Twinkle Twinkle 2: Bagong Delubyo
by Paul Diaz
by Paul Diaz
Chapter 9: Kampon ng Kadiliman
Sa madilim na dako ng kaharian, lugar kung saan hindi nasisilayan ng araw. May grupo ng mga nilalang na nagtipon sa paanan ng bundok.
Lahat sila nakabalabad ng itim, natatakpan ang kanilang mga mukha at buong katawan. “Bakit mo kami tinipon? Oras na ba para sa pag alay?” tanong ng isang tiyanak. “Oo nga, oras na ba? Kung hindi mapanganib itong pagtitipon natin baka mahalata tayo ng kampo ng liwanag” sabi ng isang tikbalang.
“Dwardo, Tikyo, kumalma kayo tulad ng iba. Hindi pa oras para sa pag alay. Pinatawag ko kayo pagkat gumalaw na ang mga tauhan na kailangan natin para mapatawag ang hari ng kadiliman. Si Aneth nagtungo na para hanapin ang mga diyamante” sabi ni Berkas, isang bampira.
“Alam mo naman na hindi basta basta mapapaamo ang mga diyamante. Bago mo makuha ang diyamante kailangan makilala ka nito. Kung ano ang kapangyarihan nung nagtago ng diyamante dapat ganon din ang kapangyarihan nung siyang kukuha” sabi ni Raika, isang aswang.
“Naaral na ni Aneth ang mga libro ng kapangyarihan. Ayon sa pinadalang mensahe ni Ikaryo ay gumamit siya ng kakaibang seremonya. Dalawang libro lang ang di niya naaral” paliwnag ni Berkas.
“Sigurado ka ba mapangkakatiwalaan natin si Ikaryo? Baka naman siya ang magbubuking sa mga plano natin. Baka mamaya ituro niya ang lugar na ito at sugurin tayo ng kampo ng liwanag. Mauubos tayo pag ganon pagkat wala pa tayong kapangyarihan” sabi ni Erenyo, taong lupa.
“Oo mapagkakatiwalaan natin si Ikaryo. Mapapaamo ni Aneth ang limang diyamante. Yung isang diyamante, tanging ang nagbasa lang ng libro ng bampira ang makakakuha. Sa ngayon may isang bampira at isang multo na dala ang lahat ng libro, pati ang libro ng mga bampira. Ayos sa mga alagad nating mga insekto ay naglalakbay sila ngayon para hanapin ang isang diwata. Malamang gagayahin nila ang ginawa ni Aneth para mapabilis ang pag aral sa libro” sabi ni Berkas.
“Parang may masama kang binabalak Berkas, balak mo ba kami lamangan?” tanong ni Raika at natawa ang bampira. “Di niyo ata narinig ang sinabi ko. Dala nila lahat ng libro. Alam ko wala tayong kapangyarihan sa ngayon pero pwede naman natin subukan atakehin ang nagdadala ng mga libro. Isa siyang bampira, sabi ng mga bibwit natin na hindi siya miyembro ng mga disipulo. Alalay daw lang siya kaya sigurado ako mahina siya”
“May kapangyarihan siya konti kumpara sa atin na tinanggal nila lahat. Ang nais ko sabihin ay pag madaming susugod sa bampirang ito, may tsansa tayo na manalo. Isa lang siya, pwede tayo magtipon ng mga isang daan na alagad para atakehin siya kahit wala tayong kapangyarihan” sabi ni Berkas.
“Sira ulo ka ba?!!! Kokonti nalang tayo natira! Gusto mo pa magbuwis tayo ng ibang kakampi? Tapos si Ikaryo, ang tanging kasama natin na may kapangyarihan pinadala mo pa kay Aneth. Pano na kung pinatay siya? Wala na tayong panlaban. Si Ikaryo na nga lang ang nagtatanggol sa atin dito! Kaya ngayon takot na takot ako dito sa lugar natin dahil wala si Ikaryo” reklamo ng tiyanak. “Kapalit ang mga libro ng kapangyarihan” tanging sagot ni Berkas at napaisip ang lahat.
“Sabi mo nagawa ni Aneth aralin lahat ng libro. Kahit hindi para sa atin ang mag librong yon…baka pwede din natin aralin” sabi ni Raika. “Buti naman at may isang nag iisip!!! Yan ang binabalak ko. Kung nakayanan ni Aneth aralin lahat yon, naiisip niyo ba ang pwede natin makamtan? Kapangyarihan ng liwanag! Makakalaban tayo ng patas o higit pa sa kanila! Hindi na natin kailangan matakot pag ganon!” sigaw ni Berkas.
“Teka teka parang nagbago ang plano natin bigla. Gusto ko lang ipaalala sa inyo na papalabasin natin ang hari ng kadiliman” sabi ng tikbalang. “Tikyo, nabasa natin lahat ang kopya ng libro ng mga ninuno. Tandaan mo ang nakasaad sa libro mangyayari at mangyayari. Sa huli nakita mo naman na makakalabas ang hari ng kadiliman, ang ibig sabihin non magtatagumpay tayo sa pagtawag sa kanya” paliwanag ni Berkas.
“Isipin niyo ito, makukuha ni Aneth ang limang diyamante. Aasa tayo kay Ikaryo na makukuha niya ito sa diwata. Yung pang anim na diyamante, kailangan bampira ang kukuha. Gusto niyo ba umasa tayo na maagaw natin ang diyamante sa bampirang yon pagkatapos niyang lumakas? Ano laban natin kung wala tayong kapangyarihan?”
“Kahit hindi nakasaad sa libro baka ito ang tamang daan na dapat natin tahakin. Kung atakehin natin ngayon ang bampira at makuha natin ang mga libro maari tayong magpalakas. Mas malaki ang tsansa natin makuha ang pang anim na bato kasi bampira ako. Wag niyo isipin na gusto ko kayo lamangan pagkat lahat tayo lalakas” sabi ng bampira.
“Oo pero sabi mo kailangan ng diwata para mas mabilis ang pag aaral sa mga libro” sabi ni Erenyo. “Talagang hindi kayo nag iisip! Dala nung bampira ang libro ng mga diwata! Doon sa libro nandon din ang kahinaan ng mga diwata kaya mapapaamo natin siya kahit wala tayong kapangyarihan!”
“Pag hawak natin ang mga libro, hindi natin kailangan aralin ang lahat agad. Aaralin natin ang sapat na kapangyarihan para mapaamo ang diwata. Pag nagtagumpay ay pwede natin aralin ang lahat ng laman ng libro gamit siya. Ganun kadali. At pag pumalpak si Ikaryo, malakas na tayo nong mga oras na yon at pwede natin surpresahin si Aneth para maagaw ang mga diyamante. Isip isip! Wala nga tayong kapangyarihan pero may pag iisip parin tayo!” sermon ni Berkas.
“Tama ka. Kahit na makuha natin ang mga libro ng kapangyarihan, kokonti lang tayo para makalaban ang kampo ng liwanag. Kailangan parin natin ang hari ng kadiliman. Matagal na tayo naapi. Dati ang mga ninuno natin muntik na nanalo pero di sila nag iisip. Ngayon tama ka Berkas, maganda ang plano mo. Sige mag uutos ako ng ibang kakampi para sugurin ang bampira” sabi ng tikbalang.
“Mula din sa kampo ko magpapadala din ako. Malagasan man tayo ng tauhan ayos lang basta mapasaatin ang mga libro. Pero eto, gagamitin ko pag iisip ko para matuwa ka Berkas. Kailangan natin kumuha ng mga tao bilang panangga kung sakali man mahalata tayo ng mga taga liwanag” sabi ng tiyanak.
“Mahusay!!! Ganyan ang nag iisip. Tama ka, dahil wala tayong kapangyarihan sa ngayon kailangan natin gumamit ng dahas. Yang mga kawal ng hari na nakuha natin, magdadala tayo konti. Alam ko mga kapatid magtatagumpay tayo! Ito ang nakasaad sa libro ng mga ninuno! Magtatagumpay tayo!” bigkas ng bampira.
“Berkas over acting ka na, utusan mo na ang mga tauhan mo na pakainin ang mga bihag na kawal. Alam mo naman ang gusto ng hari, gusto niya ng malulusog na alay” sabi ni Raika. “Oo busog na busog sila. Dwardo, panahon narin na makipag ayos ka sa ibang tauhan mo” sabi ni Berkas.
“Sa mga baklang tiyanak?!! Wag na!!!” sagot ng tiyanak. “Wag mo din iisipin na makikipagbati ako sa mga baklang tikbalang!” dagdag ni Tikyo. “Alam niyo hindi ngayon ang panahon ng kaaretehan. Kokonti tayo tapos nag aaway away pa. Kung makipag ayos kayo dadami tayo. Isipin niyo yan. O baka gusto niyo balang araw tumiwalag sila sa kampo ng liwanag at ibuking ang mga sikreto natin? Isip isip mga kaibigan ko. Panahon narin upang pakawalan natin ang mga bruha at makipag ayos tayo sa kanila” sabi ng bampira.
Natawa ang aswang at pati ang iba nakitawa. “Berkas ikaw ang nagpakulong sa mga bruha, malaki ang problema mo para mapaamo ang mga bruha” sabi ni Raika. “Pag napaamo mo sila sige makikipagbati ako sa mga baklang tiyanak” sabi ni Dwardo. “Ako din, gusto ko makita pano mo mapapaamo ang mga bruhang galit na galit sa iyo” sabi ni Tikyo.
“Bakit niyo tinatapon sa akin lang ang bintang? Lahat naman tayo nagdesisyon don ha. Nakita niyo naman ang produkto nila, si Monica. Sinekreto nila yon sa atin. Naagapan natin sila bago makumpleto ang pagpapalakas sa bruha seduktiba. Pero kahit hindi pa kumpleto nakita niyo gano siya makapangyarihan” sabi ni Berkas.
“Sa tingin mo ba kung di natin sila pinigilan ay ganito parin tayo? Siguro bilang kasama sa pagyakap sa kapangyarihan ng kadiliman ay biniyayaan nila tayo sa tagumpay nila pero ikaw nagpilit na pigilan sila kasi takot ka. Ikaw nagpumilit na sakupin natin sila at ikulong, kasi ayaw mo malamangan” sabi ni Raika.
Nagalit ang bampira at naglakad lakad, “Diwata si Monica, ginawa nila siyang bruha at kahit na nagawa nilang burahin ang memorya niya hindi parin tayo makakampante na baka bumalik mga alaala niya. Yun ang kintakot ko at ayaw ko na magkaroon ng karagdagang makakalaban na malakas” paliwanag ni Berkas.
“Habang abala ang kampo ng liwanag na kinakalaban si Fredatoria…sayang kung hinayaan sana natin ang mga bruha matapos ang eksperimento nila, si Monica sana ang tagapagligtas natin. Pero hindi na natin malalaman yon kasi nga pinigilan mo sila. At kahit na ganon nakita mo naman ang lakas ni Monica, nagawa niyang magreyna sa kaharian. Ano nakuha natin? Tinanggal niya ang mga kapangyarihan natin” sabi ni Dwardo.
“Matalino at matiyaga ang mga bruha. Oo masekreto sila pero tignan mo ang kakayahan nila. Di man nila nasira ang kapangyarihan ng asul na bato pero nakagawa sila ng paraan at lusot para magamit ni Monica ang kapangyarihan niya. At di lang yon, dinagdagan pa nila ang kapangyarihan niya kaya siya ganun kalakas. Nung pinigilan mo ang mga bruha hindi nila nakontrol si Monica at eto ang napala natin, halos wala tayong silbi”
“At tanging tinira niya ang mga sumipsip sa kanya lalo na yung kampo ng mga bakla” pagalit na sabi ni Tikyo. “Oo na oo na sige ako bahala. Pero bago ako humarap sa mga bruha kailangan ko magpalakas. Alam ko kahit anong sasabihin ko o kahit humingi ako ng tawad ay di nila ako papatawarin”
“Kailangan ko sila bigyan ng pain, isang kapalit upang umanib sila sa atin muli” sabi ni Berkas. “Ano ipapain mo? Mga libro ng kapangyarihan?” tanong ni Raika. “Maiinsulto lang sila, ayaw nila ng madaling paraan sa pagpapalakas. Higit pa sa mga libro ang gusto nila. Ibabahagi natin sa kanila ang natagpuan nating pahina ng propesiya” sabi ng bampira.
“Sira ulo ka ba?!!!” sigaw ni Tikyo. “Yan nalang ang natitirang alas natin kaya tayo hindi mapatay ng mga taga liwanag! Tapos ibibigay mo lang sa mga bruha? Hindi ako papayag!!!” sagot ni Raika.
“Yun lang ang pwede natin ialok sa kanila. Tandaan niyo sila ang nakapagpatawag sa dalawang nilalang ng mga tala. Kaya lang di sila pinalad kung saan napadpad ang mga bata. Napunta tuloy sa kampo ng liwanag ang dalawa pero hanggang ngayon hindi nila alam ang tunay na kapangyarihan nung dalawa”
“Sa pagdaan ng panahon nagbagong anyo ang dalawa at nabaon na sa limot ang tunay na kakayahan nila. Kung sa bruha lang napunta yung dalawa ay tiyak ko silang dalawa na ang pinakamakapangyarihang nilalang sa buong mundo” sabi ni Berkas.
“Ang gusto mo ibigay ang propesiya ng pangatlong taong tala sa mga bruha? At pano kung nagtagumpay sila ngayon? Hindi kaya tayo naman ang kawawa?” tanong ni Raika.
“Tanga! Nabasa niyo ang libro ng mga ninuno! Ang hari ng kadiliman parin ang maghahari sa huli, kasama na tayo doon! Wala nabanggit don tungkol sa iba pang malakas na nilalang. Tagumpay parin tayo sa huli”
“Ngayon kailangan natin ang mga bruha, yon lang ang magpapapayag sa kanila. Wala naman dapat tayo alalahanin diba? Sundan lang natin ang libro ng mga ninuno at hindi tayo magkakamali. Maliwanag ba?” tanong ng bampira.
“Sige pero bago mo ibigay sa kanila kailangan muna nila umanib sa atin at lumaban. Lagyan nila sarili nila ng sumpa na di nila tayo traydorin, tama ba ako?” tanong ni Dwardo. “Tama ka tiyanak, tignan niyo ang epekto ng pag iisip. Madami tayo magagawang tama pag nag iisip. Mga ninuno natin madami kamali dahil hindi nag iisip muna. Sige Berkas ialok mo sa kanila yon” sabi ni Tikyo.
“Oo pero ngayon magtipon na tayo para sugurin ang bampirang may dala ng mga libro!” sigaw ni Berkas.
Sa kabilang dako ng kaharian, mabagal na naglalakad si Tuti buhat ang isang bag. “Bampira ka bakit ang bagal mo maglakad? Kaya mo naman tumakbo ha!” reklamo ni Berto.
“Relash ka lang. Fag vivilishan kow, malilitow utak ko sha faghanaf nung eshfada ni boshing. Dala ni Anhica yon kaya pag nalaman ko nashan yon eshfada nandon din sha” sagot ni Tuti.
“Oo pero di na tayo makakatagal sa paglakad pagkat malapit na lumabas ang araw” sabi ng multo. “E tado ka fala e! E di maghanaf ka ng ivang kashama! Ano magagawa ko e bampiwa akow! Shemfre bawal ang araw sa amin! Kung gushto mo maglakbay ka mag isha! Echoserang multo ka!” galit ni Tuti.
“Ginagawa ko na lahat sha makakaya ko. Hindi ako tulad ng mga dishipulo, alam ko yon. Fero sha ngayon inaashahan ako ni Nella. Ganito lang kaya ko, ayaw ko magkamali. Kaya kahit mavagal tayo e shigurado naman na mahahanap natin si diwata. Kung magmadali tayo vaka mailto utak ko sa pagdetekta sa eshpada. Dho you undershtand?” dagdag ng bampira.
Natahimik ang dalawa at nagpatuloy sa paglakbay. “Pero Tuti, alam mo siguro na hindi ikaw yung tinutukoy kong Bampira na lalaban sa hari ng kadiliman ano?” tanong ni Berto.
“Of korsh, vuhay shi boshing e. Am not dumb you know”
( Join our Facebook discussion, CLICK HERE )