi ng mga matatanda at ni Berto, kailangan ang malalakas maiwan dito sa mahiwagang gubat. Hindi ako pwede maiwan dito, kailangan ako makita ng mga tao. Kailangan ko sila pakalmahin at protektahan” paliwanag ng dalaga.

Biglang sumulpot si Paula at ibang mandirigmang diwata, “Sasama kami sa iyo Nella” sabi ng dalagang diwata. Mula sa gubat naglabasan ang dalawang higanteng kapre at tikbalang at tumabi kina Paula. Ilang sandali pa may dumating na batalyon ng mandirigma mula sa kalapit na gubat na humarap sa reyna.

“Ako si Naldo, punong mandirigma ng gubat ng Kanluran, sasama kami sa iyo mahal na reyna. Wag kayong mag alala paparating pa yung iba” sabi ng magiting na dwende. “O kita niyo na, wala kayo dapat alalahanin, proprotektahan ko ang mga tao. Utos ko protektahan niyo itong gubat” sabi ni Nella sabay tinignan niya si Berto.

“Iniwan ko kay Berto ang isang plano. Pag nasunod ang mga pangyayari si Berto ang mag uutos ng kailangan niyo gawin. Pag hindi naman, kayong matatanda na muna ang bahala dito habang wala ako. Ang prayoridad natin ay protektahan ang mga tao, mga nilalang at higit sa lahat ang gubat na ito. Aalis kami para ilikas ang mga tao, dadalhin namin sila sa mga mahigawang gubat para maptrotektahan sila. Alam ko mapapabilis ang paglalakbay namin pagkat kasama ko ang mga diwata. Magkikita kita ulit tayo sa takdang panahon” sabi ng reyna at kahit labag sa kalooban nila ay walang magawa ang tatlo kundi sumang ayon.

Tahimik ang buong kaharian, lahat ng tao nakatago sa kanilang mga bahay. Ang mga ibang nilalang nagtago na sa mga mahiwagang gubat habang ang kanilang mandirigma ay nag aarmas na.

Patuloy ang tinig ng bulong sa buong kaharian, mula sa mga puno nagsibabaan ang mga itim na kapre at tikbalang. Mula sa lupa nagsilabasan ang mga tiyanak at lahat tila nakokontrol ng kakaibang kapangyarihan. Ang mga nagtatagong kampon ng kadiliman lahat lumabas at natanggal ang takot nila. Mula sa himpapawid nagliparan ang mga aswang at manananggal na pinamumunuan ni Rayisha. Ang lahat ng natawag na nilalang ay patungo sa iisang direksyon.

Sa isang dulo ng kaharian mabagal na naglalakbay sina Paulito at Monica. Kasama nila ang mga disipulong wala sa tamang wisyo. “Sabi ko sa iyo pupunta ako sa gubat para kunin ang mga pag iisip nila” sabi ni Monica.

“Hindi ako papayag pagkat baka atakehin ka nila” sabi ni Paulito. “So concerned ka sa akin ganon?” landi ng dalaga at nagtawanan sila. “Monica, ikaw na mismo nagsabi na baka di ka nila matanggap. Nakalimutan naman natin sabihin sa kanila na ipaalam na kakamapi ka na namin” paliwanag ni Paulito.

“Oo nga pero concerned ka sa akin” hirit ng dalaga. “Siyempre, hindi naman ako pwede pumunta pagkat baka atakehin kayo. Sino na magtatanggol sa inyo?” hirit ng binata. “Kaya ko naman ha. Nakita mo sana ang ginawa ko doon sa mga nanakit sa iyo lalo na dun sa malditang babaeng yon” sabi ni Monica.

“Oo alam ko, nakwento ni Wookie ang lahat. Pero kahit na, di rin natin masasabi e kaya gusto ko nandito ako. Mahirap lumaban pag may prinoprotektahan kang importante sa iyo” sabi ng binata at napatingin sa kanya si Monica at napangiti. “Kaya ka nasaktan nung huling laban kasi prinoprotektahan mo ako” bulong ng dalaga. “Oo pero di ako nagsisisi. Pag maulit man yon ganon parin ang gagawin ko” sabi ni Paulito.

Lalo napangiti si Monica at binangga ang katawan ng binata. “E pano pag inatake tayo now? Mas madami ka na prinoprotektahan” tanong ng dalaga. “Hindi, may tiwala ako sa iyo kaya ikaw ang mag gwardya sa kanila. Ako ang lalaban, ang mga makakalusot sa akin ikaw na ang bahala. Mas maganda pag ganito, alam kong makakalaban ako ng maayos pagkat alam kong may nagbabantay din sa akin. Pero kahit nag anon ay di kita papabayaan” sabi ni Paulito at muli siya binangga ni Monica at kinurot.

“Uy!!! Ang suweet nilaaaah” sabay na sinigaw ng mga dwende sabay nagtawanan. Naglayo tuloy ang dalawang bampira pero biglang sumigaw si Nyobert. “Ngakbo ngakbo!!! Ngakot ango!!!” sabi niya at lahat tinignan siya.

“Ano daw?” tanong ni Monica. Nanigas ang katawan ng kapre at tinatawanan siya ng mga dwende. “Speak slowly” banat ni Darwino. “Tanga slow na nga yon e, ibang language lang gamit niya. Alien!!!” banat naman ni Bobbyno at nagtawanan ang lahat.

May tinuro si Nyobert at paglingon ng lahat nabalot ng takot ang mga disipulo pagkat mula sa lupa may naglalabasan na mga nilalang. Agad pumorma si Paulito at tinago si Monica sa likod niya. “Ikaw na bahala sa kanila” utos niya kaya tinipon ng dalaga ang mga disipulo at pinalibutan ng dilaw na liwanag.

“Sugo! Sugo! Hindi kami lalaban!” sigaw ng tatlong tiyanak at lahat sila lumuhod sa lupa. “Kampo kayo ng kadiliman bakit ako magtitiwala ako sa inyo?!” tanong ni Paulito at lumabas na ang mga pangil at kuko niya.

“Hindi kami lalaban sugo. Nandito kami para humingi ng tulong, itago mo kami. Iligtas mo kami” sabi ng mga tiyanak. Lumapit si Monica sa tabi ni Paulito pero pinapatabi parin siya ng sugo. “Hindi tayo pwede magtiwala agad sa mga ito. Kilalang traydor ang mga tiyanak” sabi ni Paulito.

“Mooomooonica?!!! Wag po!!! Tado ka kasi sabi ko sa iyo mamatay lang tayo e. Tignan mo dalawa sila magkasama” reklamo ng isang tiyanak. Lumapit si Paultio at tinitigan ang isang takot na takot na tiyanak.

“Sasabihin mo sa akin ang katotohanan” bigkas niya at biglang nanigas ang tiyanak at napatayo, napaamo siya ng bampira sa isang iglap. “Bakit kayo nandito?” tanong ng bampira. “Nagtatago kami sa ilalim ng lupa. Nakarinig kami ng bulong na nagsasabing mag maghanda kami at manilbihan sa hari ng kadiliman. Lahat ng sasama mabibiyayaan ng kapangyarihan at lahat ng di sang ayon ay mamatay” sagot ng tiyanak.

“Tapos?” tanong ni Paulito. “Madami sa amin ang may ayaw. Ayaw na namin makilaban, gusto namin mamuhay ng tahimik. Pero madami sa amin ang sumang ayon kaya pinagpapatay nila ang mga ayaw sumanib sa hari ng kadiliman” sagot ng tiyanak.

“Madami po sa amin ang ayaw nang lumaban. Hindi lang kaming mga tiyanak. Pati ibang nilalang na nauugnay sa kampo ng kadiliman ay ayaw na lumaban. Nasa tahimik na kami tapos may bumulong nalang sa buong kaharian” paliwanag ng isang tiyanak.

Tumayo si Paulito at hinarap si Monica, “Nagsasabi sila ng totoo, nag iipon na ng kakampi ang hari ng kadiliman. Mas delikado ang paglalakbay natin” sabi ng binata.

“Sugo, meron pa” sabi ng isang tiyanak kaya napalingon ang bampira. “Lahat ng sumanib ay patungo dito” sabi niya. “Dito? Bakit dito?” tanong ni Monica.

“Kailangan nila makuha ang katawan ng sugo!” sagot ng tatlong tiyanak na sabay. “Katawan ko? Bakit?” tanong ng bampira. “Hindi na nasabi pero yun ang narinig namin sa bulong” sabi ng mga tiyanak kaya humarap si Paulito kay Monica.

“Maaga tayong mapapalaban. Madaming susugod sa atin. Wala na tayong oras para makabalik sa mahiwagang gubat. Kailangan natin sila itago” sabi niya. “Saan? Pano? Lalaban ako sa tabi mo, wag mo sasabihin na babantayan ko sila!” sagot ng dalaga.

“Mukhang madami ang pasugod dito, wala na tayong oras” sabi ni Paulito sabay pinikit niya ang kanyang mga mata at nagliyab ang katawan niya. Mula gubat naglabasan ang mga paniki, lahat sila nagtungo sa ibabaw ng sugo.

Kumuha si Paulito ng isa at bumulong sa tenga nito. Bumalik ang paniki sa grupo niya at mabilis sila lumipad palayo. “Ano yon?” tanong ni Monica. “Mensahe para kay Tuti, sana matanggap niya” sagot ng binata.

Sumigaw ang tatlong tiyanak at paglingon nina Paulito ay agad sila pumorma. Mula sa lupa naglabasan ang mga masamang tiyanak at sa langit dinig na dinig na nila ang mga sigaw ng pasugod na mga aswang at mananananggal.

“Kayong tatlo pasok sa dilaw na liwanag!” utos ni Monica at agad tumakbo ang tatlong tiyanak. Nagliyab ang dilaw ang dalawang kamay ni Monica at tinabihan si Paulito. Nagbagang pula ang buong katawan ng sugo at sabay silang naglabas ng mga pangil.

“Eto na sila!!!”


( Facebook Page, CLICK HERE )