sk6

Sunday, January 17, 2010

Twinkle Twinkle 2: Bagong Delubyo Chapter 13: Pagkaisa

Twinkle Twinkle 2: Bagong Delubyo

by Paul Diaz


Chapter 13: Pagkaisa

Lumiwanag ang gubat dahil sa pagsunod ni Aneth ng mga puno. Si Wookie, Wakiz at Paulito mariing binantayan ang puno kung saan nakakulong si Monica. “Ano diskarte mo Paulito?” tanong ni Wookie. “Hindi ko pa alam, hindi lang si Aneth ang problema natin, nandyan sa paligid ibang nilalang at sigurado ako hindi natin sila kakampi” sabi ng bampira.

“Sa ngayon ayos lang tayo, mukhang nasisiraan pa ng bait si Aneth at kinakalaban ang sarili niya” sabi ni Wakiz. “Anong ibig mo sabihin lolo?” tanong ng binatang mambabarang. “Minadali niya ang pag aaral ng lahat ng libro. May hangganan ang utak at katawan natin. Kung sana libro lang ng diwata inaral niya…pero gahaman siya. Nagsasapawan ngayon ang mga kapangyarihan sa loob ng katawan niya. Lahat gusto pumapel pero si Aneth halatang di pa gabay ang tunay na kapangyarihan ng bawat libro kaya ayan nilalabanan niya ang mga yon. Kung sana inisa isa niya, sana nakontrol niya lahat ng kapangyarihan ng maigi” paliwanag ni Wakiz.

“Mahusay ka parin hanggang ngayon Wakiz, tama ka” sabi ni Yailda na biglang sumulpot sa likod nila. “Yailda! Di ko akalain buhay pa ang mga bruha” sabi ng matandang mambabarang. “Hindi kami kalaban, nagkataon lang na nandito kami. Hindi kami lalaban sa inyo” sabi ng matandang bruha.

Nagsidatingan narin ang ibang nilalang at ang tatlong bida naghanda at hinarap sila. “Tama ang sabi ng bruha. Hindi kami lalaban sa inyo. Alam namin wala kaming panalo sa sugo” sabi ni Raika. “Si Aneth ang kalaban natin, kung magsanib pwersa tayo tiyak na matatalo natin siya” sabi ni Tikyo.

“Bakit ako maniniwala sa inyo? Bakit kayo nandito?” tanong ni Paulito. “Para pigilan si Aneth. Oo kampo kami ng kadiliman at ayaw namin na isang nilalang ng liwanag na magreyna sa buong kaharian. Siguro naman naiintindihan mo yon Sugo” paliwanag ni Dwardo. Tahimik lang ang tatlo pero may duda parin sila.

“Para patunayan sa inyo na nagsasabi kami ng totoo. Raika, Tikyo, Dwardo, sugurin niyo na si Aneth” utos ng bruha pero nanigas ang tatlo. “Ano pang inaantay niyo?! Sige na! Palibutan niyo siya at tirahin ng sabay sabay!” dagdag ng bruha kaya wala magawa ang tatlo kundi tipunin ang mga alagad nila at sinugod ang diwata.

Mula sa ere umatake ang mga aswang, pinalubutan nila ang diwata at lalo ito nagwala. Nagawa na ipabagsak sa lupa si Aneth kung saan nag aantay ang mga tikbalang at tiyanak. “Naniniwala na ako, sasama na ako sa laban, sabihin mo sa kanila umatras na” sabi ni Paulito.

“Wag pa sugo…wag muna” sabi ni Yailda. “Anong ibig mo sabihin? Tignan mo na nga halos di nila siya nasasaktan” sabi ng bampira. “Alam ko pero tama lang yan para maaral natin ang kakayahan ni Aneth. Maghintay ka konti, kayong dalawang mambabarang magpalabas kayo ng malalakas niyong espiritu para guluhin pa utak ng diwata” utos ng bruha.

Nakinig naman ang maglolo kaya muling nakalabas ang dalawang dragon ni Wakiz at dalawang higante ni Wookie. Nagtipon ang tatlong bruha at nagwakan ng kamay. Dinig na dinig ang dasal nila at ilang sandali pa ang mga patay na katawan ng mga pekeng disipulo isa isang nagsitayuan.

“Sige mga disipulo atakehin niyo ang diwata!!!” sigaw ni Yailda. Sumugod ang mga pekeng disipulo at lalong nalito si Aneth. Sa bawat nilalang na napapatapis niya ay mag papalit na susugod sa kanya. Walang pahinga ang diwata, halos di siya makapagpalabas ng kapangyarihan niya sa dami ng umaatake.

“Ngayon na ako susugod habang magulo isip niya” sabi ni Paulito. “Wag kang atat sugo” sabi ni Yailda. “Tama siya Paulito, maganda ang stratehiya ng bruha. Kailangan malaman kung kaninong atake ang tumatalab sa kanya. Kailangan natin malaman kung ano ang panlaban niya” sabi ni Wakiz. “At kailangan malaman kung anong kapangyarihan ang nangingibabaw sa loob niya sa ngayon. Hindi pwede magsabay sabay ang lahat ng kapangyarihan, meron isa na mangingibabaw. Pag nalaman natin yon saka tayo pwede umatake” paliwanag ni Yailda.

Kahit madami ang umaatake sa diwata ay hindi parin ito nasasaktan. Malakas ang mga pekeng disipulo at sa pinagsama samang atake nila napabagsak nila muli sa lupa si Aneth. Dinumog ang diwata ng mga tikbalang, pinulot siya ng mga aswang at binalik sa ere para mabilis din lang isubsob sa lupa.

Mga tiyanak pinagkakagat ang bagsak na diwata, sumali na sa gulo ang pekeng Sarryno at Bashito. Nagpaapoy ang pekeng Virgous, mga pekeng disipulong bampira umatake narin pero hindi parin natitinag ang diwata.

Gamit ang malaking maso, hinampas ng pekeng Bobbyno ang diwata. Nasaktan ito at napahiga sa lupa. Pinagbubugbog ng mga tikbalang ang katawan ni Aneth at narinig nila ito sumigaw sa sakit.

“At yan ang kahinaan niya. Pisikal na atake. Ngayon pwede ka na sumali sa bakbakan sugo. Alam mo na siguro ang kailangan mo gawin” sabi ni Yailda. Bago makasugod si Paulito ay biglang nagliwanag ang buong paligid. Lahat nabulag at nagsibagsakan sa lupa.

Umangat sa ere si Aneth at tumawa ng malakas. “Akala niyo kaya niyo ako pigilan?!!! Hindi niyo ako kaya pigilan!!!” sigaw niya. “At nangibabaw ang kapangyarihan ng diwata” sabi ni Wakiz. “Hindi ka makakalapit sa kanya ngayon, hawak niya ang buong kalikasan. Pero sige lalabanan amin siya pansamantala, atakehin mo siya mula sa likod” sabi ng bruha.

“Wakiz, bantayan mo kami, wag mo kami hayaan nag maghiwalay na tatlo” utos ni Yailda. Tumayo ang matandang bruha sa harapan, mga dalawang kasama niya humawak sa balikat niya. Sabay sabay sila nagdasal at tinaas ni Yailda ang dalawang kamay niya. Mula sa dalawang kamay niya asul na liwanag ang lumalabas, isang malakas na sigaw at malakuryenteng kapangyarihan ang lumabas at tinamaan si Aneth.

Sapol ang diwata sa dibdib ngunit tumawa lang ito. “Kapangyarihan ng mga bruha!!! Buhay pa pala kayo! Eto tikman niyo ang hinahanap niyo!!!” sigaw ni Aneth at nagpalabas din siya ng dilaw na liwanag mula sa kamay niya. Ang dilaw at asul na liwanag nagkatamaan, pareho napasigaw si Aneth at Yailda at bawat isa ayaw bumigay.

Mula sa lupa may mga kamay na lumalabas at humahawak sa mga paa ng mga bruha. “Wakiz!!!” sigaw ni Yailda kaya mabilis na gumalaw sina Wookie at lolo niya para puksain ang mga kamay sa lupa.

Malakas na hangin ang umihip at tumama sa mukha ni Yailda, sugat sugat na ang mukha ng bruha at nag alala si Paulito. “Umalis ka na! Yung usapan natin” sabi ng bruha. Mabilis gumalaw ang sugo at isang iglap nawala siya. Naglalabanan parin ang dilaw at asul na liwanag pero si Aneth lalo pang pinalakas ang ihip ng hangin kasabay nito ang mga maliliit na bato at lupa.

Pinabangon muli ni Yailda ang mga pekeng disipulo pagkat natatalo na ang asul na liwanag nila. Tumawa lang si Aneth at nagpasabog ng mas malakas na liwanag at muling napatapis ang lahat. Nagulat si Aneth pagkat nakatayo parin tatlong bruha, napansin niya ang dalawang higanteng espiritu na sumangga ng liwanag ng para sa kanila.

“Peste kang mambabarang ka!!! Akin ka yung huling diyamante! Akala mo nakalimutan ko na?!” sigaw ni Aneth nang palakasin niya ang dilaw na liwanag niya at lalong napaatras ang asul na liwanag ng mga bruha.

“Kung gusto mo ang huling diyamante kunin mo dito sa leeg ko. Bago mo magawa yon patayin mo muna ako pagkat hindi ko ito ibibigay sa iyo!!!” sigaw ni Wakiz. “Ganun ba? Tama na tong paglalaro!!” sigaw ni Aneth at isang malakas na liwanag nagpatapis sa lahat ng nilalang sa gubat.

Mga bruha napatapis at ang diwata humarap kay Wakiz at Wookie. “Kung binigay mo nalang sana kanina pa hindi ko na sana kailangan gawin ito!” sigaw ni Aneth at nag ipon siya ng malaking bolang liwanag. Nang itatapon na sana papunta sa dalawang mambabarang ay mula sa ere lumitaw si Paulito sa likod ng diwata at dinagok ang ulo nito.

Bagsak sa lupa si Aneth pero hinabol siya ni Paulito at kakagatin na sana ang leeg ng diwata pero mabilis ito nakailag. “Nakagat na ako minsan niyan! Di ako tanga para maulit!” sigaw niya.

Nahawakan ni Paulito ang leeg ng diwata bago pa ito makagamit ng kapangyarihan niya. Mabilis niya nilipad si Aneth sa ere at pinag gugulpi ang katawan. Hinagis ni Paulito ang diwata sa isang puno saka niya mabilis ulit itong sinugod at naglanding ang sipa sa dibdib ng diwata. May dugo na lumabas sa bibig ni Aneth, gamit kanang kamay sinuntok ni Paulito ang dibdib ng diwata. Dapat tatagos ang kamay niya pero tumawa ng malakas si Aneth.

“Pinagbibigyan lang kita peste ka! Bakit minamaliit mo ata ako masyado. Bakit ayaw mo gamitin kapangyarihan ng sugo? Bakit di mo ilabas ang buong kapangyarihan sugo?” sigaw ng diwata mula sa mata niya dilaw na liwanag ang lumabas at tinamaan ang bampira sa dibdib.

Bagsak si Paulito sa lupa at ang diwata naman ang sumugod. “Alam ko mas malakas ka pa diyan sa pinapakita mo. Masyado mo ako minamaliit sugo!!!” sabi ni Aneth sabay naglabas ng dalawang dilaw na espada mula sa katawan niya. “Lumaban ka ng patas sugo! Harapin mo ako!” dagdag ni Aneth sabay nilaslas ang katawan ng bampira.

Napasigaw ng malakas si Paulito nang isaksak ni Aneth ang isang espada sa dibdib niya. Mabilis nagpakawala si Wookie ng apat na higanteng diablos at ginulo ang diwata bago pa maisaksak ang pangalawa.

Mabilis gumalaw ang mga bruha at nilayo si Paulito, si Wakiz nagsilbing tagasangga nila. “Bitawan niyo ako” sabi ng bampira. “Ilalayo ka lang namin para magamot” sabi ni Yailda. “Hindi ko kailangan ang tulong niyo! Kaya ko gamutin ang sarili ko” sabi ng bampira at pagtingin nila sa dibdib niya ay unti unti naghihilom ang sugat niya.

“Nais lang namin makatulong pero mukhang hindi mo kailangan. Bakit ayaw mo gamitin ang buong lakas ng sugo? Bakit mo pinapatagal pa ang laban?” sabi ng bruha. Tahimik lang si Paulito, binitawan siya ng mga bruha at pinanood nila si Wookie na lumaban kay Aneth.

“May kapangyarihan ka hindi mo naman ginagamit. Ano pang silbi ng pagiging sugo mo?” tanong ni Yailda. “Habang ginagamit ko ang kapangyarihan ng sugo unti unti niyang kinakakin ang pagkatao ko. Ayaw ko mangyari na isang araw hindi na ako makikilala ng mga kaibigan ko” sabi ni Paulito.

“Sa tingin mo may kaibigan ka pang matitira pag nagtagumpay si Aneth? Pag nagtagumpay siya baka kayong dalawa nalang ang matira. At kung doon ka lang kikilos, wala narin lang silbi pagkat sa huli maaring siya o ikaw ang magtatagumpay. Kung sino man sa inyo manalo magiging napakalungkot pagkat kayo nalang ang nilalang na matitira” dagdag ng bruha.

Huminga ng malalim si Paulito, “Ito na ang panghuling beses na gagamitin ko ang kapangyarihan ng sugo. Bruha, ilayo niyo lahat ng kampon niyo” utos ng bampira at may kakaibang mainit na hangin ang naramdaman nila.

“Huling hiling ko, bigyan niyo ako ng konting oras” sabi ni Paulito at nagkatinginan ang mga bruha at si Wakiz. Mabilis nagpalabas ang matandang mambabarang ng isang daang espiritung mandirigma at mga bruha muling nagsanib pwersa.

Sinugod nila muli si Aneth habang nakaramdam sila ng kakaibang init mula sa paligid. “Mga kutong lupa gusto niyo parin makipaglaro sa akin? Hoy tanda, huling beses ko na hihilingin na ibigay mo ng maayos ang diyamante. Pag ayaw mo parin hindi na ako makikipaglaro sa inyo. Ipapatikim ko na ang buong kapangyarihan ko!” sigaw ng diwata.

Madmaing simbolo ang sinulat ni Wakiz sa lupa, “Bobo sabi ko sa iyo patayin mo muna ako bago mo makuha ang diyamante. Eto harapin mo ang pinakamabagsik na espiritu ko!!!” sigaw ng matandang mambabarang.

Mula sa lupa lumabas ang napakalaking dragon. “Ang gintong dragon…Wakiz pano mo bubuhayin yan?” tanong ni Yailda at natawa ang matanda. “Manood ka maigi ang nagagawa ng isang Ultimo Mambabarang!!!” sagot ni Wakiz.

Mula sa paligid nagtipon ang libo libong mga espiritu, lahat sumanib sa patay na katawan ng gintong dragon. Ilang sandal pa bumukas ang mga mata ng dragon at dahan dahan itong tumayo.

“Eto ang harapin mo Aneth, ang aking pinakamalakas na kapangyarihan!!!” sigaw ng matandang mambabarang. Napaatras si Aneth at nagulat sa laki ng dragon. Nagpalabas ng kakaibang apoy ang dragon at natamaan si Aneth sa katawan. Sumigaw sa sakit ang diwata, si Wookie nagpaatras at namangha sa nalikha ng lolo niya.

Pinagtatadyak ng dragon si Aneth sabay buga parin ng apoy. Kinagat ng dragon ang katawan ng diwata sabay lumipad ito sa ere. Doon sa ere habang nasa bibig ang diwata muli itong nagpaapoy pero tanging narinig ng mga naiwan sa lupa ay ang malakas na sigaw ng diwata.

Bagsak si Wakiz sa lupa at mabilis na lumapit si Wookie at mga bruha sa kanya. “Ano nangyari?” tanong ni Wookie. “Hindi ko kaya panatiliin ang dragon. Masyado na ako matanda at walang ensayo” sabi ni Wakiz. “May maitutulong ba kami?” tanong ng bruha.

“Wala, kakayanin ko nalang. Sana bilisan ni Paulito” bulong ng matanda. Nilagay ng tatlong bruha ang mga kamay nila sa dibdib ng matandang mambabarang, “Eto kunin mo konting lakas namin, sana makatulong” sabay sabay nila sinabi. Napatingin si Wookie sa ere at nakitang bugbog sarado na si Aneth pero hindi siya tuluyan na mapatay ng dragon.

Napalingon lahat kay Paulito at ramdam nila ang kakaibang kapangyarihan na lumalakas. May nagpapaikot na pulang apoy sa katawan ng bampira, unti unti humahaba lalo ang buhok ni Paulito at mga mata nito nanlilisik at nag aapoy. Mga kuko niya tumutulis at kitang kita ang bangis sa kayang mukha.

Dumilim ang mga ulap at libo libong mga paniki ang sumugod papunta kay Paulito at pinalibutan ang katawan niya. Bumalik ang mga paniki sa ulap at nagulat ang lahat nang wala na ang bampira sa lupa.

Nangilabot ang lahat nang makarinig sila ng mga bulong mula sa paligid. Tuwang tuwa ang mga bruha sa kakaibang kapangyarihan na nararamdaman nila. “Nasan siya? Naririnig niyo ba bulong niya?” tanong ni Wookie. Sinensyasan ng bruha na manahimik ang mambabarang pagkat nakarinig ulit sila ng bulong.

“Lumayo kayo…ako na ang haharap kay Aneth”


( Join our Facebook page, CLICK HERE )