sk6

Thursday, January 21, 2010

Twinkle Twinkle 2: Bagong Delubyo Chapter 17: Pagbangon

Twinkle Twinkle 2: Bagong Delubyo

by Paul Diaz



Chapter 17: Pagbangon

Isang araw ang lumipas, maaliwalas ang buwan at tahimik ang buong paligid. Sa may batis may dalawang nilalang ang nakatayo sa may tubig at pinagmamasdan ang kalangitan.

“Naging malupit ang tadhana sa atin Anhica. Pero masaya parin ako at buhay parin tayo kahit papano” sabi ni Paulito. “Mula bata tayo pinaghiwalay na tayo. Kaya naman pala di ko alam bakit ikaw lagi hinahanap ko. Ano ba meron tayo at nagawa nila yon?” tanong ng dalaga.

“Ewan ko. Sa totoo ayaw ko naman ang ganito. Kung sana hindi gahaman sa kapangyarihan ang mga nakahanap sa atin siguro lumaki tayong iba” sabi ng binatang bampira. “Nagsisisi ka ba sa lahat?” tanong ni Anhica at huminga ng malalim ang bampira. “Konti, kasi madami na tayo sinakripisyo. Namatay ka, namatay ako, pero eto buhay parin tayo” sabi ng bampira at nagtawanan ang dalawa.

“Sa tingin mo malalaman pa ba natin kung ano talaga tayo? O san tayo nanggaling…sino mga magulang natin…at bakit talaga tayo nandito?” tanong ni Anhica. Tinuro ni Paulito ang dalawang tala sa langit na magkatabi, “Taong tala…natatandaan mo pa ba? Ikaw at ako…lagi tayo nawiwili sa mga tala. Di ko alam ano talaga tayo, gusto ko din malaman lahat ng tanong mo. Pangako ko sa iyo Anhica matapos lang lahat ito sabay natin aalamin ang lahat” sabi ni Paulito at naghawakan sila ng kamay.

“Ang drama niyong magkapatid!!!” sigaw ni Monica sabay hinila pababa ang pantalon ng binata. “Mewon nga!!!” sigaw ni Tuti kaya mabilis na tinaas ni Paulito ang pantalon niya. “Monica!!! Bakit mo ginawa yon?!!!” tanong ni Paulito.

“E kasi mga to ayaw maniwala na magkapatid talaga kayo” sagot ng dalagang bampira sabay ngumisi at tinignan si Anhica. “Hoy wag naman!” sigaw ni Anhica sabay tumakbo. “Tandaan mo di mo ako matatakbuhan…sige na wag ka na maarte! Gusto lang nila makita ang mga balat niyo!” sigaw ni Monica at hinabol ang dalaga.

Naglaro sina Monica at Anhica sa batis na parang mga bata habang sina Wookie, Tuti at Paulito tumayo lang sa tabi at pinanood sila. “Dadalhin namin ang katawan ng lolo sa mahiwagang gubat para doon ilibing. Isasama narin namin si Aneth pero hindi ko alam kung matatanggap nila si Monica doon” sabi ni Wookie.

“Hindi kami sasama sa inyo. Hahanapin namin ang mga disipulo. Kayo na ang bahala sa pagpapaalam sa lahat ng nilalang sa nagbabantang delubyo” sabi ni Paulito. “Boshing, shama ako shayo” sabi ni Tuti. “Tutilous, makapangyarihan ka na. Kailangan kita para protektahan ang kapatid ko at si Wookie. At mas maniniwala sila pag tatlong makapangyarihang nilalang ang magpapakita sa kanila” paliwanag ng sugo.

“Oo boshing fewo shabi mo magkatavi tayo lalaban e” hirit ni Tuti. “Oo naman. Sa ngayon maghahanda tayo. Importante ang misyon niyo para ipaalam sa lahat ang magaganap. Puntahan niyo din si Nella para maproteksyunan ang mga tao. Magtipon kayo ng mga magigiting na mandirigma at ihanda sila. Hahanapin namin ni Monica ang mga kaibigan natin. Wag ka mag alala Tuti, magsasama sama tayo ulet. Pangako ko sa iyo magkatabi tayo lalaban para harapin ang hari ng kadiliman” sabi ni Paulito.

“Pero pare, sa tingin mo kaya natin itong laban na to?” tanong ni Wookie. “Nagawa daw nila noon. Alam ko sa pagbalik ng hari ng kadiliman mas mabagsik na ito at gusto makabawi. Nagawa nila noon, uulitin natin ngayon” sagot ng bampira.

Habang seryoso ang tatlo biglang sumulpot si Monica at pantalon naman ni Wookie ang binaba niya. “Hoy!!! Wag mo ako isali sa ganito!!!” reklamo ng mambabarang at nagtawanan ang dalawang dalaga. “Wala lang, napatanuyan namin na hindi ka nila kapatid” sabi ni Monica at lalo pang nagtawanan ang mga dalaga.

“Ayos, unang nilalaman ng libro ng Magigiting, nagtatanggalan ng pantalon. Sino pa kaya ang maniniwala sa librong to?” sabi ni Berto na nakaupo sa isang sanga ng puno. “Tama lang yan Berto! Para malaman ng mga magbabasa ng libro na yan na marunong din magsaya ang mga magigiting” sabi ni Wookie. “Ano pa sinasayang niyong oras? Mamaya umaga na hindi nanaman makapaglalakbay ang mga bampira” sabi ng multo.

“Hindi na problema ang araw” sabi ni Monica at pinagdikit niya ang dalawang kamay niya at nagliwanag ang mga ito. Pagbukas niya ng kamay niya ay may tatlong singsing, “Eto, tig isa tayo. Pag suot natin ito wala epekto ang liwanag ng araw sa atin. Kaya kahit maglakbay tayo ng umaga ayos lang” sabi niya.

Sinuot niya yung isa sabay inabot yung isa kay Tuti. Lumapit si Monica kay Paulito at sa daliri ng binata sinuot niya ang singsing. “Hmmm bakit yung kay Tuti naiiba? Tapos yang singsing niyo parang mga wedding ring?” tanong Wookie at nagpasimple si Monica na naglakad palayo. “E yung ang nagawa ko e, wag ka kasi magkonek” sabi ng dalaga.

Siniko ng mambabarang si Paulito sabay kinindatan. “Kayo ha” tukso niya. “Ano? Ewan ko sa iyo kalbo!” sagot ng bampira at muling nagkatuwaan ang lahat. “At may kwento din pala ng namumuong pag ibigan, ayos halo halo na tong isusulat ko” sabi ni Berto.


Pagsikat ng araw handa na ang lahat maghiwalay ng landas. “Tuti alagaan mo kapatid ko” sabi ni Paulito. “Oo boshing, I will tik kir of thim” sabi ni Tuti. “Hindi ko alam kung kalian ulit tayo magkikita pero mag ingat kayong dalawa” sabi ni Wookie.

Inabot ni Tuti ang esada kay Paulito pero tinanggihan ito ng sugo. “Mas kailangan mo yan Tuti, itago mo muna. Saka ko na kukunin sa iyo yan sa muling pagsama natin” sabi ng sugo. Niyakap ni Anhica si Paulito sabay niyakap naman niya ng mahigpit si Monica. “Ate alagaan mo naman siya para sa akin” bulong niya. “Oo naman, wag kang mag alala papasayahin ko siya” sagot ng dalagang bampira at napangisi si Wookie.

“Papasayahin…hoy baka sa muling pagkita natin ninong na ako” banat ng mambabarang at bigla siya sinuntok ni Monica sa tiyan. “Papasayahin ibig sabihin pag namimiss niya kayo papatawanin ko siya, wag berde ang isip!” sabi ng dalaga at nagtawanan ang lahat. “Pero pwede rin naman” landi ni Monica sabay yakap kay Paulito at lalo pa nagtawanan ang lahat.
Sa kabilang dako ng kaharian ay nakabalik si Ikaryo sa kampo ng kadiliman. Sinalubong siya ng ibang nilalang at napansin na wala siyang kasama.

“Nasan sila? Bakit ikaw lang ang bumalik? Pumalpak ba kayo?” tanong ni Rayisha, isang aswang. “Nagtagumpay tayo pero sa di ko inasahan na buhay si Monica” sagot ni Ikaryo. “Ang bruha seduktiba buhay?!!! Ano nangyari kay Aneth?” tanong ng aswang.

“Si Aneth natalo ng kampon ng sugo. Malakas sila! Kasama nila ang ultimo mambabarang at sa tingin ko pati yung ultimo bampira at diwata. Higit sa lahat kasama na nila si Monica” sagot ng lalake.

“E nasan yung ate ko? Nasan sina Dwardo at Tikyo at yung iba?” tanong ni Rayisha. “Patay na. Di ko alam magulo lahat pero kitang kita ko pinatay ni Monica ang ate mo, pati sina Dwardo at Tikyo pinatay niya” sabi ni Ikaryo.

“Pesteng bruha yan! E nasan yung libro? Ano gagawin natin?” tanong ng aswang. “Naaral ko na ang laman ng libro. Pero sa gulo hindi ko na nakuha yon” sagot ng lalake. “Ano?!!! E pano kami? At pano mo naaral ng mabilis ang buong libro?” tanong ng aswang.

“Mahabang kwento, magtiwala ka naaral ko lahat. Sigurado ko hinahanap nila tayo. Kaya simulan na natin ang ritwal. Magtiwala ka sa akin alam ko pano gawin ito” sabi ni Ikaryo.

“Sira ulo ka ba?!!! Pag sinugod nila tayo wala tayo ilalaban sa kanila!!! Sigurado ka kaya mo? Kailangan natin magmadali!” reklamo ng aswang. “Kaya nga wag ka nang magpanic diyan! Ihanda mo na ang mga alay at sisimulan ko na ang ritwal!” sigaw ni Ikaryo.

Bumaba ang dalawa sa ilalim ng lupa kung saan nakakulong ang mga alay. “Rayisha matatagalan ako sa ritwal na ito. Magbantay kayo sa labas. Di ako dapat madistorbo” sabi ni Ikaryo.

Naupo ang lalake sa lupa at nagsulat ng mga simbolo. Pinikit niya ang mga mata niya at nagdasal. Ang mga alay na kawal biglang nanigas ang mga katawan at nagbagsakan sa lupa. Ang dugo sa katawan nila nagsilabasan mula sa mata at bibig nila at dumaloy lahat palapit sa mga simbolo na sinulat ni Ikaryo sa lupa.

“Hari ng kadiliman tanggapin mo ang mga alay na ito. Ikaw ay aking pinapatawag. Dinggin mo ang munting boses ng iyong tagapaglingkod!!!” sigaw ni Ikaryo at biglang yumanig ang lupa.

Ang dugo na nagtipon sa mga simbolo biglang sinisipsip ng lupa. Ang mga katawan ng mga alay unti unting nalulusaw at pumapasok din sa lupa. Dumagundong ang malakas at malalim na boses sa buong paligid. Ramdam ni Ikaryo ang napakalakas na kapangyarihan na lumalabas mula sa lupa.

Dumagungdong ang malakas na tawa sa buong paligid, si Ikaryo napatayo na at agad nagtago sa dilim. Naubos na ang mga alay, wala nang bakas ng katawan nila ang natira sa loob ng kulungan. Ang simbolo na sinulat ni Ikaryo sa lupa nabiyak at muling yumanig ng malakas ang lupa.

“Kutong lupa!!! Nasan ka?!!! Ayaw ko ng nagkakaroon ng utang na loob! Halika at papaslangin kita! Pinakawalan mo ako pero di ako marunong tumanaw ng utang na loob!!!” sigaw ng malalim na boses.

“Hindi po! Kusa kita pinakawalan! Wala ako hinahangad na kapalalit!” sabi ni Ikaryo at nagpalipat lipat siya ng pwesto gamit ang kadiliman.

“Sa tingin mo kaya mo ako taguan?!!!” sigaw ng boses. “Parang awa mo na hari ng kadiliman!!! Ako ay tapat na maglilingkod sa iyo!!!” sigaw ni Ikaryo at natawa ang boses. “Ano tingin mo sa akin? Tanga? Yan din ang sinabi mo sa diwata diba? Pero ano ginawa mo? Trinaydor mo siya!!!” sabi ng boses at biglang napatapis si Ikaryo at nahampas hamapas sa paligid.

“Nagawa ko yon para mapatawag ka! Yun ang hangad ko! Sa iyo talaga ako maglilingkod mahal kong hari!!” sabi ni Ikaryo. “Bakit mo ako pinakawalan?!!!” tanong ng boses.

“Para maghari kayo dito! Ang di niyo nagawa noon pwede niyo gawin ngayon” sabi ng lalake at natawa lalo ang boses.

“Tanga!!! Kilala mo ba ako? Ako ang hari ng kadiliman!!! Sa tingin mo kaya mo magsinungaling sa harap ko?!!! Nababasa ko ang utak mo! Gusto mo ng kapangyarihan, gusto mo mamuno sa kaharian kaya mo ako pinakawalan. Pero di mo magagawa yon pagkat mahina ka at malalakas ang mga kalaban mo” sabi ng boses.

“Tama ka! Yun nga ang gusto ko! Sawa na ako sa pamumuno ng kampon ng liwanag! Masyado kami minamaliit. Tandaan mo sila din ang nagkulong sa iyo!!!” sagot ni Ikaryo.

“Hindi ko makakalimutan yon. Ikaryo…Ikaryo ang pangalan mo tama? Tama! Pinakawalan mo ako sa aking kulungan. Ayaw ko magtanaw ng utang ng loob pero pagbibigyan kita ngayon. Kung masagot mo ako ng tama hindi kita papatayin…kung sumagot ka ng mali…”

“Ito ang tanong ko, ano ang ninanais mo?”

“Nais ko maghari ka dito sa Plurklandia, ako itatalaga mong kanang kamay!” sagot ni Ikaryo at biglang tumawa ng malakas ang boses. Nakaramdam si Ikaryo ng panginginig sa buong katawan, may lumalapit sa kanyang malakas na kapangyarihan at nasasakal siya.

Isang itim na usok ang biglang lumitaw sa harapan ng lalake at konting bahagi nito bumalot sa leeg niya. “Basa ko na tapat ang sagot mo. Nakakatuwa naman at nakahanap ako ng tulad mo Ikaryo. Sige ikaw ang magiging kanang kamay ko at maghahari tayo dito sa Plurklandia…pero meron akong hihilingin sa iyo” sabi ng hari ng kadiliman.

“Ano po yon mahal na hari?” tanong ni Ikaryo. “Nakikita mo ako ngayon. Oo eto lang ako. Ganito lang ako…kaya kailangan ko ng katawan. Katawan na masasaniban. Isang malakas at makapangyarihan na katawan. Kaya mo ba ibigay sa akin yon Ikaryo?” tanong ng hari.

“Meron akong alam na katawan na inyong magugustuhan. Pero hindi madali kunin yon. Makapangyarihan siya, wala kaming lakas para matalo siya” sagot ng lalake at biglang natawa ang boses.

“Nabasa ko ang utak mo at hmmm tama ka, gusto ko yang katawan ni Paulito na yan. Habang wala akong katawan hindi ako pwede tumapak sa liwanag! Pero wag kang mag alala Ikaryo makapangyarihan parin ako. Bibigyan kita ng sapat na kapangyarihan, bibigyan kita ng mga alagad para maghasik ng lagim. Pero gusto ko ibigay mo sa akin ang katawan na yon sa madaling panahon! Gagamitin ko katawan na yan pansamantala, para makatapak ako sa liwanag at para makuha ko ang dati kong katawan!” sabi ng hari.

“Bakit ano po nangyari sa dati niyong katawan? At nasan po yon?” tanong ni Ikaryo. “Madami ka masyado tanong pero mapagkakatiwalaan kita. Ang dati kong katawan ay tinago ng mga punong nilalang noon. Nakakatawa pagkat ilang beses nila sinubukan sirain ang katawan ko pero hindi sila nagtagumpay. Tanging nagawa nila ay paghiwalayin ang espiritu ko sa katawan ko kaya eto ako ngayon” sabi ng hari.

“Saan po nakatago ang katawan niyo?” hirit ng lalake.

“Nakabaon sa ilalim ng lupa ng mahiwagang gubat ng Plurklandia!”


( I will be out for a while, be back soon. Check out the fan page, CLICK HERE )