Twinkle Twinkle 2: Bagong Delubyo
by Paul Diaz
by Paul Diaz
Chapter 10: Tuti Unleashed
Lumubog ang araw sa buong kaharian, sa liblib ng gubat nandon si Berto naghuhukay. “Tuti gumising ka na, wala nang araw” sabi ng multo. Dahan dahan bumangon ang bungal na bampira saka humikab. “Shillaks Vertwo, nawawamdaman ko mawafit na ang eshfada” sabi ng bampira.
“Bumangon ka na at wala tayong oras na sasayangin!” galit ng multo at sinenyasan siya ni Tuti na manahimik. “May nawawamdaman akong ivang niwawang ditow sha gubat” sabi ni Tuti. “Natural, gubat ito talagang madaming ibang nilalang dito” sabi ni Berto.
“Hmmm…tama ka. Normal na niwawang lang shila. Pewo pawang ang dami niwa e at papawapit siwa dito” sabi ng bampira na dahan dahan tumayo at inamoy ang hangin. “Ano? Ano pakiramdam mo? Kalaban ba sila?” tanong ni Berto.
“Shhhh…tikbawang, twiwanak, ashwang…mawami shiwa” sabi ni Tuti at natakot si Berto. “Ano? Kalaban ba? Pano to? Magtago tayo?” tanong ng multo at tumawa ang bampira. “Tawo ka tawaga. Muwto ka na takot ka fa. Wala naman shila kafangyawihan kaya di shiguwo shila kawaban” sabi ni Tuti.
“Wala sila kapangyarihan? Ayos pag ganon. Tara na hanapin na natin ang diwata” sabi ni Berto at mula sa isang puno may sumitsit sa kanila. Isang cute na tiyanak ang sumisilip at napangiti ang bampira. “O tignan mo, natatakot shiwa sa atin. Hawika bebe, hindi kami vad. Gutom ka?” tanong ni Tuti at dahan dahan lumapit sa kanya ang tiyanak.
Hinaplos ni Tuti ang ulo ng tiyanak pero bigla siya kinagat ng nilalang sa paa. “Away!!! Hindi akow fagkain!!!” sigaw ng bampira. Mula sa mga puno sumugod ang ilang pang tiyanak. Akala ni Tuti mga gutom lang sila kaya nakayanan pa niya tumawa.
Lumabas narin ang mga tikbalang at mga aswang, lahat sinugod ang bungal na bampira kaya si Berto din a nagustuhan ang mga pangyayari. “Tuti!!! Kalaban sila!” sigaw ng multo na nagtago sa taas ng isang puno.
Pumipiglas si Tuti pero may dalawang tiyanak na nakakagat sa mga paa niya. Tumayo ang bampira at hinawakan ang dalawang tiyanak sa ulo sabay pinag umpog. “Nyeta kayo!!! Forke wawa akong ngwipin ha!!! Mang iinggit fa kayo!!!” sigaw niya sabay mabilis siya gumalaw at nilabanan ang lahat na sumugod sa kanya.
Kayang kaya ni Tuti ang mga tiyanak, madali niya ito napapatapis. Sumugod narin ang mga tikbalang at dito talaga nasubukan ang lakas ng bungal na bampira. “Sige Tuti! Laban! Wag ka matakot sa laki at dami nila!” sigaw ni Berto. “Shadaf!!!” sagot ng bampira sabay nagawa niyang patapisin ang tatlong tikbalang.
“Kayo akawa niyo fifitshugin ako ha. Akawa niyo wawa ako shilbi ha!” sigaw ni Tuti at lalo siyang naging mabangis. Kinarne ni Tuti at isang tikbalang pero nakagat siya sa likod ng isang aswang. Limang aswang ang bumuhat sa kanya sa ere sabay mabilis nila ito binitawan.
Bagsak si Tuti sa lupa kung saan sampung tikbalang ang nag aabang at pinagtatadyakan siya. Takot na takot na si Berto pero nakita niya na nakabangon muli ang bungal na bampira at napatay ang dalawang kalaban niya.
Sa paligid, padami ng padami ang sumusugod na tiyanak, aswang at tikbalang. Kinakabahan na si Berto pagkat may limang tiyakan na nakakagat sa katawan niya at binubugbog siya ng mga tikbalang. “Vertwooo!!! Kaiwangan ko ng dugooo!!!” sigaw ng bampira. “Multo ako wala akong dugo!!!” sagot ni Berto.
Nahawakan ng mga nilalang ang bampira saka siya pinagtawanan. Sinubukan ni Tuti kumagat sa paa ng isang kapre pero naalala niya na bungal pala siya. Lalong nagtawanan ang mga tiyanak at tikbalang kaya nabitawan nila si Tuti.
Pinalibutan nila ang bampira at pinagtatawanan siya. “Nasan ang mga libro ng kapangyarihan?” tanong ng isang malaking tikbalang. “Akawa niyo forke madami kayo di ko kayo wawavanan!?” sigaw ni Tuti at lalo pang nagtawanan ang mga kalaban niya. “Sumuko ka na bungal! Kahit wala kaming kapangyarihan masyado kami madami at nanghihina ka na” sabi ng isang aswang.
“Tutilous!!!” biglang sigaw ng isang babae kaya napalingon lahat. Sa tuktok ng isang puno doon nakatayo si Anhica. Hawak niya ang espada ni Paulito at isang manika na kamukha nung bampira. Hinagis ni Anhica ang espada at tumayo si Tuti at nasalo ito.
“Tutilous?!!!” ulit ng isang tiyanak at lalo pang nagtawanan ang mga nilalang. Ang bungal na bampira biglang nagbaga ang mga mata niya. Napaatras ang mga kalaban pero ang buong katawan ni Tuti tila may pulang kuryente na dumadaloy. Humaba dahan dahan ang buhok ng bampira, katawan niya sumigla at dahan dahan tumutubo ang mga ngipin niya.
“Oo Tutilous ang pangalan ko, iniismall niyo ako ha!!!” sigaw ni Tuti at nagulat ang lahat. Si Berto at Anhica gulat din sa nakikita nila, nag iba bigla si Tuti at napakalakas niya. Iba na si Tuti, mas mabilis siya gumalaw, mas malakas na siya at gamit ang espada mabilis niyang napatay ang madaming tikbalang.
Walang sinanto si Tuti, kahit ang mga lumilipad na mga aswang hindi niya pinakawalan. Tumabi si Berto kay Anhica, pareho silang tulala. “Sigurado bang alalay lang yan?” tanong ng multo. “Oo e…ano nangyari?” sagot ng dalaga. “Alalay lang yan? Nakakatakot siguro amo niya…si Paulito…ano ba yon?” tanong ng multo. “Saan kweba ka ba nagtago?” sumbat ng dalaga na aliw na aliw sa bungal na bampira.
Ilang minuto pa si Tuti nalang ang nakatayo, may dalawang tiyanak na nakatakbong palayo dala dala ang isang sako. “Nakatakbo sila o, dala ata gamit niyo!” sigaw ni Anhica. “Hayaan mo sila makatakas, tara sa baba” sabi ni Berto.
Hingal na hingal si Tuti, nanginginig pa ang buong katawan niya at ang esada na hawak niya punong puno ng dugo. Dahan dahan lumapit si Anhica sa bampira at pinagmasdan ang mukha nito.
“Tuti? Ano nangyari? Ang haba ng buhok mo at may ngipin ka na” sabi ng dalaga. Tumawa ang bampira at nagpasikat. “Masanay na kayo, ako na ito. Hindi na ako ang dating bampira na kilala niyo!” sagot ni Tuti sabay tumawa ng malakas.
“Tuti…nalalagas ang buhok mo” sabi ni Berto at unti unti nagsisilagas ang buhok ng bampira. Ilang sandal pa ang mga ngipin niya isa isa din naglaglagan. “Shwet naman o! Vakit ganwito?” sigaw ng bampira at nagtawanan ang multo at dalaga.
Dismayado si Tuti pero nakipagtawanan siya sa mga kasama niya. Pati siya hindi maipaliwanag ang nangyari sa kanya pero ang ebidensya malinaw, madami siyang nilalang na napaslang at nagkalat ang mga katawan nila sa paligid.
“Sigurado kayo hindi importante ang laman ng nakuha nila?” tanong ni Anhica. “Oo, mautak din pala tong bampirang to e” sabi ni Berto. “Oo nga fala, Anhica etwo shi Vertow, bashta ishang multo” sabi ni Tuti. “Tagabantay ng templo! Ito naman magpapakilala nalang mutlo lang e. Parang wala naman akong silbi” reklamo ni Berto.
“Shadaf! Vertow eto shi Anhica, dating multow pewo o ha, hindi na sha muwto! Diwata sha” pakilala ni Tuti. “Ano?! Dating multo? Pano ka nakabalik? Pano? Ituro mo sa akin” sabi ni Berto.
“Ha? Ewan ko paano, sumanib sa akin ang kaluluwa ng sugo at eto nakabalik ako. At linawin ko lang hindi ako diwata!” sabi ni Anhica at nagulat yung dalawa. “Ano?!!! Hindi ka diwata?!” tanong ni Berto. “Hindi, kinupkop lang ako ng mga diwata nung bata ako” sabi ni Anhica.
“Tuti!!! Sabi mo diwata siya!” reklamo ni Berto. “Eh? Akala ko diwata sha e. Hindi ka diwata?” tanong ni Tuti. “Hindi! Kinupkop ako ng mga diwata, pinalaki nila ako bilang diwata pero hindi ako diwata” sagot ng dalaga at tila nawalan ng lakas ang dalawa.
“Bakit ba? Ano ba meron?” tanong ng dalaga. “Hindi natin pwede pag usapan dito. Tuti balikan mo na ang mga libro. Saan ka ba nakatira Anhica?” sabi ni Berto. “Doon sa dating bahay ni Wookie. Ano ba kasi problema?” sagot ng dalaga.
Mabilis na umalis si Tuti, “Tara na sa tahanan mo at doon ko ipapaliwanag. Sigurado ka bang hindi ka diwata? Wala ka bang kapangyarihan nila?” tanong ni Berto. “Ah..meron konti pero iba e. May mga tinuro sila pero yung iba hindi ko magawa, yung iba kayak o” sagot ng dalaga. “Hmmm…pwede narin siguro yon. Subukan nalang natin” sabi ni Berto. “Ano ba yon?” hirit ni Anhica. “Doon ko nalang ipapaliwanag iha, wag dito at baka madaming nakikinig na ibang nilalang” sabi ng multo.
Sa loob ng bahay ni Tuti pinaliwanag ni Berto lahat kay Anhica. Ilang sandali lang nakarating na si Tuti pero nakatayo lang sa may pinto. “Ano pa inaantay mo diyan pumasok ka” sabi ni Anhica. “Hindi fwede, kailangan imbitahin mo akow fumashok” sabi ng bampira. “Ano? Anong kaartehan yan?” tanong ng dalaga.
“Iha, ganon talaga ang mga bampira. Di sila pwede makakapasok sa isang tahanan. Kailangan sila maimbitahan pumasok” paliwanag ni Berto. “Ah…halika pasok ka sa loob Tutilous” bigkas ni Anhica at agad na pumasok ang bampira na dala ang isang sako.
“Ito ang mga sinasabi mong mga libro?” tanong ni Anhica. “Oo, naaral na ni Aneth lahat yan at gumamit siya ng kakaibang dasal ng diwata. Akala namin diwata ka at magagaya natin nagawa niya” sagot ng multo. “Ibig mo sabihin makapangyarihan na masyado si Aneth?” tanong ni Anhica.
“Oo ganun nga pero sa ngayon naglalakbay siya para hanapin ang mga diyamante. Hindi pa niya alam para saan ang mga diyamante kaya bago aksidenteng mapagtagpo ang anim kailangan natin siya pigilan” paliwanag ni Berto.
“Teka, kung makapangyarihan na siya…at naaral na niya lahat ito…ano pa ilalaban natin? Kahit maaral natin ito e nasa kanya na lahat” tanong ni Anhica. “Nasa kanya na nga lahat pero wag dapat tayo mawalan ng pag asa. Kung makahanap tayo ng sapat na nilalang para aralin ang mga librong ito, madami ang haharap sa kanya”
“Oo hawak niya lahat ng kapangyarihan pero mahihirapan naman siya makalaban ang madaming nilalang na makapangyarihan din. At isa pa, dapat mapigilan natin siya bago niya makamtan ang huling libro” kwento ni Berto.
“Hindi ko alam pag kaya ko yang sinasabi niyo. Hindi talaga ako diwata e” sabi ni Anhica. Kinuha ni Tuti ang libro ng mga diwata at inabot kay Anhica. “Eto, Verto ituro mo sha kanya ang kailangan niya pawa magawa niya yung dashal. Sha ngayon tayo ang pag asha ng kahawian, kaiwangan natin shubukan” sabi ni Tuti.
“Tama si Tuti, oras ang kalaban pero sige aralin mo ang madadaling kapangyarihan ng diwata. Importante lang naman matutunan mo pano maidasal at maglabas ng kapangyarihan, yung iba pag nagtagumpay tayo ay mabilis mo nalang maaral” sabi ni Berto.
“E pano kung nagkamali ako? Natatandaan ko ang aral ni Punong diwata, pag may ibang nilalang na sumubok gumamit ng kapangyarihan ng diwata, maaring magtagumpay ito o kaya kamatayan ang kapalit. Kamatayan pag hindi nagawa ng maayos” sabi ng dalaga.
“Awalin mo, shubukan mo sha akin. Ayosh lang. Pag pumalfak, hanaf kayo ivang vampiwa na pagshushubukan. Kailangan natin shubukan. Wala tayo choysh kundi shumugal” sabi ni Tuti. “Sige na iha, kailangan talaga natin gawin ito. Kung hindi ka magtagumpay ayos lang. Ang mahalaga ay sinubukan natin” sabi ni Berto at kinabahan si Anhica.
Sa kabilang dako ng kaharian nagwawala si Berkas at binubugbog ang nakatakas na mga tiyanak. “Wala kayong kwenta! Sana tinignan niyo man lang ang laman ng sako!” sigaw ng bampira.
“Berkas! Itigil mo na yan! Hindi nila kasalanan!” sigaw ni Dwardo na pinagtanggol ang mga kampon niya. “Pero sinayang nila ang oportunidad na ito! Wala tayo nakuha ni isang libro tapos nalagasan pa tayo ng madaming kampon!” sigaw ni Berkas.
“Ikaw nagpadala ka ba ng kampon mong mga bampira? Wala kang karapatan magalit!” sigaw ni Raika. “Mga alagad, ano ang nangyari?” tanong ni Dwardo sa mga tiyanak.
“Yung bungal na bampira…malakas siya. Sobrang lakas niya. Sabi niyo mahina lang siya pero napakalakas niya” sabi ng isang tiyanak. “Si Tuti malakas? O sadyang mahina lang kayo. Tama dapat mga bampira nalang pinadala natin” sabi ni Berkas.
“Tumahimik ka! Ayaw mo lang malagasan ang mga bampira kaya kami ang pinadala mo! Makasarili ka talaga! Ngayon dahil sa kasakiman mo ay wala tayong napala. Palpak tayo!” sigaw ng tikbalang.
“Hindi na natin sila pwede balikan, malamang naaral na nila ang mga libro kaya makakarne lang tayo. Kailangan natin ang mga bruha” sabi ni Dwardo. “Sang ayon ako sa iyo, pakawalan mo na ang mga bruha!” sabi ni Raika.
Tumayo si Tikyo sa tabi ni Berkas, mabilis niya dinagok ang ulo ng bamira. Si Raika nilabas ang mahabang dila niya sabay pinatigas, sinaksak ito sa puso ng bampira at mga tiyanak pinagkakagat ang mga paa at kamay ni Berkas.
“Anong ginagawa niyo!!!” sigaw ng bampira na pumipiglas. “Wag ka nang lalaban Berkas. Ito lang ang paraan para mapaamo ang mga bruha. Iaalay natin ang propesya ng mga tala…pati ikaw!” sigaw ni Raika sabay tawa.
“Tiyak na matutuwa ang mga bruha, lalong lalo na pag makakaganti sila sa nilalang nag nagpakulong sa kanila. Berkas wag ka na pumalag, para sa ating lahat ito. Wag kang mag alala hindi namin makakalimutan ito. Sabi mo ang nakasaad laging magkakatotoo, magiging parte ka ng kasaysayan Berkas” bulong ni Tikyo sa bampira.
“Pakawalan na ang mga bruha!!!”
(Join our Facebook page, CLICK HERE )