Twinkle Twinkle 2: Bagong Delubyo
by Paul Diaz
by Paul Diaz
Chapter 18: Paramdam
Nakarating ang grupo nina Tuti sa palasyo, agad nila binalita sa reyna ang nangyari at si Nella di alam kung matutuwa o matatakot.
“Pero hindi na banta si Aneth? Tama ba?” tanong ni Nella. “Oo, tinanggal ko na ang kapangyarihan niya” sagot ni Anhica. Di mapakali ang reyna kaya naglakad lakad siya sa paligid. “Pero ang sinasabi niyo may magpapalabas ng hari ng kadiliman? Bakit pa kayo dito dumiretso? Dapat doon na kayo sa mahiwagang gubat nagpunta” sabi ng reyna.
“Nella, hindi pa nila alam ang tungkol sa tunay na pagkatao ni Aneth. Pag didiretso kami doon ay malamang hindi sila maniniwala sa amin. Kailangan kasama ka para maipaliwanag sa kanila pagkat naniniwala sila sa iyo” sabi ni Wookie.
“Pero nandon pa ang mga pekeng pinuno. Pano natin malulusutan yan? Malamang kakalabanin nila tayo” sabi ni Nella. “May plano ako para doon, pero para magtagumpay ang plano namin kailangan ka sumama sa amin” sabi ni Anhica. “O sige ano pa inaantay natin? Magtungo na tayo sa mahiwagang gubat ngayon din” sagot ng reyna.
“Bago tayo magtungo don Nella kailangan mo ihanda ang mga mamamayan ng Plurklandia. Gahol tayo sa oras kaya kailangan mo magpadala ng mga emisaryo sa lahat ng kaya maabot. Ipagpaalam mo sa kanila ang nagbabantang delubyo. Kailangan maghanda sila. Kung maari ay magsimula na sila magtago, at ang mga may kayang lumaban sa kanila mag armas na” sabi ni Wookie.
“Bakit pati mga tao isasama natin sa laban?” tanong ni Nella. “Puntirya ng hari ng kadiliman ang kaluluwa ng mga tao. Di natin sinasabi na lalaban sila ngunit pag sila ay inatake ng mga kampon ng kadiliman kailangan din nakahanda sila lumaban kahit papano. Itong misyon niyo sa mahiwagang gubat ay delikado. Maaring hindi sila maniwala sa inyo at maari din na maniwala sila”
“Kung maniniwala sila maayos, pwede niyo ipakalat ang mga mandirigma para protektahan ang mga tao. Pag hindi sila maniwala, hindi niyo kaya protektahan ang lahat ng mamamayan. Hindi sila basta basta pwede nalang sumuko, kailangan naman nila lumaban kahit papano” paliwanag ni Berto.
Napaupo si Nella sa trono at napaisip, “Mali ako…itong paparating na delubyo…ang buong Plurklandia ang nakasalalay. Hindi namin pwede iasa nalang sa inyong mga nilalang ang pakikipaglaban. Kasama kami dito kaya lalaban din ang mga tao. At ako ang mamumuno sa kanila!” sabi ng reyna.
“Nasisiraan ka na ba ng bait? Ikaw ang reyna! Ikaw ang dapat protektahan!” sabi ni Berto. “Paano maniniwala sa akin ang mga tao kung magtatago lang ako at aasa sa inyo? Lalaban ako, ipapakita ko sa kanila na hindi lang ako utos. Gusto ko patunayan sa kanila na hindi ko lang namana tong trono na to. Gusto ko patunayan sa kanila na nararapat ako dito sa trono!” paliwanag ni Nella.
“Pwede kang mamatay Nella” sabi ng multo. “Mas maganda na ako nang maunang mamatay kesa panoorin kong isa isa namamatay ang mga mamamayan ng kaharian. At wag kang nega! Tinuruan nila ako lumaban noon, nakakatakot pero kailangan ko maging isang pinuno” sabi ng reyna.
Biglang sumulpot si Tuti at lumuhod sa harapan ni Nella. “Ngaw dash wat am tokin abawt” sabi niya sabay abot sa espada ni Paulito. “Baka kailangan mo yan” sabi ni Nella. “Mash kailangan mo” sabi ni Tuti at biglang tumayo si Nella at kinuha ang espada at winasiwas.
“Tipunin ang mga pinuno ng bawat baranggay at sabihin magtipon dito agad!” biglang sigaw ng reyna.
Ilang oras ang lumipas at natipon ang mga bawat pinuno ng bawat baranggay at lokalidad ng Plurklandia. Sa labas ng palasyo nagtipon ang lahat at si Nella nakatayo sa entablado at nakasuot ito ng damit pandigma.
Sa loob ng palasyo pinapanood ni Berto ang kaganapan sa labas habang si Wookie ay sumasayaw. “Talagang kaya mo pang sumayaw sa lahat ng nangyayari” sabi ni Anhica. “Hindi ako sumasayaw, nageensayo ako para sa laban” sabi ng mambabarang.
“Ako ba ay binibiro mo? Sumasayaw ka e” sabi ng dalaga at natawa si Tuti at ginaya si Wookie. “Ang kulit niyo! Hindi sayaw ito. Parang sayaw nga pero kailangan ko masanay ito para sa laban” paliwanag ng mambabarang. “E bakit may kembot kembot pa at yang mga galaw ng kamay?” hirit ni Anhica.
“Oo na parang sayaw ng Macarena to pero hindi ako sumasayaw. Parang sumasayaw lang” paliwanag ni Wookie. “Simpleng bagay pinagtatalunan niyo pa. Kayong tatlo magsiayos nga kayo. Para kayong mga bata. Tandaan niyo kayong tatlo ay makapangyarihan, Ultimo Mambabarang, Ultimo Bampira at Ultimo Diwata. Tama yang ginagawa ni Wookie, nag eensayo. Kayong dalawa gabay niyo na ba ang kapangyarihan niyo?”
“Wala na tayong oras kaya bawat sandali na makukuha niyo dapat mag ensayo kayo. Di niyo alam kung kalian magaganap ang gera” sabi ni Berto. Natahimik ang tatlo at lahat sila lumapit sa bintana. “Tignan mo si Nella, halatang takot siya pero kinakaya niya ito para ipakita sa mga tao na makakayanan nila ang delubyo” sabi ng multo.
“Kung sana ganyan din kadali kumbinsihin ang mga nilalang sa mahiwagang gubat e di sana madali ang misyon natin” sabi ni Wookie. “Kaya nga dadalhin natin si Nella e, siya ang magsasalita para sa atin. Makikinig ang mga nilalang sa kanya. Lahat nangako na magsisilbi sa kanya” sabi ni Anhica.
“Fano nathin fafaliwanag shi Aneth?” tanong ni Tuti. “Oo nga malaking problema pa yang mga pekeng pinuno” sabi ni Berto. “Wag kayo mag alala may naplano na kami ni Anhica. Sana gumana” sagot ng mambabarang.
Maliwanag ang buwan at tahimik sa mahiwagang gubat ng Plurklandia. Nagising ang lahat ng nilalang na nakatira doon pagkat nararamdaman nila ang malakas na presensya ng nilalang na paparating.
Nagtipon sa sentro ng gubat ang mga pekeng pinuno, ilang sandali pa mula sa kalangitan may isang nilalang na nagpababa at lahat nabighani sa malakas na dilaw na liwanag.
“Punong diwata, kamiy nagagalak at kami ay iyong dinalaw” sabi ng punong dwende. Lahat napaluhod at nagbigay pugay kay Aneth na nakatunton narin sa lupa. “Mga impostor!!!” agad sinigaw ng diwata at nagulat ang lahat ng nilalang sa gubat.
“Ano ang sinasabi mo punong diwata?” tanong ng punong kapre. “Lahat ng nilalang dito sa gubat makinig kayo sa akin. Mga itong nagtipon sa gitna ay mga impostor!!!” sabi ni Aneth kaya nagtayuan ang mga impostor at napansin nilang hindi si Aneth ang kaharap nila.
“Ikaw ang impostor!!!” sigaw ng punong tikbalang at agad nito sinugod si Aneth. Sa isang indak ng katawan ni Aneth naglutangan sa ere ang mga impostor, napasugod ang ibang nilalang pero agad sila binantaan ng diwata.
“Wag kayong lalapit! Ipapakita ko sa inyo na impostor ang mga ito!!!” sigaw ni Aneth. Magsasalita pa sana ang isa pero nagpasabog ng liwanag si Aneth at nanigas ang mga katawan ng mga impostor.
Unti unting nalagas ang pekeng mukha nila at nagsilabas ang tunay nilang anyo. Nagulat ang ibang nilalang nang makita nilang mga impostor nga ang namumuno sa kanila. “Ayan naniniwala na ba kayo sa akin?” tanong ni Aneth at biglang nagtawanan ang mga impostor.
Sa kalayuan todo focus si Wookie sa pagkontrol sa mga espiritu na sumasanib sa katawan ni Aneth habang si Anhica busy din sa pagmamanipula sa kapangyarihan ng diwata. “Mukhang malakas sila, di ko mapapanatili ang ganito” sabi ng dalaga.
“Maganda ang kaganapan, pabor sa atin. Hayaan mo sila umatake pero protektahan mo ang katawan ni Aneth. Pagka atake ng mga impostor doon kayo lalabas at kayo ang papaslang sa kanila para makikita ng ibang nilalang na tinulungan niyo si Aneth” sabi ni Nella at nabilib sila sa plano niya.
Kumalas ang mga espiritu sa katawan ni Aneth nang sumugod ang mga impostor. Bumagsak si Aneth sa lupa pero mabilis napalibutan ng dilaw na liwanag para di siya masaktan sa mga atake ng mga impostor.
May ibang nilalang na sumubok tulungan ang bagsak na diwata pero sadyang malakas ang mga nilikhang pekeng pinuno. Nagbigay ng hudyat si Nella at mula sa mataas na puno lumabas si Tuti at inatake ang isang impostor.
Lumabas narin si Wookie at Anhica kasama nila si Nella. Mabilis napatumba ni Tuti ang tikbalang, ang pekeng mambabarang hinarap si Wookie at nagtagisan sila ng lakas. Sa isang humpay ng kamay nabulag ang mga nakaharap ni Anhica pero di niya napigilan makalusot ang dwende na sinugod si Nella.
Winasiwas ni Nella ang espada pero nakailag ang dwende pero hindi ito nakaligtas sa bodyguard ng reyna at agad ito napisa sa isang tapak ng higanteng diablos ni Wookie. Agad sumugod si Nella sa kapre at sinaksak ang espada sa paa nito. Humarap ang kapre sa reyna pero lalo pang binaon ni Nella ang espada.
Hahampasin na sana si Nella sa ulo pero mabilis nilaslas ni Tuti ang buong katawan ng kalaban. Natalo ni Wookie ang impostor na mambabarang pero may nakawalang ligaw na espiritu na aatake kay Nella. Nahampas ng libro ang ligaw na espirtu at tumawa si Berto, “May silbi din ako!” sigaw niya.
Nang akala ng lahat patay na ang mga impostor biglang bumangon ang tikbalang at susunggabin na sana ang isang batang diwata. Nagulat ang lahat nang sumugod si Nella at tumalon sa ere. Nauna si Tuti sa may bata at agad ito nilayo, nagpakawala si Anhica ng dilaw na liwanag na bumalot sa katawan ng reyna at si Wookie pasimpleng nagpakawala ng mga espiritu para manigas ang kalaban.
Nalaslas ni Nella ang dibdib ng tikbalang, kinontrol ni Wookie ang impostor at kunwari sispa ito. Mabilis winasiwas ni Nella ang espada niya at natanggal ang ulo ng tikbalang. Gulat na gulat ang dalaga sa nagawa niya pero agad siyang pinagkaguluhan ng mga nilalang sa gubat.
“Hoy Berto wag mong isulat na tinulungan namin si Nella” bulong ni Wookie. “Oo alam ko, wag kang mag aalala. Itong sinusulat kong libro hindi lang mga malalakas na nilalang ang magigiting, kasama narin ang mga tao” sabi ng multo.
“Hindi tayo dapat magsaya, nagpunta kami dito para magbigay ng babala” sabi ng reyna. “Pero ang punong diwata” sabi ng isang dwende at madaming mga diwata ang sumugod kay Aneth. “Malubha ang tama ni Aneth, idala niyo sa kweba para makapagpahinga” utos ni Anhica.
“Anong babala? Ang mga impostor ba?” tanong ng isang kapre. “Hindi, magtipon kayo lahat nais ko kayo kausapin” sabi ni Nella kaya nagsilabasan ang lahat ng nilalang sa gubat para makinig sa renya ng kaharian.
“Pano mo ipapaliwanag si Aneth?” bulong ni Anhica. “Wala dapat ipaliwanag tungkol kay Aneth. Di na nila kailangan malaman ang mga nagawa niya. Sabi niyo wala na siyang kapangyarihan at mga alaala kaya kesa na pag initan pa nila siya hayaan na natin siyang ganyan. Kung saan maalala ng lahat kung gano siya kagiting bilang pinuno” paliwanag ni Nella.
Muling napabilib si Berto sa reyna kaya binuksan niya ang libro niya at nagtago sa may puno. Tumayo si Wookie at Tuti sa tabi ni Nella at sabay nila hinarap ang mga nilalang ng gubat.
“Makinig kayo lahat sa akin. Nagpunta kami dito para sa dalawang rason. Unang rason ay para ipaalam sa inyo tungkol sa impostor” sabi ni Nella at bigla siyang huminga ng malalim at napatingin kay Wookie.
“Mga impostor na yan pinagkaisahan si Aneth noon. Ninais nila sakupin ang mahiwagang gubat. Nagpagaling si Aneth at humingi ng tulong sa akin, alam ko inaaalal niyo ang kalagayan niya pero gagaling siya. Mas may importante tayong kailangan bigyan ng pansin”
“May isang grupo na ninanais pakawalan ang hari ng kadiliman!” sigaw ng reyna at nagulat at nabalot ng takot ang lahat ng nilalang sa gubat. Biglang nagtayuan ang mga matatandang nilalang at di makapaniwala sa sinasabi ni Nella.
“Teka alam ko di kapanipaniwala pero magtiwala kayo sa sinasabi ko. Nakuha na nila ang libro ng kadiliman at araw nalang siguro ang inaantay natin bago nila matawag ang hari ng kadiliman”
“Naiintindihan ko ang mga nakakatanda sa inyo. Alam ko naranasan niyo ang bangis at kapangyarihan ng hari ng kadiliman noon. Malamang alam niyo din na naikulong siya sa ibang dimensyon ng punong nilalang noon ngunit totoo ang sinasabi namin. Nakuha nila ang libro ng kadiliman, sigurado ko kayong nakakatanda alam niyo tungkol dito” sabi ni Nella.
“Hindi magandang biro yan! Kahit ikaw ang reyna ng kaharian ay di ka pwede magbiro ng ganyan!” sigaw ng isang matandang dwende. “Gumawa ng paraan ang mga punong nilalang noon para di na yan makawala ngayon darating ka dito para sabihin na ang mga nagawang paraan ng pinakamalakas na mga nilalang nalapastangan nalang ganon kadali?” tanong ng isang matandang tikbalang.
Naipit si Nella at napatingin kina Tuti at Anhica, “Pano mo ipapaliwanag ngayon yan?” pabulong na tanong ng dalaga. Muling humarap si Nella sa mga nilalang at huminga siya ng malalim.
“Alam ko kauupo ko lang sa trono, pero wala ako balak magsinungaling sa inyo. Totoo ang sinasabi ko at may isang grupo ng mga nilalang na nagbabalak pakawalan ang hari ng kadilima” ulit ng reyna pero tinawanan lang siya ng mga matatanda.
“Sinungaling!!! Nakatagong sekreto yon! Pano mo nalaman? Siguro ikaw mismo ang nagnanais na magpakawala sa hari ng kadiliman! Kaduda duda ka Nella! Siguro nandito ka para linlangin kami at mapaamo mo para hindi kami mag aklas kung sakaling napakawalan mo nga siya!” sabi ng isang matanda at lahat ng nilalang nagdududa na sa reyna.
Nakaramdam na ng tensyon sa paligid ang grupo ni Nella pero biglang may batang diwata ang sumigaw at tinuro ang buwan. Lahat napatingala sa langit at ang mga matatanda agad napatingin kay Nella.
“Patawag mahal na reyna at nagduda kami sa iyo” sabi ng matandang dwende. “Bakit biglang nagbago ang isip niyo?” tanong ni Nella.
“Napakawalan na nila ang hari ng kadiliman! Tama ang sinasabi ng reyna! Nagpaparamdam na siya sa atin, at naalala ko dati nung naghari siya dito sa lupa yan din ang simbolo niya…”
“…ang pulang buwan!!!”
(Visit our Facebook page, CLICK HERE )