Twinkle Twinkle 2: Bagong Delubyo
by Paul Diaz
by Paul Diaz
Chapter 8: Libro ng Kadiliman
“Nakwento ko sa iyo ang pagkahati ng nga ninunong nilalang sa dalawang kampo. Liwanag at dilim. Yung mga tumiwalag na mga nilalang, mga kampon ng kadiliman ay naghanap ng ibang pagkukunan ng kapangyarihan”
“Patago sila nag aral pagkat wala silang laban sa kampon ng liwanag sa mga panahon na yon. Mga kampon ng liwanag naging kampante pagkat nasa kanila na ang mga pinakamakapangyarihang mga nilalang, pero nagkamali sila”
“Desprado ang kampon ng kadiliman, kaya sa tunay na hari ng kadiliman sila kumuha ng lakas. Ang demonyo mismo ang nagbigay sa kanila ng kapangyarihan ngunit malaki ang kapalit nito. Kinakailangan na may alay sila lagi sa demonyo, alay na mga tao”
“Bawat buwan pumapatay sila ng mga tao para lang mapanatili ang ugnayan nila sa demonyo. Sa tagal ng panahon inaral nila ang kanilang bagong kapangyarihan at lalong nagpalakas. Gumawa din sila ng sarili nilang libro at nung tingin nila kaya na nila ang kampon ng liwanag ay nagparamdam na sila”
“Ang di nila alam nauna nang gumalaw ang kampon ng liwanag at inatake sila. Naging mapangahas at madugo ang labanan. Madaming namatay na mga nilalang sa magkabilang panig pero madami din taong nadamay kaya tuwang tuwa ang demonyo”
“Sa huli gumalaw na ang demonyo at naglabas ng mga kampon niya para makuha ang buong kaharian. Mga nilalang ng liwanag at kadiliman ay nagsanib pwersa para mapigilan ang kampo ng demonyo. Natalo ang demonyo at naipabalik nila ito sa impyerno”
“Nakuha ng kampo ng liwanag ang libro ng kadiliman. Sinubukan nila sirain ang libro pero hindi nila magawa. Ayaw masira ng libro kaya nagpasya ang mga punong nilalang na itago nalang ito. Di lang tago, gumamit sila ng kakaibang kapangyarihan para dito”
“Gamit ang salamangka ay tinago nila ang libro sa ibang dimensyon. At tanging makakabukas sa dimensyon na yon ay anim na susi. Mga susing ito ay mga diyamante, pag nagsama muli ang anim saka lang magbubukas ang dimensyon na yon”
“Anim na punong nilalang naghiwalay para itago ang mga diyamante. Wala nang iba pang nakaalam ng lokasyon ng mga diyamante, yon ang akala nila. May nagmamasid sa kanila at nasundan ang anim na nilalang. Sinubukan ng mga nilalang na iyon na kunin ang mga diyamante ngunit napigilan sila”
“Noong nagpasya na ang mga punong nilalang na itago ang mga libro ng kapangyarihan sa templo, nakita kong nagpahuli ang punong tikbalang at naglabas ng mapa. Gamit ang salamangka nahati ang mapa at isa isa pumasok sa mga libro”
“Ngayon nakita ni Aneth ang mapa at pag nabuo niya yung anim mapapalabas niya ang libro ng kadiliman” kwento ni Berto.
Pagod ang utak ni Nella sa narinig niya, tumayo sya at bumalik sa kama para maupo. “Pero alam mo sabi ni Aneth kulang daw ng dalawang libro e” sabi niya. “Oo tama, libro ng mambabarang at libro ng mga bampira” sabi ni Berto.
“Yung libro ng mambabarang ay pinamigay nila sa mambabarang na magbabantay sa hari noon” dagdag ng multo. “At yung libro ng mga bampira?” tanong ng reyna at mula sa katawan ng multo may isang libro na lumabas. “Eto tinago ko” sabi ni Berto.
“Delikado tayo! Pag nalaman ni Aneth na nasa sa atin yan tayo ang kawawa!” sigaw ni Nella sa gulat. “Nabasa ko ang laman ng libro ng mga ninuno, alam ko ang mangyayari. Mahahanap ni Aneth ang anim na diyamante pero sabi ko siguro pag suwayin ko konti ang nakasulat ay magkakaroon tayo ng oras para makahingi ng tulong” sabi ni Berto.
“E sabi mo kung ano ang nakasulat, masusunod at masusunod yon diba?” tanong ni Nella. “Oo ganon nga. Pero ginawa ko ito para magkaroon tayo ng oras para makahanap ng tulong, baka sakali magbago ang kapalaran ng kaharian” sagot ng multo.
“Teka magulo pa ito lahat e, matagal ko nang kilala si Aneth. Parang ang hirap paniwalaan na ganon siya” sabi ng dalaga. “Halika sa kwarto niya” sabi ni Berto at nagtungo ang dalawa sa katabing kwarto.
Nakita ni Nella ang nagkalat na mga libro sa sahig at mga pahina na pinagsama sama. “Buksan mo ang libro sa gitna, punitin mo ang pahina at sigurado ako yan ang isa sa nawawalang parte ng mapa” sabi ni Berto. Nahanap ni Nella ang gitna ng libro at napansin niya pareho ang pagkasulat sa mga pahina sa sahig. Agad niya pinunit ito at dinikit sa iba. “Hindi naman mapa ito e” sabi niya.
“Tumayo ka sa tabi ko” utos ng multo at pagkatayo palang ni Nella ay nakita na niya ang mapa. “Totoo nga…pero kulang ng isa. Limang lokasyon lang nakikita ko…e di hindi parin magtatagumpay si Aneth kasi wala yung libro ng mambabarang” sabi ng dalaga.
“Nella ang nakasulat sa libro ng mga ninuno ay mabubuo ng diwata ang anim na diyamante at mapapasakanya ang libro ng kadiliman. Yun ang nakasaad kaya kahit na ganito may paraan parin na mapapasakanya ang anim” sabi ni Berto.
“E kung ganon ano ang pwede natin gawin? Saan tayo hihingi ng tulong?” tanong ng dalaga. “Kailangan natin itakas ang mga librong ito, kailangan natin maghanap ng mga nilalang na pwede natin mapagkatiwalaan para aralin nila ang laman ng mga libro. Para may panlaban tayo” sabi ng multo.
“Aralin ang laman ng mga libro? Naaral na ba ni Aneth ang lahat ng ito?” tanong ng dalaga. “Oo, kakaiba ang ginamit niyang salamangka pero nadinig ko ang dasal niya. Wala akong kapangyarihan kaya kailangan natin maghanap ng mapagkakatiwalaang diwata. Ituturo ko sa kanya ang dasal, tapos yung mga napiling mga nilalang mabilis nila maaral itong mga libro” paliwanag ni Berto.
“Tara sa gubat, doon tayo maghanap!” sabi ng reyna. “Wag! Delikado yan. Kahit di pa nila alam ang tunay na ugali ni Aneth ay meron parin mga nilalang na loyalista. Sa ngayon mahihirapan kang patunayan ang alam mo at di mo pwede ipakita tong mga libro. Kailangan natin yung tunay na mapagkakatiwalaan mo lang at wala nang iba” sabi ng multo.
Napaluhod si Nella sa sahig at napaisip, “Ang mga kaibigan ko lang ay mga disipulo…si Anhica!!! Oo nga diwata ata siya! Pero umalis siya, pwede natin siya hanapin!” bigkas ng dalaga. “Mapagkakatiwalaan ba yan?” tanong ni Berto. “Oo sigurado ako, pati si Tuti! Kailangan natin sila mahanap!” dagdag ni Nella.
“Tuti? Narinig ko sinabi ni Aneth ang pangalan na yan. Sabi niya pinapatay na niya yang si Tuti” sabi ni Berto at nagulat si Nella at napasigaw. “Ano?!!! Hindi! Umalis daw si Tuti!” sabi ni Nella. “Sino nagsabi sa iyo umalis siya?” tanong ni Berto at napayuko ang ulo ng dalaga. “Si Aneth…pinatay nila si Tuti?” sabi ni Nella at agad tumulo ang luha sa mukha niya.
“Teka teka wag kang iiyak iha. Sabi ko sinabi ni Aneth na pinapatay na niya si Tuti pero may nakita akong nangyari nung nakaraang gabi sa labas ng palasyo” kwento ni Berto. Pinunasan ni Nella ang mga mata niya at tinignan ang multo, “Hindi patay si Tuti?” tanong ng dalaga.
“Ewan ko, halika sa labas” sabi ni Berto at nagmadali ang dalawa sa labas ng palasyo. Tumayo ang multo sa ibabaw ng hukay at mabilis nagkalkal si Nella. Ilang sandali pa nakalabas ang mukha ni Tuti at napasigaw si Nella. “Tuti!!!” sabi niya at bumilis pa ang pagkalkal niya.
“Tulungan mo na ako kaya!!!” sigaw ni Nella at tumulong na si Berto. Nailabas nila sa lupa si Tuti pero walang buhay parin ang katawa nito. “Anong nakita mong nangyari?” tanong ni Nella. “Isang espiritu na pumasok diyan sa lupa” sagot ng multo. Kinagat ni Nella ang kamay niya hanggang sa dumugo ito. Binuka niya ang bibig ni Tuti sabay pinatulo ang dugo niya.
“Hindi ba bawal yang ginagawa mo iha? Bawal sa mga bampira ang dugo ng tao” paalala ni Berto. “Sabi ng batas yon, kaibigan ko ito at ako ang reyna” sagot ni Nella. Pinainom pa ni Nella ang dugo niya kay Tuti, ilang sandali pa ay napansin niyang nagbabagang pula ang mga kamay ng bampira.
Hinila ni Berto si Nella palayo habang buong katawan ni Tuti nagliyab na. Umangat sa lupa ang katawan ng bampira, ilang saglit lang bagsak ulit ito sa lupa sabay humupa ang baga. “Dhughoooo” bulong ni Tuti at sa tuwa agad lumapit si Nella at niyakap ang kaibigan niya.
“Tuti!!! Buhay ka!” sigaw ng dalaga at napakamot ang bungal na bampira. “Nella may mashamang nangyawi sha mga dishipuwo” bulong ni Tuti. “Mamaya ka na magkwento Tuti, magpalakas ka muna. Akala ko patay ka na” sabi ni Nella. “May kailangan ka malaman thungkol kay Aneth” dagdag ng bampira. “Oo alam ko na ang tungkol sa kanya. Magpahinga ka muna Tuti, ramdam ko nanghihina ka pa” sabi ng reyna.
“Kailangan ko pha ng dhugo” sabi ng bampira at nilapit ni Nella ang kamay niya. “Nella wag, phaphagalitan ako ni Boshing. Nalalashahan ko na phinainom mo akwo ng dugo mo phero tama na yon. Maghahanaph nalang ako ng phagkain ko” sabi ng bampira pero dinikit ni Nella ang kamay niya sa bibig ni Tuti. “Sige na, kuha ka ng sapat para sumigla ka. Mamaya ka na kumuha ng mga hayop” utos ng dalaga at nahiya pa si Tuti.
Nang bumalik konti ang lakas ni Tuti, nagpunta ito sa gubat para maghanap ng baboy. Bumalik siya ilang minuto at nanibago si Nella sa itsura niya. “Nasan na yung pagkain mo?” tanong ng dalaga. “Taposh na ako khumain, hiya kasha ako” sabi ng bampira. “Nahiya ka pa, Berto labas at magpakilala ka na” sabi ni Nella at mula sa likod niya nagpakita ang multo.
“Tuti, ito si Berto. Siya ang multo na tutulong sa atin. Alam ko kagigising mo palang pero kailangan natin hanapin si Anhica” sabi ng reyna. “Nella, ang mga disipulo na kasama ni Aneth ay hindi mga tunay na disipulo” sabi ni Tuti.
“Anong ibig mo sabihin?” tanong ni Nella. “Kinuha ni Aneth ang mga kapangyarihan ng mga disipulo tapos kinalat sila sa buong kaharian. Yung mga kapangyarihan ng mga disipulo pinasok niya sa mga impostor. Yung mga impostor ang tumira sa akin” kwento ng bunging bampira.
“Kaya naman pala iba ang kinikilos nila. Sabi mo kinalat sila sa buong kaharian? Berto baka pwede sila. May Santelmo, dwende, taong lobo, kapre, isang nagpapalit ng anyo at mga bampira” sabi ni Nella at napaisip ang multo.
“Maari pero Nella kailangan natin magmadali at importante ang diwata. Kung nahanap ang diwata dalawa na agad ang makapangyarihang na nilalang” sabi ni Berto. “Dalawa? Si Anhica at Tuti ang mag aaral ng mga libro?” tanong ni Nella. “Oo wala na tayong oras. Pag naaral na nila kailangan natin magmadali hanapin yung mga disipulo. Sa ngayon oras ang kalaban natin pagkat nasa daan din si Aneth at hinahanap ang mga diyamante” sabi ng multo.
“Tuti kaya mo ba hanapin si Anhica?” tanong ni Nella. “Dhala niya eshpada ni boshing, pawa akong may magnet sa eshpada na yon. Mahahanap ko ang eshpada shana kashama shiya” sagot ng bampira. “O tara na puntahan na natin” sabi ng reyna.
“Nella, kami lang ni Tuti ang pupunta. Kailangan mo maiwan dito para sakaling bumalik si Aneth ay di niya mahahalata na gumalaw na tayo. Kailangan din natin kopyahin ang mga libro ng mabilis pero wala tayong kapangyarihan kaya Nella kailangan mo gumawa ng kapareha ng mga libro. Kukunin namin ang mga tunay at ikaw na bahala gumawa ng peke. Naaral na ni Aneth ang mga libro kaya malamang hindi na niya bubuklatin muli sila”
“Basta gumawa ka ng kaparehong itsura at wag kang matatakot pagkat bilang tagapamahala ng kaharian hindi ka niya pwedeng saktan. Isa yan sa mga sumpa ng mga sinaunang nilalang. Galingan mo sa pag gawa at kami na bahala ni Tuti maghanap sa diwata at sa iba” sabi ni Berto.
“Madali lang yan, may mga taong makakatulong sa akin. Sige kunin niyo na ang mga libro” sabi ni Nella. Ilang minuto ang lumipas at handa nang umalis si Tuti at Berto, si Nella nag aalala.
“Mag ingat kayong dalawa. Sana mahanap niyo si Anhica at yung iba” sabi ng reyna. “Tuti, hindi madali itong gagawin natin. Hahanapin natin ang diwata at kasabay non kailangan natin bantayan ang mga libro. Pag may nakaalam na dala natin itong mga libro sigurado ko aatakehin tayo ng mga ibang nilalang para makuha nila ito. Handa ka ba Tuti sa pagdadaanan natin?” tanong ng multo.
“Oo. At Nella wag ka matatakhot. Nainom ko dhugo mo kaya pag nasha panganib kha mavilish ako makakavalik ditho at iligtash ka. Fag magthagumfay kami mathuthuwa din shi boshing” sabi ng bampira.
“Tuti…kahit na wala na si Paulito iniisip mo parin siya. Di mo pa ba tanggap na wala na siya?” tanong ng dalaga. “Nung una akhala kow wala na sha. Pewo pawing nawawamdaman kow he ish ahlayb” sabi ni Tuti.
“Berto, nabasa mo naman ang libro ng mga ninuno. Sigurado ko may labanan na magaganap. May malakas na bampira ba lalaban kay Aneth?” tanong ni Nella at tahimik lang ang multo.
“Berto! Sumagot ka!” utos ng reyna. “Sa libro ng ninuno walang mga pangalan na nakasulat. Oo naksaad don na may malakas na bampira at malakas na diwata na magsasamang makikipaglaban” sabi ng multo.
“Oh?! E di buhay si Paulito?” tanong ni Nella. “Hindi ko alam, pero isipin mo iha pag nahanap namin ang diwata. Siya at si Tuti ang unang magbabasa sa libro, diwata at bampira na malakas. Si Tuti at si Anhica” dagdag ng multo at napabuntong hininga ang dalaga.
“Hindi natin alam, pero yun ang nakasaad lang, isang malakas na bampira at isang malakas na diwata. Siguro nakasaan din sa libro ang ginawa ko pero di na nasulat. Kasi pag titignan mo ang binabalak natin mukhang bahagi na ako sa mga magaganap kung sakali” hirit ni Berto.
“Wag kha malungkowt Nella. Magfafalakash ako at lalavanan ko yang Aneth na yan!” sabi ng bampira at napangiti ang dalaga.
“Magpapalakas ka, mahahanap natin ang diwata pero hindi si Aneth ang makakalaban niyo kung sakali” biglang sabi ni Berto at nagulat yung dalawa. “Anong ibig mo sabihin?” tanong ni Nella.
“Nakasaad sa libro na magtatagumpay si Aneth sa pagpapalakas at pagbuo ng mga diyamante pero hindi siya ang nakasulat na panganib sa huli. Pagkat sa huling laban na nakasaad sa libro hindi diwata ang makakaharap ng malakas na bampira at diwata…”
“…ang makakaharap nila ay ang hari ng kadiliman mismo!”
( Join our Facebook discussion, CLICK HERE )