Twinkle Twinkle 2: Bagong Delubyo
by Paul Diaz
by Paul Diaz
Chapter 16: Sakripisyo
Ang buong gubat ng bundok ng Asura tahimik, tumigil na ang pag iyak ni Monica pero mahigpit parin niya niyayakap ang patay na katawan ni Paulito. Namamaga na ang mga mata nina Wookie, Tuti at Anhica nang biglang may nagsulputan na libo libong mga espiritu.
Di makapaniwala si Wookie pagkat kahit di niya pinapalabas ay nandon ang trese Diablos. Mga higanteng espiritung dragon nagpakita din kasama ang iba pang mandirigmang espiritu. Lahat pinalibutan ang dilaw na bilog tila nakikiramay sa mga nilalang.
Yumanig ang lupa konti at lahat ng mga espiritu niyuko ang mga ulo nila. Isang higanteng espiritu ang lumitaw at napaatras ang lahat sa takot at kaba. “Sino yan?” tanong ni Anhica. “Ang hiraf huminga…farang ang lakash ng mumong to” bigkas ni Tuti. “Hindi ko alam…kakaibang espiritu siya…daig pa niya ang kapangyarihan ng trese Diablos ko at yung Ultima Dragon ni lolo” sabi ni Wakiz.
Nakabalabad ng itim ang makapangyarihan na espiritu, hindi nakikita ang mukha niya pero lumuhod siya sa tapat ni Monica at nagulat ang lahat nang makapasok siya sa bolang dilaw. Pati si Monica gulat sa pangyayari, kinukuha ng espiritu ang katawan ni Paulito at kusa naman na binigay ito ng dalaga.
“Bakit niya kinukuha si Paulito? Sino ba yan?” tanong ni Anhica. “Ewan ko pero hindi ako papayag!” sagot ni Wookie na agad pumorma. Kahit anong gawin ng binatang mambabarang hindi sumusunod sa kanya ang mga espiritu, si Tuti naghahanda narin sumugod pero nangangatog ang mga tuhod niya sa takot. “Am shkird” sabi niya.
Nalusaw ang dilaw na bilog, si Monica napaatras sa takot at nakitabi sa tatlo. “Hahayaan mo nalang na makuha niya si Paulito?” tanong ni Anhica. “Natatakot ako, hindi ko alam bakit” bulong ni Monica. “Dapat wag natin siya hayaan na makuha si Paulito!” sigaw ni Wookie.
“Hindi siya kaaway. Siya ang Mananabas, ang pinakamakapangyarihan na espiritu ng Ultimo mambabarang” biglang sabi ng isang boses na kinagulat ng lahat. Paglingon nila nakita nila si Berto.
Pumorma si Wookie pero pinigilan siya nina Tuti at Anhica. “Kashama natin sha” sabi ng bunging bampira. “Bakit kinukuha ng Mananabas si Paulito at bakit nakikiluksa ang mga espiritu?” tanong ni Wookie.
“Pagkat nakikiluksa sila sa pagkamatay ng punong mambabarang” sabi ni Berto at nagulat ang lahat. “Si Paulito ang Ultimo mambabarang?!!! Akala ko ba lolo ko ang Ultimo mambabarang?” tanong ni Wookie.
“Lolo mo nga” sabi ni Berto at lalong nailito ang apat. Nilapag ng Mananabas ang katawan ni Paulito sa lupa. May nangyari sa katawan at biglang nagpapalit ang anyo nito. Ilang daan espiritu at nagsipag alisan mula sa katawan at halos mapanganga sa gulat nang makita nila si Wakiz ang nakahiga na doon.
“Lolo?!!!” sigaw ni Wookie at agad tumakbo sa patay na katawan. “Berto anong nangyari at nasan si Paulito?” tanong ni Anhica. “Pinasok siya sa loob ng kweba ng mga espiritu tapos si Wakiz ang nagpanggap na Paulito habang nagkakagulo” paliwanag ng multo at agad tumakbo ang tatlo papunta sa kweba.
Tumayo si Berto sa tabi ni Wookie, “Patawad ginoong mambabarang, nabasa ko ang libro ng mga ninuno at nakwento ko sa lolo mo ang magaganap” sabi ng multo pero hindi siya pinapansin ng binatang mambabarang.
“Hindi ka dapat magluksa. Ikaw na ang magtataguyod sa lahat ng responsibilidad ng lolo mo” biglang bigkas ng Mananabas. “Hindi ko kaya, hindi pa ako handa” sabi ni Wookie. “Ganun din ang lolo mo nung nagsimula siya. Sigurado ko mas hihigitan mo pa siya. Katunayan nagawa mo ipalabas ang mga espiritu na di kaya ng lolo mo” sabi ng Mananabas.
“Hindi ko mapapantayan ang lolo ko o mahihigitan. Naaral niya ang libro ng mambabarang. Konti lang ang naituro niya sa akin” sabi ni Wookie. “Alam mo matagal nang pinaghandaan ng lolo ang araw na ganito. Lahat ng laman ng libro…kami yon. Ang ibang laman ng libro sinigurado niya inaral ng ibang espiritu para pag yumao man siya hindi mawawala ang mga aral ng libro. Maipapasa ito sa napili ng lolo mong mapagpasahan ng kaalaman at ikaw yon” paliwanag ng Mananabas.
Mula sa patay na katawan ng lolo niya may lumabas na isa pang espiritu, nagulat si Wookie pagkat lolo niya yon. “Lolo! Espiritu ka na?” bigkas ng binata. “Apo, tama ang Mananabas. Matagal na kitang inaantay. Napatunayan mo sa akin na ikaw nga at tagapagmana kaya eto tanggapin mo ang lahat ng kaalaman ko” sabi ni Wakiz.
May isang daan na espiritu ang mabilis na pumasok sa katawan ng binatang mambabarang. Napaluhod si Wookie at napahawak sa ulo niya. Ilang sandali dahan dahan siya tumayo at huminga ng malalim. “Nasa sa iyo na ang lahat ng nilalaman ng libro ng mambabarang, ikaw na ang Ultimo Mambabarang apo ko” sabi ni Wakiz.
Ramdam ni Wookie at kakaibang kapangyarihan sa buong katawan niya, ang mga mandirigmang mga espiritu muling lumuhod at nagbigay pugay sa kanya maliban sa Mananabas. Isa isang sumanib sa katawan ni Wookie ang trese Diablos, ilang sandali pa nakapasok na ang lahat ng mga espiritu maliban sa dalawa.
“Lolo bakit naiwan ang Mananabas ang dragon?” tanong ng binata. “Yang dragon, likha ko yan. Makakagawa ka din ng sarili mong dragon apo. Ang Mananabas…ngayon ko lang nakita yan sa totoo” paliwanag ni Wakiz.
“Ngayon lang tayo nagharap Wakiz. Ilang beses mo narin ako sinubukan ipalabas ngunit hindi sapat ang lakas mo” sabi ng makapangyarihang espiritu. “Oo nga e, pero siguro itong apo ko makakayanan na niya” sagot ng matandang espiritu. “Aantayin ko ang araw na yon. Habang hindi mo ako napapalabas Ultimo mambabarang, hindi ako sasanib sa katawan mo. Wag kang mag alala tapat ako sa iyo” sabi ng Mananabas.
“Wakiz, oras na. Ihahatid ko na kayo ng dragon mo” dagdag ng Mananabas at nagulat si Wookie. “Saan kayo pupunta? Hindi ka ba sasanib sa akin lolo? O kaya maiwan dito sa lupa?” tanong ng binata.
Ngumiti si Wakiz at niyakap ang apo niya, “Hindi na apo ko, kailangan ko na yumao. Inaantay na ako ng lola mo at iyong mga magulang. Wag kang mag alala apo ko kahit wala kami sa piling mo papanoorin ka namin. Itayo mo ang bandila nating mga mambabarang apo ko. Wag kang magmamadaling makipagkita sa amin ha” sabi ni Wakiz at natawa si Wookie. “Lolo naman, ayaw ko pa mamatay” sabi ng binata.
“Pano yan apo ko. Paalam na muna. Hanggang sa huling pagkikita natin” sabi ni Wakiz at tumayong magiting si Wookie. “Pati ako magpapaalam narin muna. Hamon ko sa iyo Ultimo mamababarang, palabasin mo ako at sa iyo mapupunta ang buong kapangyarihan ko. Hanggang di mo nagagawa yon wag kang mag alala akoy mag aantay” sabi ng Mananabas.
“Mapapalabas ka ng apo wag kang mag alala” sabi ni Wakiz at natawa ang Mananabas. “Gusto ko makita niya gawin yon” sabi ng espiritu. Ngumiti si Wakiz at agad naintindihan ni Wookie, “Mananabas! Sa oras na kailangan kita mapapalabas kita! Tandaan mo yan! Mapapaamo kita!” sabi ni Wookie at naglaho na ang tatlo sa harapan niya.
“Berto, ikaw gusto mo na ba yumao?” tanong ni Wookie. “Gusto ko sana pero nais ko maiwan pa. Kailangan niyo ako pagkat alam ko pano magwawakas ang lahat” sagot ng multo at natawa si Wookie. “Yang alam mong mangyayari hindi na magaganap. Babaguhin namin lahat yon” sabi ng binatang mambabarang.
“Imposible! Ang nakasaad sa libro ng pinuno mangyayari at mangyayari kahit anong gawin mo” sabi ni Berto. “Yun din ang akala ko, pero halika sa kweba, ipapakilala ko sa iyo ang mga nilalang na magbabago ng lahat” sabi ni Wookie.
Sa loob ng kweba pinapainom ni Tuti ang tulog na katawan ni Paulito ng dugo habang ang dalawang dalaga hinihilom ang kanyang mga sugat. “Alam niyo pag gishing ni boshing kusha mangilom shugat niya. Antayin niyo nawang sha magishing” sabi ni Tuti.
“Mas mabilis siya gumaling pag tutulong kami” sabi ni Monica. Pumasok na sa guho guhong kweba sina Wookie at Berto at biglang gumalaw ang paa ni Paulito. “Pasensya ka na Wookie kung agad namin hinarap si Paulito” sabi ni Anhica.
“Ayos lang, kumusta na siya?” tanong ng mambabarang. “Gagaling sha, konti pang dhugo kailangan niya” sabi ni Tuti. “Ano sa tingin mo ang dahilan ng mga bruha kaya kinuha ang dugo niya?” tanong ni Wookie at biglang napatingin ang lahat kay Berto.
“Oy, hindi detalyado ang libro ng mga ninuno. Wala ako alam tungkol diyan” sagot ng multo. “Kung dhugo ng vampiwa e di shana kahit dhugo ko na. Shiguro kasi sha ang shugo” sabi ni Tuti. “Hindi! Di naman sumasalin sa dugo ang kapangyarihan ng sugo. Iba ang dugo ni Paulito. Kaya nga gusto din nila makuha si Anhica e” sabi ni Monica.
Napahawak si Anhica sa leeg niya at kinabahan, “Wag kang mag alala, pinutol ko yung lubid ng sumpa nung inatake ko si Yailda” sabi ni Monica kaya nakahinga ang dalaga. “Bakit nila gusto makuha si Anhica at bakit kinuha nila ang dugo ni Paulito?” tanong ni Wookie.
“Kasi magkapatid sila” sabi ni Monica at nagulat ang lahat. Tahimik lang si Anhica at niyuko ang ulo niya, “Magkapatid? Si Paulito at Anhica magkapatid?” tanong ng mambabarang. “Oo, sila ang mga taong tala. Sabay sila bumagsak sa mahiwagang gubat noong sanggol sila” paliwanag ng dalaga.
“Ang propesiya ng mga taong tala…akala ko pumalpak ang mga bruha para mapatawag sila?” bigkas ni Berto. “Nagtagumpay sila, pero sa gubat sila bumagsak. Naging madamot ang nanay ko noon, agad namin tinago si Anhica. Di namin alam meron pa palang isang sanggol. Hindi na namin siya naitago pagkat nakita na siya ng ibang nilalang. Kaya si Anhica tinago namin at pinagpanggap namin bilang diwata habang si Paulito ay mariing na binantayan ng lahat” kwento ni Monica.
Kinuwento ng dalagang bampira ang lahat ng alam niya. Nang matapos ang kwento niya di parin makapaniwala ang iba. “Kung ayaw niyo maniwala di tignan niyo ang mga pisngi ng pwet nila. Pareho sila may marka, alam ko ito pagkat inalagaan ko sila nung bata ako” sabi ni Monica.
Lahat napatingin kay Anhica at agad siya nagalit, “Kung meron siya e di meron narin ako” sabi niya kaya kay Paulito naman sila napatingin. Babaliktarin na sana ni Monica ang katawan ng bampira nang humawak si Paulito sa kamay niya. “Hoy bakit ka humagolgol kanina?” bulong ng bampira.
Dinagok ni Monica ang dibdib ni Paulito sabay nagsimangot. “Boshing!!! Kuha fa ako dugo teka lang” sabi ni Tuti at mabilis siya lumabas ng kweba. “Ano nangyari kay Tuti? Parang kakaiba na taglay niyang lakas. Hindi yon ang lakas na iniwan ko sa kanya” sabi ni Paulito.
“Inaral niya ang libro ng mga bampira, si Anhica naman ang libro ng mga diwata” sabi ni Berto at napangiti ang bampira. “Wookie, ang lolo mo nasan? Huli kong nakita nung tangayin ako ng mga espiritu papasok dito” tanong ni Paulito.
“Pare yumao na lolo ko. Sinakripisyo niya ang buhay niya at nagpanggap siyang ikaw” paliwanag ng mambabarang at napasimangot si Paulito at pinikit ang kanyang mga mata. “Pero pare wag kang mag alala. Ginawa niya yon para sa atin lahat. May tiwala sa atin ang lolo ko. Napabilib mo siya nung sinabi mo gagawin mong libro ng kasinungalingan ang libro ng mga ninuno” dagdag ni Wookie.
“Bakit ba ang tigas ng ulo niyo? Ang nakasaad sa libro ng mga ninuno wagas. Kahit anong gawin niyo masusunod ang lahat ng nakasaad doon” pilit ni Berto at biglang nanlisik ang mga mata ng bampira.
“Sinabi ko gagawin kong libro ng kasinungalingan ang librong yon! Nagtiwala si Wakiz sa sinabi ko at sinakripisyo niya ang buhay niya para sa paniniwalang yon. Dahil don lalo ko lang tutuparin ang pangako ko!” galit ni Paulito at pinakalma siya ni Monica.
“Berto mas mabuti pa ata yumao ka na. May kapangyarihan ako gawin yon” sabi ni Wookie. “Hindi! Ayaw ko magtunog kontrabida pero sana naman intindihin niyo ako. Lahat ng nabasa ko sa libro ng mga ninuno nagkatotoo na. Panig ako sa inyo, kakampi niyo ako pero mahirap na baguhin ang pag iisip na ganito. Gusto ko maiwan pa, gusto ko makita magkatotoo ang sinasabi nitong bampira. Gusto ko makita kayo magtagumpay” sagot ng multo.
“May tanong ako, ito bang pangyayari nakasaad sa libro?” tanong ni Anhica. “Wala pero nakasaad doon na magtatagumpay ang isang diwata na makuha ang mga libro. Nakasaad doon na makukuha ang libro ng kadiliman. Mapapakawalan ang mga alagad ng dilim mula sa ilalim at sila ang maghahari dito sa buong kaharian. At nakasaad doon na sa huli ay ang hari ng kadiliman ay magtatagumpay pero lalabanan siya ng isang malakas na bampira at isang malakas na diwata” kwento ni Berto.
“Ang libro ng kadiliman nandoon sa labas, lahat ng nag aral nito ay pinatay ni Monica” sabi ni Anhica. “Lahat maliban sa isa, yung taong anino” sabi ni Paulito. “Oo nga hindi na siya nakita malamang nakatakas na siya” sabi ni Wookie.
“E di tama parin ang libro ng mga ninuno, siya malamang ang magpapatawag sa hari ng kadiliman” sabi ni Berto. “Kaya pa ba natin siya pigilan?” tanong ni Paulito. “Hindi na, sabi ng lolo ko nakahanda na ang mga sakripisyo para mapatawag ang hari ng kadiliman. Inaantay nalang nila ang libro. Naaral na niya ang libro kaya madali nalang niya mapapatawag ang hari” sabi ni Wookie.
“Kung ganon e kailangan na natin maghanda para sa malaking gera. Kailangan natin ipaalam sa lahat ng mahiwagang gubat ang paparating na delubyo. Kailangan din natin magtipon ng malalakas na mandirigma. Hindi natin kakayanin ito kung tayo lang” sabi ng bampira.
“Ako na bahala sa pagpapaalam sa lahat ng gubat. Pero saan tayo maghahanap ng mga mandirigma?” tanong ni Wookie.
“Kailangan natin mahanap ang lahat ng mga disipulo” sabi ni Paulito. “Boshing lalavan ako!” sabi ni Tuti na may dalang malaking baka kaya natawa ang lahat. “Oo Tuti…magkatabi na tayo lalaban” sabi ng bampira at natuwa ang bungal.
“Berto may ipapagawa ako sa iyo” sabi ni Paulito at nagulat ang multo. “Ano ang maitutulong ko?” tanong ng matandang multo. “Magsusulat ka ng panibagong libro, isang libro magkwekwento kung pano natin gagawing libro ng kasinungalingan ang libro ng mga ninuno. Itatala mo lahat ng ating gagawin mula ngayon hanggang sa magtagumpay tayo” sabi ni Paulito.
“At ano naman ang itatawag natin sa librong ito?” tanong ni Berto.
“Libro ng mga Magigiting”
(O ha! Bongga ano? Tell me about the chapter at the discussion page, CLICK HERE )